webnovel

Love's Journal

This journal belongs to Larisse Enriquez

aesthetic_calista · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
35 Chs

PAGE NINETEEN

PAGE NINETEEN

'Yong feeling na mahigit isang linggo na ako sa Ruforth pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasaan ang Cafeteria, Library 1,2,3, Main Library, Clinic, Computer Laboratory, etc. Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan ng mga building na nadadaanan ko minsan. Syet lang. Kaya kapag inutusan ako ng teacher para dalhin sa faculty ang mga gamit, 'di ako susunod. Hindi ko rin naman alam kung nasaan 'yon at baka maligaw pa ako. (╥_╥)

Paano ba naman, sa isang linggo ko na 'yon, iisang building lang ang pinapasukan at nilalabasan ko. Diretso uwi agad sa bahay at hindi na ako naggagala-gala pa tulad ng dati. Hindi rin naman ako bumaba tuwing recess para pumunta sa Cafeteria dahil nagbabaon naman ako ng pagkain.

Nagsisisi tuloy ako na hindi namin nilibot 'to ni Rinneah noong nag-enroll ako. 'Tapos nakalimutan ko pang magbaon kaya bumaba ako kanina para sana pumunta sa Cafeteria. Nagkanda-ligaw ligaw pa ako para lang hanapin ang buwisit na Caf na 'yon. Kung saan saan ako nakarating. Pati ro'n sa taniman na ng mga binhi na nasa dulong bahagi na ng school.

Bakit ba kasi ang laki ng school na pinasukan ko, e. Hindi ko pa kabisado. Para akong isang malaking tanga na nawawala sa kawalan. Nahihiya naman akong magtanong sa ibang estudyante kung nasaan at baka pagtawanan ako't sabihin, "Nag-aaral ka rito, Cafeteria lang 'di mo alam kung nasa'n?" Nakakahiya 'yon 'di ba? Kaya 'wag na lang. (-_-)

Babalik na nga sana ako sa room pero nagulat talaga ako nang bigla na lang may nagsalita mula sa likod ko. Sabi niya, "Ano'ng hinahanap mo?" Napahawak pa ako sa dibdib ko. Pagtingin ko mas lalo akong nagulat! Siya! Siya kasi 'yong babae na nakasabay ko sa pila no'ng nag-enroll ako na 92 point something ang average. 'Yong nagtanong kung ano raw average ko.

Ako: Wala naman. (Sabay iling. Nakakahiyang sabihin, e.) 「(゚ペ)

Siya: Okay lang na sabihin mo sa 'kin. Baka matulungan kita. (Nakangiting sabi niya 'yan.) (´−`)

Syet. Ang kyot pala niya. May dalawang dimples siya sa gilid ng labi at bilog na bilog ang brown niyang mata. Medyo maputi siya at naka-hairclip lang ang buhok. Swear, mukha siyang mabait.

Ako: 'Di ko mahanap kung nasa'n 'yong Cafeteria. Ngayon pa lang kasi ako umiikot-ikot dito sa school kaya hindi ko pa kabisado.

Siya: (Ngumiti) 'Yon lang pala. Tara, samahan na kita. Sabay na tayong mag-recess.

Ako: (Nagulat dahil hindi niya ako pinagtawanan at sabay pa raw kami.) Talaga? Sige salamat. Larisse Enriquez nga pala pangalan ko. (Inunahan ko na talaga.)

Siya: Walang anuman. Ang cute naman ng pangalan mo. Ako naman si Remarie Panganiban. (Kinuha niya ang kamay ko at nakipag-shake hands pa.)

Ang bait niya talaga dahil pagtapos namin mag-recess, (dahil champola lang binili ko lol.) hinatid pa niya ako sa room ko at sinabi niyang sa thursday daw, sasamahan niya akong mag-ikot dito sa school. Ang bait 'di ba? ♡

P.S: Masaya ako dahil siya lang ang bukod tanging kumausap sa 'kin kahit 'di ko siya kaklase. '٩꒰。•◡•。꒱۶'