"Ring!!!"tunog ng bell."Ok goodbye class"sabi ng adviser namin sa una."Thank you and goodbye ma'am!"sabay naming sinabi at binalik ang mga notebook namin sa backpack.
"Oy Jels musta na?"tanong sakin ni Kenneth.
"Medyu ok.Di parin kasi ako makapaniwala na nawala na si Karen eh"malungkot kung sinabi at dinala na ang backpack papunta sa gym para mag-pe.
"Good morning class.Today were gonna have a game called Break the Wall.May limang tao na mag-aarte na wall habang kada isa sa inyu ibabanga ang limang tao o wall.Ok sinong magrerepresenta na maging wall?"tanong ng P.E. teacher namin.
Puro lahat mga lalake at lahat pa sila ang mga basketball player kaya todo hiyaw at sigaw ang mga kababaihan habang ako,eto busy sa pagbabasa ng libro.
"Ms. Salista ikaw na!"sigaw nang teacher sakin."Uh!Ok fine!"sigaw ko pabalik sa teacher namin.
Hate na hate talaga ako ng P.E. teacher namin kasi hindi daw ako aktibo pag-dating sa kanyang klase at nag-sasagut pa ako.
Eh kasalanan ko bang ayaw kung mag ka pawis.Kung andito lang sana si Karen meron pa akong kasamang tao na ayaw ng P.E.
Huminga muna ako ng malalim at tumakbo ng mabilis para banggaan ang limang tao na nag-aarte na wall.
"Argh!"sigaw ko habang pinipilit na bukain sila."Ulitin mo ulit Ms. Salista!".Bumalik ako ulit sa pwesto ko kanina at humanda ulit para bukain sila.
Nakita ko ang isang lalake na kinindatan ako at parang may binulong.Hindi ko yun pinansin at tumakbo ng mabalis para banga-an sila.
Nang malapit na akong tumama sa kanila nakita ko ang lalake kanina na nag-kindat sakin na umatras at nagpatumba ito kaya nasira sila.
"Wow!Ang galing mo naman Ms. Salista.Hindi ko akalain na mabubuka mo sila!"pagbati ng P.E. teacher namin
Kahit ako ay mangha din kasi di ko akalain na mabubuka ko eto pero bigla akong napaisip."Hoy ikaw lalake!"paturong sigaw ko sa lalakeng natumba."Uhm ano yun miss?"pa-cute na tanong ng lalake.
Tiningnan ko sya taas baba at nalaman ko kung sino sye.Ang lalakeng to ay ang MVP ng team nila at si Xaiver West ang pangalan.
"Bat ka nag patumba?"ma attitude na tanong ko sa lalake pero kahit na tinulungan ko parin itong makatayu.
"Anong sinasabi mo?"pakipot netong tanong sakin pero bakas sa mukha nya ang namumulang pisngi.
"Wag mo na akong lokohin pa.Hindi ako madaling maloko nu!"sigaw ko dito at nagpa-cross pa ng braso.
"Eh baka nagmamalikmata ka lang ata.Natumba ako dahil nawalan ako ng balance"sumagot sya at pumunta na sa pwesto nya para mag act ulit na parang wall.
"Oy Jels ayus kalang ba?"nag aalalang tanong ni Kenneth sakin.Napinsin siguro neto ang maitim kong aura."Argh!!Pinamukha pa ng lalaking iyon na ako pa ang nagsisinungaling eh obvious na obvious na nag patumba sya eh!"
"Oy hayaan mo na yun, at least na tulungan ka pa nyang makakuha ng puntos"pagpapakalma ni Kenneth sakin pero di ito nakatulong.
"Tsk.Tinulungan nga pero ginawa nya pa akong cheater?Kahit di na sya nagpatumba matutumba ko parin sila nu!"paggalit na sinabi ko at pumunta sa Women's Restroom.
Matapos kung gumamit ng banyu ay pumunta ako sa may salamin at lininis ang kamay at mukha.
Ilang oras lang ay biglang may babae na pumasok at bigla na lang binangga ako.
"Aray!"sabi ko."Oops!Sorry di kita napansin eh.Ay bakit ba kita papansinin kung alam kung di ka naman talaga kapansin-pansin!"ma-attitude na sabi ng babaeng naka ponytail.
"Sino ka at ina-ano ba kita?!"patanong kong saad sa babaeng binangga ako."Oh me?Well I'm just the girl who's dreaming for a guy to be mine but you're trying to steal her from me!"pa-english-english na sinabi ng babae
(☉。☉)!
"Anong sinasabi mo?"confused kung tanong habang sya naman ay na ka-crossed ang kamay at pataray ang tingin sakin.
"Di ako tanga para di malaman na inaakit mo si Xaiver baby ko!"Pataray nyang sigaw sakin.
'Hay hirap talaga kapag gwapo kinausap mo nu?Marami ka talagang makaka-away'bulong ko sa sarili.
"Akit?Sya? Never ever kong magugustuhan yung babaerong cheater na lalake na yun nu!"Sambit ko.Lumakad sya palapit sakin kaya na pa-atras ako ng kunti."Wala kang karapatan na pag sabihan sya ng ganyan!!"sigaw nya at bigla akong sinabunatan kaya sinabunutan ko na din sya.
"Arrraaaayy!Bitawan mo ako!"sigaw nya."Ikaw ang bumitaw kasi ikaw naman ang nagsimula neto!"sabi ko at bigla nalang kaming nagulat sa nakita namin.Ang P.E. teacher namin.
Dahil sa nangyari samin pinapunta kami sa Guidance office."Anong nangyari sa inyu Ms. Salista?"Sabi ni Teacher Jennifer Pholo ang Guidance Councilor."Eh kasi etong babaeng to bigla nya lang akong sinabunutan kaya ayun"sagot ko.
Kita ko sa mukha nang babae ang pagkagalit at inis.Grabe sa simpleng bagay lang ay nagawa nya yun?
"Ikaw naman Ms. Veidaz,totoo ba ang nangyari?Na ikaw daw ang nanabunot?"mahinahong tanong ng Principal.
Hindi sya sumagot.Umarte lang sya na para bang walang nangyari."Ayaw mong sumagot?Sige papa-detention ko kayo!Tamang-tama lang dahil sa paparating na School Camp nagaganapin sa Camp Justin may inatasan na mag representa para maglinis at maghanda ng camp doon.Pwede na kayung magtulungan".
"Ano?!"gulat kong sinabi.Eh sino ba naman ang di mabibigla na epapa-detention ako kahit wala naman akong kasalanan.Narinig kong may tumawa at si miss Psycho pala ang tumawa.Happy pa sya?Psycho nga talaga.
Nang makalabas na kami ay nakita ko si Kenneth na nakatayu sa labas."Kenneth?"tanong ko at bigla nya lamang akong tinanong ng tinanong na para bang na-aksedente ako.
"So na detention ka?Ano daw gagawin nyu?"tanong nya sakin habang ibinigay ang inorder kong Mango float.Andito kami ngayun sa unahan ng school gate namin para bumili ng Mango float sa Mango Paradise.
"Oo at dahil yun sa babaeng psycho nayun.Akalain mo yun.Bigla nya lamang akong pinapatarayan at sinabunatan dahil lang daw sa kinausap ko si Xaiver"galet kong sabi habang papasok na kami ng school.
"Bakit andyan ako sa usapan nyu"biglang nagpakita ang lalakeng nag cause ng trahedya sa buhay ko."Ikaw!"sigaw ko at hinampas sya."Aray!Tama na tama na.Anong ba Ang ginawa kong mali?"aba pa inosente ka pa."Oy Jels tama na ayan"awat ni Kenneth at hiniwalay sa pag hahampas sa kay Xaiver.
"Dahil sayu na detention ako! Walang hiya ka!"pagwawala ko.Sya naman ay napakamot sa likod ng kanyang ulo."Anong ibig mong sabihing detention?"tanong nya."May isang psycho girl na inatake sya dahil daw kinausap ka nya"saad ni Kenneth."Ano?Eh bat ako ang inaaway nyan?"inosenteng tanong nya.
"Aba may lakas ka pa talagang magsinungaling sakin.Alam mo kung di kalang sana nagpatumba kanina ay di pa sana mangyayari tu!"di parin ako tumitigil sa pagwawala.Eh sobrang gulat ko lang talaga na nadetention ako.For the first time in my life.
"Ahh yun ba.Sorry"patawad nya pero may-ngisi parin.Teka nagpapatawad sya?Wait may naisip akong paraan.
(✯ᴗ✯)
"S-sige pinapatawad na kita.Pero sa isang kondisyun"na ka smug kong sinabi.Kitang kita ko ang mukha nyang walang kaalamalam ganun din si Kenneth."A-anong kondisyun?"tanong nya.Hahaha eto na,mukhang gagawin nya talaga.
"Magrerepresenta na sumama samin mag linis at maghanda para sa upcoming school camp"
Nakita ko ang pagluawal ng mango float ni Kenneth kaya tumawa ako ganun din si Xaiver."A-anong bang sinasabi mo?"tanong ni Kenneth.Lumapit ako sa kanya at binulungan ko syang"Kung sasama sya satin edi madali nadin tas parusa ko na sa kanya yan"
Walang magawa si Kenneth kasi wala na man syang kinalaman dito kaya nag-agree nalang sya.
"So ano na Xaiver?"pagkatapos kong sabihin ang pangalan nya bigla sya lamang nag-smile.'Baliw din ba tu?'bulong ko sasarili.
"Paki-ulit yung sinabi mo?"ngising-ngisi nya."Sabi ko ano na Xaiver?"bigla nalang na mula ang kanyang pisngi."Sige!"masayahin nyang sinabi at umalis na.
"Ok lang ba yun?"
Natapos na din ang klase at pauwi na ako kasama si Kenneth."Sasabihin mo yang nangyari sa mama mo ha.Kung hindi ako na ang magsasabi kay Tita.
Eto talaga ang hindi ko gustong mangyari.Magagalit talaga si mama dahil first time kong ma detention at with honor pa ako.Sana first nalang ako para ok.