webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
28 Chs

Chapter 1: Arrival

Makikita sa lugar na ito ang napakagandang tamawin na siyang kalulugdan ng lahat na gusto ang maberdeng kapaligiran punong-puno ng mga nabubuhay na mga nilalang kagaya ng mga makukulay na ibon na masayang lumilipad-lipad sa iba't ibang direksyon na malayang tinatamasa ang kagandahan ng lugar at napakasaganang likas na yaman.

Maraming mga naglalakihang mga isdang masayang lumalangoy kasama ang mga kauri nito na kung saan ay masisiyahan ang makikita nito. Ang mga bubuyog ay sobrang galak na lumalapit sa mga naggandahang mga bulaklak. Masasabi mong mala-paraiso ang lugar na ito ngunit lahat ng bagay ay hindi perpekto kahit ang mga magagandang lugar ay mayroong lihim ng kasamaan o kapangitan. Ito ang tinatawag na balanse ng kapaligiran.

Ang malayang mga makukulay na ibon kani-kanina lamang ay tinambangan mga mababangis na ibon. Ang mga naglalakihang mga isda ay hinahabol ng mga dambuhalang mga isdang gusto silang maging panghimagas ng mga ito. Ang mga bubuyog na masaya sanang dadapo ay nilamon ng naggandahang mga bulaklak na literal na may buhay at naglalabasan ang mga naglalakihang tinik nito sa mismong mga makukulay nitong bulaklak.

Tanda ng karahasan ng mismong kalikasan ang sinasabing tanging malalakas lamang ang maaarong maging mas malakas at makapangyarihan.Ito ang hindi mapuputol na kasabihan para sa karamihan na siyang sinusunod ng halos lahat.

Maraming tao ang makikipagkaibigan sa iyo kung malakas at makapangyarihang nilalang ka at lahat ng mga espesyal na pagtrato ay iyong malalasap o makakamit na siyang kabaliktaran ng mga ordinaryong mga taong may abilidad o ang mga mas mahihinang mga nilalang. Kung mahina ka ay magiging sunod-sunuran ka na lamang sa iba.

...

Nabulabog ang mala-paraisong ganda ng kagubatang ito ng may bigla na lamang may kakaibang pangyayaring naganap maya-maya lamang. May malakas na enerhiyang mabilis na bumubulusok mula sa kalangitan papunta sa kalupaang sakop ng malawak na kagubatang ito. Hindi maipagkakailang napakaraming mga mababangis na hayop maging ang mga ordinaryong mga hayop na naninirahan dito ang nabulabog lalo pa't likas na sa mga hayop ang makaramdam ng panganib kung kaya't nagsilikas ang mga ito takot na mamatay sa oras na tumama ang misteryosong bagay na ito sa kalupaang tinitirhan nila.

Animo'y isang malaking bulalakaw ang tatama sa kagubatan na siyang nakaagaw ng pansin sa mga tao sa isang maliit na nayon. Bakas sa kanila ang pangamba ngunit kasabay rin nito ang kuryusidad sa kanilang mga isip. Alam nilang lubos itong makakaapekto sa kanila kung kaya't naalarma sila na alamin ang kakaibang pangyayaring ito.

Ramdam na ramdam nila ang pagkawala ng balanse sa buhay ng mga nilalang na siyang ramdam nila ang mga takot ng mga ito.

Ano po ang gagawin natin Chief Dario sa paglitaw at pagbagsak ng misteryosong bagay sa gubat? Sambit ni Apo Noni sa kanilang itinuturing na Chief ng Kanilang Nayon.

Bakas sa kulubot na mukha ni Chief Dario ang pagkabahala lalo na't maraming pamahiin ang ipinapahiwatig ng pagbagsak ng kakaibang bagay lalo pa't lahat ng ito para sa kanila ay masamang senyales ng pagdating ng delubyo kung kaya't napapaisip siya sa maaaring maging hakbang nila sa kakaibang pangyayaring ito. Kahit sino naman ay gustong malaman ngunit ayaw rin nilang sumubok sa kanilang swerte.

"Hindi ko pa alam ang dapat nating gawin ngunit sa kakaibang pangyayaring ito ay kailangan nating sumugal lalo pa't ayaw kong maghatid pa ito ng mas malaking problema." Sambit ni Chief Dario lalo pa't hati ang knayang desisyon sa nais nilang maging hakbang sa suliraning kinakaharap nila.

"Sumugal? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Chief Dario? Alam mo namang delikado ang pumunta sa malawak na kagubatan na iyon!" Hindi maiiwasang magtaas ng boses ni First former Aleton

(Former- isang kinatawan ng isang nayon na may kapangyarihan magdesiyon sa nasasakupan nito na siyang katuwang ng Chief sa pagdedesiyon.)

(Apo- isang napakatandang miyembro ng isang nayon o malaking lugar kung saan ay may mataas na posisyon sa pagdedesiyon sa mga bagay-bagay. Maituturing na isa sa mga kayamanan ng lugar na kinabibilangan nito sa angkin nitong talino at karanasan sa buhay).

"Masyado mo yatang inilalagay ang ating kaligtasan sa napakapanganib na sitwasyon, kinokonsidera mo ba ang kaligtasan ng nasasakupan mo?!" Paasik na sambit ni Third Former Serion

"Isa ka ba talagang  magaling na Chief?! Tatlong taon ka palang nailuklok sa mataas na posisyon na iyan ay parang alam na alam mo na ang magdesiyon ng sarili mo lamang!" Hindi mapigilang magalit ni Second Former Mario sa padalos-dalos na desisyon ng kanilang Chief.

"Sinusuportahan ko ang desisyon ng Chief." Mahinang sagot ni Apo Noni ngunit ng marinig ito ng mga Former ng Nayong ito ay mistulang bomba ito sa kanilang pandinig.

"Sinuportahan siya ni Apo Noni?!" Sambit lamang nila sa isip nila lalo pa't ayaw nilang galitin ang desisyon ng apo. Hindi sila maaaring makipagtalo sa desisyon sa matandang si Apo Noni lalo pa't sa kanilang lahat ay mas maraming karanasan ang matandang ito sa kanila maging ang kaniyang pag-aanalisa ay siguradong may dahilan upang magdesiyon agad-agad sa napakaikling panahon lamang. Walang dudang  wala silang laban kapag siya na ang nagdesisyon. Kahit ayaw nila ang chief ay wala silang magagawa pa. Isa pa rin nilang ancestor si Apo Noni kaya walang dahilan para galitin ito o bigyan man lang ng sama ng loob.

"Salamat sa iyong suporta Apo Noni------" sambit ni Chief Dario ngunit agad siyang pinigilan ni Apo Noni.

"Hindi ko to ginawa upang suportahan ka o ninuman. Alam kong mayroon tayong malaking suliraning kinakaharap ngayon at dumagdag pa ang pagbagsak ng misteryosong bagay malapit sa Teritoryo natin. Hindi din natin mahihingan ng tulong ni Patriarch Zemon o ninuman lalo na't nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang kanilang Patriarch at ng ng iba pang Patriarch at sila ang nabuntunan ng lahat ng sisi na ang talagang may kasalanan nito ay ang katabi nilang nayon, ang Nayon ng Orman. Ang ating Nayon ng Hercas ay masyadong nasa magulong sitwasyon kaya mahirap makahanap o makahingi ng pwersa laban sa labas ng ating nayon....Hmmm... Sambit ni Apo Noni ngunit nagulat ang lahat ng magsimulang umihip ng malakas na hangin at may berdeng usok ang lumabas sa katawan ng nito. Walang ano-ano pa ay may malaking kulay berdeng Magic Circle ang lumitaw sa ere.

«I summon you Gyrant, Celestial Child of Ginia, Appear!»

Maikling engkantasyon ng matanda.

Biglang lumiwanag ang buong kalupaan lalo na ang mga berdeng mga puno't halaman maging ang mga Partriach ng ibang nayon ay ramdam nila ang lakas ng kapangyarihang lumitaw sa mula sa kawalan. Kahit sila ay namawis na lalo pa't kahit na hindi ramdam ng karamihan ang lakas ng natawag ni Apo Noni ay ramdam nila ang walang kapantay na lakas ng berdeng nilalang na iyon.

"Apo Noni!"sambit ng bawat Patriarch sa kapangyarihan na naramdaman nila. Walang dudang ang matandang yun ang may kayang magtawag ng malakas na nilalang na iyon.

...

Sa loob ng kagubatan, isang napakalaking crater ang nagawa ng isang misteryosong bagay na hanggang ngayon ay ni walang bakas ng pagkasira ng dahil sa impact sa pagbulusok nito kani-kanina lamang. Kapag nakita mo ang loob nito ay masasabi mong isang lalaking unti-unting bumabalik ang kulay ng balat nito sa normal ngunit hindi pa rin maitatanggi ang mga nangingitim nitong balat. Ang lalaki ay mistulang di magising-gising sa mahimbing nitong pagkakatulog hindi alam ang suliranin na ginawa niya sa paglitaw niya sa lugar na ito.

Ang mas ikakagulat niya ay ang pagdating niya sa lugar na ito, ang lugar na siyang maituturing niyang katulad niya? Ang lugar kung saan ang pagtawag sa mga makapangyarihang nilalang ay nabibigyang kalayaan. Walang dudang nandito siya sa lugar na sakop ng Teritoryo ng mga Summoner.