webnovel

Walang Hiya

Éditeur: LiberReverieGroup

Habang nag-iikot si Zhang Xuan sa library, napansin niya na ang mga libro doon ay parang repleksyon lang sa tubig; nakikita ngunit di nahahawakan. Dahil dito, napagpasyahan na lamang niya na tumigil

"Oras na para kumain. Pagkatapos ko, mag-iisip ako ng paraan para makakuha ng iba pang estudyante.

Magtatanghali na ngunit, sa labing walong estudyante na dumaan sa klase niya, isa lamang ang pumayag na maging estudyante niya. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito. Masyadong mababa ang antas ng pagtanggap niya. Isa pa naman siyang transcender, at hindi niya maaaring ipagmalaki na galing siya sa digital age kung hindi man lang niya kayang utuin ang mga tao sa ancient era.

Pagkatapos niyang makapag-isip-isip, umalis siya sa klase niya at dumeretso na sa kantina.

Gaya ng mga high schools sa nakaraang buhay niya, ang kantina ng Hongtian Academy ay napakalaki at malawak. Kasya dito ang higit pa sa sampung libong estudyante dahil sa sobrang laki nito. Masayang kumain sa isang sulok si Zhang Xuan dahil mayroong pumayag na maging estudyante niya sa mga freshmen na dumaan sa klase niya.

"Si Zhang laoshi ba yun?"

Habang kumakain si Zhang Xuan, narinig niya ang boses ng isang lalaki. Pagtingin niya sa harap niya may isang lalaki na nakatitig at nakangiti sa kanya, na halatang halata na may hindi magandang balak sa paglapit sa kanya.

"Cao laoshi?" Paniniguro ni Zhang Xuan sa kaharap niya.

Ang taong iyon ay si Cao Xiong. Kasabay siya ni Zhang Xuan na pumasok sa akademya noon at hilig niya na ikumpara at ipagyabang ang mga tagumpay niya sa ibang tao.

Isa si Cao Xiong sa mga dahilan kung bakit namatay ang dating Zhang Xuan.

"Ngayong araw pipili ng magiging guro ang mga freshmen. Kamusta naman ang pangangalap mo ng mga estudyante? Mukhang maganda ang resulta ng pangangalap mo. Kasama ko nga pala ngayon ang mga estudyante ko, labing dalawa silang lahat at sabay-sabay kaming kakain ngayon bago ko sila ihatid sa mga dormitoryo nila.

Nakatingin si Cao Iaoshi kay Zhang Xuan habang patuloy na ipinagyayabang ang tagumpay niya.

Tama ang kanyang hinala, walang dudang nandito lamang si Cao Xiong para magyabang.

Wala namang galit si Cao Xiong kay Zhang Xuan, pero dahil sabay silang pumasok sa akademya, di maiwasang maipagkumpara silang dalawa. Kaya naman, sinamantala niyang gamitin si Zhang Xuan upang magmalaki at magyabang sa mga tao.

Nagtinginan ang mga estudyante kay Zhang Xuan. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka at pagkamangha.

"Makinig kayong lahat, hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang taong ito. Siya ay si Zhang laoshi, tanyag siya sa akademyang ito. Siya ang kauna-unahang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination sa buong kasaysayan ng akademya.

Ipinakilala siya ni Cao laoshi sa lahat.

"Nakakuha siya ng zero sa Teacher Qualification Examination?"

"Narinig ko na ang tungkol sa kanya bago ako dumating sa akademya. Balita ko muntik nang maging baldado ang isa sa mga naging estudyante niya dati."

"Narinig ko na rin yun. May mga nagbabala din sakin na huwag ko siyang pipiliin na maging guro ko, dahil baka ikamatay ko pa ang pagiging estudyante niya."

"Di ko lubos maisip na siya yung tinutukoy nilang maalamat guro sa akademya. Masyado kasing mabait ang pagmumukha niya."

Nagkagulo ang mga estudyante nang marinig nila ang mga pinagsasabi ni Cao Xiong.

Ang score sa Teacher Qualification Examination ay nakabase sa iba't ibang aspeto ng isang guro, at malaking bahagi nito ang examination results ng mga estudyante niya. Kaya naman, hangga't mayroong estudyante ang isang guro, siguradong makakakuha siya ng points. Ang pagkakaroon ng score na zero ay tunay na nakakagulat.

"Tapos ka na bang magsalita?"

Nanatiling kalmado si Zhang Xuan matapos ang mga panlalait ni Cao Xiong.

Sa isip niya, ano naman ang kinalaman niya sa puntos sa pagsusulit ng dating Zhang Xuan?

Hindi man siya nagalit sa mga pinagsasabi ni Cao Xiong, hindi niya nagustuhan ang ugali nito na tapakan ang dignidad at pagkatao ng iba para lang umangat siya at makapagyabang. Dahil dito napabalikwas siya at sinabing, "Tutal tapos ka na, pwede ka nang makaalis. Huwag mo na kong istorbohin sa pagkain ko."

Inisip ni Cao Xiong na mahihiya at manliliit si Zhang Xuan sa mga pinagsasabi niya tungkol dito, kaya naman nagulat siya nang makitang kampante pa rin ito at pinalayas pa siya sa harapan nito. Dahil dito muling nagsalita si Cao Xiong, "Hindi ka ba nahihiya sa naging score mo sa exams? Ikaw ang nakakuha ng pinaka mababang puntos sa buong kasaysayan ng akademyang ito."

"Bakit naman ako mahihiya? Ikaw na mismo ang nagsabi, nakuha ko ang record sa pagkakaroon ng pinakamababang puntos sa kasaysayan ng akademyang ito. Ikaw ba, ano na bang nagawa mo?" Itinaas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay at itinuro si Cao Xiong. "Alam ba nila kung ano ang naging score mo sa exams? Narinig na ba nila ang pangalan mo bago sila dumating dito? Kung hindi pa dahil sa pangungulit mo sa mga estudyante at sa pagpapasikat mo sa kanila hindi ka naman nila makikilala. Ngayon sabihin mo sakin, anong karapatan mo para magyabang sa harap ko? Ano bang maipagmamalaki mo?"

"Ah!"

Kung ibang tao ang nakakuha ng puntos na zero sa exams siguradong mahihiya na siya sa harap ng lahat ng tao, subalit kabaligtaran ang ginawa ni Zhang Xuan. Ipinagmalaki niya pang zero ang nakuha niya sa pagsusulit at ipinamukha niya ito kay Cao Xiong.

Nanggagalaiti na sa inis si Cao Xiong sa inasal at pinagsasabi sa kanya ni Zhang Xuan.

Hindi ba talaga siya nahihiya? Paano niyang naipagmamalaki ang score na nakuha niya?

Nagkatinginan na lamang ang mga estudyante dahil sa pagkamangha kay Zhang Xuan.

Paano ang reputasyon niya?

Hindi ba parang masyadong nagmamalaki ang guro na to?

Hiya? Sa panahon kung saan nabuhay si Zhang Xuan, maraming sikat na tao ang gumawa ng kung anu-anong nakakahiyang mga bagay para lang sumikat at makilala ng lahat. Lahat ginawa nila, mapahubad na larawan man or pekeng balita, lahat ginawa nila mapag-usapan lamang ng mga tao ang pangalan nila. Hindi nalalayo dito ang pagkakaroon niya ng puntos na zero sa kanyang Teacher Qualification Examination.

Namula sa inis si Cao Xiong, "Responsibilidad ng isang guro na gabayan ang kanyang mga estudyante sa tamang landas. Hindi na ako makikipagtalo sayo, tignan na lang natin kung kaninong estudyante ang mas magaling."

Umalis na siya matapos sabihin ang mga katagang iyon.

Habang papalayo siya, narinig niya ang pag-uusap ng isang matandang lalaki at isang babae.

"Maayos naman ang pagtuturo ng guro na iyon. Hindi rin naman masama ang pag-uugali niya."

Narinig niya ang boses ng isang babae. Halatang halata sa boses ng babae na nag-aalinlangan siya sa desisyon niya matapos marinig ang pinagsasabi ni Cao Xiong tungkol kay Zhang Xuan.

"Makinig ka sakin Second Young Mistress. Ipinagkatiwala ka sakin ng Young Master na dalhin ka kay Lu Xun laoshi bago tayo pumunta dito, pero binaliwala mo pa rin lahat ng pinagsasabi ko. Ang masama pa dun, siya ang pinili mong maging guro mo."

Narinig ang boses ng isang matandang lalaki na halata ang pagngingitngit at inis sa kanyang pagsasalita.

"Magaling naman ang guro na iyon...Mabuti siyang tao. Sinabi niya pa nga na… Kung mag-eensayo akong mabuti, pwede akong mag-top sa klase…" Ang sagot ng babae sa matanda.

"Umaasa ka pa ring maging pinakamahusay sa ilalim ng pagtuturo ng taong yon? Kung magpapatuloy ka sa kanya, himala na lang na walang mangyaring masama sayo. Hindi mo ba siya kilala? Siya ang pinaka-walang kwentang guro sa akademyang ito. Zero ang naging puntos niya sa nakaraang Teacher Qualification Examination...Huwag mo nang ituloy ang pag-aaral sa ilalim ng pagtuturo niya. Kapag nalaman ito ng Young Master siguradong papatayin niya ako…" Ang pakiusap ng matanda.

"Si Kuya!"

Nang marinig ng babae ang sinabi ng matanda, nagsimula siyang matakot at mag-alala.

Nang marinig ni Cao Xiong ang pag-uusap ng dalawa, napatigil siya sa paglalakad at bumaling muli kay Zhang Xuan. "Zhang Iaoshi, posible ba na ang estudyanteng tinutukoy mo na na-recruit mo, ay ang dalagang ito? Haha, mukhang hindi umaayon sayo ang mga pangyayari. Mukhang gusto nang umatras sa pagiging estudyante mo ang dalagang ito."

Dahil maaaring mamili ng mga sarili nilang estudyante ang mga guro, binigyan din ng pribilehiyo ang mga estudyante na mamili ng kanilang napupusuang guro.

Kapag sa tingin ng estudyante na hindi nailalabas ng guro nila ang kanilang potensyal, maaari nilang ibalik ang identity token na ibinigay sa kanila ng kanilang teacher.

Nabaling ang atensyon ng matanda at ng dalaga kay Cao Xiong dahil sa lakas ng boses nito.

"Second Young Mistress, siya ba ang guro na sinasabi mo?" Tanong ng matanda sa dalaga habang nakatingin kay Zhang Xuan.

"Oo" Ang tugon ng dalaga.

Dali-daling lumapit ang matanda kay Zhang Xuan at sinabing, "Hindi na magpapatuloy ang Second Young Mistress bilang estudyante mo Zhang laoshi."

"Tatang Liu…" Hindi inasahan ng dalaga ang ginawa ng matanda. Dahil sa pagkagulat, mabilis na humarap ang dalaga kay Zhang Xuan na para bang humihingi ng paumanhin.

Siya si Wang Ying, ang estudyante na tinanggap ni Zhang Xuan.

"Wang Ying, alam mong hindi ako basta bastang tumatanggap ng mga estudyante. Bakit mo gustong palampasin ang isang magandang oportunidad? Alam mo bang maraming naghahangad na maging estudyante ko, kahit na alam nilang tatanggihan ko lang sila?"

Ayaw bitawan ni Zhang Xuan ang pagiging guro kay Wang Ying, lalo na't matinding pangungumbinsi ang ginawa niya magkaroon lang siya ng estudyante. Pinagsabihan niya si Wang Ying na parang isang dismayadong nakatatanda.

"Ano ba naman to..."

Maraming estudyante ang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Zhang Xuan, lalo na ang mga nakakaalam sa karanasan niya bilang isang guro.

Kuya, baka pwedeng mahiya ka kahit konti? Ano bang ibigsabihin mo na maraming gustong maging estudyante mo...Kitang kita naman na ikaw ang hindi makapag-hanap ng estudyante mo!

"Hindi...ko intensyon na…"

Matapos niyang pagsabihan at paglitanyahan si Wang Ying, halatang nag-aalinlangan na itong tumanggi sa kanya. Pero bago pa man makatapos sa pagsasalita ang dalaga, siya ay napatigil dahil sa biglang sabi ng matanda.

"Hindi na siya tutuloy sa pagiging estudyante mo!" Dahil hindi makapagdesisyon ang dalaga, nagpasyang mangialam ni Tatang Liu, "Zhang laoshi, nagdesisyon na ang Second Young Mistress na hindi na siya magpapatuloy sa pagtuturo mo. Inaasahan kong agad mong aasikasuhin ang proseso ng pag-atras niya sa inyong kasunduan."

"Umaayaw na siya?" Nainis si Zhang Xuan. "Pag-isipan niyong mabuti ang gagawin niyo. Ang pag-ayaw ng estudyante sa pagtuturo ng napili niyang guro ay maaaring mag-iwan ng di magandang reputasyon sa estudyante, at hindi lang iyon, posible ding wala nang guro ang tumanggap pa sa kanya! Sisirain mo ba ang kinabukasan ng iyong amo dahil lang sa katigasan ng ulo mo? Sigurado ka bang kaya mong panindigan ang mangyayari sa kinabukasan niya?"

"Ito.." Napatigil si Tatang Liu.

Maaari ngang umayaw ang estudyante sa kasunduan nila ng isang guro, pero ito ay direktang pang iinsulto sa guro. Kapag minsan na itong ginawa ng estudyante, di malayong gawin niya ito uli. Kadalasan pa, ang mga ganitong estudyante ay nagkakaroon ng masamang record at hindi na tinatanggap ng iba pang mga guro.

Sino ba naman ang tatanggap sa estudyanteng walang pakialam sa karangalan ng kanyang mga guro?

Ang pagtanggap ng isang guro sa ganoong klase ng estudyante ay isang kalapastanganan sa kapwa nito guro. Ang mga guro sa akademyang ito ay magkakaibigan, at hindi magandang desisyon na masira ang kanilang kasamahan nang dahil lang sa isang estudyante.

Kapag hindi nakahanap ang isang estudyante ng guro sa akademya, maaaring masira ang kanyang kinabukasan.

Dahil alam niyang totoo ang mga sinasabi ni Zhang Xuan, Ngadalawamg isip si Tatang Liu sa kanyang mga sinabi.

Sa huli, isa lamang siyang alalay. Hindi siya makapapayag na maisakripisyo ang kinabukasan ng kanyang amo nang dahil lang sa kanyang pagkakamali.

"Huwag kang mag-alala, ang inyong Second Young Mistress ay may taglay na talento. Tututruan ko siyang mabuti para mataas ang makuha niya sa kanyang pagsusulit…" Nang makita niyang pinanghihinaan na ng loob ang matanda, nagpatuloy si Zhang Xuan sa pangungumbinsi niya.

Nagbibiro ka ba! Bakit naman ako papayag na mawala pa sakin ang bagay na nasa mga kamay ko na?

"Sinong nagsabing wala nang tatanggap pa sa kanya? Dalaga, kapag umayaw ka sa pagtuturo ng guro na ito, agad kitang tatanggapin bilang estudyante ko!"

Bago pa man matapos sa pagsasalita si Zhang Xuan, agad naman siyang siningitan ni Cao Xiong.

Tinapakan ni Zhang Xuan ang dignidad niya, kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na makaganti ay agad niya itong sinunggaban.

"Cao Xiong, anong ibig mong sabihin?"

Nanamlay si Zhang Xuan.

"Anong ibig kong sabihin?" Hindi ka ba nanghihinayang na masasayang ang talento ng etudyanteng ito? Binibigyan ko lang siya ng pagkakataon na maging estudyante ko, sakaling umayaw siya sa pagtuturo mo. Di ba't nagpunta naman talaga dito ang mga estudyante para mag-aral. Natural lang na piliin nila ang pinakamagaling na guro para gabayan at turuan sila, at hindi ang isang gaya mo na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinations!!"

Natutuwang bumungisngis si Cao Xiong.

"Lantaran mong inaagaw ang estudyante ko, sa tingin mo ba hindi ko ipapaalam to sa Education Bureau?"

Hindi na ito isang simpleng diskusyon lamang, lantaran nang inaagaw ni Cao Xiong ang kanyang estudyante.

Habang hinihikayat ng akademya ang mga guro na pumili ng kanilang mga estudyante, hindi naman nila kinukunsinti ang pang-aagaw ng isang guro sa estudyante ng iba! Hindi lamang nito masisira ang relasyon ng mga guro, kundi pati na rin ang kultura ng buong paaralan.

"Nang-aagaw ng estudyante? Nagmamalabis ka ata. Ganito na lang, bakit hindi tayo magkaroon ng isang kompetisyon? Ibibigay natin ang ating payo sa kanya at hayaan natin siyang pumili ng mag-isa. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?"

Ang sabi ni Cao Xiong.