webnovel

LAKAMBINI NG TONDO

Tondo unknowingly angered the Chinese Ming Dynasty. The envoy they sent to pacify the emperor made things worst. Soon the Rajah (king) found himself in a hopeless battle and lose everything he have: his life, his Ranee (queen wife) and his kingdom. The only thing he got was his only daughter who escape to faraway city-state: the Dayang-dayang (high princess) of Tondo, Suyen. Suyen escape the Chinese armies together with her aides and find her temporary shelter. Fueled by the loss of her parents, their home, and the unjustice they've got, she trained herself hard to enable herself with skill to avenge her parents and get back what was truly theirs. But what if love came in? And to a man who was her mortal enemy? The son of the now governor-general of Tondo?

BONITZ · Histoire
Pas assez d’évaluations
7 Chs

Kabanata 3: Kanlungan

"Nahuli namin sila sa kakahuyan, Gat Ibal, na kahina-hinala ang mga kilos."

Itinulak kami paluhod ng taong dumakip sa amin sa harap ng tinatawag nitong Gat Ibal. Nasaktan ako sa pagkakabagsak ko pero hindi ko iyon pinahalata. Nang tumingala ako, nakita ko ang larawan ng isang lalaki na may malakas na personalidad. Sa tantiya ko kasing edad lamang siya ng ama ko.

"May nakuha din kaming ginto na sa palagay namin ay mga nakaw," patuloy ng lider ng grupo kanina. May sinenyasan ito, saka pumasok ang ang mga tauhan nito na dala ang mga bagay na nakuha sa amin.

"Anong pangalan mo munting binibini?" tanong ni Gat Ibal matapos tingnan ang mga gamit nila.

Naisipan kong ibahin ang pangalan ko. Pero nang titigan ko ang mga mata niya, hindi ko magawang makapag-sinungaling. Napayuko ako. "Suyen ang pangalan ko."

"Magandang pangalan. Hindi mo ba alam na delikado para sa katulad mo ang na lumabas sa ganitong oras?"

"May mga kasama ako. Isa pa, kailangan ko makarating agad sa aming tahanan. May karamdaman ang aking ina." Pinanindigan ko talaga ang kasinungalingan na sinabi ko kanina.

"Maski na. Hindi mo ba alam na nakarating na dito sa Ibalon ang mga kawal ng imperyong Tsina? Isang batang babae ang kanilang pinaghahanap na katulad ng deskripsyon mo."

Tumiim ang tingin sa akin ni Gat Ibal. Parang may hinahanap ito sa akin. Kinabahan ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin nito.

"Ikaw ba ang Prinsesa ng Tondo? Ikaw ba si Dayang-dayang Suyen?"

Parang pasabog ang naging dating ng mga tanong nito. Hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot. Napatingin ako kay Basod at kay Onang. Pasimple silang umiling.

"Wala kang kailangang ipangamba, munting binibini," sabi nito nang makita ang kanyang pag-alangan. "Ang bayan ng Ibalon ay bukas para magkanlong sa Prinsesa ng Tondo, at sa nasasakupan nito."

"Hindi po ako ang Prinsesa, Ginoo," tanggi ko. Mas makakabuti kung itatago ko na lamang ang katauhan ko. Sa puntong ito, walang akong ibang maaasahan na kakampi kundi ang aking sarili. "Kaya kung maaari, pakawalan mo na kami."

"Hindi ko magagawa 'yon. Maliban na lang kung maipalawanag niyo ng maayos ang mga gintong nakuha sa inyo. Kung hindi, bibigyan namin kayo ng karampatang kaparusahan."

Walang sumagot sa amin.

"Kung ganoon, ipinag-uutos ko ang tatlong buwang pagtatrabaho ng walang bayad ng tatlong ito sa Ibalon. Sa pagtatapos ng panahong iyon saka ko pagde-disisyunan kung makakalaya na sila."

Nanghihinang bumagsak ako sa lupa. Sumambulat sa akin ang tubig na laman ng dalawang timba na pasan at binabalanse ko sa isang patpat. Naka-ilang buhat na ako ng timba pero kailangan ko pang punuin ang dram para sa pampaligo ni Dayang-dayang Mayumi—ang anak ni Gat Ibal.

"Suyen!" humahangos na lumapit sa akin si Onang. Puno ang mukha nito ng pag-aalala. At nakita ko din ang pagdaan ng awa sa mata nito. Sino ba naming mag-aakala na and Prinsesa ng Tondo ay isa na lamang ngayon na marusing na aliping tagapag-lingkod. "Ako na ang bahalang tumapos ng iba mo pang gawain. Magpahinga ka na muna."

Umiling ako. Ginagap ko ang kanyang palad at marahan iyong pinisil. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Huwag mo akong alalahanin, Onang. Alam ko may gawain ka rin. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko to."

"Pero, Suyen…"

Hindi na nakaangal pa si Onang lalo na nang dumating si Lumiya—ang punong tagapag-silbi ng tahanan ng Ibalon. Kumunot agad ang noo nito pagkakita sa amin. "Ano 'to? Oras ng gawain pero naka-upo lang kayo riyan? Kilos, kilos!"

Dahan-dahan akong tumayo, tinatantiya ko ang aking sarili at ibinabalik ang aking panimbang. Pinulot ko ang kumalat na timba at yumukod kay Lumiya bago nagpatuloy sa naudlot kong gawain. Ayaw pa sana akong iwanan ni Onang pero may iniutos dito si Lumiya.

Pagkarating ko sa balon, doon muli akong napa-upo. Damang-dama ko ang panginginig ng aking mga buto at kalamnan. Inis kong pinunanasan ng kamay ang luhang bumagsak sa aking mata. Hindi ako iiyak. Hindi ako nahihirapan. Hindi ako susuko. Simula pa lamang ito at kakayanin ko ang lahat na ibibigay sa aking pagsubok. Wala pa ito kompara sa nangyari kina ama at ina.

"Suyen, pinamamadali ka na ni Lumiya. Tapusin mo na raw ang iyong gawain at may ipag-uutos pa daw siya sa iyo," sabi sa kanya ni Maya na isa sa mga katiwala ni Lumiya.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang may mahalagang panauhin ang kamahalan at maghahanda siya ng isang piging para sa mga ito. Maaaring kailangan niya ng mga karagdagang taga-silbi."

Mahalagang panauhin? Isang Rajah? O kaya naman Datu? Kaalyado ba siya ng Tondo? Makikilala ba nila ako pagnagkataon? Matutulungan ba nila ako? Dapat ba akong matuwa o dapat bang matatakot sa balitang iyan.

"Tulungan na kita diyan," si Maya sabay buhat sa isang timba.

"Salamat."

Pagdating namin sa Tahanan ng Ibalon, agad na tumambad sa akin ang abalang mga alipin at tagapag-lingkod. Pagkakita sa akin ni Lumiya, ay agad akong pinagpalit ng kasuotan. Pagkapalit ko, ay pinapunta ako agad sa labas kung saan ginaganap ang pagsalubong sa panauhin.

Malayo pa ay dinig ko na ang musika na galing sa tunog ng tambol, ng kulintang, ng kutyapi at nagkakasiyahang mga tao . May mga nagsasayawan na babae na nakasuot ng makukulay na kasuotan. Papadilim na n'yon, at ang sulo na sumasayaw sa saliw ng musika ay nakadagdag sa ganda ng pagtatanghal.

Nasa gitna si Gat Ibal, sa kanan nito si Dayang Yumina at katabi ang kanilang anak na sina Dayang-dayang Mayumi at Datu Raon. Sa kaliwa ni Gat Ibal, marahil ang kanilang panauhin. Hindi ko kilala alinman sa mga ito. Pero ang kasuotan nila, kilalang-kilala ko. Hindi ko puwedeng hindi sila makilala.

Biglang kumulo ang dugo ko at naikuyom ang aking palad sa galit. Naka-suot ng pulang roba na may kulay-gintong dragon na palamuti at detalyadong titik ang panauhin. Naka-kulay asul na roba naman ang tatlong kasama nito na may gintong palamuti rin. Maliwanag na isa itong mataas na opisyal ng Daynatisiyang Ming ng Tsina!

Anong ginagawa nila rito sa Ibalon? Alam na ba nila na narito ako? At kaya ba ako dinakip ni Gat Ibal para isuko sa mga ito, na marahil ay may kapalit na malaking gantimpala?

Sumabay sag alit na nararamdaman ko ang pag-aalala naman para sa kaligtasan ko. Hindi nila ako pwedeng makuha? May pangako pa ako kay ina.

"Onang!" hinila ko ang aking tagapag-lingkod na kasama din sa mga taga-silbi sa piging. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay habang dinadala siya sa hindi gaanong mataong parte.

"Anong problema, Dayang-dayang Suyen?"

"Suyen, Onang," paalala ko sa kanya. "Baka may makarinig sa'yo. Lalong-lalo na nariyan na ang mga dilaw. Narito na sila Onang! Narito na sila para sa akin!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Panauhin ni Gat Ibal ang mga opisyal ng Daynastiyang Ming ng Tsina. Binihag nila tayo para isuko sa mga ito! Onang kailangan nating makaalis. Habang abala ang mga tao, lilisanin na natin ang lugar na ito. Hanapin mo si Basod."

"Sandali, Suyen. Huminahon ka lang. Paano mo nasabi na narito sila para sa iyo? Hindi ka naman kilala ni Gat Ibal bilang ang nawawalang prinsesa ng Tondo. Maaaring nagkataon lang ang lahat at narito ang mga dilaw para makipag-diplomasya sa karatig nila bayan ngayong hawak na nila ang Tondo."

Natahimik ako. Tama si Onang. Masyado akong nagpadala sa takot.

"Isa ka sa magsisilbi ng pampagana. Ayusin mo ang sarili para hindi ka nila mamukhaan at makilala. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Suyen. Pero naisip ko, mas mabuti nang nandito tayo sa bakod ng Ibalon, malayo pansamantala sa panganib, lalo pa na nakarating na agad sa timog ang galamay ng mga dilaw.

"Pansamantala lang ito. Titiisin muna natin ang lahat ng hirap hanggang maibalik na sa atin ang mga kinumpiska ni Gat Ibal. Palamigin muna natin ang sitwasyon at kapag nagkagayon saka na tayo gagalaw. Ganoon din ang saloobin ni Basod at sana maintindihan mo."

Tumango ako. "Naiintindihan ko. Pipilitin ko maging normal ang aking mga kilos at itago ang aking tunay na pagkatao ngayong gabi at sa loob ng mga panahong iyon."

Sumama na ako sa mga magsisilbi ng pampaganang pagkain ng mga poanauhin. Matapos kaming tatlo na abutan ng kanya-kanyang bandeha na naglalaman ng binurong manga, pinatuyong minatamisan na manga, calamari at atsara. Nakapusod ang aming mga buhok kaya naman yumuko na lang para di gaanong makita ang mukha ko at binilisan ko ang aking pagkilos.

Pigil ang hininga ko nang isilbi ko ang aking dala sa dalawang panauhin ni Gat Ibal. Kung may punyal lang ako, doon pa lang ay tatarakan ko na ang likod ng mga ito. At kung maaari lang, sana nilagyan ko na lang ng lason ang kanilang mga pagkain.

Ramdam ko ang tingin sa akin kaya naman binilisan ko ang kilos ko. Yumuko ako sa kanila matapos ilagay sa mesa ng mga ito ang laman ng aking bandeha at saka mabilis na tumalikod. Nahagip pa ng aking mata ang pagbubulungan ng mga ito. Kinabahan ako.

"Suyen."

Napahinto ako sa paglakad. At takot na humarap ako sa nagsalita. Si Gat Ibal, at kapwa nakatingin din sa akin ang panauhin nitong naka-pula at asul na roba.