webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 20)

Isang araw,kakatapos lang ng PE namin at nandito kami sa ilog para dito kainin yung mga pagkain na lagi kong natatanggap. Ang weird lang kasi wala si Teban at Khaim. Si Khaim tinawag para sa Regional Quiz bee,si Teban ewan kung nasaang lupalop. Baka nagmamarijuana na naman ang gago.

"Hindi pa din ba nagpapakilala yang taga bigay mo ng lunch?" ani Aiko at kinain agad yung siopao.

"Mukhang gusto ka nya patabain. Nakaka konsensya sa manliligaw mo,kami ang kumakain." ani Karissa at yung Footlong naman ang tinira.

"Ewan ko. Bahala sya. Ayaw nyang magpakilala para makapag pasalamat man lang ako ng personal." sabi ko at yung Cheesedog naman ang kinain.

"Tsk! May manliligaw bang hindi nagpapakilala? Napaka duwag naman nun." ani Chance,may sarili syang pagkain.

"Tumigil ka nga Chance! Ibig sabihin lang nun gustong gusto nya si Kiji,kasi natotorpe ka. Palibhasa hindi ka marunong manligaw." bara ni Aiko kay Chance.

"Oo nga!" dagdag ni Karissa.

"Nako! Kung sino man sya. I love him na,sasagutin ko na sya!" sabi ko pang ganyan at nagkunwaring kinikilig. Tinaasan ako ng kilay ni Chance at saka kinain ang pagkain nya.

"Excuse me? Si Kiji ka ba?" sabi ng boses ng isang babae,kaya lahat kami ay napalingon. Napanganga ako,may dala syang mga redroses,mga isang dosena sigurong rosas yon.

"Oh my gee! Don't tell me ikaw ang secret admirer ni Kiji?" over react ni Aiko kaya inirapan ko.

"Hindi po. May nagpapabigay lang. Taga ibang school sya." sagot nung babae at ngumiti.

"Ako si Kiji. Sabihin mo naman kung kanino galing yan?" sabi ko at tumingin kay Chance,again pokerface sya.

"Basta po gwapo sya! Bye!" ani ng babae at inabot sakin ang mga rosas saka umalis.

"Ang sakit ng tyan ko." sabi ni Chance at umalis din. Nagkatinginan tuloy kami nina Aiko at Karissa.

"Abnormal talaga." ani Aiko at umiling. Ako naman ay nagkibit balikat na lamang at inamoy yung mga roses. Pakiramdam ko tuloy ay babae ako.

Napansin ko na may maliit na papel sa pagitan ng mga tangkay. Hindi ko ito ipinahalata sa dalawang bruha dahil paniguradong makiki chismis lang sila.

"Magkakaron tayo ng project. 3rd to the last project na ito. And since halos kilala nyo na ang bawat isa,tungkol ito sa inyo." sabi ng last subject teacher namin. Nag react na ang lahat,ako naman ay kinuha ko yung papel na nakaipit kanina sa mga rosas at palihim na binasa.

"See you later. Magpapakilala na ako =)"

Sino kaya sya?

"Ang project ay gagawa kayo ng sulat para sa seatmate nyo. Kung anong tingin nyo sa kanila,at kung anong gusto nyong sabihin sa kanila. Before mag start ang graduation practice ay magpapalitan kayo ng sulat. Siguro sasakto yon sa Prom. Im sure madami kayong mailalagay."

Sa narinig ay napatingin ako kay Chance. Tumingin din sya sa akin na naka pokerface.

"Ang dami kong maisusulat tungkol sayo." aniya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Ako din. Kung gaano ka kabastos,ka bipolar at kamanhid." sagot ko naman na ikinasalubong ng mga kilay nya.

"Anong sabi mo? Ako manhid?" nanliit ang mga mata nya,napakagat tuloy ako ng labi.

"Nevermind." ani ko. Shit! Nadulas na naman ako. Kainis naman!

Nang uwian na ay nauna pa sa aming lahat lumabas si Chance. Ako naman ay nagmadali na din,kahit papaano ay excited akong makilala ang secret admirer ko kuno.

Paglabas ng gate ay palingon lingon pa ako. Hanggang sa may lumapit sa akin na talagang ikinalaki ng mga mata ko. Para akong biglang lumutang at parang bigla akong nabingi.

"Hi! Nagugustuhan mo ba yung mga ibinibigay ko?" nakangiti nyang sabi. Ang kinis ng mukha! Pati mga mata nya ay ngumingiti. Demmet!

"Ha? Ahm..Ikaw yon?" parang nanuyo ang lalamunan ko. Tengene! May ganito palang kagwapo dito sa Pasig?

Tiningnan ko ang uniform nya. College na sya at sa may InfoTech nag aaral.

"Yup! Ako nga ang secret admirer mo." nakangiti na naman nyang sabi. "Im Ohm. At ikaw si Kiji diba?"

May sasabihin sana ako pero isinara ko na lang ang aking bibig.

"Uhm.. Bakla ka? Diba ganun yun? Ang nagkakagusto sa bakla ay bakla na din?" ang alangan kong sabi. Ngumiti sya at pakiramdam ko basa na ang panty ko dahil sa ngiti nya.

"Im a bisexual. At ngayon lang din ako nagka interes sa mga feminine na bakla. C'mon,I'll walk you home. Alam kong madami kang katanungan."

"Ahm. Okay?" ani ko na lamang. My gowd! Nananaginip ba ako? Gusto ko na talagang maniwala na maganda ako.

Habang naglalakad ay hindi ako mapakali. Yun bang pakiramdam na may nakatingin sayo ay damang dama ko. Lumingon lingon ako,wala naman akong nakitang nakatingin sa akin maliban sa ibang mga inggeterang kasabay namin maglakad.

"Kain muna tayo. Para mas mahaba ang kwentuhan." aniya ng makatawid kami sa Rotonda,diretso pasok kami sa Jollibee. "Anong sayo?"

"Ha? Ikaw na bahala." ani ko at lumingon ulit sa paligid. Ang weird talaga ng pakiramdam ko,parang may nagmamatyag talaga sa akin.

"Again,Im Omebarant Aboitiz. Im half pinoy,half thai. Pero Ohm ang tawag sa akin. Obviously,ang papa ko ang pinoy,na halo din ang lahi. Im first year college sa Infotech." aniya bago kami magsimulang kumain.

"Ha? Ganon ba?"

"Nakaka ilang Ha ka na ba?" aniya at ngumiti. Tiningnan ko yung inorder nya para sa akin,dalawang chickenjoy pa talaga,at dalawang extra rice,mukhang hindi ko na kailangan kumain ng dinner.

"Ha? Pasensya ka na. Hindi pa din maproseso ng cerebrum ko kaya speechless ako. Ahm,ngayon lang nangyari sa akin to eh?" alangan kong sabi at nginasab ang manok. Nadinig ko syang humagikgik kaya medyo napanatag ako. Hanggang sa may naisipan akong itanong. "Pwedeng magtanong?"

"Sure. Yan nga ang gusto ko,ang magtanong ka." aniya at kumain na din. Yung pagkain nya burger lang at fries,mukhang diet si pogi.

"Bakit mo ako nagustuhan? Ganon ba talaga ako kaganda? I mean,ang pangit pangit ko kaya. Ang daming magagandang babae dyan at kung gusto mo talaga ng beki,madami ding magagandang bakla sa paligid." ang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Actually,hindi ko din alam kung bakit kita gusto. Kailangan ba may rason? Saka maganda ka,huwag mong ibaba ang sarili mo. Kahit dati pa man maganda ka na." aniya at kumindat. Napasinghap tuloy ako,buti hindi bumara sa lalamunan ko ang mga kanin.

"Salamat. Naalala ko tuloy sayo yung kaibigan kong naging dahilan kung bakit naging maalaga ako sa sarili. Adz ang pangalan nya."

"I see. Ganon ka kamahal ng mga taong nakapaligid sayo,kaya hindi ka mahirap mahalin,Kiji." aniya at hinawakan ang kamay ko. Babawiin ko sana pero ayaw ko naman siyang mapahiya. "I really like you. Sana payagan mo akong manligaw ng personal."

Kumalabog ang dibdib ko. Ganito din yung naramdaman ko nung sinabi ni Khaim na manliligaw sya. Bakit kaya ganon?

Sasagot na sana ako ng tumunog ang phone ko. Binawi ko kay Ohm ang kamay ko at tiningnan ang tumatawag. Si Chance pala,ano namang kailangan ng bastos na yon? Nicancel ko ang tawag at bumaling ulit kay Ohm.

"Ahm,hindi ko alam--" tumunog na naman ang phone ko. "Pasensya na ah? Ang kulit eh."

"Okay lang. Answer it,baka importante." nakangiting sabi ni Ohm.

Agad kong pinindot ang answer at binungangaan si Chance. "Ano ba? Wrong timing ka naman eh!"

"Ako pa wrong timing? Umuwi ka na! Nakita kita kanina at isusumbong kita kina Tito at Tita na lumalandi ka sa Rotonda!"

"Bwisit ka! Hindi maniniwala mga yon! Bahala ka dyan--"

"Umuwi kana Kiji,please? Tatanungin ko mamaya kina Tito at Tita kung naka uwi ka na." naputol na ang tawag. Napabuntong hininga ako.

Tama ba ang narinig ko? Parang sinusuyo nya ako? Parang tinutunaw tuloy ang puso ko. Parang gusto ko ng umuwi.

Binalik ko ang phone ko sa bulsa ko at tumingin kay Ohm. Nakangiti sya sa akin,nakonsensya tuloy ako bigla.

"Mukhang pinapauwi ka ng nung tumawag ah?" aniya at ininom ang softdrink nya.

"Eh,ahm. Pasensya na ah?" nahihiya kong sabi.

"Its okay. We have all the time in the world. Tara na,hatid na kita sa sakayan. Sa may kanto diba? Sa meralco?"

Nagtataka man ay tumango na lamang ako. Habang naglalakad papunta sa kanto ay nagkekwento si Ohm. Masasabi ko na mabait sya at may sense of humor. Masarap kasama at kausap,gusto ko pa syang makasama pero mas nananaig ang kagustuhan kong sundin ang gusto ni Chance,ang umuwi na ako.

Pagbaba ko pa lang ng trycicle ay nakita ko na agad si Chance na nasa gilid ng arko ng Batis,kaya agad akong nagtaka.

"Akala ko hindi ka uuwi eh,gabi na oh?" aniya ng lumapit. Nakapambahay na sya pero dala nya ang bag nya.

"Ayaw ko kasing mapagalitan dahil sa pagsusumbong mo." sabi ko at naglakad na,sumabay sya sa akin.

"Dito ako matutulog. Nakapag paalam na ako." aniya. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sya.

"Ano bang meron sa bahay nyo at ayaw mo dun?" ani ko at namewang pa. Hay! 'tong lalaking ito talaga,hindi ko na talaga maintindihan.

"Basta. Malalaman mo din balang araw." aniya. Nagkibit balikat na lang ako at inisip kung paano na naman ako makakatulog ng maayos dahil makakatabi ko na naman sya.

Pagpasok sa bahay ay walang tao. Panigurado hindi pa dumadating sina Mama at Papa.

"Nagugutom ako. May pagkain ba? Kain tayo." aniya at hinimas pa ang tyan.

"Tingnan mo dyan. Magbibihis lang ako." sagot ko. Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Pagbalik ko sa kusina ay may nakahanda ng pagkain,para sa kanya at para sa akin.

"Tara na,kumain na tayo." alok nya at kumain na.

"Busog ako. Kumain ako sa Jollibee." sagot kong ganyan. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Wala akong pakialam. Kumain ka,ang dami ko pa namang nilagay sayo. Huwag kang mag aksaya ng grasya." sermon ng gago. Ewan ko ba,nakonsensya na naman ako. "Ubusin mo yan."

"Hindi ako patay gutom." sagot ko. Ang dami nung kanin eh!

"Pag iba nagyayaya sayo sige ka lang. Pag ako pahirapan? Kumain ka at ubusin yan! Hindi yung puro junkfoods na bigay ng manliligaw mo ang kinakain mo." aniya at kumain na ulit.

Nalaglag sa lupa ang bagang ko. Bakit iba na naman sya? Gusto ko sana syang tanungin kung ano bang pakialam nya pero huwag na lang,mag aaway na naman kami at ayokong mangyari yun,nasa harapan kami ng pagkain.

Pagkatapos kumain ay halos hindi na ako makahinga. Sya ang pinaghugas ko ng mga pinagkainan namin,dumiretso ako sa kwarto,naupo sa kama at niyakap si Chaji.

"Matatapos na ang school year pero hindi ko pa din maintindihan yang si Chance." sabi ko kay Chaji. Buti na lang hindi sya sumagot,kasi biglang pumasok si Chance.

"Pahiram ng tuwalya mo,Kiji. Mag half bath ako." aniya at nilapag sa gilid ng kama ang bag nya.

"Sige. Pero next time,tingnan mong mabuti ang ginamit mong sabon ha? Kasi nung ginamit mo ang sabon ko may naiwan." sabi ko pero hindi sya ang tinitingnan ko. "Ayan sa likod ng pinto ang towel."

Nagsalubong ang mga kilay nya at kinuha ang tuwalya. "Ano namang naiwan sa sabon?"

"Makikigamit ka na nga lang ng sabon,mag iiwan ka pa ng bulbol. How dare you?"

Nanlaki ang mga mata nya at napanganga sa gulat. Hindi ko tuloy maiwasang humagalpak sa tawa. Ganon pala itsura ni Chance pag na shock.

"Ang arte mo naman. Pero ilang beses mo na nahawakan ang akin. Dyan ka na nga!" aniya at nag walk out na.