webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · Urbain
Pas assez d’évaluations
60 Chs

Witness

Damien

Hindi ako pinatulog ng nangyari sa pagitan namin Caelian. May parte sa akin na natatakot ngunit mas lamang ang tuwang nararamdaman.

"Oh! Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka diyan natutulog?"gulat na bumaling sa akin si Abram. Halatang antok pa siya paglabas ng kwarto niya ngunit nang makita niya ay nagising siya.

"H-Ha? Maraming lamok sa kwarto kaya sa sofa muna ako matutulog"kunwaring natatawang sabi ko pa.

Hindi kasi ako pwede matulog sa kwarto ko dahil mas naaalala ko lang ang nangyari. Kailangan kong lumayo sa kwarto na iyon sa ngayon.

Isang araw ay pumunta si Heizelle sa bahay at wala sa bahay si Abram dahil pumasok na sa trabaho. Nakagat ko ang labi ko. Nong minsan kasi na kami lang dalawa ay may hindi magandang nangyari.

"D-Damien, pumunta ako rito para humingi ng tawad sayo. Alam kong katangahan ang ginawa ko at nakakahiya iyon. Sana mapatawad mo ako"nakayukong sambit niya sa akin. Napahinga ako ng malalim.

"Tapos na iyon kaya kalimutan na natin. Umuwi ka na, baka malaman pa ito ng boyfriend mo at mag away pa kayo"seryosong sambit ko sa kanya.

Itinaas niya ang tingin sa akin at matapang na sinalubong ang tingin ko.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?"tanong niya sa akin at sobrang diin ng hawak niya sa hand bag niya. Nanginginig din ang labi niya.

Ano na naman 'to? Akala ko ba humihingi siya ng tawad sa akin? Babalik na naman ba kami dito?

"Hindi"diretsong sagot ko sa kanya. Napaawang ang labi niya at napatango tango. Nakita ko rin namasa masa ang mata niya.

"I see"sambit niya na tila nilalagay ang impormasyon na iyon sa utak niya" Ito na ang huling beses na kakausapin kita. Tama ka, dapat ituon ko lang ang sarili ko kay Teajay. I'm sorry again, Damien"malungkot na sabi niya.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Good decision, Heizelle. Mahal ka ni Teajay at alam kong mahal mo rin siya. Maganda na ang relasyon niyo, at sorry kung nagulo ko kayo. Alam kong may pagkakamali rin ako kaya yata umabot pa sa ganito pero dapat ng itigil iyon. I'm hoping for your happiness, Heizelle"maluwag sa loob na sabi ko sa kanya. Unti unti ay napangiti rin siya.

"Itigil mo na iyan"sambit niya at napakunot ang noo ko"Ayaw ko ng makarinig ng salita na mula sayo. Mas lalo mo lang pinapamukha sa akin kung gaano ako katanga na pinakawalan kita noon" nakangising sambit niya at sabay kaming napatawa.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa trabaho ko. Pumunta ako sa isla ng Ilocos para kumuha ng litrato. Apat na araw ay wala ako sa Pampanga at hindi ko rin muna ginulo si Caelian, dahil nahihiya pa ako sa kanya. Saka na lang kapag makapal na ulit ang mukha ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa ginawa ko subalit mas nangingibabaw ang pagkagusto ko sa nangyari. Naisip ko tuloy kung gaano ang kalambot ang labi niya, napangisi ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa isla ng Zambales. Gusto ko muna magpahinga, gusto ko pumunta sa isang lugar , na hindi dahilan ay trabaho kundi ginusto ko talaga. Bukas ay uuwi na ako at sakto ay linggo, para makapag simba ako.

Sus! Gustong gusto mo dito dahil dito kayo nagkakilala ni Caelian! Bulong ng isip ko sa akin. Napailing ako. Baka nga.

Masyadong maraming pangyayari noong nakaraang araw at tama lamang na piliin ko muna ang tahimik na lugar na ganito. 'Yong tanging alon ng dagat lamang ang naririnig ko.

"Nandito na po tayo sa Isla! Sana maging maganda ang pananatili niyo rito!"sambit ng lalaking naghatid sa amin. Nakangiti siya sa aming mga pasahero.

Isinabit ko ng mabuti ang bag ko at hinawakan ang DSLR ko saka ako bumaba. Naka tsinelas naman ako kaya hinayaan ko ng mabasa ang paa ko.

Pumunta na ako sa magiging kwarto ko sa isang abot kayang hotel dito sa Isla. Ito rin ang kwarto na ginamit ko noon bale ito ang katabi ng kwarto ni Caelian dati. Bumabalik tuloy ang mga alaalang iyon sa isip ko at pinaka huli ay ang halik na pinagsaluhan namin.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at napangisi.

I miss her.

Binuksan ko na ang pintuan at nilagay ang bag ko sa kama. Hindi ko na ilalagay ang damit ko sa cabinet dahil uuwi rin naman ako bukas.

Lumabas ako sa kwarto ko para pumunta sa malapit na restaurant sa hotel na tinutuluyan ko. Nakaramdam kasi ako ng gutom at idagdag pa na masarap ang sea food nila dito.

Papasok na sana ako sa isang restaurant na madalas na kinakain ko dito ay bigla akong napatigil nang may napansin akong pamilyar na bulto ng dalawang tao.

"Lets swim, Caelian! Come on! Samahan mo ako!"tuwang tuwa na sabi ni Josiah habang hinihila sa kamay si Caelian na nakaupo sa buhanginan.

"Ayaw ko, Josiah. Ikaw na lang. Papanoodin na lang kita dito"sagot naman ni Caelian sa lalaki.

Napatigil si Josiah sa paghila ngunit nakahawak pa rin sa pulsuhan ni Caelian.

"Hindi ka pa rin marunong mag-swimming?"mangha at may bahid ng tuwa na tanong ni Josiah.

Naitagilid ni Caelian ang ulo niya at pasimpleng napapikit.

"I knew it!"sigaw ni Abram"Tumayo ka na kasi--"napatigil siya sa pagsasalita nong bigla niyang hinila si Caelian at sa lakas pwersa ay nagkadikit ang katawan nila. Para akong nanonood ng penikula nang magtagpo ang mga mata nila, parang huminto ang oras. Sila nakatingin sa isat isa habang ako ay nakatingin sa kanila.

Napaangat ang tingin ko at pinagmasdan ang bughaw na langit saka lumanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay may karayom na tumutusok sa puso ko.

Ibinaba ko ang tingin ko at muli silang pinagmasdan.

Naramdam ko ang pag-alab ng galit sa dibdib ko at dahan dahan na pagkuyom ng kamao nang maabutan kong hawak ng kanang kamay ni Josiah ang pisngi ni Caelian!

Hindi na ako nakapagpigil at mabigat ang paang lumakad palapit sa kanila. Walang pag iingat kong kinuha ang kamay ni Josiah sa mukha ng Caelian pagkatapos ay mabilis na sinalubong ng kamao ko ang kanang pisngi niya.

Puno ng galit at poot kong tinitigan si Josiah.

"D-Damien?! What is that for?"gulat pero mabilis na nakabawi si Caelian.

"Stay away from Caelian"seryoso at malamig na sabi ko kay Josiah.

Nakahawak siya sa pingi niya kanina ngunit ibinaba niya iyon at umayos ng tayo para harapin ako.

"Sino ka para magsabi sa akin iyan?"tanong niya sa akin sa seryosong tono at nakakaasar na ngumisi sa dulo.

Tumigas ang panga ko at nag ngitngit ang ngipin. Humakbang ako palapit kay Josiah subalit hinarangan ako ng kamay ni Caelian kaya napaatras ulit ako.

"Bakit mo ba siya sinuntok?"untag niya sa akin habang nakakunot ang noo. Pinaparating sa akin na walang katuturan ang ginawa kong kilos.

Binigyan ko ng masamang tingin si Josiah bago bumaling kay Caelian.

"Hindi mo ba nakita? Hahalikan ka ng hayop na ex mo kaya sumugod ako!"nanggigigil na paliwanag ko sa kanya at tinuro turo pa ang lalaki.

"Hinayaan nga kitang halikan mo ako diba?"sagot niya sa akin at natigilan ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa ganitong sitwasyon!

Naramdaman ko rin na natuptop sa kinatatayuan si Josiah.

"Kaya na sa akin ang desisyon kung hahayaan ko siya o hindi"pagpapatuloy niya at nagdikit ang kilay ko"Huwag na sana maulit 'to, Damien"seryosong sambit niya at hinawakan sa pulsuhan si Josiah saka sila umalis sa harap ko.

Iniwan niya ako at si Josiah ang pinili niya kesa sa akin.

Hello! Kamusta po ang lahat?

Ano ang masasabi niyo sa Chapter na 'to?

Again, thank you for supporting this story! I really appreciate it, love!

See you on next chapter!

Have a good day!

-shayyymacho

SHECULARcreators' thoughts