V1. CHAPTER 5 – Denial King
ALDRED'S POV
Hindi ko alam kung gaano kalaking "O" ang nabuo sa bibig ko pero alam ko na naging matindi ang paghikab ko.
6 AM. Hindi ko akalaing ganoong oras na ako magigising. Nagmadali akong mag-ayos, ni hindi na nga rin ako nag almusal para lang mabilis akong maka-alis sa bahay. Swerte dahil konti pa lamang ang nakapila sa sakayan at sakto dahil umabot ako sa capacity ng jeep.
Buti na lamang ay mabilis ang nasakyan ko. Sa 10 minutes na regular commute ay naging 5 minutes lamang ito. Tama para makaabot pa ako sa flag ceremony na nagsisimula ng 6: 45 ng umaga.
Hindi ko ma-imagine kung gaano ako kalamya lalo't umaga pa lang. Napatingin ako sa pader na salamin. Eyebags. Kulang na kulang pa ako sa tulog.
"Hay, kasi naman, tsk."
Saturday. Gumising ako ng 5 ng umaga. Nag OL. Naglaro. Nag OL. Naglaro at nag OL pero 8 na ng gabi ay hindi pa rin siya nago-online. Nabasa ko yung huling message niya at sinabi niya doon na hindi raw siya yung nag-like ng mga pics. Huh! Pakipot, ayaw pang aminin na na-attract siya sa angking kagwapuhan ko.
Wala akong ginawa noong sabado kundi iyon lang, maglaro sa pc habang naka-online sa laptop.
"Pambihirang buhay. Naka 20x na akong nag-level up pero ni-saglit di man lang siya nag-online."
Samakatwid ay alas dos ng sabado nang madaling araw na ako natulog.
♪♫ang mamatay ng dahil sayo~
Natapos ang flag ceremony. Sa buong flag ceremony ay wala akong inisip kundi ang kabaliwan ko sa kaniya. Ni isang panata ay di ko man lang nasambit at ang mga tanging naging dasal ko lang ay mag-online na sana siya.
"Aldred!"
Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay may narinig akong tumawag sa'kin.
Si Carlo.
Agad siyang lumapit sa akin at sunod na tinapik ako sa balikat.
"Good morning," bati niya saka inusisa ang aking mukha.
"Naka-drugs ka ba ha?"
"Tsk."
Mabigat. Inalis ko yung kanang kamay niya na nasa balikat ko.
"Ba't mukha kang talong?" dagdag niya pa. Hindi ko na lamang ito pinansin at inirapan siya.
"Baliw. Hoy, late ka nanaman, huwag mo kong subukang isama sa guidance office kapag pinatawag ka."
"Eh? Kasi naman parang 2 minutes lang akong late di na ko pinapasok ka agad," dahilan niya habang pailing-iling ng ulo. "Hey, ano pala? Nagawa mo ba yung assignment natin?"
Napasingkit ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong.
"Pasensya na wala ako kahapon sa bahay, naiwan ko rin yung cp ko. Si Elaine kasi eh, mapilit, di ko matanggihan," paliwanag ni Carlo na sinundan niya ng isang malaking ngiti. Ngiti na nakapagpagigil sa akin.
"Gago ka! Hirap na hirap ako gumawa no'n tapos ikaw papetiks-petiks lang?"
Sunday. Nagising ako ng 6 ng umaga. Kung susumahin ay apat na oras lang ako nakatulog. Kagaya noong sabado ay ka agad akong nag-online pero nadismaya lang ako dahil di pa rin nago-online si Arianne. Habang nakatitig ako sa Chicorita niyang DP ay bigla ko na lamang naalala na may mga assignments nga pala kami at kahit isa ay wala pa akong nagagawa. Tinawagan ko si Carlo pero hindi siya sumasagot kaya nag-try ako sa home number nila.
"Hello? Oh, Aldred ikaw pala 'yan. Si Carlo? Kakaalis lang niya sabi niya pupunta raw siya sa inyo," ayon kay Tita Theresa nang tumawag ako.
Tinignan ko si Carlo.
"Pupunta pa sa'min yung paalam mo kay Tita ha. Tigas ng mukha."
Napakamot siya sa ulo at saka ngumiti.
"Ehe, kasi 'lam mo naman na papagalitan ako ni Mama 'pag sinabi ko yung totoo. Sasabihin no'n umagang-umaga pa lang date na ina—"
I cut him off.
"Wala kong pake sa explanation mo. Ang hirap-hirap ng assignment natin kala ko pa naman dadating ka talaga."
Noong linggo ay inakala ko talaga na pupunta 'tong kumag na 'to sa bahay kaya tinira ko yung KALAHATI ng assignment namin sa kaniya para fair kami at may maiambag siya. As usual, free time kaya petiks mode din ako. Naglaro, nagbasa at nangarap na mag-online na sana si Arianne ngunit 7 ng gabi na ay hindi pa rin siya nago-online at 7 ng gabi na rin ay wala pa rin akong nadadatnan kahit anino ni Carlo!
Ang tanga ko dahil umasa talaga kong pupunta 'tong baliw na 'to. Nang ma-realize ko na wala talaga siyang balak ay ni-rush ko na yung KALAHATI ng assignment namin na siya dapat ang gagawa.
RESULT: 2am na ako nakatulog at iyon ang tunay na dahilan kung bakit ang laki ng eyebags ko.
"100 pesos." Inilahad ko ang palad ko sa kaniya.
"Para sa'n?" tanong ni Carlo.
"Siraulo. Compensation. Yung mata ko nakikita mo? Naka-DRUGS di ba? Mukha akong talong diba? Kahit papa'no nilagay ko pa yung pangalan mo."
"Eh? Ang mahal naman 50 pesos lang. Pinakilala ko naman sayo si Arianne."
Napatigil ako saglit.
"Baliw! Ano naman kung pinakilala mo? Sinabi ko ba na ipakilala mo? Putek, ilibre mo na lang ako ng lunch," sabi ko sa kaniya bago kami pumasok ng classroom.
Apat na subject ang meron kami sa umaga tuwing MWF at tatlo naman tuwing TTH. Kasalukuyang nagdi-discuss ang last teacher namin sa umaga ng magmistulang napupunding ilaw na ang paningin ko. Feeling ko ay tumitirik na ang mga mata ko dahil sa antok kaya't yumuko muna ako. Balak ko sanang umiglip saglit pero nagising ako sa tunog ng bell at nalaman kong kalahating oras na pala ang lumipas.
♦♦♦
Lunchbreak. Ang bilis ng oras, lunchtime na at gaya ng napagusapan ay ililibre ako ni Carlo.
Kanina sa 3rd subject ay ni-present namin yung assignment na ginawa NAMIN. Buti na lamang ay mabilis maka-pick up si Carlo, isa iyon sa mga hinahangaan ko sa kaniya kahit utak munggo siya. Konting oras na lang noong mapagusapan namin kung ano ang mga dapat gawin kaya napahanga niya ko nang ma-deliver niya iyon ng maayos.
"O eto na Bicol express with special rice with four seasons juice with leche flan and with single slice of brazzo de mercedez... Hey! Sobra-sobra pa yung nagastos ko sa 100 pesos ah!" reklamo niya na tinugunan ko ng pag-irap.
Bago ako kumain ay ni-check ko muna yung cp ko. Still hindi pa rin siya online.
Adik ka Aldred may klase ngayong araw sino ba naman ang matinong mago-online.
Napabuga ako ng hininga. Mabuti na lamang ay may masasarap na pagkain sa harapan ko kaya na-lift yung pakiramdam ko.
I started to eat heartily the delicious foods in front of me.
"Ano Aldred? Naka-chat mo ba?" bulong ni Carlo.
Intrigero. Intrigero pero sa tingin ko ay kailangan kong sabihin sa kaniya.
"Oo, ang taray nga eh..."
Napatayo si Carlo at biglang humampas sa lamesa na nagdulot naman ng malakas na ingay, "WOW? Talaga? In-accept ka? Nakausap mo? Ikaw na talaga!" Exagge at nanlalaking mata na pahayag niya.
"Ssshh," dahil sa ingay niya ay nakarinig ako ng pagsita directly sa amin.
"Iskandaloso ka," sinabihan ko si Carlo.
Sa biglaan niyang reaksyon at paghampas ng mesa ay nagtinginan lahat ng estudyante sa canteen. Hinila ko si Carlo para umupo at nginitian ko na lamang ang ilang napatingin sa'min.
Nagngitian at nagbulungan yung iba.
"Kasi eh... nagulat ako. Balita ko kasi hindi yun naga-accept ng mga di niya close o kakilala. Mas nakakagulat pa eh naka-chat mo."
Nagpatuloy ako sa pagkain.
"Anong meron? Nagiingay nanaman kayo dito ah," bungad ni Jerome. Umupo siya sa tapat namin.
Si Jerome ay kaklase namin ni Carlo. Noong grade 11 lang namin siya simulang naging kaklase ngunit kahit ganoon ay isa siya sa mga close friends ko at masasabi ko na bestfriend din. Madali kaming naging magkaibigan dahil noon pa man, kahit di ko pa siya kaklase ay medyo magkakilala na kami. Member kasi siya ng ilang schoolclubs kung saan ay member din ako.
"Babae no? 'Pag si Carlo ganoon yung reaksyon for sure yun lang ang dahilan."
Tinapik ni Carlo si Jerome sa balikat.
"Galing mo talaga 'Pre pero hindi sa'kin yun... dito, dito. Babae nito."
Muli ay tumunog ang mesa sa harapan ko.
"Weh? Si Aldred may girlfriend na?" Nanlalaking matang tanong ni Jerome pagkatapos niyang humampas sa lamesa. Napangiwi ako dahil sa ingay. Sa pangalawang pagkakataon ay napatingin nanaman sa pwesto namin ang mga tao sa canteen.
"Sshhhh!" Mas malakas na pagsita ang sunod kong narinig. Imbes na tumahimik ay nagbulungan at mas nag ingay yung mga tao.
Ibinaba ko ang aking kutsara at tinidor saka tumayo.
"Tumahimik nga kayong dalawa. Wala akong girlfriend," sabi ko sabay alis. Napabuga na lamang ako ng hininga.
Habang naglalakad ako palabas ng canteen ay narinig ko ang mga bulungan ng ilang estudyante. Halos lahat ng alingawngaw ay galing sa mga babae. Maraming nadismaya pero nang sabihin ko ang katotohanan ay nakita ko ang pagbago ng ekspresyon nila. Lumabas ako sa canteen. 30 minutes pa bago magsimula ang klase kaya minabuti ko na pumunta muna sa Tree garden.
"Hoy! Aldred! Hintayin mo naman kami," sigaw ni Carlo.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Hay, feeling ko sasabog yung appendix ko," turan niya habang nakahawak sa tagiliran niya. Parehas silang dalawa ni Jerome ay humahangos pero mas naagaw ng nakasupot na brazo de mercedez ang atensyon ko at alam kong akin iyon kaya nikuha ko agad sa kamay niya.
"Hoy? Ba't bigla ka na lang umalis? Di mo man lang kami hinintay matapos," reklamo ni Carlo.
"Hmmp!" Nitaasan ko siya ng kilay.
"Saka iniwan mo na 'yan kaya akin 'yan," dugtong niya.
Inalis ko ang mukha ko sa paningin nila at kumagat sa aking dessert. Tumuloy ako sa paglalakad patungo sa Tree Garden habang nakasunod naman sila.
♦♦♦
"Arianne? As in Arianne Mari Fernandez? Yung taga St. North Girls School? Kilala ko yun, si aka Ms. Heartbreaker."
Napalingon ako kay Jerome nang sabihin niya iyon. Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno dito sa Tree Garden nang magsimula ang usapan tungkol kay Arianne.
Arianne... Pero speaking, tuwing naririnig ko yung pangalan niya ay para bang may gusto na magsumiksik sa memorya ko.
"Aba ah... sa'n naman nanggaling 'yang info na yan?" tanong ni Carlo kay Jerome.
"Parang di mo naman alam 'yan. Ikaw pa? Saka ako pa? Sikat kaya si Arianne dito sa district natin kahit nga students dito sa'tin kilalang kilala siya."
Nakasingkit mata kong tinitigan si Jerome.
Huh, may pagkachismoso rin pala 'to.
Napatingin sa'kin si Carlo, "Tameme ka ata dyan Al? Ano? Nabiktima ka rin ba ni MS.HEARTBREAKER," saad niya sabay tawa.
Nagtawanan silang dalawa.
Tsk, mga bwiset.
Hindi ako umimik sa reaksyon nila.
"Pero to think na in-accept ka niya sa account niya... para sa'kin maganda na iyon. Sa pagkakaalam ko kasi snubber siya eh," sabi ni Jerome. Napangisi tuloy ako.
Aksidente man yung pag-accept ni Arianne sa'kin as a friend ay hindi ko pa rin maiwasang ngumisi at ihayag ang karapatan kong magmayabang.
"Ganon talaga, 'lam nyo naman... AKO eh," saad ko sabay ang paghalukipkip.
Tinignan nila ako ng nakakunot ang kanilang mga kilay at tila ba nakakita ng bagong nilalang.
"Wow, naks, ngayon ko lang 'to nakitang ganyan," Jerome pointed out, "Pre inlove?"
Eek!
Medyo napayuko ako ng sabihin niya 'yon.
Tumawa si Carlo sa reaksyon ko, "Ayaw pa kasi umamin. Hey Al ano ba kasi napagusapan niyo sa chat? Ba't ka tinarayan?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Carlo.
"Weh? Talaga? Nag-chat sila? Ayos ha."
Hinayaan ko na lang sila na asarin ako. Siyempre wala kong balak i-share sa kanila yung convo namin ni Arianne. Ni-check ko na lang muli yung cp ko at gano'n pa rin, di pa rin siya online.
"Alam mo ba yung reaksyon ni Aldred noong una kong ipakita yung pic ni Arianne? Grabe! TL as in tulo laway! Obvious na obvious na na love— "
Agad ay pinigilan ko ang walang hiyang bibig ni Carlo.Tinakpan ko ito pero di ko akalaing tampal pala ang nagawa ko.
"Aray! Hoy! Gusto mo bang pasabugin nguso ko? Baliw 'to anong papakita ko kay Eunice pag nag-date kami?"
Eunice? Akala ko ba Elaine?
"Basta Al if you need help nandito lang kami," sabi ni Jerome.
"Oo nga. Oo nga. Sinabi ko rin yan sa kaniya. Tignan mo, balang araw kakailanganin mo rin ng bro tips ko."
Bro tips mo lul!
Sandaling tumahimik ang paligid. Nakakaantok kasi sa lugar lalo pa't tanghali ang sarap matulog yung iba nga na nakatambay ay tulog na talaga. 15 minutes na rin naman ang lumilipas simula ng dumating kami dito sa Tree Garden.
"Maiba lang ako. Tutal taga SNGS naman yung pinag-uusapan natin. Yung isang apo ng may ari nitong school? Yung student council president ng St.North. Kilala nyo? Si Pristine Vicereal? Ang ganda rin kaya no'n. Sa pagkakaalam ko nga close friends sila ni Arianne eh."
Sa pagsasalita ni Jerome ay nabasag ang katahimikan sa pwesto namin. Si Carlo na nakahiga at may posibilidad ng makatulog ay biglang nagdilat ang mata.
Tanging yung isang apo lang ang kilala ko ng personal at sa pangalan ko lang kilala yung Pristine, ewan ko na lang si Carlo... siya pa.
"Thanks sa net halos lahat ng lalaki dito sa school kilala yung dalawa. Pero balita ko, parehas din siya ni Arianne, NBSB, Heartbreaker. Pero mas trip ko yung feminine beauty ni Pristine kaysa sa cool beauty ni Arianne. Kilala mo ba si Pristine, Carlo?"
"Hindi." Madali at maiksing sagot ni Carlo bago siya sumandal sa puno.
Oh? Hindi niya kilala? Nakakapanibago naman.
"Talaga? Di mo kilala? Nakakapanibago naman." Parehas kami ni Jerome ng iniisip.
Kahit papaano pala ay may nakakaligtas sa paningin ng no.1 flirt sa school na si Carlo.
"Oy grabe kayo, anong akala niyo sa'kin? May listahan ng mga lalandiin?"
Pareho kami ni Jerome na napahalakhak.
"Ganoon na nga," tugon ko.
"Sabagay, pwede rin," saad ni Carlo saka humalakhak din. Sa pagkakataong iyon ay nairita ako.
"May rumor pa nga na kaya NBSB sila kasi "Sila" talaga. Girls' school kasi eh, hindi maiwasan pero bagay sila kung totoo 'yon,"
What?!
Parang nalaglag ang tutuli ko nang marinig ang kwento ni Jerome. Matalas ko siyang tinignan para pagbantaan na bawiin niya iyong sinabi niya pero nginisian niya lamang ako at natawa.
"Hindi 'yon totoo," agad na sabi naman ni Carlo bago siya tumayo sa pwesto niya.
Tinignan ko si Carlo. Seryoso ang mukha niya. Lumuwang tuloy ang pag-hinga ko. Parang cottonbuds na luminis sa tenga ko ang pahayag niya. Parang nabunutan rin ako ng tinik kahit na baboy ang pananghalian ko matapos niya itong linawin.
"Pero akala ko sa SES siya nagaaral? Yung uniform niya kasi sa pic na nipakita ni Carlo," curious kong tanong.
"Ah, Well nag-aral siya doon, consistent 3rd placer sa batch nila pero for half a year lang," sagot sa akin ni Carlo. "Halika magta-time na. Punta na tayo sa room," dugtong niya at saka naglakad paalis.
Tumayo na rin kami ni Jerome para sumunod sa kaniya.
♦♦♦
Pagkabalik naming tatlo sa aming classroom ay mabilis na dumaan ang oras. Unti-unting naupos ang liwanag ng araw at maghahapon na noong kailanganin na muli naming maghiwa-hiwalay upang umuwi ng bahay.
"Sige mga bro ingat," paalam ni Jerome bago siya pumihit patalikod at maglakad.
Humiwalay na kami ng daan kay Jerome. Si Carlo at ako ay nakatira lang sa iisang barangay at sampung bahay lamang ang pagitan ng aming mga nititirhan. Habang naglalakad pauwi ay nangulit na naman si Carlo.
"Ano ba talaga bro? Ano napagusapan niyo?"
Ang kulit nito.
May pagka-irita kong nilingon si Carlo.
"Ano... sabi niya iba-block niya raw ako eh."
Para siyang nabilaukan at pigil na natawa pagkatapos kong magsalita. "Eh? Ganun? Sus naman... yabang mo pa kanina tablado ka rin pala."
Pinanlisikan ko siya ng tingin, "Sira, at least ako nakaapak sa 1st stage. Pero taray talaga akala mo naman kung sinong maganda."
"Wow ha, bitter pa kunwari. Sinungaling ka talaga kahit kailan."
Napasalubong ako ng kilay, "Hah! Sinong sinungaling? Hindi rin ako bitter. Pasalamat nga siya kahit papaano pinagaaksayahan ko siya ng konting panahon eh." Mayabang kong turan.
"Oh, talaga? Sige nga... paano mo naman inaksaya 'yong KAUNTI MONG PANAHON sa kaniya?" Tanong ni Carlo na may bahid ng panunubok. Napangisi ako saka umiling-iling.
"Hah! Ano, habang naglalaro ako syempre naka-open din yung laptop ko para makita ko kung mago-online siya. Saka, saka nag-stay pa nga ko ng late para lang hintayin kung mag-online siya pero hindi talaga nag-online ang babae. Badtrip nga eh, akalain mo inubos ko lang yung buong sabado para i-stalk siya."
Napansin kong parang natawa si Carlo pero mukhang nagpipigil siya. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Ah, TALAGA? Ano pa?" tanong ni Carlo habang nakatutok ang paningin sa'kin.
Napatigil ako ng bigla sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko ng maisip ko na parang may mali.
"Ngayon nga online ako. Kasi nititignan ko kung mago-online siya. Pero sino ba namang matino na estudyante ang mago-online ngayon di ba eh may klase? Kaya siguro di siya online."
Bigla ay humalakhak ng pagkalakas-lakas si Carlo.
"Tama. Pasaway lang yung mga estudyante na mago-online 'pag may klase di ba ALDRED?" tanong niya na tinanguan ko.
"Oo pasaway talaga, pero..." Hindi ko maiwasan ang matawa.
"Sige tawa muna. Anong pero?"
"Sa tingin ko wala naman talaga siyang balak i-block ako kasi 'lam mo ba ni-like niya yung ilan kong pics sa account, nag-comment pa nga siya eh. Ngayon ko lang talaga napatunayan na walang nakakapalag sa charm ko."
Sandaling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Yay, yabang," walang gana niyang sabi na tipong nangaasar pa.
"Siyemp—"
Nanlaki ang mga mata ko at napatitig kay Carlo.
Aldred! Anak ng patola ka! Baliw! Baliw ka ano bang pumasok sa isip mo't pinagsasabi mo yung mga 'yon?!
"Ehem, ehem. Pero hindi ko siya type! Baka kung anu-ano iniisip mo dyan. Wala lang talaga kong magawa," bawi ko agad pagkatapos kong mapagtanto lahat ng pinagsasasabi ko. Kaya pala niya ako nitatawanan kanina pa.
"Utot mo tae ka. Nakakatawa ka ngayong araw. Sige sabi mo eh lols. Sige na dito na ko, Bye Mr.Denial King," pang-aasar pa ni Carlo ng nakangisi bago pumasok sa bahay nila.
"Hoy! Sira! Sinong denial ki—tsk!"
Hindi niya na ako tinignan kaya't napasipa ako sa hangin dahil sa inis. Nagmadali akong maglakad pauwi. Wala kaming assignment kaya walang makakaistorbo sa'kin at sa mga gagawin ko. Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sa'kin si Mama. Papaalis pa lamang siya upang mamalengke.
"Ma, siopao po ah, pasalubong," sabi ko kay Mama at saka umakyat padiretso sa aking silid
♦♦♦