Ate charo,para po akong ni-rape. Nakahiga kami ngayon ni Chance sa kama ko at katatapos ko lang siyang bugbugin.
Ikaw ba naman pasukan ng malaking sandata na may dalawang bulitas,idagdag pa na ngayon lang ulit ako napasok,aba'y matinde! Edi mapapa wow ka talaga!
Nyemas lang talaga! Nagdugo siya te! Para akong dinatnan ng monthly period. Panay sorry si Chance pagkatapos ko siyang patikimin ng combo ko.
"Chance?" pagtawag ko kay Chance nakayakap pa din sa akin.
"Hmmm?"
"Makalakad pa kaya ako? Ang sakit sakit talaga eh! Pwede bang patanggal mo yan? Or else,hindi ka na makaka score!" direderetso kong sabi kaya humiwalay ng yakap si gago.
"Sige,papatanggal ko ito. Sorry talaga,akala ko magugustuhan mo eh." paglalambing niya at hinalikan ako sa noo kaya kinilig na naman ako.
"Chance?" tawag ko ulit. Ako naman ang yumakap sa kanya. Nasa dibdib niya ang ulo ko kaya dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na pag pintig ng puso niya.
"Ano yon,Jiko?"
"Kamusta na ang pamilya mo?" lakas loob kong tanong. Yun naman kasi talaga ang bumabagabag sa akin. Kailangan ko ng linaw kung may patutunguhan pa ba kami ngayon.
Umayos siya ng higa,tumihaya at ginawang unan ang braso saka parang natulala.
"Healthy ang baby boy ko,kamukhang kamukha ko siya." aniya at ngumiti sa kawalan. Napangiti din ako,sobrang proud niya siguro,ang sarap siguro sa pakiramdam na isa ka ng ama. Kahit bata pa siya pinanindigan talaga niya.
"Talaga? Masaya ako para sayo." totoo sa loob na sabi ko.
"But her mother died after giving birth to him." sumeryoso si Chance. Ako naman ay nagulat at napanganga. Namatay si Vane? "May sakit pala siya sa puso,tumigil ang heartbeat niya pagkapanganak niya mismo kay baby."
Hindi ako nakapag salita. I was caught off guard. Bakit kailangang danasin iyon ni Vane? Kahit naging karibal ko siya kay Chance ay hindi naman siya nagpakita ng pagkamasama ng ugali,I find her sweet and loyal to Chance before.
Pareho kaming tahimik ni Chance. Napatingin lang din ako sa kisame at napatulala. It must have been hard for him,minahal din niya si Vane,si Vane ang nagtyaga at nagmahal sa kanya kahit pa man hindi pa kami nagkaka kilala ni Chance.
"Chance..."
"Pero okay na,Jiko. Kinausap ko mga parents ni Vane,at naintindihan nila. Hindi nga lang nagustuhan nina Mama at Papa ang pag uwi ko dito. Pero huwag kang mag alala,kaya natin ito." aniya,nilingon ako at ngumiti.
Ako na mismo ang yumakap at humalik sa kanya. At kahit masakit pa ang butas ko ay nagpaubaya ako. Muli akong pinasok ni Chance,balewala ang sakit na ito kumpara sa pagmamahal niya sa akin. I guess,masasanay din ako at hindi na niya iyon kailangang ipatanggal.
Umibabaw na ako kay Chance,ako na ang gumagalaw para matantya ko ang hapdi at sarap. Hawak ni Chance ang bewang ko at ako naman ay nakatingala at nagtatawag ng mga santo.
Nadinig kong bumukas ang pinto.
"Kiji! Nag uwi kami ng pagkain--Tang ina?! Ano yan?!" boses ni Papa. Nagulat kami ni Chance,pagtingin namin sa pinto ay sumara na ito. "Ma! Mukhang busog pa si Kiji! Pinapakain siya ni Chance!!"
Nagkatinginan kami ni Chance at napangisi.
"Si Chance?!" dinig pa naming sigaw ni Mama. Kaya ang ginawa ko ay binilisan ko na ang pagtaas baba,tutal puro sarap na nararamdaman ko dahil may kung anong natatamaan si Chance sa kaloob looban ko.
"Ah! Jikooo!! Ayan naaaa!!" naramdaman kong sumabog sa loob si Chance kasabay ng pagsabog ko din. Hindi ko na alam kung anong sasabihin dahil sa sarap ng pag abot namin sa ika siyam na glorya.
Kinabukasan ay ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nasa America ako at umuulan ng snow dahil sa sobrang lamig. Hindi ko na mapigilan ang panginginig.
Madaling araw umalis si Chance at humirit pa. Sino ba naman ako para tumanggi sa taong mahal ko. Yun nga lang,eto napala ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Mama karga si baby.
"Kiji,maaga pasok mo ngayon diba? Sabay na kayo ng papa mo kumain." ani Mama at lumapit. "Ang init init nagtatalukbong ka dyan?!"
"Ma,pakipatay ang aircon,sobrang lamig naaaa." nangangatal kong sabi.
"Ambisyosa! Wala tayong aircon. Ano bang nangyayari sayo?" ani Mama,lumapit at kinapa ang noo ko. "My golly! Nilalagnat ka. Saglit!"
Lumabas na si Mama at nagtalukbong ulit ako. Kingina,nanibago siguro ako kaya ako nilagnat! Grabe naman kasi si Chance eh! Ako naman eh gustong gusto din,ayan tuloy!
Ang serep nemen kese eh!
Pagbalik ni Mama ay may dala ng pagkain at gamot.
"Kumain ka at uminom nyang gamot. Umalis na Papa mo,ayaw din sana kitang iwan pero kailangan namin ni Baby pumunta sa clinic."
"Ma,may wheelchair ba tayo o saklay?" ang agad ko namang tanong.
"Wala tayong ganon Kiji! Napilayan ka ba sa paa kaya ka nilalagnat? Bakit walang binanggit si Chance kagabi nung kausap namin siya ng Papa mo?"
"Wala po Ma. Sige,itetext ko na lang si Chance. Don't worry about me." siyempre,hindi ko sasabihing nilagnat ako dahil sa sobrang sex. At hindi ko din sasabihin na sobrang masakit ang butas ko at pakiramdam ko hindi ako makakalakad. Kahit pa pinagalitan kami ni Papa kagabi ay hindi kami nagpa awat nung madaling araw.
Ang ending,eto nilalagnat ako,absent sa school. Sex pa more! Nyeta ka Kiji!
Umalis na si Mama,kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at nag scroll sa contacts para itext si Chance.
Halos ihagis ko ang phone ng ilang beses na ako paulit ulit na nag scroll,saka ko lang narealize na wala nga pala akong number ni Chance!
My gowd! Bakit ba hindi ko agad hiningi number niya? Namanyak kasi agad ako eh.
Paano 'to? Ako mag aalaga sa sarili ko? Waaahh! Hindi ako marunong mag alaga ng may sakit! Paano ko aalagaan ang sarili ko?
And so,kailangan ipaalam ko sa school na absent ako dahil sa severe fever ko. Wow! Severe! Kaya ang ginawa ko ay nag GM ako sa mga classmates ko.
And you know what? Hindi na pala ako unli at hindi ko alam kung kanino lang na send ang GM ko dahil tres lang pala ang extra ko.
Sumasakit ang ulo ko sa bwisit,kaya nagdesisyon na lang ako na matulog,baka pag gising ko wala na akong lagnat,tutal naman nakakain at naka inom na ako ng gamot. Pag hindi nawala ang lagnat ko,susugurin ko lahat ng pharmacy o botika sa buong pasig at magwewelga ako na hindi effective ang produkto nila.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising. Basta bumangon na ako dahil tuyot na lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako. Kaya kahit masakit ang katawan ko ay bumangon ako,hirap ako sa paglalakad,parang nalapnos ang balat ko sa parteng iyon at mahapdi. Gayunpaman ay tinalunton ko pa din ang tuwid na daan,gusto ko kasing sundin ang sabi ni Pnoy,dun tayo sa tuwid na daan.
Pagdating sa kusina ay agad akong uminom ng tubig. Nakakadalawang baso na ako ng may kumatok.
"Baka si Chance." ani ko. Pero bakit siya kakatok? May spare key naman siya? Ay! Baka naiwan ni gago.
Pagbukas ko ng pinto ay ang nakapamulsang si Arloo ang nabungaran ko.
Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito Arloo?" ani ko.
"Baka gusto mong papasukin muna ako?" aniya. Gusto ko siya tadyakan pero wala pa akong powers. Kaya nagpasensya na lang ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
Pagpasok ay naupo siya sa sofa. Ako ay naupo naman sa kabilang banda,hindi pa din okay ang pakiramdam ko kaya sumandal ako at pumikit.
"Ano ngang ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.
"Narecieve ko GM mo. And I found out na ako na lang ang magsasabi sayo na walang pasok bukas. Isinasama ko sina Summer at Ritz pero madami pa silang tinatapos sa school." ang sagot niya naman.
"Salamat sa info." ani ko.
"Your sick and your alone? I understand na busy ang mga magulang mo. But where's your boyfriend?" aniya at tinitigan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Pasalamat talaga ang isang ito at may sakit ako.
"Hindi alam ni Chance. Kaninang umaga lang nagsimula ang lagnat ko." sagot ko naman.
"He should be the one taking care of you." aniya. Napapagod na akong dumaldal kaya hindi ako sumagot. "C'mon. Samahan na kita sa kwarto mo. You should rest,nag lunch ka na ba?"
Huh? Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?
"Kakain ako mamaya ng kaunti. Iwan mo na lang ako. Mamaya nandito na din siguro si Chance." ang pagsusuplada ko sa kanya.
"Look,Kiji. Im not doing this dahil gusto ko. Ito kasi ang bilin nina Ritz at Summer. Tsk! Dapat pala hindi na ako pumayag!" aniya at padabog na tumayo.
Parang bigla tuloy akong nakonsensya. Napaka feelingera ko talaga,hayst! I need to change.
"Okay fine. Pero umalis ka din agad. Ayokong nakaka abala ng ibang tao. Alam kong madami ka pang gagawin sa school." ang sabi ko na lang at tumayo din para sana pumunta sa kusina. Kaso bigla akong nahilo.
Napahiga ako sa sofa at agad na lumapit ang nagulat na si Arloo.
"Ang taas ng lagnat mo. Dapat ka ng magpa ospital." aniya ng kinapa ang leeg ko.
"Dito lang ako. Hihintayin ko si Chance."
"Ang tigas pala talaga ng kukote mo. Akala ko mga babae lang ang ganyan. Pati pala bakla." aniya. "Dyan ka lang,papakainin na lang kita. Buti at may nakita akong lugaw sa labas,bibili lang ako."
Hindi na ako sumagot. Pumikit na lang ako at narinig ko na lang na nagbukas sara ang pinto.
"Here,kumain ka na. Susubuan na kita para makainom ka agad ng gamot." pagkalipas ng ilang minuto ay sabi ni Arloo,kaya medyo umayos ako ng pwesto.
Hindi na ako kumibo,pinabayaan ko lang siya na subuan ako. Ang sarap ng lugaw,san niya kaya nabili?
"Wow! Ang sweet naman. Pero dapat ako ang gumagawa niyan hindi ibang lalaki."
Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan ako sa lugaw.
Si Chance! Nakatayo sa may pintuan at masama ang tingin sa amin ni Arloo.
Taena! I'm dead!