webnovel

Joey, Lorence and Miguel

[Under Revision and still on going] "Kung hindi ba sya nangako, pwede pa maging tayo?"- Lorence

Dhalia_Piandiong · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
7 Chs

Four

#Wasted

AGAD akong ngumiti kay tatay ng makita ko syang nag-iisang nakaupo at nagkakape sa may sala.

"Ano yan?"

Lagot na.

Sino ba naman kasi 'tong nagbigay sa akin ng bulaklak at chocolates? pa-mystery.

Ayoko na sanang ipakita 'to sa mga tao dito sa bahay dahil paniguradong pauulanan lang nila ako ng mga tanong. Kaso kahit ano palang tago ko sa mga ito mula sa likuran ko ay may nakapansin din pala.

Alam ng mga magulang at mga ate ko ang kung anong meron saming dalawa ni Miguel kaya hindi na ako nagulat sa nakakunot noong reaksyon ng tatay ko.

"May bagong manliligaw?" tanong nya matapos muling uminom ng tinimplang kape.

"Wala po. Nakita ko lang po 'to kanina sa upuan ko" sagot ko at nag kunwaring parang medyo naiinis. Sayang din naman kasi diba kung itatapon ko nalang o ipamigay ko sa mga kaklase ko. Sayang yung perang inilaan nung taong yun.

Hindi na ako tinanong pa ni tatay pero halata naman sa mukha nya na nagdedemand pa sya ng ibang kwento dahil paangat-angat ang kilay nito.

"at hindi ko po alam kung kanino galing. Walang nakasulat. Si nanay po pala?" pag-iiba ko ng topic.

"Hindi mo ba nakita sa baba? Kanina e andun sya. Kausap nya ata ang ninang Sonya mo"

Sinasabi ko na nga ba tatawag din kayo e!

Mabilis pa sa alas kwatro kong ibinaba ang bag ko pati yung chocolate at bulaklak sa upuang malapit sa akin.

Kailangan kong maka-usap si Miguel. Bahala na kung anong pag-uusapan namin pero gusto ko syang maka-usap.

Kaagad kong tinawag si nanay pagka-kita ko sa kanya. Kaso itinaas nya lang ang kamay nya at winarningang wag ma-ingay. Ugh! hindi na ako bata.

Nakatitig lang sa akin si Nanay habang nakikinig sa sinasabi ni Ninang Sonya mula sa kabilang linya kaya agad kong ibinulong sa kanya na gusto kong maka-usap si Miguel. Kahit isang 'hi' lang mula sa kanya ayos na ako. Gusto ko lang marinig ang boses nya. Gusto ko lang syang kamustahin.

"Oo mare maayos naman ang lahat. At wag ka ng mag-alala dyan. Kami na ang bahala dito"

Kaso hindi ako pinakinggan ni nanay! hinampas nya lang ako at itinataboy-taboy.

"Oo. Oo sige..ay nako andito nga sa harap ko nangungulit"

Ayan na! hinahanap na ata ako ni Miguel.

"Akin na nay" para akong batang excited dito sa tabi ng nanay kong hinahampas hampas pa ang kamay ko.

"Ah ganun ba?. ay nako oo nga, may next time pa naman. Oo sige mare sa susunod nalang...Oo, babye, mag-ingat kayo"

Ano?! tapos na?

"Nay!"

Kaagad ko syang sinamaan ng tingin. Ano kaya yun?!  Makakausap ko na sana si Miguel e! Dapat kasi ibinigay na agad sakin. hay.

"Tigilan mo nga ako Joey. Ang sabi ng ninang mo gusto ka daw sanang maka-usap ni Miguel kaso busy daw sa pag-aaral kaya sa susunod nalang"

hmmp. Mahirap bang mag 'hi' kahit saglit? Hindi ba nya ako namimiss? Kasi ako, gusto ko syang kamustahin at makarinig ng kwento mula sa kanya kung ano ba talaga ang totoong itsura ng Maynila. I've never been there. Kahit kailan.

"Ikaw din ah, exam mo na next week kaya mag-aral ka na din"

Ang sipag nya talagang mag-aral.

Okay sige. Dapat hindi ako mag-mukmok. Nag-aaral sya ngayon kaya dapat na din akong mag-aral.

Hindi ko na inintindi ang ibang sinabi ni nanay dahil tumalikod din naman sya, kaya dali-dali akong umakyat at pumasok sa sarili kong kwarto.

Gagawa nalang ako ng reviewer.

Kailangan ko pa ng reviewer sa tuwing may exam dahil mas mabilis akong makapag-aral  sa ganun. Kaya agad ko ng inumpisahan ang pag-gagawa nito. Sana lang talaga matapos ko ang mga ito bago matapos ang weekend.

***

KINABUKASAN, maaga akong gumising at ginawa ang mga nakatokang gawaing bahay sa akin dahil nga may usapan kaming tatlo nina Anne at Mari na mag-aaral kami ng sama-sama.

Ayaw pa nga ako paalisin ni nanay nung una dahil baka daw mauwi lang sa kwentuhan ang pag-rereview namin. Pero pinayagan din naman ako sa huli dahil wala din naman syang magagawa, hindi ako magaling sa math.

"Oh pagkain nyo"

Mabilis na ilinapag ni Lorence ang pagkain sa tapat ni Mari. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito na ikinapangit naman sa suot nitong polo shirt na blue at slacks? May lakad ba sya? naka ayos pa ang buhok.

Buti pa ang isang ito may oras pang gumala.

"May lakad ka?" tinitigan sya ni Mari mula ulo hanggang paa. Napansin din pala nya.

Mula naman sa gilid narinig ko ang mahinang hagikhik ni Anne na abala sa pagsusulat. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa e sa iisang lugar lang naman kami nakatira at magkakapit bahay pa. kaya nakita namin kung paano kami umabot sa edad naming ito.

At ngayon lang nagsuot ng ganyan si Lorence. Naka relos pa.

"Wala ka na dun" suplado nitong sagot at napatingin pa sa akin bago umalis.

Siguro may date yun. Pero mabuti naman kung ganun. Siguro kaya hindi na nya ako kinakausap ay dahil may girlfriend na sya. Ganun naman tayo e.

"May date sya? May girlfriend na ba sya?" agad na tanong ni Anne.

Umiling si Mari.

"Wala. Hindi ko alam dun. Wala naman syang nababanggit e. Baka nagising lang sa katotohanan na pangit yung style ng pananamit nya" Ani Mari na natawa pa sa sarili.

Makikitawa din sana ako kaso bigla kaming nakarinig ng kalampag mula sa dingding ng kwarto ni Mari, kaya agad silang tumigil. Paniguradong si Lorence yun. Narinig ata si Mari.

Babalik na sana kami sa pag-rereview ng magulat kami sa dalawang lalaking biglang pumasok. Si Kiko at Juaquin pala. Hay. Paniguradong manggugulo lang na naman ang dalawang 'to.

"Hi" excited na bati ni Juaquin. "andito din pala kayo. Bakit hindi nyo man lang kami sinabihang magrereview kayo?"  umupo sya sa higaan ni Mari.

Gusto ko na sanang mag-aral kaso masyadong malakas ang boses nito. 

"Hoy ano ba! tumayo ka nga dyan! bumalik kayo sa kabilang kwarto. Dun kayo kay kuya!" saway nito kay Juaquin na binato pa ng unan.

Nagtataka siguro kayo kung bakit magkaklase si Mari at Lorence. Sabi kasi ng mama nila dati, gusto daw nilang sabay na pumasok yung dalawa noong mga bata palang kami kaya hindi na muna nila pinag-aral si Lorence. College na sana sya ngayon. Sila ni Miguel.

Kaso ang isa namang yun ay sakitin nung nasa elementary pa kami kaya napilitang pahintuin ni ninang Sonya noon si Miguel. Hanggang sa ayon naging magkakaklase kaming lahat noong Grade 5 kasama itong si Kiko at Juaquin. Tapos naging magkakaibigan sila.

"Pinalayas nga kami e" napanguso sya.

"Narinig kasi naming pinuna nyo yung suot nya, at pati sa amin nagalit. Pinaalis tuloy kami. Kaya dito na kami mag-aaral" walang emosyong sambit ni Kiko na agad na umupo sa sahig at nagbuklat ng libro. Kahit kailan napaka tahimik ng isang ito.