webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
28 Chs

Chapter 7: Attack

Mabilis na naglakad si Evor ngunit maya-maya pa ay bigla na lamang niyang nakitang tumalon ng mataas ang isang brown wolf na nakanganga na ang bunganga nito indikasyon na sasakmalin siya nito. Mabilis namang inilihis ni Evor ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglihis ng kaniyang sariling direksyon sa pamamagitan ng pagback-flip ng tatlong beses. Buti na lamang at naalala niya ang turo ng kaniyang tumatayong magulang na miss na miss niya ngayon maging ang kinakapatid niyang mga musmos pa lamang. Ayaw niyang mamatay sa kasalukuyan kahit na makipagpatayan pa siya sa mga ito.

"GRRRR!!!!!!!! GRRRRR!!!!! GRRRRR!!!!! ...!!!"

tunog ng mga galit na galit na pack ng mga brown wolf habang mabilis na pinuntahan ng mga ito ang lugar ni Evor at wala silang inaksayang oras at mabilis na sinugod nila ang musmos na batang ito.

Agad na pinagkakalmot ng mga ito si Evor ngunit todo-sangga siya sa mga matatalim na kuko ng mga ito sa pamamagitan ng kaniyang pag-iwas at pagsangga gamit ang kaniyang braso.

"Ahhhhhh!!!!" Malakas na sigaw ni Evor ng bigla siyang nakaramdam ng pagbaon ng malalaki at mahahabang kuko ng isang lobo. Usually kasi ay babaeng lobo ang mas may mahahabang kuko kumpara sa kalalakihan na average lamang ang haba ng kuko kaya't napakasakit ng pagkakabaon nito sa sugat niya. Agad naman nagbackward steps si Evor at mabilis na umakyat sa isang mataas na puno. Kakaunti lang ang puno rito ngunit ang tatanda na ng mga ito kung kaya't masasabi ni Evor na maswerte pa rin siya. Ito talaga ang plano niya, ang ilihis ang kaniyang direksyon at makapunta sa punong ito. Kahit sobrang sakit ng kaniyang mga malalalim na sugat sa kaniyang braso ay hindi niya hahayaang ipahamak ang kaniyang sarili lalo na sa mga gutom na gutom na mga lobo.

"GRRRRRRR!!!!! AWWOOOOOOOHHHHH...!!!!

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay maririnig sa lokasyong kinaroonan ni Evor ang malakas na alulong ng mga lobo na animo'y nanghihinayang sa kanilang pagkain habang makikitang mabilis ring umalis ang mga ito. Paano ito nangyari ay simple lamang ang ginawang hakbang ni Evor at yun ay dahil mabilis niyang nilagyan ng dagta ng dahon ng puno na ito. Hindi kasi ito karaniwang puno at mayroong kakayahang magpagaling ang dahon nito na tinatawag na Dripping Leaf Tree dahil ang kakayahan nitong magpagaling ay lubhang kakaiba. Natural na gawa sa enerhiya ang kapaligiran kaya normal lamang na tumubo o lumaki ang ganitong puno rito na sa pagkakaalam niya ay koleksyon rin ni Ginoong Sirno.

"Saan na ba yung si Ginoong Sirno. Gusto ata ako nitong ipalapa sa mga mababangis niyang alaga niya. Mukha ba kong munting karneng naglalakad para pagtripan ng mga iyon?! Sobra na ata ha... Ano ako walking meat?! Meatballs lang ganon?!" Ang tanging nasambit na lamang ni Evor habang hindi niya alam kung naiinis siya o nagagalit. Buti nga lang at mabilis niya itong pinadugo at nilagyan ng dagta ng dahon ng Dripping Leaf Tree kung hindi ay baka naimpeksyon ang mga ito. Kasalukyan siyang umuupo at nagpapahinga sa itaas ng punong ito.

"Masyadong kakaiba ang dimensyon ni Ginoong Sirno dahil parang may katawang-lupa talaga ako rito eh hindi naman ito sng totoo kong katawan na nilikha lamang nila. Pwede pala siyang maging bathala ng sarili nitong dimensyon. Ano pa kaya ang makikita kong pagala-gala nitong mga pets kuno pero mga Wild Pets naman ang mga ito kagaya nina -----." Natigilan si Evor sa pagsasalita ng maalala niya ang kaniyang mga alaga. Isa palang Guardian Beasts ang mga ito na nalaman niya kay Ginoong Sirno. Hindi ko daw ito makikita pang muli dahil hindi sila nabibilang sa mundong ito sa ibang dimensyon o sa noo'y mundong pinagmulan ko. Nasa iba't-ibang dimensyon ang mga ito nabibilang at kailanman ay hindi ko makikita ang mga ito dahil ang Guardian Beasts ay isang temporary Guardians lamang at mapapawalang-bisa lamang ito ayon sa contract na siyang si Ginoong Sirno mismo ang may kontrol nito. Halos gusto siyang kainisan ngunit yun lang daw ang magagawa niya upang gabayan ako at protektahan na hindi niya alam kung bakit.

Nang mapansin niyang wala ng anumang kahina-hinalang nangyauaro sa paligid ay mabilis niyang tinahak ang kanina niyang daan at direksyong pupuntahan. Napahinga naman ng maluwag si Evor nang mapagtanto niyang nakarating na siya sa lugar na tinutukoy ni Ginoong Sirno ngunit parang nakaramdam siya ng mali lalo na sa dambuhalang bagay na nasa harap niya. Parang bahay siya... Parang bahay ng isang dambuhalang nilalang.

"Pa...tay... Mali ata ako ng pinuntahan!" Sambit ni Evor habang mabilis niyang napagtantong nasa kabilang direksyon pala siya at hindi ito ang malaking bagay ang dapat niyang puntahan bagkus ay dapat niyang iwasan.

Aalis na sana siya nang may masagi siyang isang malaking patay na sanga ng hindi niya kilalang puno at doon ay napapikit na lamang siya at iniisip na sana ay panaginip na lamang ito.

"Grrrrrrrrr!!!!!" Sambit ng isang dambuhalang nilalang sa kaniyang likuran partikular na rito sa loob ng malaking bagay na nasa harapan niya na di niya matukoy kung ano ito.

"O-oohh, bakit ang malas ko ngayong araw na ito huhu...!" Sambit ni Evor habang mabilis na hinarap ang kaniyang likuran at doon ay tumambad sa kaniya ang nagpupulahang mata ng isang dambuhalang halimaw.

"Bakit naman sa lahat ng hayop na masasagupa ko bakit ang pinakamalakas naman ata huhu..." Tanging nasambit na lamang ni Evor sa kaniyang isipan habang hindi niya alam kong ano magiging reaksyon niya ukol dito.

Mabilis siyang sinugod ng malaking Oso na kung tawagin ay Giant Tiger Bear dahil sa mala-tigre nitong balahibo na kulay brown na mayroong mga black stripes. Hindi lamang ito dahil maikukumpara rin ang bilis nila sa isang tigreat ang lakas nito ay katulad ng oso. Sumatotal ay masasabing ito ay maari ng mapabilang bilang hari ng kagubatan.

Mabilis na nagbackflip si Evor ng makita niyang mabilis siyang gustong panghiwa-hiwain ng matatalas na kuko ng Giant Tiger Bear na ito. Waalng binatbat ang mga Brown Wolves sa mala-espadang haba ng mga nagtataliman nitong mga kuko na sa tingin niya'y walang nakakaligtas kapag nahiwa ka ng mga ito. Mabuti na lamang at mahusay ang kaniyang predictions sa kaniyang galaw sa pag-iwas kung hindi siguro ay parang nahiwang papel lamang siya rito. Hindi lang kasi ibayong iwas ang kailangan mo rito kundi bilis at liksi rin upang masabayan niya ang galaw ng higanteng osong ito.

"Kricckk! Kricckkk! Kriiicckkkk! ...!"

"BOGGSSHH!!!"

Isang malakas na pagsabog ng lupa ang nangyari nang matamaan ito ng mga matatalim na kuko ng halimaw.

"Kapag ako ang natamaan nito ay malamang sa malamang ay patay na ko nun!" Sambit ni Evor habang napangiwi na lamang siya sa kaniyang naiisip.

Bigla na lamang naging malabo ang lugar na ito dulot ng pagsabog kaya nagkalat ang mga maliliit na mga piraso ng mga lupa.

"Huh?! Ano'ng nangyari?!" Sambit ni Evor habang hindi niya maramdaman kung saan na ang Giant Tiger Bear 🐻 dahil lumabo na ang kapaligiran.

Pipikit pa sana si Evor ng kaniyang mata upang mag-concentrate ngunit huli na ang lahat nang bigla na lamang siyang makaramdam ng ibayong sakit lalo na sa kaniyang kanang dibdib. Agad niyang kinapa ang kaniyang kanang dibdib kung saan ay doon niya nakita ang masaganang dugong tumutulo roon.