Subalit, base sa kanyang nalalaman tungkol sa kanyang guro, hindi ito malaking isyu.
Tutal tinanggihan niya kahit na si Elder Mo at Elder Zhao, walang kahit na sino sa akademya ang karapat-dapat maging kanyang guro.
"Ganoon ba."
Tulad ng inaasahan, matapos marinig ang kanyang mga salita, ang batang lalaki sa harapan niya ay umiling, ngunit mukhang hindi siya masyadong apektado sa isyu na ito. Sa halip, siya ay mas nagaalala tungkol sa kanyang kasama. "Kung gayon… gaano kadaming mga estudyante ang kinuha niya?"
"Kung tama ang aking pagkakaalala wala siyang kinuha ni isang estudyante. Ang hinihingi niya ay masyadong strikto. Ang pagmememorya ng 10,000 na libro sa loob ng dalawang oras ay imposibleng gawain!" Umiling si Luo Qiqi.
"Hindi siya kumuha ng kahit isang estudyante?" Napaisip si Zhang Xuan.
Tutal siya ay isang guro ng akademya, bakit hindi siya kumuha ng isang estudyante?
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com