"Anak,umuwi ka muna at magpahinga,dadating ang tropa niyo para sila naman daw ang magbantay." ani Mama (Mama ni Kiji.)
"Ayoko po,hihintayin kong magising si Jiko." ang sagot ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Hindi ko matanggap na nangyari ito sa kanya,tuwing nakikita ko siyang nakaratay at walang malay ay nahihiling ko na sana ay ako na lang ang nasa pwesto niya. Mag li-limang araw na siyang walang malay,madami siyang bali at sugat,ang salamin ng kotse na nabasag ay tumusok sa likuran niya,na dislocate ang tuhod niya at may internal bleeding siya sa ulo,kaya sobrang takot na takot ako.
"Huwag matigas ang ulo,Chance! Gusto mo bang ikaw naman ang ma ospital? Ang mabuti pa,alagaan mo ang Mama mo sa bahay niyo." lumakas na ang boses ni Mama. Kahit ayoko ay tumayo na ako,gusto ko kasi kung magigising si Jiko ay isa ako sa unang makikita niya.
"Ma,tawagan niyo po agad ako ah?" ani ko,tumango si Mama,yumuko ako at hinalikan sa noo si Kiji.
"Ikamusta mo ako sa Mama mo,at pakisabi na salamat ulit." ani Mama at ngumiti. Tumango ako at lumabas na.
Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan at nahihirapan sa nangyari kay Jiko. Doble ang sakit na nararamdaman ng mga magulang niya. At sinisisi ko ang sarili ko,sana pala hinintay ko siyang magising ng araw na iyon. Napaka imposibleng tao ni Jiko,ang sabi ni Mama hinarang ni Jiko ang sarili niya,kung hindi daw ay malamang wala na akong ina.
Tatlong araw lang si Mama sa ospital,may mga sugat at bali siya ngunit hindi kasing lala ng kay Jiko.
Dumiretso ako sa Chapel ng ospital. Hindi ako madalas tumawag sa kanya,pero mula ng mangyari iyon ay araw araw na akong nananawagan at nagdadasal sa Kanya.
Lumuhod ako at yumuko,naninikip na naman ang dibdib ko at gusto kong umiyak. Paulit ulit na bumabalik sa akin kung paano sila na aksidente,nakatayo lang ako sa sobrang pagka bigla,para akong tinakasan ng kaluluwa ng mga oras na iyon.
"S-si Ki-kiji,una-unahi-hin nyo." sabi pa noon ni Mama.
Madaming nawalang dugo kay Jiko,nataranta ako,lahat ay tinawagan ko,agad na nag donate si Papa (Papa ni Kiji) pati sina Summer at Ohm. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagdating nina Lux at Arloo.
"Anong ginagawa niyo dito?!" ang galit kong pagsalubong sa dalawa. Bakit pa sila nagpunta dito?
"Nabalitaan namin ang nangyari." sabi pa nun ni Lux.
"I heard na kailangan nya ng blood donor,at compatible kami ni Lux na mag donate." ang kalmado pang dagdag ni Arloo,lalo akong nag ngitngit sa galit.
"Madami ng nag donate,makaka alis na kayo." sabi ko at biglang lumapit si Aiko.
"I dont think its the right time para unahin mo ang galit mo Chance,they are here to help. Huwag mong pairalin ang pride mo." ani Aiko,wala na akong nagawa nun.
Pagkatapos nun ay dinala si Jiko sa ICU,si Mama naman ay inilipat sa OR. Sinisi ako ng mga tito at tita ko,pati si Kiji ay dinamay nila,pero pinagalitan sila ni Papa. Parang sasabog na ang utak ko nun,dumating si Papa,ang mga pinsan ko,mga tito at Tita pero wala na ako sa wisyo,tulala na ako nun at blangko na ang utak ko. Dalawang mahal ko ang nanganganib ang buhay,pakiramdam ko ay napaka wala kong kwenta dahil wala akong nagawa.
Pinunasan ko ang luha ko matapos kong balikan ang mga pangyayari. Tumingala ako at nanalangin sa Diyos.
"Alam ko pong kasalanan sa inyo ang pagmamahalan namin ni Jiko. Pero alam ko din po na maunawain kayo at mapagmahal. Nagpapasalamat po ako na ayos na ang Mama ko,dininig niyo ang dasal ko. Pero sana po dinggin niyo din ang dasal ko para kay Jiko." ani ko,tumulo na naman ang mga luha ko,ganito ko pala kamahal si Jiko,ganito kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. "Huwag niyo po siyang papabayaan,mahal na mahal ko siya,hindi ko na po alam ang gagawin ko."
Ngayon lang ako bumigay at natakot ng ganito. Im so inlove with Jiko at nakakatakot,nakakatakot na hindi ko kakayaning mawala siya sa akin,akala ko dati ay sa babae ka lang pwedeng magmahal ng sobra,hindi pala. Kasi kay Jiko ko natagpuan at naramdaman ang pagmamahal na halos hindi ko na kayang ipaliwanag,yung tipo ng pagmamahal na umaapaw at parang sasabog na ang dibdib ko.
Minahal ko si Vane,pero sinadya siguro talaga na makilala ko si Jiko,mas minahal ko siya dahil kahit kaano ako katarantado at nakagawa ng kasalanan,tinanggap at minahal niya pa din ako. Kahit na naulit pa ng ilang beses kay Lux ang pagkakamali ko,still he accepts and loved me.
Si Jiko ang naging liwanag ko,nabago ang mga pangit kong ugali dahil sa kanya ng hindi ko namamalayan,naging seryoso ako sa bawat pangako na binibitawan ko. Hindi ko kayang wala siya,mababaliw siguro ako.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa chapel bago ako nagdesisyong tumayo na. Sisilip muna ako sa private room bago tuluyang umuwi,gusto ko pang makita si Jiko.
Maliit lang ang pagkaka bukas ng pinto,nandun na nga ang tropa. Kita ko agad si Jiko,wala pa ding malay. Naninikip ang dibdib ko,ang dami niyang sugat sa mukha na dulot ng pagkaka basag ng salamin.
Huminga ako ng malalim,pinuno ko ng hangin ang aking baga. Kailangan kong magpakatatag,alam kong hindi kami iiwan ni Jiko,bukas may pasok na,ayaw ni Jiko na nagpapabaya ako sa pag aaral,kaya lahat ng gusto niya ay gagawin ko kahit hindi niya nakikita.
Pagdating sa bahay ay pinapakain ni Papa si Mama,pina alis ni Papa ang mga tito at tita ko dahil makadagdag stress kay Mama dahil maya't maya kasi nila sinisisi si Jiko.
"Chance? How was Kiji?" tanong ni Papa,si Mama naman ay tinitigan ako.
"Hindi pa din po nagigising. Ganon pa din." ani ko at naupo din.
"Hindi ba siya under comatose?" tanong ulit ni Papa. Napaisip tuloy ako,kung comatose si Jiko,matatagalan siyang magising.
"Hindi ko po alam. Walang nababanggit si Mama." sagot ko naman.
"Limang araw na siyang walang malay eh. Pero sa bagay,may mga ganyang sitwasyon." ani Papa at tinapos ang pagpapa kain kay Mama.
"Chance,anak." biglang pag singit ni Mama. Nilingon ko siya,kitang kita sa mga mata niya ang matinding pagka guilty na hindi naman niya dapat maramdaman.
"Ma,please. Huwag kang mag isip ng hindi maganda,hindi mo kailangan ma guilty,aksidente ang nangyari at walang may gusto na mangyari iyon." ani ko kay Mama at niyakap siya. "Nasaan si Chad?"
"Nasa Lolo at Lola niya." si Papa ang sumagot na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Vane.
Nakaka guilty,hindi ko na naaasikaso ang anak ko. Sa edad kong ito,hindi ko lubos akalain na mararanasan ko ang mga ganitong pangyayari.
"Kung magising na siya,please let me know. Gusto kong humingi ng tawad,not because guilty ako. Nakatatak pa sa aking isipan ang sinabi niya bago kami ma aksidente,yun ang paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ng nasa hospital pa ako. He is a great child,ang laki ng kasalanan ko." ani Mama at tuluyan ng umiyak,parang pinipiga ang puso ko kaya niyakap ko siya ulit.
"Maiintindihan ka ni Jiko,Ma! The best iyon eh! Kaya nga mahal na mahal ko iyon at ng tropa. He was the light,siya ang susi at siya din ang nagpapasaya sa amin. He is one of a kind. And Im so inlove with him dahil sa pagiging ganon niya." pinigil ko na huwag maiyak,I have to be strong,hindi magugustuhan ni Jiko kung lagi akong malungkot.
Kinabukasan ay maaga akong gumising,alas tres pa lang ng madaling araw ay gumayak na ako,uunahin ko kasing puntahan si Jiko sa ospital,araw araw ganito ang routine ko,kung ang iba napapagod,ako ay hindi.
Pagdating sa ospital ay naabutan kong natutulog sa sofa si Papa,kumuha ako ng monoblock,itinabi sa kama.
Hinawakan ko ang isa niyang kamay at tinitigan siya. Ang sakit lang talaga makita na ganito ang sitwasyon ng taong mahal na mahal mo. Totoo nga na nakakawasak ng puso,nakakadurog.
"Jiko? Kailan ka ba gigising? Limang araw ka ng tulog ah? Hindi ka ba napapagod matulog?" huminga ako ng malalim,araw araw ganito,iniimagine ko na gigising siya at kakausapin ko. "Pag nagising ka na,ipapasyal pa natin sina Chad at ang kapatid mo,ipagpapatuloy mo pa ang pag aaral,ga-graduate pa tayo ng college."
Suminghap ako,nararamdaman ko kasing namumuo na ang mga luha sa gilid ng aking mga mata,kung gising pa si Jiko inasar na niya ako,syempre aasarin ko din siya hanggang magkapikunan kami at mauuwi sa lambingan.
Pinisil ko ang kamay niya,tiningnan ko ang makina na nagpapakita ng heartbeat niya. Normal naman ito at iyon ang ipinagpapasalamat ko kahit papaano.
"Papupuntahin ko mamaya ang tropa after school,magkekwentuhan tayo." mapait pa akong ngumiti. "Inaantok pa ako Jiko,idlip lang ako saglit,huwag mong bibitawan ang kamay ko.
Hanggang nagising na lang ako sa mahihinang tapik sa balikat ko,si Papa pala.
"Mag agahan ka muna Chance bago pumasok sa school." ani Papa. Nilingon ko si Jiko,wala ganon pa din.
"Sa school na lang po ako kakain." nakangiti kong sabi. "Papupuntahin ko po ang buong tropa mamaya,okay lang ba sa inyo ni Mama?"
"Oo naman! Mas gusto iyon ni Kiji diba? O siya,gumayak ka na baka ma late ka pa. Ayaw ni Kiji ng napapabayaan mo ang pag aaral mo."
"Salamat po,Pa!" ngumiti ako at lumabas na.
Bago dumating sa PLP ay nag GM na ako sa tropa,personal ko na ding iimbitahin sina Perry,Ritz at Summer pati na si Khyerr sa room nila,kaibigan din sila ni Jiko.
Buong araw ay lutang ako,na kay Jiko ang isip ko. Iniisip ko na baka bigla siyang magising at hanapin kami. Sana talaga magising na siya,sobrang miss na miss ko na siya.
Nang dissmisal ay nagmadali na ako. May nararamdaman kasi akong hindi ko maipaliwanag,nabwisit pa ako dahil sa traffic. Kaya ng makarating sa ospital ay halos liparin ko ang pagpunta sa private room para kay Jiko.
Nagtataka pa ako na may mga nurse na nagmamadaling pumasok. Kinabahan agad ako.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nanginig na ako.
"Anak! Lumaban ka!" umiiyak na sabi ni Mama habang yakap ni Papa.
"Kiji! Anak,huwag muna!" dagdag ni Papa.
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Pinapalibutan ng mga nurse at ng duktor si Kiji at nirerevive. Parang unti unti akong nawawalan ng buhay.
"ANAKK!!" sigaw ni Mama. Napatingin ako sa monitor ng heartbeat ni Jiko. Nag flat na ito.
"JIKOOO!! Hindeee!!!" sigaw ko at napaluhod na. Napahagulhol na ako.
Hindi! Nangyari na ang kinatatakutan ko. Wala na,wala na ang buhay ko,wala na ang pinakamamahal ko,wala na si Jiko.
"Ugh!!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Posible kaya iyon o dinadaya ako ng pandinig ko?