webnovel

Love is a Consequence

Xeñavrielle has been losing the interest to live after the tragic event she had encountered when she was just 12 years old. For four years, it made her heart and mind to be filled up by anger, guilt, and fear. For four years, she felt being unimportant, she felt being alone. But not until she met Xanderzild. The one who made her life full of hopes. The one who gave her consequences because of their bad meet-up. That is what she believes. She has no idea that their is a hidden duty behind those consequences, a duty to keep her on his side because she is his mission. Would it still be ended in a reason of duty or will the reason be turned into something that he can no longer resist anymore? "I love you and being with you is a consequence I am not feeling lost to be with."

Rhianjhela · Romance
Pas assez d’évaluations
18 Chs

Chapter 7: Scarlet Primos' Only Girl

XEÑA🎯

I really hate attention. I really hate it kapag ang mga mata ng mga taong nakapalibot ay sa akin nakapukol. I hate it to the fact na gusto ko na lang maglaho sa harapan nila. And shyness is not the reason here. The real reason on that is judgment. I cannot take it when someone is judging my personality and my looks. Ok sana kung nakukuha ko ang atensyon nila dahil sa humahanga sila sa akin o pinupuri ako sa kung anong ikabubuga ko but they are not. Nakukuha ko ang atensyon nila dahil sa kamalian, kapalpakan maging sa postura ko. Nakukuha ko ang atensyon nila dahil sa pagkakaiba ko sa aking kapatid, sa kung gaano ako kalayo sa meron siya. And yeah, isa sa mga nanghuhusga sa akin ay ang magulang ko. Truly, it is such a pain on my part that the one I expected to understand and support me does the thing I ever hated, that the one I expected to stand on my side became the one who started my misery. I hate attention but not on what I wish to my parents to do so, not on the attention I am craving from them for a long time.

But now, I think I can't get it first from them because of someone. There is someone now who is already taking it. Someone who is already changing what I had used to live.

Ipinarada ko na ang aking kotse sa espasyong may lima lamang na sasakyang nakahanay na sunud-sunod lang din na nakarating bago ako. Hinintay ko ang mga itong bumaba isa-isa bago ako lumabas sa sarili kong kotse. Nung makababa na sa kotse ang lalaking katabi ko ay binuksan ko na ang pinto.

Nang mapatingin ako sa kanila ay napatango lamang ang mga ito bago lumakad palapit sa akin.

Yeah. I am already part of them. I am now one of the Scarlet Primos.

"Nice outfit Xeng. It suits you," komento ni Darryl.

"Mas nagmukha kang badass," hirit ni Kaizzer na pinagtaasan ko ng kilay. It sounds like a compliment from him but I'm taking the other way around.

"That's our one and only gangster girl," sabi ni Fredrich na ikinangiti ko na lang.

"Yeah and welcome to our group Xeng," saad naman ni Vendrick at tinapik pa ang balikat ko bago bumaling kay Alas na nakatitig na pala sa akin. "What do you think, Ace?"

Civilian day ngayon. Nakasuot ako ngayon ng black fitted shirt at may pagkamalapad ang collar nito na nagpapalitaw ng bahagya sa malalim kong collarbone. Pinaresan ko ito ng denim high waist pants with a slight ripped on the upper knees. I have my gray checkered long sleeves na itinali ko sa may bewang ko at nakasapatos ng white sneakers. Nakaponytail ang buhok ko.

It's still look descent. May konting twist lang. Yun kase ang pinayo sa akin ni Darryl na dapat di lang simpleng t-shirt ang susuotin ko simula ngayon. Dapat ipakita ko daw ang pagiging babae still in a descent manner and since na part ako ng grupo nila, I have to adopt the gangster look of them.

Nakatitig lang ako ngayon sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Let's go." Tss, no comment huh? Napairap na lang ako nang makalampas na ito sa akin.

Napatingin ako sa apat at umiling-iling lang ang mga ito. Tumalikod na ako sa kanila at sumunod sa nakakaasar na Alas na yun.

"Xeng, tiklop ang ating Alas sayo ah," napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nitong si Fredrich na ngayon ay naglalakad katabi ko. At ang loko pangiti-ngiti pa.

"Shut up, Fred." Wika ni Alas na nasa harapan ko na ikinayamot naman nitong si Fredrich.

"He hates being called Fred. Nababaduyan siya kase pangmatanda," paliwanag ni Vendrick na sa kabila ko naman habang nagpipigil ng tawa kaya napapagitnaan nila ako at nasa likod naman sina Kaizzer at Darryl.

By the way, Darryl, Fredrich and Vendrick are calling me Xeng. I don't know with the two.

Pagkatapos nun ay tahimik na kaming naglalakad papuntang classroom.

"Scarlet Primos is really here."

"They are totally complete here."

At yes, nakukuha namin ang atensyon ng lahat. Anyway, these four boys here are transferees also based on how they were introduced yesterday. And I don't know how Sacrlet Primos was formed as well as the story behind their popularity. Well, sa mga reactions kase ng mga students here, hindi halatang bago sa paningin nila ang mga kumag na ito. Pero sa pagkakataong ito hindi na usual na tingin ang natatanggap ng kasamahan ko ngayon nang dahil sa akin. Ang kanilang paghanga at pagkakilig ay nahahaluan ng pagtataka sa nakikita nila. Besides curiosity, di na maiwasan ng mga babae na tingnan ako ng masama and surely, murdered na ako sa mga utak nito. Haisstt!

Bigla na lamang tumigil si Ace sa paglalakad kaya napahinto din kami. Phew! Buti na lang nakadistansya ako kahit papaano kaya di ako nabunggo sa likod nito. Humarap ito sa amin. Oh sa akin lang pala.

"What?" Mahinahon kong tanong.

At walang kung anu-ano ay kinabig na lang nito ang bewang ko dahilan para magkatabi na kami ngayon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy sa aking katawan. Dagdagan pa ng goosebumps na idinulot ng pagbulong niya sa tenga ko.

"A way introducing my Vrielle to them."

Napaawang na lang ang bibig ko nang tumingin ako sa kanya. May sasabihin sana ako pero parang umurong ang dila ko. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpaalipin sa mga kamay niyang mahigpit na nakakawit sa bewang ko habang naglalakad. At isa pa, hindi na ako makakaangal kase nga I'm already under with the three consequences he had given yesterday. Hay, kailangan ko ng i-immune ang sarili ko sa mga pada-moves nito.

--

Tapos na ang aming klase and it's time to have a lunch. Nagliligpit na ako ngayon ng gamit ko. Naramdaman kong tumayo na si Ace na nasa tabi ko at lumapit sa akin.

"Let's go," sambit nito. Lumapit na din ang iba sa direksyon namin.

"Mauna na kayo, susunod na lang ako after," sagot ko.

"Why?" Kase ayaw kong sumabay sa inyo?

"Nah, pupunta muna ako ng CR," sambit ko habang nakatingala dahil nakaupo pa rin ako at tiningnan siya sa mata.

Nakipagtitigan din siya sa akin na animo'y may hinahanap pa siyang ibang sagot mula sa akin kaya nagpakawala na lamang ako ng pilit na ngiti.

Yumuko siya at nagpantay ang aming mukha.

"Make sure that you're going to lunch together with us, Vrielle," he said while pulling some strands of my hair and plays the tip of it before they go out in this room and left me here hanging.

--

Tiningnan ko ang repleksiyon ko mula sa salamin dito sa CR.

"Erase those thoughts, Xeñavrielle," sambit ko at napailing.

Bigla na lamang kasing nag-pop yung image ng lalaking yun. Bakit ba nababagabag ako sa mga da-moves niya? Nakakainis!

Kaya nga hindi ko nagawang sumabay sa kanila papuntang cafeteria dahil masyado pa akong nabigla at naninibago sa mga nangyayari ngayon. Naging parte ako ng grupong hinahangaan sa school na ito, nakukuha ko ang atensyon ng halos lahat ng mga estudyante dito... Damn! Hindi ako handa!

Lumabas na ako doon at nagdecide na pumunta na ng cafeteria but then nang makaabot ako sa may hagdanan, nagbago ang isip ko.

I want to go to the rooftop. I want to escape just this once before I let myself face the new happenings in my life as a student. I want to freshen my mind, I want myself to be fully ready for it.

After this, handa na akong magpaubaya sayo Faulker. Handa na akong magpaka-alipin sa iyo.

I climb the stairs way to the rooftop.

Natatanaw ko na ang rooftop. Nakakaisang hakbang pa lamang ako pero bigla akong napaatras at sumandal sa pader sa may hagdanan.

What are they doing here?

"Do you really like her? If it is not, then please stop your nonsense game."

"What if I am? Are you gonna let us then?"

Kumunot ang noo ko sa mga narinig ko. What is going on between them?

Beep. Beep.

Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko.

"Sino yan?"

Wah! Bwiset sinong panira ang nagtext sa akin!

"Go out if you still care with your life!"

Damn it! Wala na akong choice. Galit siya.

Bago ako magpakita sa kanila ay tiningnan ko muna ang nagmessage na nagpahamak sa akin.

Your GoSurf50 has expired....

Wahhh! The heck Globe, wrong timing!!!