webnovel

Katha ng palad Lathalaing isinisigaw ng Puso

Aking bayan oo nga't malaya ka na sa mga banyagang nagpahirap, dumungis at umalipusta sa iyo,

Ngunit bakit tila lumala ang iyong sitwasyon?

Nasadlak ka sa kahikahusan, kakulangan, karumihan at korapsyon,

Maraming mamamayan ang kumakalam ang sikmura, umaalis sa sariling bayan upang magbakasakali sa ibang bansa,habang ang iba'y nagpapasasa sa biyayang dulot ng pangungurakot!

Oh bayan ko, bakit nasungisan ang iyong magandang imahe,

Sa pamamagitan ng patayang maraming inusenteng nadamay at puro mahihirap ang napuputukan at napipiit,

Dahil sa mga taong ganid ganid sa kapangyarihan at sa iyong kayamanan!

Bakit ka pumapayag na sa bayan mo'y maging talamak ang illegal na droga, maglipana ang mga teroristang nais humamak sa iyo?

Bakit mo dinurungisan ang yong lahi sa pagkakaroon ng ikatlong lahi?

Bakit ka nagpapaalila sa mga taong nais laging masunod ang hilig ng laman?

Bakit mo hinahayaang mga bata'y magpalaboy-laboy dahil sa kahikahusan at kakulangan?

Bakit mo hinahayaan ang di balanseng paghatol at pagtanggap ng suhol upang maliko at mabali ang katotohan?