webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 19)

Nanginginig man ang aking mga tuhod ay humakbang ako. Bakit siya umiiyak at nakaluhod sa harapan nina Mama at Papa?

Buti na lang at walang masyadong tao dito sa Batis hindi gaya sa Jabson at Orchids.

Teka nga? Bakit yakap niya si Chaji? Bakit nasa kanya?

Oh my Gowd! Nandun siya! Siya ang kumuha sa malaking box ng mawala ako!

Napatingin sa akin sina Mama at Papa,pero nanatiling nakayuko si Chance at umiiyak.

"Alam ko pong mahirap ako mapatawad,Ma,Pa. Pero kaya lang naman na hinayaan kong umalis si Kiji ay alam kong galit siya,nagkamali ako eh. Ayoko ng patungan pa ng apoy ang isa pang apoy. Hindi ako nag walang kibo,alam niyo po iyon,tahimik akong gumagawa ng paraan. Pero alam niyo din po na gabi gabi ko siyang binabantayan,ngayon na nabulilyaso ko na si Lux ay may kaonti na akong pag asa kay Kiji." sa pagitan ng bawat pag hikbi ni Chance ay nasabi niya iyon.

Chance,hindi mo kailangang lumuhod at magmaka awa,kakausapin naman kita eh.

"Alam ko din po na hindi katanggap tanggap ang ginawa kong pakikipagtalik sa ibang babae habang kami ni Jiko. Pero,Ma,Pa,ang drogang pinapainom ni Lux sa akin ay matapang. I cant' resist it,its consuming me,ang takbo ng utak at puso ko ay nawawalan ng silbi,hahanap hanapin mo ang nakatalik mo,kinakain nito ang katinuan mo. Ganon pa man,ang pagkakamali ay pagkakamali,kaya humihingi ako ng tawad. Gusto ko pong patawarin niyo muna ako bago ako mapatawad ni Jiko."

Pumikit ako,hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang patuloy na magkasakitan kami kung pwede namang tanggapin namin ang mga nangyari at maging maayos.

"Pero paano ang mga magulang mo? Ang business deal nila? Lalo silang magagalit kay Kiji. Lalo nilang kakamuhian ang anak ko. At higit sa lahat,paano kami? Dinamay kami. Alam na siguro ito ni Kiji at ramdam kong magdedesisyon sya para sa ikabubuti nating lahat." ani Mama at tumingin sa akin,gusto kong maiyak. Pati mga magulang ko nasasaktan na dahil sa akin.

"Maniwala po kayo,walang madadamay. Basta po makausap ko si Kiji. Maaaring magalit sila kay Kiji,pero ang mahalaga po sa akin ay mahal niyo kami ni Kiji,na tinanggap niyo ako. Kaya sana po mapatawad niyo ako. Kasi,parang sasabog na ang dibdib ko eh." sagot ni Chance,nagpunas siya ng mga luha at hindi sinasadyang napatingin sa akin. Tinitigan ko siya.

"Ganon naman pala eh,edi tumayo ka dyan! Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban sa inyo,dapat sabay at magkasama kayong lalaban. Ganon ang pagmamahalan. Ewan ko ba sa inyong mga bata kayo!" sabi ni Papa at bumaling kay Mama. "Tara na Ma,pabayaan natin silang mag usap diyan."

Tumango sina Mama at Papa sa akin saka pumasok sa bahay. Nanatiling nakaluhod si Chance at nakatitig sa akin. Para akong hinihigop ng mga mata niya,punong puno ito ng emosyon,para na akong nabibingi sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"Luluhod ka lang ba dyan at iiwanan kita o gusto mong makapag usap tayo?" sabi ko at dali daling tumayo si Chance.

"Jiko,madami akong gustong sabihin. Sana huwag kang mapagod makinig." aniya na yakap pa din si Chaji,tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam ko na lahat,ang gusto ko na lang pag usapan ay ang atin." at tiningnan ko si Chaji. "Ikaw ang kumuha ng box?!"

"Pasensya na,hindi ko ma-atim na masama sila sa mga basura kaya kinuha ko. Mahalag sa akin si Chaji kasi ito ang unang naibigay ko sayo." aniya at iniabot si Chaji sa akin. "Huwag mo na ulit iyon gagawin."

Kinuha ko si Chaji at niyakap. Saka ako bumaling kay Chance. Kanina ay handa na akong sundin ang gusto ni Lux,ang tanga ko lang,nung una siya ang sinindak ko,sa huli ako din ang nalugi. Pero tama si Papa,kailangan dalawa kami ni Chance na lumaban. Nakakapagod na din kasi ang lahat ng ito,nakakapagod na mag isa lang ako nung una.

"Mag usap tayo Chance." ani ko,tumalikod at naramdaman kong sinundan niya ako. Naglakad ako hanggang sa may San Miguel Elementary school,sa waiting shed kami pumwesto habang tinitingnan ang mga dumadaang sasakyan.

"Patawad,Jiko." ani Chance,nilingon ko siya,kitang kita sa mukha nya ang pagsisisi. "Nagkamali ako,kahit pa sabihin natin na walang drugs na involve ay nagkamali pa din ako kahit saang aspeto."

Parang sumikip ang dibdib ko,huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin.

"Matagal na kitang napatawad. Naging gago lang ako at isinara ko ang aking isipan. Diba sabi ko dati kahit paulit ulit kang magkamali ay tatanggapin pa din kita ng paulit ulit kasi ganon kita kamahal Chance." sabi ko at ako mismo ang humawak sa kamay niya.

"Gagawa ako ng paraan para matigil si Lux,ang dami niyang dinadamay." napailing si Chance. "Pakiramdam ko ay may sakit siya sa utak."

"May sakit talaga siya! Kanina kinausap ko siya,nagsindakan kami pero tuso siya at halos mapasunod ako sa gusto niya. Pero Chance,lalaban tayo ng magkasama diba?"

"Oo naman. Pwede naman natin siyang unahan." ngumiti si Chance,ginuri ng daliri niya ang palad ko kaya napangiti din ako. Ang sarap lang sa pakiramdam,nabawasan ang bigat ng aking dibdib. "Ang pinagtataka ko lang ay kung saan niya kinukuha ang drogang iyon,galing iyon sa Korean Underground Mafia,paano siya nagkakaroon nun?"

Napaisip ako,hindi kaya kunektado si Lux sa Mafia? O ang mga magulang niya? Napaka delikado talaga niyang tao,I wonder may nangyari kaya sa kanya nung bata pa siya kaya naging ganon ang takbo ng utak niya? I really think kailangan niyang madala sa isang Rehabilitation Center.

"Wala akong idea Chance."

"Lets walk pauwi sa apartment? Miss ka ng ng apartment." nakangiting sabi ni Chance kaya inirapan ko siya.

"Magpaalam muna tayo kina Mama at Papa." sabi kong ganyan.

Nagpaalam nga kami,pumayag naman sina Mama at Papa,tulad ng sabi ni Chance ay naglakad lang kami,sa Dr.Pilapil kami dumaan.

Pagdating sa apartment ay parang dejavu lang. Parang nung unang punta ko lang dito. Nilingon ko si Chance na nakangiti.

"Welcome back,Jiko." aniya. Ngumiti din ako at agad siyang niyakap ng mahigpit. I just love him so much na kahit gaano kasakit ang mga pangyayari ay babalewalain ko para lang makasama siyang uli. Hindi ko na mapigilan ang mapa iyak,sobrang kaligayahan siguro ito. "Huwag kang umiyak please?"

"Mahal na mahal lang talaga kita Chance,martyr,tanga,itawag na nila sa akin ang lahat,pero sadyang mahal na mahal kita." humahagulhol kong sabi.

"Mahal na mahal din kita Jiko. Im sorry for everything na nagawa kong mali." ani Chance,humiwalay sa yakap,tinitigan ako at pinunasan ang aking mga luha. "Lalaban tayo,kahit anong mangyari walang susuko. Kakayanin natin ito Jiko."

He kissed me,napasinghap ako. Matagal akong nangulila sa halik niya,matagal kong pinangarap na muling mahalikan niya. At para itong isang panaginip na nagkatotoo.

"Chance.."

"Oo nga pala." aniya at may kinuha sa bulsa. "Regalo ko sana sayo,diba nasira ang phone mo? Nandyan na din ang dati mong sim card."

Nagulat ako,bagong phone,taka ko siyang tiningnan. "Hindi naman kailangan Chance eh."

"Sakin galing,huwag mo tanggihan." aniya. "Teka,dalhin ko muna sa kwarto ang mga maleta mo."

"Sige." sabi ko na lang,hila ang mga maleta ay pumasok na si Chance sa kwarto.

Naupo ako sa sofa at tiningnan ang phone,nandito pa din ang mga dati kong contacts,ang inbox puro GM galing sa mga ka blockmates ko. May mga quotes galing kina Ritz,Summer at Perry,kaya nireplyan ko sila kahit matagal na yung text.

Maya maya ay nag GM si Ritz na welcomeback daw sa phone ko. Ilang saglit lang ay nag ring ito,si Arloo ang tumatawag.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito,pero sinagot ko pa din.

"Hello?"

"Kiji? Pwede mo ba akong puntahan dito sa Plaza? I need you." malungkot ang boses ni Arloo,naawa naman ako. Naging rude ba ang pagkakasabi ko kanina sa kanya na itigil na niya ang ginagawa niya?

"Huh? Uhm,Arloo,nandito ako kina--"

"Please?" ani Arloo,napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko sigurong mag sorry sa kanya?

"Sige,hintayin mo ako."

"Thanks." pinutol ko na ang tawag,pumunta ako sa kwarto para magpaalam kay Chance.

"Chance,tumawag si Arloo,makikipag kita lang ako sa kanya saglit." paalam ko,natigil si Chance sa paglalagay ng mga damit ko sa cabinet at nilingon ako.

"Jiko. Wala akong tiwala sa kanya diba?" kunot noo na sabi ni Chance.

"Mabait siya Chance,hindi siya masama,naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Pumayag ka na,saglit lang naman please?"

Natigilan si Chance,isang minuto ata ang lumipas bago siya nagsalita.

"Sige,pero dalian mo,gusto kong gising pa ako pag uwi mo ah? Namiss na talaga kita ng sobra eh." ngumiti si Chance,lumapit ako at mabilisan siyang hinalikan sa labi.

"Salamat! Babalik agad ako!" sabi ko at umalis na.

Pagdating sa Plaza ay nakita kong nakaupo sa bench si Arloo,ng makita ako ay ngumiti ito at tumayo agad.

Akala ko ba malungkot siya?