Sa kanyang dating buhay, noong siya ay nasa middle school pa lang, minsan na siyang nagka gusto sa isang babae at sinadya niyang magtanghal sa harap ng babae kahit na ayaw nito. Ang lahat ng ito ay para lamang makuha ang atensyon ng babae.
Noong simula pa lang, inaaway na siya ng babaeng ito. Malaki ang posibilidad na ganun din ang binabalak ng babaeng ito.
Kung hindi, may dahilan ba para tratuhin siya ng masama ng babae?
[Hayy, hindi ka naman pangit, marami sigurong lalaki ang nanliligaw sayo, kaya bakit mo naman kailangang ma-obsess sakin?]
Hindi mapalagay si Zhang Xuan.
Mukhang hindi rin maganda ang magustuhan siya ng ibang tao.
Ang pressure sa isang transcender ay kasing bigat ng isang bundok!
"Sumuko?"
Nanghina si Wen Xue. Pakiramdam niya ay masusuka siya ng dugo anu mang oras.
[Ikaw yung sinusubukang kunin ang atensyon ko para magustuhan kita, di ba?
Kailan pa nangyari na ako ang nananadyang guluhin ka?
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com