Nagising ako sa lakas ng alarm clock na nakapatong sa lamesa. Ako si Sassa Libertine Agustine, 17 years of age , and today is the first day of school to my new school.Yes new school and tingin ko ito na ang last at dito na ako ga-graduate ng senior high at college. Sa loob ng 17 years ni hindi ko na maalala ang mga eskwelahan na pinasukan ko simula nursery hanggang junior highschool halos nalibot ko na ang lahat ng paaralan😅.
I am consistent honor student since I was nursery, sa tuwing magdedesisyon sina Papa at Mama na ilipat ako ng school ang palaging tanong ng eskwelahan ay BAKIT? Kayat hindi na ako nagugulat kung basta basta na lang mag desisyon sila na ilipat ako nang school ngunit sa pagkakataong ito hindi ko makita ang sagot.
Ma, Pa sigurado na po ba kayo na dito ako mag- aaral? sure na sure na po ba kayo? Nag- aalangan kong tanong, ngunit tinignan lang ako ni Papa at magiliw na ngumiti.
Habang papunta kami ng school ay naalala ko nalang ang kuya ko kung saan nasa America ngayon at doon nag-aaral , ngayon alam ko na kung bakit palaging ayaw ni kuya magkaroon ng maraming kaibigan sa school dahil sa pabago bago ang isip nina Mama at Papa. Hindi namin alam ang sagot kung bakit ganito sina Papa at Mama parang gusto nilang halug hugin ang buong Pilipinas, Oo ganyan ko e exaggerate ang mga desisyon nina Mama sa amin ni kuya 😊 pero alam ko na they have a reason kung bakit nila ginagawa lahat ng ito.
Mahal na mahal nila kami ni kuya dahil di naman kami nila pinagbabawalan lahat ng gusto namin nabibili namin, isa pa hindi kami ni kuya naging option nila palagi kaming nasa unahan at hindi sila naging iresponsableng mga magulang halos lahat ng meeting maliit man o malaki ang pagtitipon sa school ay never silang hindi pumunta, kaya kahit anong desisyon nila syempre may kagustuhan din kami. Bago sila gumawa nang desisyon ipinaalam muna nila ito sa amin bago tuluyang gawin. Matapos ng kalahating oras na byahe dahil sa rin sa traffic nakarating na rin kami sa napakalaking gate ng eskwelahan. Sumunod lamang ako sa likod nina Mama habang naglalakad.
Madam, President ikinagagalak namin na dito niyo po pag- aaralin ang napakamaganda niyong prinsesa, maligayang pagdating sa bago mong tirahan Ms.Agustine, kung ito na ang iyong iskedyul ng klase nariyan na rin ang classroom mong papasukan sabay abot sa maliit na papel na kulay pink, ngumiti lamang ako habang inaabot ang papel. Matapos akong mag paalam kina Papa at Mama mabilis akong nag tungo sa una kong klase.
Habang naglalakad sa hallway ay inilibot ko ang ang paningin upang namnamin ang ganda at lawak ng eskwelahan, huminto ako sabay tingin sa malawak na field kung saan napapalibutan ng matataas na puno ang paligid nito, makikita mo din sa unahan nito ang malaking bubong kung hindi ako nagkakamali ito ang swimming pool. Matapos kong namnamin ang magandang tanawin ay lumingon na ako para magtungo na sa classroom ngunit bigla akong natumba sa sahig sa sobrang lakas ng impact ng pagkabangga sa akin, napabuntong hininga akong sumulyap sa kanya para ismuran ng "hindi ka ba tumutingin sa dinadaanan mo?", napakamot nalang sa batok ang estudyanteng ito habang mapait na ngumingiti. Inabot niya lang ang kamay niya para alalayan akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig sabay sabing "SORRY!" nang makatayo na ako ay tumakbo ito na parang nagmamadali. Napaismid na lamang ako dahil sa nangyari habang naglalakad.
Nang natagpuan ko na ang silid bigla akong kinabahan bigla, bilang isang tranferee wala akong ideya kung anong mga klaseng estudyante mayroon dito, higit sa lahat wala akong ni isang kakilala, kung nandito lang sana si kuya hindi ako kakabahan ng ganito, habang iniisip ang mga iyon ay biglang bumukas ang pintong nasa harapan ko bumungad ang isang mataas na pigura ng isang babae . Ikaw ba si Ms.Sassa Libertine Agustine? pambungad na tanong nito. Tumango lamang ako bilang tugon, ngumiti lamang ito sabay sabing pasok ka na kanina ka pa namin hinihintay, ngumiti lamang ako dito.
Nang makapasok ako sa silid ay bigla na lng nagsitayuan ang mga nasa loob sabay bating "maligayang pagdating ikinagagalak ka naming maging kaklase". Nagulat man ay naramdaman ko ang kanilang mainit na pagtanggap sa akin hindi ko alam kung ganito ba nila batiin ang lahat ng mga estudyante na unang papasok o dahil sa mga mga magulang ko, ngunit ano pa man ang maging rason ay masaya akong maging bahagi ng klaseng ito. Ngumiti ako sa kanila at sabay sabing ako rin masaya din akong maging bahagi ng klaseng ito maraming salamat sa mainit na pagbati at pagtanggap 😊.
Hello, I am Sassa Libertine Agustine, 17 years of age, nice to meet you all pakilala ko sabay ngiti. Miss Agustine doon ang upuan mo sabay turo sa likurang bahagi sa gilid ng bintana, tabi kayo ni Miss Carlos. Matapos akong makaupo ay iniabot lamang ng katabi ko ang kanyang kamay sabay sabing Alexa Denise Carlos habang nakangiti, Sassa tama? tanong niya bago pa ako nakapagsalita, tumango lamang akong nakangiti sabay abot sa kamay niya. Hindi ko alam kung ilang minuto din kaming nagkwentuhan ni Alex tungkol sa kung anong klaseng mga estudyante mayroon sa school na'to pero tiniyak nya saakin na wala daw dapat akong alalahanin pagdating sa social matters kase halos lahat naman daw pwede pagtanungan di naman daw ang mga ito snobber, natapos ang unang araw ng klase na marami akong nalaman sa tulong na rin ni Alex.
Bago pa kami makarating sa bahay ay nagsalita si manong Andrew siya ay driver namin mahigit 2 taon na rin siyang nagtatrabaho sa amin, Miss mukhang hindi po kayo excited umuwi ahh kanina pa po kayo tahimik? kamusta po ang unang araw ng pasukan? sunod-sunod na tanong nito. Po excited? takang tanong ko, tsaka okey lang po kuya may kaibigan na rin akong nakilala medyo palakwento ngalang pero okey naman siya ngiti kong sagot, mabuti naman sabi niya bago bumalik sa unang tanong,oo yung kuya mo andito hindi nyo po ba alam? Po! andito si kuya? kailan? gulat kong tanong.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay hinanap ko agad ang presensya ng kuya ko, hindi naman ako nabigo dahil mukhang hinihintay nya rin ako, nakaupo siya sa sofa na nagegames sa kanyang telepono at nang makita ako ay agad itong tumayo at ibinuka ang dalawang braso, masaya at nanabik akong yakapin ang kuya ko dahil higit dalawang taon na rin ang huli kaming nagkita personally dahil puro pag uusap lang via video call, mahigpit ko syang niyakap sabay sabing na miss kita kuya sobra, namiss ko din ang prinsesa namin sabay higpit pa ng yakap saakin. Habang ganoon ang sitwasyon namin ay agad kong natanong siya nga pala kuya bakit andito po pala kayo? kung andito ka ibig sabihin ba nito dito ka mag-aaral? tinignan lang ako ni kuya at matamis na ngumiti, sabay sabing mayroon akong pasalubong sayo sigurado akong magugustuhan mo. Excited ako sa pasalubong pero sobra kong na miss kuya ko ehh sabay yakap ulit, wala siyang nagawa kundi yumakap ulit matapos ang dalawang minutong magkayakap humiwalay na kami sa isa' t isa dahil sa boses ni Mama siya lang ba ang namiss mo? masiglang tanong nito. Ngumiti lamang si kuya at naglakad para yakapin sina Mama, lumapit ako para makiyakap, nang maghiwa-hiwalay ay nagsalita si mama, Ohh! ibinalik ko na kuya mo para hindi ka na malungkot ngumiti ako at niyakap siya habang iniabot ko naman ang kamay ko para hawakan si papa sabay sabing marami pong salamat Ma, Pa hindi na po ako mag iisa sa school.
8:00 ng gabi ay nasa loob na ako ng kwarto naghahanda na para matulog ng may kumatok sa pintuan ko, gising ka pa ba princess? Si kuya sabi ng isip ko, opo sandali lang magalang kong tugon. Nang makapasok na sya ay umupo sa sa kama, kamusta unang araw ng pasukan ni hindi tayo nagkakwentuhan kanina? ngiti nitong tanong, Okey lang po may kakilala na rin si Alex haha palakwento siya tungkol sa school at tsaka sa mga estudyante kung anong uri ang mga ito. Ikaw kuya anong kukunin mong course? isa pa di mo pa sinasabi sa akin rason kung bakit magdedesisyon sina Mama at Papa na dito ka ulit mag-aaral? sunod-sunod kong tanong ng may kyuryusidad. Ngumiti lang si kuya sa matamis na paraan, umismid ako dahil na fefeel ko na hindi nya ito sasagutin, pero ilang sandali pa ay nagsalita ito, una sa lahat mabuti naman at may kilala ka na sa school masaya akong madali ka pa rin maka overcome ng mga ganitong sitwasyon, pangalawa Architecture ang kukunin ko pinapili ako nina Papa kung anong gusto ko at wala naman silang tutol kung ano mn ang piliin ko alam mo naman sila diba? paliwanag nito. At ang huli naman ay dahil gusto nina Mama na may kasama ka hindi naman daw para bantayan ka kase baka maraming manligaw sayo dahil sa maganda ang kapatid ko pero para hindi ka maging mag isa at pwede kang humingi ng tulong sa akin ano mang oras, pilosopong saad nito.Okey na ba? kung wala okey na sige na matulog ka na at maaga pa tayo papasok, good night princess sweet dreams, paalam nito.
Magandang umaga sa inyong lahat I'm Justine Alexander Mielle Agustine, 19 years old , I'm glad to be part of this class pakilala nito, syempre dahil sa nagbabalik na school crush ng ISA(International School Academy). Walang kaduda- duda na si Jam ay kilala pa rin sa buong campus dahil sa naiwan nito noong nakalipas na dalawang taon, siya lang naman ang dating President School Organization na nakilala sa buong bansa dahil sa napakalaking ambag nito sa larangan ng Sports. Syempre hindi lamang sa nag organized ang school para makilala sa angking laki ng contribution kundi para ipakita na hindi lamang pumupukos ang paaralan sa akademiks kundi pati rin sa sports ay kaya nilang panindigan na they are an International school.
Mahihit 10,000 estudyante ang nakikipagsagupaan kada taon makapasok lang sa paaralang ito ngunit kalahati lang dito ang nakakapasok, sa kalating estudyante 5% dito ay school scholarship. Hindi lahat ng nag aaral dito ay mayayaman, ngunit dahil sa social status they are separate kumbaga mayayaman sa mayayaman at mahirap sa mahirap.
Hindi sabay umuwi ng araw na iyon ang magkapatid dahil sa ipinatawag si Jam sa Faculty, Si Sassa naman ay dumaan sa Mall kasama ni Alex para bumili ng gagamitin sa class activity sa Science. Habang naglalakad ang dalawa ay napansin ni Sassa ang isang babaeng nakasuot ng uniform tinitignan nito ang perang nasa kanyang pitaka na may malungkot na itsura na nasa counter, kaya't kinuha na nya ang kailangan nyang bilhin at nagtungo sa counter para magbayad, inilagay niya sa ibabaw ng desk ang kanyang binili at nag wika isali mo na ito habang nakangiti at tumingin sa babae ako nabahala, walang imik na tinitigan siya ng babae at ngumiti sabay sabing maraming salamat. Iniabot ni Sassa ang kanyang kamay sabay sabing Sassa habang nakangiti, Clare sabi ng babae sabay abot ng kamay nito, Alex here singit ni Alex sabay hawak sa balikat ni Sassa habang nakangiti.
Umabot ng mahigit dalawang oras ang pagkwekwentuhan ng tatlo naputol lamang ito nang mag ring ang cellphone ni Clare nagpaalam ito na sasagutin niya kayat tumango lamang ang dalawa, ngunit napansin ni Alex na parang may mali sa pag uusap ni Clare sa kabilang linya ngunit binalewala nya ito, lumapit si Clare sa dalawa at nag paalam, sorry girls kailangan ko ng umuwi hinahanap na ako ni Papa, tumango lamang ang dalawa pang sang ayon nito. Ngunit nang hindi pa nakakalayo si Clare ay tinawag siya ni Alex sabay sabing mag iingat ka habang nakangiti, see you sa school dugtong ni Sassa, ngumiti lamang ito bilang tugon sa dalawa at nag patuloy ng maglakad palayo.