Kahit na ang mga pagkakamali lang sa pill forging technique ng tatlong apothecary ang isiniwalat ng taong nasa harap nila, ang mga kakayahang ipinakita niya ay nagdulot na matinding takot sa natitirang mga apothecary.
Hindi lang sila, kahit ang mabilis at malinis na kilos ni Cheng Jiang—isama na din dito ang maikling oras na ginugol niya sa paggawa ng pill—ay malinaw na nakita ni Zhang Xuan, na sinuri din ang pinagmulan ng mga kilos niya, at nalaman niyang ninakaw ni Cheng Jiang ang mga forging technique ng ibang mga apothecary…
Ang kakayahan niya sa pagsuri at kaalaman ay isang bagay na walang kahit sino sa mga tao dito ang makakapantay.
"Tatlong apothecary na ang natalo, may pito pang natitira. Sinong gustong mauna?"
Tinitigan lang ni Zhang Xuan ang mga apothecary ng makita niyang matahimik silang lahat.
Kinakailangan na tanggapin ng sampung apothecary ang pagkatalo nila bago ideklarang panalo si Zhang Xuan sa Pill Debate.
"Ito ay…"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com