webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
84 Chs

LET GO

"MARICON!" TARANTANG sigaw ni Baldassare nang makita ang anghel na bigla na lang dumating at nawala rin kasama si Maricon. Wala siyang ideya sa mga nangyayari kaya nalilito rin siya.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya kay Joaquin at nagkadabali na ang kamao niya. Napasigaw siya sa sakit. Bawas na ang kapangyarihan niya dahil tuluyan na siyang naging ascended demon kaya nakakaramdam na siya ng sakit ngayon at hindi na kusang naghihilom.

Dahil alam niyang nanganganib ang buhay ni Maricon ay ito ang agad niyang pinuntahan matapos isara ang Avernus. Damn Hades. Mayroon palang spell para magawa iyon. Puwede naman pala nitong gawin iyon. Pero dahil sa galit nito kina Demetineirre ay ginawa nitong seal ang mga kaluluwa nila.

Maraming natutunang incantation si Baldassare sa scroll. Salamat sa matalas niyang memory. Nakabisado niya ang ilang mahahalagang spell. Salamat din dahil taglay pa rin niya ang namanang spiritual powers mula sa ina kaya nakakaya niyang tagalan ang mga pinsala.

Gayunman, alam niyang hindi niya kayang sabayan si Joaquin kaya kailangan niyang makalayo. Kailangan din niyang mahanap si Maricon. Kahit anghel ang kumuha rito ay hindi nangangahulugang tutulungan ito.

Maricon possessed a spiritual power. Ano bang malay niya kung mayroong ibang plano ang langit dito at bigla silang nakialam? Ah, lalo siyang nagalala sa naisip. Minabuti niyang takasan si Joaquin para mahanap si Maricon. Nang mapabagsak niya si Joaquin ay kumuha siya ng matigas na kahoy at ihinataw iyon sa ulo nito. Nang hindi na ito gumalaw ay tumakbo na siya palabas ng unit.

"Where are you going, bitch?" angil ni Joaquin. Nag-teleport ito! Sa isang iglap ay nasa harapan na ni Baldassare at sinuntok sa mukha.

Bumagsak si Baldassare. Nangingitim ang paningin niya at nagmamanhid na sa sakit ang mukha. Halos madurog na ang mukha niya sa lakas ng suntok ni Joaquin.

"L-Let... me... go..." hirap na anas ni Baldassare. Handa na siyang lumuhod kay Joaquin. Dehado na siya. Inaamin ang pagkatalo kaya sana, paalisin na nito...

"No. Dahil sa'yo, nagkaganito ako. Ano ang pakiramdam ngayon na wala kang kalaban-laban? Ako na ang mas malakas sa'yo ngayon." malamig na anas ni Joaquin at unti-unting nagbago ang anyo. Nakaramdam ng lungkot si Baldassare nang makita ang demon form ni Joaquin.

"I-I'm sorry..." hirap na anas ni Baldassare. Mula sa kaibuturan ng puso ay nagsisisi rin siya sa mga nagawang hindi maganda rito.

Because he finally realized everything now. Hindi maganda ang mga ginawa niya at nakahanda siyang tanggapin ang mga kaparusahan. Tanggap niya ang galit ni Joaquin kaya handa siyang humingi nang tawad.

"Too late." malamig na saad ni Joaquin. Hinawakan nito ang leeg niya at iniangat siya. Napaungol sa sakit si Baldassare. "Let's go back."

"I-I can't. I'm a human now..." hirap niyang tanggi.

"Oh, sure you can. You're a half demon and you possessed enough spiritual power. Kaya ng katawan mong bumalik sa impyerno. Ikaw ang magpaliwanag kay Hades kung bakit hindi ko nakuha si Maricon. Explain that you interfere, bitch." gigil na saad ni Joaquin. He stomped his feet. Bumuka ang semento. Dinig niya ang ungol ng mga demon sa impyerno.

"No!" tarantang sigaw ni Baldassare nang makita ang Avernus. Hindi siya puwedeng bumalik! Kailangan niyang makita si Maricon!

Pero hindi siya pinakinggan ni Joaquin. Tumalon ito sa naglalagablab na apoy ng impyerno at bumagsak sila sa harapan ni Hades. Hinagis siya nito sa harapan ng hari ng impyerno.