webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
28 Chs

Chapter 28

Nakita naman ni Evor ang kayabangang taglay ng kalaban niya. Ngunit ang mga nilalang na ito ay hindi magdudulot ng maganda sa kaniyang pananatili sa mundong ito.

Gusto nilang kunin ang kaisa-isang alas na meron siya na si Zhaleh. Kung kailangan niyang pumaslang upang makaligtas sila sa kinakaharap nilang malaking banta ay gagawin niya.

"Zhaleh, lend me your power!" Ngumisi ng malademonyo si Evor matapos nitong isigaw ang mga katagang ito habang makikitang bigla na lamang nabalutan ng asul na liwanag ang buong katawan ni Evor na siyang ikinagulat ng lahat ng mga kalaban nito.

Nagulat naman si Demosthenes sa kaniyang nasaksihan at mabilis na sinugod ang kinaroroonan ni Evor sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas ngunit isang mabigat ngunit malamig na bagay ang biglang gumapos sa kaniyang katawan dahil upang dumausdos siya pailalim.

Nakita niya ang ice summoned hero na siyang familiar ng nasabing nagpakilalang Evor. Matiim itong nakatingin sa kaniya na animo'y isa lamang itong insekto sa paningin nito.

Labis ang pagtataka niya. There's no way na mayroong buhay ang consciousness ng nilalang na ito. A familiar for him is just a living things use to lend them power and not a living being that could avenge them.

BANG!

Mabilis na sumabog ang buong tipak ng yelong bumalot sa katawan ni Demosthenes at walang pag-aalinlangan itong tumapak sa lupa at tumalong patungo sa kinaroroonan ni Evor ngunit iyon ang isang malaking pagkakamali niya.

Madilim na tumingin sa kaniya ang mga mata ni Evor at biglang lumitaw ang napakaraming mga piraso mga ice shards sa himpapawid at nakatutok ito sa kalupaan na siyang ikinagimbal ni Demosthenes.

Huli na para makaiwas sila sa maaaring pag-iwas sa mga atake ni Evor nang bigla na lamang pinakawalan ng nasabing binata ang mga atake nito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Sobrang bilis ng pangyayari that caught off guard Demosthenes at mga kasamahan nito. Ang nagawa lamang ng mga ito ay sumigaw sa huling pagkakataon.

"Wag, maawa ka sa amin!"

"Hindi na kami manggugulo pangako!"

"Itigil mo ang atake mo!"

Ito lamang ang narinig ni Evor ng tuluyan niyang pinakawalan ang nasabing atake niya.

Kitang-kita ng binatang si Evor kung paanong tumusok ang mga ice shards mapaliit man o malaki sa mga katawan ng mga kalaban o kumakalaban sa kanila.

Walang makikitang awa o pagsisisi sa mata ni Evor sa pangyayaring ito. Nakita niya kung paanong bumaon ang mga ice shards sa katawan ng mga ito at sumirit ang masaganang mga dugo palabas sa katawan ng mga ito.

Sa oras ng life and death situation katulad nito ay dapat buo ang loob mong pumatay rin lalo na at himdi rin mag-aalinlangan na pumaslang ang mga kalaban na masasagupa mo sa sitwasyong wala kang pagpipilian kundi lumaban ng patayan upang makaligtas sa mapait na kamatayang naghihintay lamang.

Chuk! Chuk! Chuk!

Maririnig ang maraming mga ice shards na bumaon na lamang sa mga bagay sa kalupaan. Kitang-kita ni Evor ang lakas ng magagawa ng familiar niyang si Zhaleh. Buti na lamang at malayo si Marcus Bellford sa kalaban nito kung hindi ay nadamay ito sa atakeng hindi pa masyadong kontrolado ni Evor.

Buti na lamang at nag-ensayo ng mabuti si Evor at nagawa niyang mapakiusapan ang familiar niyang isang Ice Type Summoned Hero na si Zhaleh kundi ay baka tuluyan na siyang namatay sa lugar na ito.

Kitang-kita niyang sa kaliwang dibdib tinamaan si Demosthenes at ang mga kasamahan nito ay ganoon din pero ang iba ay sa mga ulo at leeg napuruhan habang nagtamo din ang iba pa nilang katawan ng mga malalang mga pinsala.

Tunay ngang walang makakapantay sa bilis ng atake ng isang Ice Type Summoned Hero o mapa-Beast man ito. Pasalamat lamang siya at mukhang mga Fire Type Summoners ang mga nakalaban niya at walang Air Type Summoner kundi ay makakaligtas pa ang mga kalaban niya at nagawa pa nilang pataubin ang laban.

Isa na rin sigurong magandang aral para kay Evor na hindi siya basta-basta na lamang makampante. Kung kailangan niyang mag-ensayo ng mabuti at ilaan ang buong oras niya ay gagawin niya.

Masasabi niyang walang masama sa ginawa niyang mga bagay na maaaring magbunga sa hinaharap ng maganda katulad ng walang tigil niyang pag-eensayo.

Kaya sa hinaharap, sisiguraduhin niyang mapaghandaan ang ganitong klaseng senaryo o pangyayari dahil hindi palagi ay umaayon sa kaniya ang tadhana.

Tiningnan at pinantayan ni Evor ang familiar niyang si Zhaleh. Pinagmasdan niya ng mabuti ito at pansin niyang hindi pangkaraniwan ang nilalang na nakuha niya noong nandoon siya sa Summoner's River.

"Maraming Salamat!" Malakas na sambit ni Evor habang may himig ng pasasalamat. Masasabing gusto niyamg ipabatid na tunay ang nararamdaman niyang pagbibigay pasalamat sa dahilan kung bakit buhay pa siya.

Hindi niya kailanman ituturing na isang bagay ang mga familiar niya dahil alam niyang may buhay ang mga ito. Sa susunod ay magigising rin ang consciousness ng mga ito kasabay ng pagpapalakas o pag-unlad niya.

Mabilis na lumapag sa kalupaan si Evor at binitbit si Marcus Bellford sa likod niya. Wala siyang pinaglagpas na oras upang mailigtas ang buhay nito at lumipad na sa himpapawid si Evor patungo sa

...

Lumipas ang mga araw at naging maayos na rin ang lahat. Gumaling na rin si Marcus Bellford ngunit hindi pa rin nababawasan ang kasungitan nito ngunit batid ni Evor na naging maayos na konti ang pakikisama nito sa kaniya.

Nandoon pa din ang bangayan, alitan at di pagsang-ayon ng lahat ng mga formers sa mismong village chief na si Ginoong Dario ngunit nandito pa rin si Apo Noni upang gabayan ang mga ito at maging tagapamagitan sa dalawang panig na di nagkakasundo kadalasan.

Magkagayon man ay batid ni Evor na mayroon lang talagang magkaibang prinsipyo at ideolohiya ang mga ito kaya nagkakaroon ng argumento sa pagitan ng mga ito.

Si First Former Aleton ay hindi na masyadong masungit sa kaniya maging ang iba pang mga formers dahil na rin sa pagligtas niya kay Marcus Bellford ngunit hindi ibig sabihin nito ay pinapayagan na siyang maglakwatsa o kung ano pa.

Dahil sa pangyayaring ito ay todo ensayo na lamang ang ginagawa nila ni Marcus Bellford na siyang ikinainis nito sa kaniya.

Magkagayon pa man ay batid ni Evor na lumalakas at umuunlad din habang tumatagal si Marcus Bellford sa kasanayan nito sa pagsummon ng familiar nito at pakikipaglaban. Sinabi pa nito noong nagising ito na hihigitan pa siya nito at lalampasuhin nito si Evor na ikinatawa naman ng huli.

Abala ang mga nayon sa espesyal na okasyon na magaganap sa susunod na buwan dahil magkakaroon ng selection sa sentral na bayan upang makapasok ang sinuman sa Azure Dragon Academy. Isang prestirhiyosong paaralang naglalayong maghanap ng mga malalakas na summoners na maaari nilang hubugin upang maging mga magigiting na summoners na poprotekta sa mga lupain dito.

Pagmamay-ari ng Azure Dragon Palace ang nasabing akademya at batid ng lahat ang lakas ng palasyong naging sandigan noong panahon ng paglusob at digmaang nangyari ilang siglo na ang nakakalipas. Masyadong pinaaga ngayon ang nasabing selection at masyadong mataas ang standards ng akademya sa taong ito alinsunod sa kagustuhan ng mga awtoridad ng Azure Dragon Palace na pinagtibay ng mismong hari at reyna kasama ang iba pang mga royal families.

Bali-balitang sobrang malalakas at natural born summoners ang mga dugong bughaw. Ang hari ay pinaniniwalaang mayroong familiar ng isang Azure Dragon habang ang reyna na siyang kabiyak nito ay mayroong familiar na isang makapangyarihang Fire Phoenix.

Ito ay isang mahalagang simbolo at pamana ng ninuno ng Azure Dragon Palace sa bagong namumuno ng malaki at malakas na pwersa ng palasyo upang panatilihin ang lakas nito mula noon hanggang ngayon.

Ang mas nakakapagpagulat sa lahat at gustong mag-aral ng mga kalalakihan at mga kababaihang mga summoners ay ang pag-aral ng mga dugong bughaw sa Azure Dragon Academy. That's why Azure Dragon Academy become one of the strongest academies existing in this summoner's world.

Walang dudang magsisipuntahan at dadagsain ng mga bagong mga summoners na gustong makapasok sa Azure Dragon Academy dahil every year lamang ito mangyari at ayaw nilang maging simpleng mamamayan lamang sa hinaharap.

Hindi ipokrito si Evor upang palampasin ang oportunidad na ito. Sa pamamagitan ng Azure Dragon Academy ay siguradong lalawak ang kaalaman niya at mapapaunlad niya pa ang sarili niya. Hindi lamang iyon dahil maraming resources ang maaaring ibigay o ipamahagi ng Azure Dragon Academy sa kaniya upang tuluyang lumakas ng madalian. Kaya wala siyang palalampasing pagkakataon.

End of Volume 2