webnovel

Ka-ibigan [BL]

Kaibigan o ka-ibigan? Kapatid o kabiyak ng puso ang talagang kailangan niya? Ito ang kwento ni Joseph Garcia, isang empleyado ng isang call center na walang kinakatakutan ngunit takot mag-isa. Pigil na lalabanan ang damdamin para lang magmahal ng tao at ng taong dapat na mahalin niya.

wizlovezchiz · LGBT+
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Ka-ibigan - Chapter 12

"Ano daw?!! Rafael!!! Itigil mo yan!!!! Itigil mo baka mawala ang paggalang ko sa iyo!!!" ang sigaw ko sa aking isipan habang binabalot na ako ng kilig at panlalambot sa kanyang sinabi.

Hindi ako makagalaw. Baka mapahiya si Rafael kung malalaman niyang kanina pa ako gising. Parang nawala ang tama ng alak sa akin ng tuluyan sa mga oras na iyon.

"Ganito ba ginagawa niya habang pawang mantika ako matulog kaya laging…?! Rafael!!!! Maghulos dili ka!!!!" ang patuloy na isinisigaw ng aking isipan.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kanya sa pagitan ng magkabila kong hita. Mainit. Dahan dahan niya itong isinuong sa pagitan ng aking singit.

"Joseph!!! Joseph!!! Pigilin mo si Rafael!!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang dumadausdos na si junior sa pagitan ng aking pagitan hangang sa nasagad na niya ang kabuuan.

Iniangat ko ang aking kanang hita at idinantay to sa aking harapan na parang may yayakapin akong unan at naramdaman kong biglang nag-ayos si Rafael ng sarili.

"Seph… gising ka ba Seph?" ang sabi sa akin ni Rafael na hindi ko sinagot.

"Baby bro ko… sorry ha… Sweet dreams!" ang paumanhin niya sa kanyang ginawa nang makumpirma niya sa kanyang sarili na tulog pa rin ako. Humalik siya muli sa aking pisngi.

Niyakap na lang ako muli ni Rafael sa aking baywang na parang unan at kami ay nakatulog na rin.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Nahihiya ako kay Rafael. Paano na lang sa aming paggising? Paano ko na siya haharapin ngayon sa kanyang ginawang kapilyuhan?

Naunang nagising si Rafael. Mga alas dos na nang gisingin na niya ako.

"Seph!! Gising na Seph!!!! Kakain na tayo!!!" ang pabulaga niyang pangigising sa akin. Niyuyugyog niya ang aming kama.

Napatalon ako sa aking kama sa bigla niyang ginawa habang nagsimlua na siyang tumawa. Sa kanyang mga ngiti ay naalala ko bigla ang kanyang ginawa kanina. Hindi ako makatingin ng diretso kay Rafael.

"Gutom ka nanaman ba? Magluluto pa ako." Ang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi na. May tanghalian na tayo. Brunch na tayo!!" ang masaya pa rin niyang bati.

"Bakit ang ligalig mo ngayon Rafael? Ano nakain mo kagabi? Yung girlfriend mo ba?" ang sabi ko sa kanya na parang walang gana.

Kakaiba kasi ang sigla niya. Hindi tulad ng dati.

"Wala. Masaya lang ako kasi hindi ko na iniisip si Jamal at kung ano man ang problema natin sa kanya. Malaya na tayo tapos magkakatrabaho naman tayo agad sa tulong ni Dexter di ba?" ang paliwanag niya na nakasunod naman ako.

"Sabagay... Dapat nga tayo magdiwang." Ang sabi ko kay Rafael habang ako naman ay napaisip na tama siya sa kanyang mga sinabi.

"Tara na Seph kain na tayo gutom na gutom na talaga ako." Ang masigla pa rin niyang imbita sa akin.

"Pancit canton special naman ba ngayon kakainin natin?" ang nang-aasar kong tanong sa kanyang niluto.

"Hindi… basta… sa baba na lang… Sorpresa ko sa iyo yan…" ang excited niyang sagot.

Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at sumama na sa kanya sa hapagkainan. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil walang ibang laman ang sikmura ko kung hindi ang alak kagabi.

"Wooooow!!!! Sino nagluto nito?!!! Talagang celebration ito ha. Hindi naman tayo nagggrocery ng mga ganito noon ha." Ang sabi ko sa kanya sa aking mga nakitang pagkain.

Nagising ang aking diwa sa bango ng kanyang ihinanda. Isa-isa kong tinitigan ang hinanda ni Rafael sa hapag.

Nilasing na hipon, sinigang na hipon, calamares, at adobong pusit. Lahat para sa dalawang tao ang bawat serving. Lahat mainit pa na parang bagong luto lang.

"Rafael!!! Bakit mo ginagawa sa akin ito?!!!" ang naiinis kong sinabi sa kanya nang mapansin kong lahat ng hinanda niya ay bawal sa akin at walang kanin.

"Alam ko na magrereact ka… paborito mo lahat niyan kahit bawal… may binili na rin akong antihistamines mo just the case na mangati ka." Ang natatawang sinabi niya sa akin.

"Paano ka nakakuha ng malalaking pusit at hipon? Hindi ka naman namalengke at wala kang bibili niyan sa Mandarin." Ang nagtataka kong tinanong sa kanya tinutukoy na rin ang kabilang village na may nagtitinda ng mga isda at gulay.

"Lasing ka nga kagabi ng sobra… Hindi mo ba napansin yung dala kong plastic kagabi nang sunduin kita sa Pacita? Namalengke ako sa Biñan kasi dun ang bagsakan sa palengke doon malapit sa munisipyo nila." Ang natatawa niyang ikinuwento sa akin.

Sabagay tama naman siya dahil patay na ang senses ko noong mga oras na iyon at kahit akay niya ako ay sa kabilang kamay niya binitbit ang binili niya na hindi ko na napuna sa sobrang kalasingan.

"Pasensiya na lasing na ko malay ko ba." Ang sabi ko sa kanyang nahihiya.

"Imbitahan natin yung dalawa sa kabila…" ang dagdag kong sinabi sa kanya nang maalala si Jeremy at Dexter para makisalo sa handa.

"Parating na sila. Si Dexter at Jeremy ang tumulong sa akin sa pagluluto." Ang paliwanag niya.

"Sige, hintayin na lang natin sila." Ang sabi ko sa kanya at tumungo sa sala upang umupo sa sofa. Tinatamad akong gumalaw sa sobrang gutom. Medyo nangangasim na sikmura ko.

"Seph… salamat sa lahat ha?" ang biglang sinabi ni Rafael habang nakatingin siya sa akin mula sa kanyang kinatatayuan. Magkalapit lang ang sala at hapagkainan ng aking bahay dahil sa pang dalawang taong apartment type ang aking bahay.

"Para saan?" ang nagtataka kong tinanong sa kanya dahil sa wala naman akong nagawang malaking pabor para sa kanya at likas sa akin na tumulong na walang hinihinging kapalit.

"Sa lahat… mamaya ko na lang sasabihin sa iyo." Ang wika niya.

"Wala lang yun kung ano man yan." Ang sagot ko sa kanya na binabalewala na lang kung ano man yung ipinagpapasalamat niya.

Dumating si Jeremy at Dexter. Dumiretso na sila sa hapag kainan na may dalang isang kaldero ng kanin. Hindi naman sila naiba na sa amin at ganoon din kami sa kanila pero kailangan talaga namin tumawag kila Jeremy ng tao dahil iniiwasan naming makita silang gumagawa ng bata. Baka mabulag si Rafael sa makikita niya.

"Salamat sa inyo ha? Kain na tayo Seph… Jeremy ito yung antihistamine niyo ni Joseph." Ang imbita niya sa akin habang sila ay paupo na sa hapag. Inabutan ni Rafael si Jeremy ng gamot ko dahil parehas kaming allergic sa lahat ng seafood maliban sa isda.

"Favorite ng dalawa mga ito kaya buti na lang Rafael napabili ka sa Biñan kanina. Hirap kasi gumising ng ganoon kaaga para mamalengke don mahihirapan din ako magpark ng koste kasi ang daming kariton at jeep na nagsisiksikan doon." Ang sabi ni Dexter kay Rafael habang sinasandukan si Jeremy ng sinigang na hipon.

Si Jeremy naman ay abalang binabalatan nang napapaso sa isang piraso ng nilasing na hipon at sinusubo ang kanyang daliring pinambabalat na pawang tumitikim na parang bata.

Nakisalo na ako at nagtabi kami ni Jeremy.

"Let's celebrate Seph!! Pinapunta ko nga pala si mama dito magdadala ng Laing niya na paborito namin ni kuya. Parating na siguro iyon ngayon." Ang kuwento sa akin ni Jeremy habang nakangiting nilalantakan ang isang pirasong kanina ay binabalatan niya.

Tama naman si Jeremy at may babae nang tumatawag sa labas ng aking bahay habang kumakatok sa pinto.

Ito ang unang pagkakataon na makikilala namin ni Rafael ang ina ni Jeremy.

Ako ang tumungo sa pintuan dahil hindi pa naman ako nagsisimulang kumain.

"Tuloy po kayo diretso na po kayo sa hapagkainan saluhan na niyo po kami." Ang sabi ko sa mama ni Jeremy pagbukas na pagbukas ko ng pintuan.

Hindi ko naman maman kung bakit ang ina ni Jeremy ay parang nakakita ng mulo at nanatili sa labas ng pintuan.

Tumango ako at dahan-dahan siyang pumasok sa bahay habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin.

"Bakit ho?" ang tanong ko sa kanya nang nakangiti dahil mukhang nag-iisip na siya.

Natigil ang ina ni Jeremy sa paglalakad nang makapasok sa loob ng bahay. Nakaharap pa rin sa akin.

"May kahawig ka kasi… yung lolo ni Jeremy…" ang sabi niya.

"Ay ganoon po ba? Pagusapan natin po iyan saluhan niyo na po kami kumain." ang tanong kong nanatiling may paggalang. Sadyang gusto kong sa hapag kami mag-usap upang makasabay na kami sa pagkain dahil si Jeremy at si Rafael ay kapwa matatakaw.

Nang papalapit na kami ay tumayo si Rafael at kumuha ng kubyertos at plato para sa ina ni Jeremy. Hinanda niya ito sa aking tabi.

Pinauna kong umupo ang ina ni Jeremy at sumunod na rin nang makaupo na ito ng maayos. Si Jeremy naman ay nakangiting parang bata sa kanyang ina.

"Yehey!! Kuya Dexter dala na ni mama yung ultimate natin oh!" ang sabik na sabi ni Jeremy habang inaabot sa kanya ang isang tupperware ng Laing na kasya sa apat na tao ang dami.

"Joseph… taga saan ka nga ulit?" ang tanong ng mama ni Jeremy habang sumasandok na ng kakainin sa kanyang plato. Nanood lang ako dahil gawain namin na paunahin muna ang bisita bago kami ang kumuha ng aming parteng kakanin.

"Taga Sampaloc po." Ang sagot ko.

"Saan sa Sampaloc? May kapatid kasi ako doon pro matagal na kaming hindi nagkikita dahil lang sa nawalan lang kami ng komunikasyon nang magsarili na kami magkakapatid." Ang kwento ng mama niya.

"Sa Balic-Balic po." Ang sagot ko.

"May kilala kang Maria Lazaro?" ang tanong pa niya.

"Opo! Yun ang pangalan ni mama ko noong dalaga pa siya." Ang ikinagulat kong sagot sa kanya.

"Kapatid ko siya!!" ang sabik na sagot ng mama ni Jeremy.

Sabay kaming apat nagsalitan ng mga tingin sa gulat sa aming narinig.

"Magpinsan sila ni Jeremy?!!!!!!!" ang sabay na sabi ni Rafael at ni Dexter na nagkatitigan.

"Kaya pala ang daming pinagkahawig nitong dalawa pati sa ugali!!" ang sabi ni Rafael sa aming lahat.

Nagkatitigan kami ni Jeremy at nagtawanan.

"Malakas kasi nag dugo ng ninuno namin galing iloilo mga purong kastila intsik na halo ang dugo ng angkan namin. Sa mga mata at ilong lagi mo mapapansin sa maganak namin dahil yan ang malakas sa dugo namin." Ang natatawa na ring ibinahagi sa amin ng ina ni Jeremy.

"Pinsan pala kitang mokong ka! Kaya pala ang gaang ng loob ko sa iyo nang makilala kita sa office." Ang sabi sa akin ni Jeremy matapos ibaba ang kanyang kutsara't tinidor sa ibabaw ng kanyang plato.

"Ako rin!! Marami nga tayong similarities!!!" ang sagot ko kay Jeremy sabay kindat sa kanya dahil pareho din kaming beki.

"Kuya Dexter ko… gusto ko ng mamam…" ang parang batang pakiusap ni Jeremy kay Dexter at sabay kindat niya dito.

"Ah… Rafael… patulong naman sa pagdala ng mga baso…" ang sabay sabi ni Dexter upang maisama niya si Rafael sa kusina. Nakuha niyang may paguusapan kaming tatlo ni Jeremy at ng ina niya.

Nang makaalis ang dalawa.

"Ma, alam mo ba… dami namin similarities ni insan… beki rin siya!!" ang parang nang-aasar na kwento ni Jeremy sa kanyang ina. Hindi na siya aktong parang bata. Nahiya naman ako at yumuko.

Natawa ang ina ni Jeremy sa kanyang narinig.

"Hindi halata ha!! Jiho… alam na ba ni Maria yan?" ang naging biglang seryosong tanong sa akin ng aking tiyahin.

"Tita naman. Opo alam na po nila mama at papa. Wala silang magawa. Si Rafael po hindi pa alam. Wag na lang po tayo maingay." Ang natatawa kong sagot sa kanya.

"Hay mabuti naman. Itong pinsan mo nako nabato ng napakalaking bibliya ng tiyuhin mo nung malaman niya." Ang natatawang ibinahagi ni tita sa akin.

"Mama naman… nasaktan na nga ako non eh." Ang nalulungkot na sagot ni Jeremy.

"Sana magkasundo kayo ha?" ang sabi sa aming dalawa ni Jeremy at sabay na lang kaming tumango.

Nagbalik na ang dalawa at tinigil namin ang aming pinag-uusapan.

"Tita ang sarap po talaga ng Laing mo!!" ang papuri ni Dexter sa aking tiyahin habang paupo na siya sa kanyang upuan at inilalagay ang baso niya, ni Jeremy, at ng aking tita sa hapag namin.

"Ikaw pa Dexter. Basta sabihin niyo lang sa akin ni Jeremy ipagluluto ko agad kayo." Ang natutuwang sagot niya kay Dexter.

Huling bumalik si Rafael na may dalang pitsel at dalawang baso.

Ipinatong niya ang baso ko sa aking harap at sa kanya ang kanya. Sa gitna niya inilagay ang pistsel ng tubig para lahat ay madaling maaabot ito.

Napansin ni Rafael na wala pang nakalagay sa aking plato. Ipinatong niya sa tabi ng aking plato ang aking gamot at kumuha ng adobong pusit habang ako naman ay kumukuha ng calamares.

Nakangiting nakatitig pala sa amin ang tatlo. Nagtinginan sila at nagkindatan sa kanilang nasaksihan.

"Dami nating similarities Seph!!" ang natatawang sabi ni Jeremy. May laman ang kanyang mga sinabi.

Napakagat ako ng aking labi at itinaas ang aking kanang kilay upang malaman nila na baka makahalata si Rafael na abalang naglalagay ng pagkain sa akin plato.

Nagpatuloy kami sa aming kainan habang masayang nagkukuwentuhan.

Nagpaalam si tita sa amin at kami namang apat ay nagpababa ng aming kinain sa sala.

Ako at si Jeremy ay magkatabing nakaupo sa sofa at ang dalawa naman ay nanatiling nakatayong nakaharap sa amin. Lahat kaming apat ay kani-kaniyang hithit ng sigarilyo.

"Hindi natin natapos yung movie marathon natin di ba?" ang aking nasabi habang nag-iisip ng aming puwedeng gawin. Lahat kami ay walang trabaho maliban kay Dexter na hawak ang sariling oras at panahon.

"Ay oo nga!!! Ang dami pa ring movies na hindi natin na hindi natatapos!!" ang masiglang batid ni Jeremy.

"Bunso… halos maihi ka na at pumasok sa loob ng balat ko sa sobrang takot manonood ka pa rin?" ang babalang binanggit ni Dexter kay Jeremy na nakangiting parang bata kay Dexter matapos siyang masabihan.

"Kuya naman… knight and shining armor kita diba? Kakadiri lang kasi yung mga nahihiwa nangingilo ako tapos yung mga sumasambulat na perte ng katawan. Kadiri eh." ang palusot pa ni Jeremy.

"Sige nood na tayo hindi ko rin nasundan iyon kasi maaga akong umuwi." Ang dagdag ni Rafael supporta para manood na lang kami ng pelikula.

"Call ako… nood na tayo… sapukin ko na lang si Jeremy pag napasigaw ulit ng malakas." Ang natatawa kong alinsunod sa usapang manood na.

"Dito o sa bahay?" ang tanong ni Jeremy na ang ngiti ay abot tenga.

"Dito na lang. Baka matakot ka pa mahal ko pag nakita mo nanaman yung TV pag iihi ka. Sisigaw ka nanaman ng "Kuya…. Kuya… si Sadako" " ang nangungulit niyang sagot kay Jeremy.

"Sige, kunin muna natin yung mga DVD sa inyo." Ang sabi ko.

"Ay oo nga pala Seph… yung ano…" ang naalala bigla ni Jeremy na ibig niyang tukuyin ang tatlong M2M na DVD na binili kong itinago muna nila kay Rafael.

"Ah… sa inyo muna." Ang sagot kong ipinagtaka ni Rafael.

"Ako na kukuha dito na lang kayo." Ang sabi ni Dexter at nakangiting umalis.

Mahilig din kasi si Dexter sa horror. Naglalaro nanaman sa kanyang isip kung papano kakapit maigi si Jeremy. Sa totoo lang, tuwang tuwa talaga si Dexter pag natatakot si Jeremy.

Marahil, naisip din niya na matatakutin din ako. Gusto niyang lumabas sa akin ang itinatago kong ugali pag natatakot ako na hindi pa nilang lahat nakikita.

Naalala kong hindi pa pala ako nagpaparamdam kay Harold. Inakyat ko ang aking telepono sa itaas at tinawagan siya.

"Magandang umaga!!" ang malambing kong bati kay Harold matapos niyang sagutin ang aking tawag.

"Hello?" Mas malalim ang boses ng nakasagot na aking ikinagulat.

"Ay… nandiyan po si Harold?" ang pakiusap ko sa nakasagot.

"Sino to?" ang barumbadong sagot sa akin ng nasa kabilang linya.

"Kaibigan niya po." Ang magalang ko paring sagot sa kanya.

Hindi na ako sinagot ng nasa kabilang linya dahil agad nitong ibinaba ang aking tawag.

"Sino yun? Hmm… Mamaya na nga lang baka tulog pa siya." Ang sabi ko sa aking sarili.

Bumalik ako sa sala at naupong muli sa sofa. Nandoon na si Dexter at inihahanda ang aming papanoorin.

Napatingin ako sa center table at napansin na kanina pa pala nandoon ang pulang malaking notebook ni Rafael na dinadaganan niya nang siya'y maabutan kong natutulog.

Napansin ni Rafael na nakatingin ako dito at agad niya itong kinuha at ngumiti sa akin.

"Journal ko… naiwan ko." Ang nakangisi pa rin niyang sabi sa akin at dinala ito pabalik sa aming silid.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Aray!" ang bigla kon daing sa sakit nang kurutin ako ni Jeremy sa aking tagiliran.

"Ang arte mo!! Kagatin mo na siya!!" ang natatawa niyang ibinulong sa akin.

Nagtataka naman ako sa kanyang ibig sabihin. Gusto ba niyang gapangin ko kaibigan ko na gusto akong ituring na isang kapatid?

"Ano ka ba insan!! Lason yan!! Gusto mo akong maging matrona balang araw?" ang natatawa kong sagot sa kanya.

Lubos na masaya akong kausap ngayon si Jeremy nang malaman kong magpinsan pala kami. Kung nilalaro ka nga naman ng tadhana.

Nanood na kami ng pelikula at tulad ng inaasahan, si Jeremy ay nakabalot sa mga bisig ni Dexter na natatawa pag napapasigaw si Jeremy na parang kinakatay ng mga nasa palabas.

Kami naman ni Rafael ay parehong naman ay naka liyad paharap na nakapatong ang aming mga siko sa aming hita at ang baba ay nakapatong sa isang kamay. Pareho ring may yakap na throw pillow. Nakaakbay sa akin si Rafael.

Sa aming panonood ng lumang Nightmare on Elm Street na unang pagkakataon pa lang namin masasaksihan.

"Si Freddy!!!!!!!!!!! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!"

May kahidikhindik na eksena na lumabas na hindi namin dalawa ni Jeremy napigilang mapasigaw ng sabay.

"Kuya!!!!!!!" ang nanginginig sa takot na sinabi ni Jeremy kay Dexter. Hindi makaharap sa TV.

Kumulot si Jeremy na nagtago lalo sa mga bisig ni Dexter. Bagaman hindi nabading, ako naman ay hindi sinasadyang mapayakap din kay Rafael ng mahigpit at nakapatong ang aking ulo sa kanyang balikat na harap ang aking mukha sa kanyang batok at sa nanginginig na boses ay tinawag siyang..

"Raffy!!!!!!!!!!!!!"