webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Prologue

Pagpasok ko ng kwarto ay napansin ko ang isang envelope na nakapatong sa mesa ko pero mas pinili ko na ibagsak ang katawan ko sa ibabaw ng kama ko. Napabuntong hininga sabay na ipinikit ang aking mga mata. Idinilat ko ang aking mga mata at agad na ibinalik ang tingin sa aking mesa kung nasaan nakapatong ang halos tatlong taon ko ng natatanggap na sulat mula kay Autumn.

Napaupo ako at sabay na iniabot ang sulat. Tiningnan ko ang likod nito kung saan nakalagay ang address ko pangalan at kung kanino ito nanggaling

" From :Autumn " basa ko dito. Sino kabang Autumn ka...

Binuksan ko ito at kinuha ang papel na agad ko namang binuksan para basahin.

Dear Maureen,

Hi! how are you? i hope your doing fine :) btw advance Happy Birthday to you . I knew that you are also here in Japan I wrote again to ask you if its ok to you to meet me tomorrow evening at Jingu Gaien Ginkgo Avenue to personally introduce myself.

If it is ok to you? i'll wait .

again advance Happy Birthday Maureen take care :)

Love,

Autumn.

" Tomorrow evening... " saad ko habang hawakhawak ang sulat at sabay na tumingin sa maliwanag na buwan.