"Ang talas ng dila mo!"
Pagkatapos niyang sumuka ng dugo, nagawa na ni Song shi na mapakalma ang sarili. "Kailangan pa ding imbestigahan ang bagay na ito ng maigi upang malaman kung totoo ba ang sinasabi mo o hindi, pero isang katotohanan ang pagsugod ni Sun Qiang at ng mga poison master sa Qingyuan royal palace, pinatulog ang mga gwardya, at pinatay si Emperor Chu Tianxing.
"May malinaw na ebidensya sa kanilang nagawang krimen, kaya hindi na nila maitatanggi pa ang bagay na ito. Kung hindi natin sila parurusahan at gawing halimbawa, papaano pa natin mapapanatili ang kaayusan sa iba pang panig ng mundo? Ang awtoridad ng Master Teacher Pavilion ay masisira! Kung ang lahat ay gagawin ang ginawa nila, magiging isa itong malaking kaguluhan!"
Hindi naman sa gustong patayin ni Song shi sina Sun Qiang, pero imposible na nilang mapatahimik pa ang mga tao ng hindi gagawin ang bagay na ito.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com