"Tapos!" pumalakpak sa tuwa si Zhang Xuan.
Nang makita kung gaano siya kasimple, biglang nahilo ang lahat at ang kagustuhang sumuko ng dugo ay nabuo sa kanila.
Hindi ba masyado siyang masaya?
Sinabi ng Teacher Guild na walang pwedeng magparusa sa isang estudyante nang pisikal, ngunit may kapal ka ng mukha na bugbugin nang sobra ang taong ito. Kung titingnan ng Teacher Guild ang tungkol sa bagay na ito, walang makakapagdala ng responsibilidad na ito.
"Liu laoshi, ikaw..." walang masabi si mo Hongyi. Muntik na siyang himatayin sag alit, "Ang mga guro ay hindi pinapahintulutan na bugbugin ang mga estudyante!"
Totoo ba ang taong ito! Isang bagay na ang hindi mo alam ang mga patakaran ng master teacher examination, ngunit malamang kumuha ka na ng klase noon, malamang may mga estudyante ka rin noon... bilang isang 2-star master teacher examinee, paanong hindi mo alam ang mga pangunahing patakarang ito?
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com