webnovel

Chapter 11: The Cure

Matapos ang panganib na nangyari kina John at Glen, isang panibagong pagsubok ang dumating. Nagkaroon ng pabalik-balik na lagnat at halos 2 weeks nakaraan pero walang bisa ang mga gamot na pinapainom. Tinignan ni Sean ang nasa leeg nina John at Glen, puro nagingitim at kumakalat ang maitim na ugat. Ang problema nila, saan sila kukuha ng totoong gamot?

Naghanap sila ng sasakyan na puwedeng ipang biyahe, habang karga nila sina John at Glen. Suwerte dahil nakakita silang sasakyan.

"Shit!" di sadyang napamura "Bakit?" tanong ni Edwin sa kaniya.

"Walang susi."

"Puwede naman yung pagdugtungin ang mga wire para sumindi." napalingon siya rito mukhang matalino ito kaya lang di siya marunong sa pagdugtong ng wire. Ito na lang may kaya, napasindi nito ang sasakyan laking pasalamat niya.

Nakaalis sila sa mga bundok at tumungo sa city, walang katau-tao. Maraming kotse ang nawasak at nakataob, may helicopter na bumagsak malapit sa hospital at halos sobrang gulo.

"Grabe! Ganito na pala kalala ang sitwasyon dito." ani sabi ni Edwin di makapaniwala sa nakikita.

"Saan kaya tayo makakakuha ng gamot?"

"There!" sabay turo ni Edwin sa isang malaking building na di kalakihan. Pinagtataka niya bakit parang punung-puno ng security system at CCTV camera ang gusali. Mukhang di palagay ang loob niya sa building, lumabas sila ng kotse at kinuha ang mga baril, itak at nakahanda na rin ang kutsilyo sa gilid ng bewang niya pati na rin flashlight.

Pumasok sila sa isang hallway habang dala ang baril at flashlight. Maraming nagkalat na hospital equipment sa sahig, nakakagulat nga lang parang may tao at may kumokontrol.

Naging agaw pansin sa kaniya ang CCTV sa bandang kanan at bahagyang natatabunan upang di makita. "Mukhang may manonood sa atin."

"Saan?" anito napalingon sa kaniya "Yun! Naka-active ang CCTV so it means may, may nanonood sa atin" turo niya kung saan banda.

Naglakad pa sila sa dulo ng pasilyo nang makaraninig ng ingay, security alert. Tatakbo sana sila para lumabas ng gusali pero pilit nila binubuksan ang bakal na pinto exit door ngunit di nila mabuksan.

"Naka-lock! Hanap pa tayo ng pinto para makalabas." saka tumakbo sa isa pang hallway, ngunit isang patibong. May kung anong tumama sa leeg niya at namalayan na lang niyang nakakatulog na pala siya sabay bagsak sa sahig.

PAGGISING niya ay sumakit kaagad ang ulo niya dala ng hilo at pagkabagot. Nilibot niya ang tingin ngunit tila wala pa siya mahapuhap "nasan ako?"

May kakaiba, nakita niya isang CCTV sa harapan niya at naka-active yun. Mukhang may nanonood sa kaniya, tatayo sana siya ng paggalaw ng kaliwang kamay niya. Isang posas, tinignan niya ang kanang kamay, nakaposas din pati mga paa "pakawalan niyo ako!"

Nagwala siya at pumiglas ngunit sadyang mahigpit ang mga posas. Nagpumiglas pa rin siya nang makarinig ng boses mula sa speaker.

"Lakas mong manghimasok sa tahanan ko." boses lalaki, nagtanong siya rito "Nasan ako? Yung mga kasama ko" alalang sambit niya.

"Relax! Wala naman masamang nangyari sa kanila, dapat ka nga magpasalamat sa akin dahil ginagamot ko ang iba sa kanila."

"Si Edwin! Anong nangyari sa kaniya?"

"Tulog pa siya wala pang malay." namatay ang kulay red sa gilid ng speaker tanda na pinatay nito ang mikropono, namalayan na lang niya na nagbukas ang pinto at may lalaking nakatayo. Isang pamilyar na mukha, Kuya Ben. Ang half brother niya, anak sa labas at anak sa ibang babae ng ama niya.

"Kuya Ben!" tawag niya sa pangalan nito.

"Kamusta naman ang kaisa-isang kapatid ko sa ama, Sean."