webnovel

Chapter 19: Chasing Regina

PAGKALAPAG sa NAIA airport ay lumingon-lingon ang binata habang naglalakad. Baka kasi mamaya ay bigla siyang paligiran ng mga tao pero laking pasasalamat naman nito at hindi iyon nangyari.

He didn't wear something in disguise. Nakasuot lang ito ng simpleng jeans, gray shirt at black leather jacket with his black face mask. Malaya itong nakalabas ng lugar at sumakay sa sasakyan na nagsundo rito.

"Wait for me," sambit ng binata sa kanyang isipan habang iniisip ang dalaga. Nagpasalamat ito at nakakuha siya ng tiempo upang makapag-bakasyon ng limang araw. Yes, he only got five days to fix everything before he goes back to Seoul.

Linabas nito ang isang envelope na ang laman ay tungkol kay Regina. He hired a private investigator to locate her girlfriend kaya heto s'ya ngayon, nasa pilipinas upang hanapin ang dalaga.

"So you live in Makati," Sabi nito habang binabasa ang mga inpormasyong nakalap ng imbestigador. Hindi na ito nagsayang pa ng oras at pinadiretso n'ya ang driver sa tinutuluyan ng nobya.

It was Saturday morning when Regina felt strange. Noong isang araw pa kasi hindi maganda ang pakiramdam n'ya pero pinilit padin nitong pumasok. Buti nalang at wala pa siyang naka schedule na flight kaya pagreport lang muna sa office ang ginagawa n'ya.

Pinilit nitong bumangon sa kama at uminom ng isang tasang gatas galing sa fridge. Medyo nakaramdam naman ito ng ginhawa pero maya-maya ay umiikot nanaman ang kanyang t'yan.

"Hay, ano bang nakain ko?" Sabay haplos nito sa bandang ibaba ng kanyang t'yan. She was about to lay down when she heard a knock on the door. Walang anupama'y pinagbuksan nito ang kumakatok at gulat na tinitigan ang taong nasa kanyang harap.

"Hello, I hope you don't mind me visiting you." Bati sakanya ng binatang nakasuot ng itim na hoodie. Bagay nito ang may pagka-kulot at mejo mahabang buhok na kulay gray.

"Justin? Hi! Tuloy ka." Nahihiya man ay pinatuloy niya ang binata kahit mejo magulo ang bahay nito. Hindi pa kasi siya nakapag-linis ng mabuti dahil sa dinaramdam niya kaya agad siyang humingi ng paumanhin.

"It's fine. I don't mind," nakangiting sagot nito sa babae. Bago umupo ay iniabot nito ang isang basket na may iba't ibang uri ng prutas. Nagpasalamat ito at tinanong kung anong sadya ng binata.

"Ah, I heard from your friend that you're not feeling well. So I went here to check on you," the guy answered. Hindi na nagtaka ang dalaga dahil sino pa nga bang kaibigan n'ya ang binanggit ng lalaki, walang iba kundi si Jasmine Zybert Perez a.k.a Jazy. Pinakilala niya kasi ang binata sa kaibigan noong minsan nagkasalubong sila sa mall ng lalaki.

"Oh, thank you for checking on me. I'm fine. Baka kailangan ko lang magpahinga." Umupo ito sa katabing sofa na inuupuhan ng binata tsaka niya ito tinitigan.

Nakaramdam naman ng hiya si Justin dahil biglang tumahimik ang paligid. The real reason is he wanted to ask her out for a friendly date, pero hindi ito makatyempo dahil alam n'yang hindi maganda ang pakiramdam ng dalaga.

Regina offered her somethingto drink which Justin immediately refused. Since he had just received a message from his friend, he told her he'd better leave for her to get a proper rest. "I have to go. Maybe we can hang out together next time," he said in bunny smile.

Nginitian din naman ito ng dalaga at tumango. Pagkatapos ay sinamahan n'ya ito palabas sa kanilang gate.

"Thank you sa prutas ha, nakakahiya. You take care," she said. Ngunit sa hindi inaasahan sa pagbukas n'ya ng gate, ay may isang taong nakatayo habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sakanila.

Wearing a gray shirt, black leather jacket, jeans and chelsea boots, kilala niya ang pormang ito. Napakunot ang noo ng dalaga dahil hindi niya inaasahang nasa kanyang harapan ang taong matagal na niyang gustong makita.

"Jace," she uttered. The sadness she feels began to fade away. Ang mga malungkot na mata nitoy unti-unting napangiti ng makita ang lalaki na matagal na n'yang gustong makita.

Ngumiti ang binata ng makita ang nobya pero biglang nawala ang saya nito sa labi ng lumabas sa gate ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa na may pagtataka sa isa't isa. Justin looked at him then shifted his gaze at Regina. Ganoon din ang binata na nagtatakang palipat-lipat ang tingin sa lalaki at sa nobya.

"Get well." Pagkalabas sa gate ay nginitian n'yang muli ang dalaga at sumenyas na mauuna na ito. Justin didn't utter a word to Jace and just walked past him.

"Who is he?" Takang tanong ni Jace habang sinusundan ng tingin ang lalaking naglakad paalis at sumakay sa kotse.

"He's Justin. He's a friend," tipid na sagot ng babae. Nakatingin lang ito sa binata habang nagsasalita. Kanina pa kasi n'ya gustong yakapin ito pero parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nakakunot ang noo ng lalaki na parang dismayado sa kanya. Ang babae naman ay nagtataka dahil tinitignan lang siya ng binata pero hindi nagsasalita.

Biglang tumalikod si Jace habang ang kaliwang kamay niya ay nakapamewang at hinawi ng kanyang kanang kamay ang buhok nito tsaka muling liningon ang dalaga. "I came all the way here from Seoul just to see you with a man?"

Regina was surprised. Hindi n'ya kasi maintindihan ang ipinupunto nito. "Wait, what? Bakit parang kasalanan ko pa na nanggagaling ka sa malayong lugar?" sagot nito na may pagtitimpi. Hindi ito makapaniwalang magkikita sila ni Jace ngunit ganito pa ang bungad.

Hindi naman makasagot ang binata. Wala naman s'yang nakikitang masama pero iba ang nararamdaman n'ya noong makita n'ya ang lalaking lumabas mula sa bahay ng nobya."I don't understand you. Nagpapatuloy ka ng ibang lalaki kahit may karelasyon ka?" Kunot noong tanong nito. "What kind of behaviour is that?"

"Anong ibang lalaki?" She responded with her forehead wrinkled. "I told you he is a friend. Alam mo kung anong hindi ko maintindihan? Ikaw! Yung ipaparamdam mong mahal mo ako ngayon pero sa susunod na araw bigla kang manlalamig. Bigla kang mawawala! And why are you even here?"

Biglang natahimik si Jace sa narinig. It was his first time to see her raise her voice at her and he felt sorry she felt that way.

"Remember the day when I asked you if we could do it together?" She chuckles and looked him in the eyes. "I regret asking you that question because it made me think that you really aren't sure about me. And do you know what hurts the most? It's when I was waiting for an answer, I was waiting for you to choose me, to choose us...but you chose to walk away instead, and that killed me," she added.

Pagkasabi nito ay tumalikod ang dalaga at sinara ang gate. Her tears started falling but she managed to walk straight her house and shut the door.

Jace was left standing outside. He was hurt by what he heard. Hindi nito napigilan ang sarili na suntukin ang sementong nasa gilid. He decided to go back to the hotel, kailangan niyang magpalipas muna ng sama ng loob bago makapag-isip ng susunod na gagawin. Tatawagan sana niya ang kanyang driver ng sa 'di kalayuan ay napansin n'yang hindi pa umaalis ang lalaking kaninang kasama ni Regina. Tinted man ang sasakyan ay alam n'yang nakatingin ang binata sakanya. Naglakad ito papunta sa kotse at kinatok ito. He tried to calm himself to not cause any scene. Ilang sandali pa ay lumabas si Justin sa sasakyan at tinignan ang lalaki.

"I am trying to be calm. Leave her alone," Jace said in a calm manner.

Tingin naman ang ibinalik sa kanya ng binata bago nagsalita, "Leave her alone? Really? After you, leaving her just like that, now you want me to leave her alone? Sino ka sa akala mo para pagsabihan ako ng ganyan?" May pagtatataas ng boses nitong sabi.

"I am your brother!" he responded in a thunder voice.

Narinig nitong nagpakawala ng mahinang tawa ang kaharap na binata bago lumapit sa kanya at nagsalita, "Yeah? Kelan pa?"

Jace was stunned. Hindi siya nakasagot agad dahil alam n'ya kung anong ibig sabihin ng kapatid. Justin is his half brother. Nalaman n'yang may kapatid pala ito sa ama noong siya'y sampung taong gulang. Kahit dalawang taon lang ito mas bata sa kanya ay hindi n'ya ito nakasundo.

Nang mamatay ang nanay ni Justin ay tumira ito sa puder ng kanilang tatay. Dito niya nakasalamuha ang nakatatandang kapatid, but Jace doesn't mind him at that time. Walang pakialam ito noong mga panahong 'yon kaya pakiramdam n'ya ay hindi siya itinuring na kapatid ito.

Justin was too sad that he felt he didn't exist, kaya nang mag kinse anyos ito ay umalis siya sa kanila. He lived a life without the help of anyone, he worked hard to pay for his school fees and everyday needs. Kahit nung mabalitaan n'yang natanggap sa audition bilang idol ang kapatid ay hindi n'ya ito kinausap. Halos siyam na taon din ang nakalipas nang huli silang magkita. Napapikit nalang si Jace habang inaalala nito ang kaunting memorya na kanyang naaalala kasama ang kapatid.

"Appa! Eomma!" tawag nito sa kanyang mga magulang. Nasa iisang kwarto sila ni justin at napansin niyang giniginaw ito. Tsaka n'ya lang naalala na nasa trabaho nga pala ang kanilang mga magulang at silang magkapatid lang ang naiwan sa bahay. Kahit walang alam ay pinuntahan n'ya agad ang kapatid para tignan ang lagay nito.

"Justin?" mahinang tawag nito sa kanyang pangalan. Hinawakan nito ang kanyang noo at nagulat dahil sa taas ng lagnat n'ya. Buti nalang at may nakita itong gamot pang tanggal ng init kaya agad n'yang binangon ang nakakabatang kapatid para painumin ito.

Pagkapahiga ay agad n'ya itong pinunasan ng tuwalya sa katawan and right there, he noticed some bruises in his brother's arms and stomach. Lalong nagulat ito dahil may mga sugat ang lalaki sa kanyang dalawang paa. Nagtatakang tinignan n'ya ito pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman n'ya para sa taong gumawa nito sa kanyang kapatid.

"Who did this to you?" mahinang tanong n'ya habang nakakuyom kanyang ang mga palad. Hind kasi s'ya makapaniwalang may nananakit kay Justin dahil hindi manlang nito nababanggit sa kanila. "Don't worry, I'll make sure thay they'll pay for this." Muli niyang tinignan ang kapatid hanggang sa makatulog ito kakabantay sa kanya.

Kinabukasan ay sinigurado niyang wala ng dinaramdam si Justin pero inabisuhan n'ya itong magpahinga muna sa bahay. Maaga kasing pumasok ang kanilang mga magulang sa trabaho kaya naman s'ya ang naghanda ng almusal nila. "Eat your breakfast and don't forget to drink your medicine," malamig na sabi nito.

Ganoon si Jace, he seems cold but deep inside, he cares. Hindi lang siguro talaga s'ya sanay magpakita ng emosyon. That was years ago. Parang may biglang kung anong kirot ang naramdaman nito dahil sa nangyari noong mga panahong 'yon. Pagbukas ng kanyang mga mata ay nakita n'yang pinaandar ni Justin ang sasakyan at mabilis na umalis sa lugar. He was once again left standing.

"Shit," he cursed himself. Ngayon ay hindi n'ya alam ang gagawin. He only got five days to fix everything, matagal na niyang hinahanap ang kapatid at gustong gusto n'ya ding makipag-ayos kay Regina.

'Now, paano magkakasya ang limang araw?' he asked to himself.