webnovel

Internal Sin (Tagalog)

Misteryosong nawawala ang mga piling tao na galing sa ibat ibang lahi at mga bansa. Sila ay napadpad sa isang tila pirpektong mundo kong saan naroon matatagpuan ang lahat ng pinaniniwalaang mga halimaw na syang sa mga lumang kwento lang maririnig. Sa mundong ito nabububay sa katawan ng tao ang kapangyarihan na nagmumula sa pitong charka. Sa kakaibang mundo ding iyon matatagpuan ang mga napakalalaking dungeon na syang binabantayan ng mga kahariang naglalaban laban para alamin ang paraan para makabalik ang tao sa totoong mundo na pinag mulan nito. Sa huli tangin ang kahariang makakakompleto lamang ng libro galing sa mga dungeon ang syang makakaalam ng katotohanan at paraan para makabalik ang mga tao sa orihinal nilang mundo.

namme · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
8 Chs

Cedric

Sinabihan ni Cedric si Casey na magtago na sa ilalim ng mga malalaking bato dahil kahit kasi si Cedric ay hindi alam kong meron bang halimaw sa himpapawid dahil bigla bigla nalang humuhuni ang mga ito ng nakakakilabot na tunog at bigla mo nalang mapapansin ang mga ito sa ere base kay Cedric .

kaya naman si Cedric na ang kumuha ng mga prutas na malapit sakanila tulad ng buko at saging.

Bukod kasi sa kakayahan ni Cedric na makatapak sa tubig ay nagagawa rin nito na lumutang at makalipad kahit papano, pero may mga diperensya din ang mga kakayahang iyon ni Cedric.

Katulad na lamang ng kakayahan ni Cedric na makatapak sa tubig, kahit nagagawa ito ni Cedric ay hindi naman nya magagawang makapunta sa ilalim ng tubig na kanyang tinatapakan.

Sa paglipad naman ay kapag mas mataas ang kanyang nilipad ay isa isa at unti unting mawawala ang mga pandama ni Cedric tulad ng paningin at pandinig.

Kaya kahit nagagawang makalipad ay hindi iyon ginagawa parati ni Cedric at tanging pag lutang lang ang ninanais nitong gawin.

Matapos naman makakain ni Casey ng kanyang hapunan ay sinabihan na din sya ni Cedric na agad naring matulog dahil bukas na bukay ay aalamin nila kong magagawa bang alalahanin ni Casey ang direksyon na kanyang dinaanan mula nang mapadpad siya sa gubat papatungo sa banging iyon.

Pero ang totoo ay susubukin ni Cedric si Casey kong may sapat ba itong kakayahan para matuto ng Chakra.

Samantala ay agad din na sinunod ni Casey ang payo ni Cedric na matulog dahil sa totoo lang ay napagod din ang isipan ni Casey sa nag daang araw na iyon.

[Kina umagahan]

Nagising si Casey dahil sa silaw nang pag sikat ng araw at sa pagka bangon ni Casey mula sa pagkakahiga ay dito napansin niya na wala sa paligid si Cedric at kahit saan nya ito hanapin ay hindi nya ito matagpuan.

Samantala naalala naman ni Casey ang sinabi ni Cedric na isa syang spirito at nagpapakita lang ito sa mga nilalang na ninanain nitong pagpakitaan.

Kaya naman sinubukan nalang ni Casey na tawagin si Cedric pero kahit anong gawing pag sigaw ni Casey sa pangalan ni Cedric ay wala itong napapala at walang Cedric na sumasagot.

Dito ay hinintay nalang ni Casey na lumabas at kusang magpakita sakanya si Cedric pero ilang oras na ang nakakalipas ay wala pa ding Cedric na nakikita si Casey.

Dahil din sa gutom ay nagpasya na si Casey na manguha muli ng mga prutas.

Pero bago umalis si Casey para manguha ng mga prutas ay dito nagtaka si Casey sa isang bagay.

Tandang tanda ni Casey na nasa tabi lang nya iniwan ang mga buto at pinag balatan ng prutas na kanyang kinain noon gabi at nawalang lahat iyon maging ang kalat kalat nyang pag balat sa buko gamit ang mga matutulis na bato ay nawala din.

Bukod pa roon ay maging ang mga batong ginamit ni Casey para mga balat ng buko ay naroon muli sa lugar kong saan nya ito unang mga nakita.

Dito din ay may isang bagay pa na talagang nagbigay mas malaking pagkalito kay Casey ito ay ang tali kanan niyang paa na syang itinali nya kahapon dahil sa pagtatangka nyang pagpapatiwakal.

Tandang tanda ni Casey kong paano nya ito tinanggal at itinapon sa bangin habang nag uusap sila ni Cedric.

Kaya sa paanong paraan ay napadpad muli ito doon sa taas kong saan sya naroroon at talagang nakatali pa ito sa paa nya na syang kuhang kuha sa kong paano nya ito itinali sa sarili.

Bukod pa roon ay tila ba tuyong tuyo din ito at tila hindi nabasa sa ng tubig sa dagat kong totoo nyaba itong naibato sa bangin.

Sa mga naiisip na bagay ni Casey ay dito na sya tuluyang nagduda sa nangyayari.

Naitanong na nya sa sarili kong totoo ba ang lahat na nangyari.

Tulad nang makilala nya si Cedric at iniligtas sya nito at maging ang pagkain nya ng mga prutas na kinuha ni Cedric ay hindi na maintindihan ni Casey kong totoo ba ang lahat na nangyaring iyon.

Litong lito na si Casey dudang duda na sya kong totoo ba ang lahat o marahil ang lahat ay imahinasyon lang ni Casey at wala talaga ang Cedric na nakilala nya.

Matapos maisip ang bagay na iyon ay natutulala na lamang si Casey.

Samantalang sa taas ng mga bato na pinag silungan ni Casey ay naroroon si Cedric at pinapanuod si Casey.

Gamit ang kakayahan nyang hindi makita ni Casey ay doon sya na pwesto upang makita nya ang lahat na gagawin ni Casey dahil kong susundan nya ito gamit ang pag lutang ay may tyansang maramdamn sya ni Casey kaya mainam na manatili lang si Cedric sa isang lugar.

Dito sa umagang iyon at sa araw na iyon pala ay sinusubok na ni Cedric si Casey kong talaga bang nararapat nya itong turuang gumamit ng chakra.

Dito rin nasabi ni Cedric na kong magtatangka muli itong si Casey na magpatiwakal sa bangin ay hindi na ito pipigilan ni Cedric sa mga oras na iyon at hahayaan nalang si Casey na mamatay sa napiling disesyon.

Dahil kong tatangkain muli ni Casey na magpatiwakal ay patunay lang iyon na mahina ang kanyang kaisipan at hindi nararapat na gumamit ng kapangyarihan mula sa mga charka dahil sa labis nitong pagka sagrado na hindi dapat mapasakamay ng mahinang nilalang.

Kaya alam ni Cedric na si Casey mismo ang magpapatunay batay sa pag uugali at kinikilos niya kong nararapat ba syang turuan ni Cedric ng kaalaman patungkol sa mga Chakra.

Kaya sa magdamag habang natutulog si Casey ay inihanda na ni Cedric ang kanyang unang pagsubok para malaman kong si Casey ba ang nararapat nyang maging katulong sa paghanap ng kasagutan sa mundong iyon.

Sa magdamag ay inayos ni Cedric ang lahat ng bagay na syang inintindi ni Casey noon gabing iyon.

Binalik sa ayos ang mga bato, itinago ang mga pinagkainang balat ng prutas at kinuha sa bangin ang sumabit sa batong tali na itinapon ni Casey.

Ito kasi ang mga bagay na syang hindi malilimutan ni Casey dahil ito mismo ang mga ginawa niya.

Kaya naman ipinag mukha ni Cedric na tila ba bumalik ang lahat sa oras at ang mga ginawa ni Casey ay para bang hindi talaga nangyari sa realidad.

Sa bagay na plinano ni Cedric ay alam nitong si Casey mismo ang gagawa ng illusyon sa sarili gamit ang mga ala ala nito sa mga bagay na sya mismo ang gumawa tulad ng pagtali sa paa, pag balat ng buko gamit ang mga bato at pag kain ng mga prutas.

Sa sariling illusyon na malilikha ni Casey ito. mabubulag para hindi makita ang realidad sa paligid nya.

Dito ang pag subok na inihanda ni Cedric ay tutukoy sa pag iisip ni Casey.

Dito ngayon makikita ni Cedric kong makakayanan bang talunin ni Casey ang sarili pag iisip para makita ang katotohanan sa paligid.

Kong masiraan man ng pag iisip si Casey at mauwi muli ito sa tangka nyang pagpapatiwakal ay sapat nang dahilan iyon para maging kawalan si Casey para kay Cedric dahil hindi nararapat si Casey para maging katulong ni Cedric na alamin ang katotohanan at kasagutan.

Alam ni Cedric na ang taong may mahinang pag iisip ang syang kadalasang gumagawa ng mga maling desisyon sa buhay.

Kapag nagagawa mo namang kalabanin at talunin ang sarili mong pag iisip ay ito ang mga taong nakikita ang realidad at syang naniniwala sa parehong positibo at negatibong bagay na syang ginagamit ng mga ito para sumulong at umunlad.

Sa araw na iyon ngayon malalaman ni Cedric kong anong klaseng pag iisip ang tinataglay ni Casey.

Samantala sa pagkatulala ni Casey ay bigla nalang itong napangiti, at bigla nalang tumingin sa taas ng bato kong saan naroroon si Cedric na para bang nakita ni Casey si Cedric sa lugar na iyon.

Labis naman ang gulat ni Cedric sa ipinakitang iyon ni Casey, dahil din doon ay kinumpirma pa ni Cedric ang sarili kong nakakagamit ba sya ng abilidad na hindi makita ni Casey at siguradong sigurado naman si Cedric na hindi sya nakikita ni Casey kaya talagang nagulat at nagtataka din si Cedric sa ginawang iyon ni Casey.

Samantalang ang totoo naman ay sa pagkatulala ni Casey ay iniisip na pala nito ang mga bagay na syang nalaman nya mula kay Cedric na imposibleng maging imahinasyon lang nya dahil sa hindi naman nya alam ang mga bagay na ito.

Tila ba inisa isa ni Casey ang lahat na syang nanggaling mismo sa na inaalalang si Cedric.

Tulad ng pagkwento nito nang mapadpad si Cedric sa mundong iyon.

Kong kathang isip lang ni Casey ang lahat ay hindi nya kahit na kelang maiisip na may iba pang kaharian sa dulo ng karagatan na iyon gayong maging ang karagatang nasa ibaba ng bangin na iyon ay ngayon pa lamang nakita ni Casey at iyon palang ang pinaka unang beses na makakita si Casey ng dagat sa mundong iyon kaya malabong makaisip sya ng bagay sa likod nito.

Bukod pa rito ay wala din kaalaman sa mga bagay bagay si Casey tulad nang kong kathang isip lang ni Casey ang lahat pati si Cedric ay paano ma sasabi ni Cedric ang tungkol sa Sumac tree at sa naidudulot nito sa mga halimaw.

Iyon ang dahilan bakit napatingin si Casey sa taas ng bato dahil doon matatanaw ni Casey ang isa sa dalawang Sumac tree sa bangin na iyon.

Paano malalaman ni Casey na ang punong iyon nga ang Sumac tree at bakit totoo ang kakayahan ng punong iyon na mag labas ng mabahong manoy gayon dipa nakakakita ng ganoong puno si Casey at unang beses palamang nyang makakita ng ganoin puno.

Katulad ng sinabi ni Casey ay na aamoy nya din ang puno at napatunayan nya ito noon kumuha sya ng saging sa puno na malapit sa puno ng sumac.

Kaya kong hindi totoo si Cedric at parte lang ito ng imahinasyon o kathang isip ni Casey ay hindi magagawang isipin ni Casey ang lahat nang iyon.

Bukod pa roon ang siyang pinaka matibay na dahilan ni Casey para maniwalang hindi kathang isip ang lahat ay ang mismong mga puno kong saan kumuha si Cedric ng mga prutas.

Sa mga oras na iyon ay wala na ang mga prutas dahil nga sa napitas na ito ni Cedric kahapon. pero tandang tanda ni Casey na may mga prutas talaga sa mga punong pinag pitasan ni Cedric dahil nga sa kinalkula pa ito ni Casey kahapon kong hanggang ilang araw ang maitatagal ni Casey para mabuhay sa banging iyon gamit ang pagkain ng prutas na mga naroroon.

Di matandaan ni Casey na sya ang pumitas sa mga ito at nagawi sa mga punong iyon tangin ang talagang natatandaan nya ay si Cedric ang pumitas sa mga ito.

Isa pa ay malabong may makalimutan si Casey gayon tandang tanda panga ni Casey ang mga kilabot na naranasan sa gubat bago magawi sa banging iyon.

Kompleto pa ang ala ala ni Casey sa lahat.

At pang huli sa iniisip ni Casey ay ang pangalan mismo ni Cedric na kong imahinasyon lang niya ito ay saan nya pupulutin ang pangahalang iyon gayong sa mundong palang iyon nya ito narinig. Maging at itsura at pananamit nito ay hindi mawari ni Casey kong saan nya nakuha kong si Cedric ay parte lang ng kanyang imahinasyon.

Lalo na sa suot ni Cedric na magarbong damit na hindi nyapa nakikitang may katulad na may suot mula sa kaharian.

Kaya talagang kombinsido si Casey na totoo ang lahat na naaalala nya patungkol kay Cedric at sa mga nangyari kahapon.

Ang tanging iniisip nalang ngayon ni Casey ay kong nasaan si Cedric.

Pero dahil sa nakakaramdam nanga si Casey ng gutom ay nagpasya nalang itong humuha ng prutas at inisip sa baka sakaling sa gubat nya matatagpuan si Cedric.

Samantala nagtataka naman ngayon si Cedric kong nakita ba siya ni Casey dahil matapos din tumitig ni Casey sa kinaroroonan nya ay tumayo lang ito si Casey ay parang baliwala na ang lahat na para bang wala nang bumabagabag dito.

Naitanong tuloy ni Cedric sa sarili kong nakita naba sya ni Casey at nabuko na sya nito o talagang mabilis lang na sagot ni Casey ang lahat at kong ganoon man ay ikamamangha iyon ni Cedric.

Dahil marami narin sinubukang tao si Cedric bago pa makarating si Cedric sa banging iyon.

Hindi na ikinwento ni Cedric kay Casey ang tungkol dito dahil ayaw ni Cedric na magkaroon ng ideya si Casey sa kong anong meron sa lugar na pinang galingan ni Cedric.

Nang magising noon si Cedric bilang isa nang spirito sa loob ng luma ngunit malaking kastilyo ay lumabas dito si Cedric at nilibot ang buong kaharian.

Sa pagpapagala gala ni Cedric ay dito nya nalaman na may isa pa palang nakatatag na kaharian sa kontinenteng iyon.

Pero di tulad sa kaharian na pinag mulan ni Cedric na walang buhay, luma at sira sira na.

Ang kahariang nakita ni Cedric ay kabaliktaran ng kaharian nya.

Buhay na buhay ito at pinamumunuan ng hari nito.

Maraming tao sa nasasakupan, may maaayos na kawal, nakapalibot din ang malagong kagubatan sa kahariang iyon kaya lalo itong nagiging sagana at kong titignan ay talagang ganap nang kaharian iyon.

Di tulad sa kahariang pinag mulan ni Cedric napaka dilim, walang buhay, di nawawala ang nag iitimang mga ulap at patuloy mo ding maririnig ang walang humpay na pagkulog nito at masisilaw ka nalang sa kalangitan dahil sa mga nagsasayawang mga kidlat.

Tuyo at patay narin ang gubat sa paligid ng kahariang iyon at ang tanging makikita mo lang na buhay dito ay ang mga hayop na tulad ng mga uwak, buwitre, kondor, agila, lawin, lobo, koyote, bayawak, hayina, at tasmanian devil.

Kaya kong titignan ay kakilakilabot ang kaharian dahilan para walang magawing tao roon.

Bukod sa nakaka-kabang pag dagundong ng mga kulog at nakakasilaw na mga kidlat ay balot din ang kaharian minsan ng makakapal na hamog.

Taglay din ng lugar ang lamig na syang bubuhay ng takot sa katawan ng tao.

Di maipaliwanag kong bakit ganoon ang lugar o kahariang iyon, umaga man o gabi ay di nawawala ang mga galit na ulap na syang nagpapakawala ng kulog at kidlat at hindi rin malaman kong saan nanggagaling ang mga makakapal na hamog nito.

Dahil sa mataas na hating bundok na lukasyon ng kahariang iyon.

Sa likod nito ay isang napaka lalim na bangin na syang diretsyo sa maitim na napaka lalim na dagat na may mga dambuhalang alon at sa paanan naman ng bangin ay puno ng matatalas at nalalakihang mga bato.

Talagang kahit sino ay walang mangangahas na magawi sa kahariang iyon dahil sa kilabot na taglay ng lugar nito.

Bukod kasi sa nakakatakot na itsura ng kaharian at mga mababangis na hayop na nabanggit na syang naroroon ay talaga ding hindi ito mawawalan ng mga halimaw at mga mababangis na spirito na syang mga kakain sa iyo ng buhay doon.

Dalagang nakakatakot ang kahariang pinag mulan ni Cedric na kahit titigan mo lang ito mula sa malayo ay mapapaurong kana sa mala sumpa nitong kalagayan.

Kaya naman kahit si Cedric ay hindi ginustong manatili doon at nagpagala gala hanggang sa matuklasan nga nya ang isa pang kaharian.

Pero dahil hindi isang tao si Cedric at isa lamang syang spirito ay hindi maaaring magtungo si Cedric sa kahariang nakita dahil maaari din syang pagkamalang masamang spirito at paslangin sya ng mga tao doon.

Kaya nanatili na lamang si Cedric sa malapit na gubat sa kahariang iyon at doon nakakakita sya ng mga tao.

Nagpapakita si Cedric sa mga taong nagagawi sa lugar kong saan sya naroon at ang mga hindi natatakot sakanya ay ang syang kinakausap ni Cedric na tulad kay Casey at kapag nag tiwala ito sakanya ay dito susubukin nya rin ang mga ito.

Ngunit ni isa sa mga sinubok nya para sana maging katulong nya sa pag alam ng katotohanan ng mundong iyon ay lahat ay binigo lamang si Cedric.

Kong hindi mahihina ang pag iisip ay minsan ay duwag o mahihina naman ang mga ito sa pisikal o mental na kakayahan nila.

Pero di rin nagtagal ay nagpasya na si Cedric na umalis at lumayo sa lugar kong saan sya namamalagi dahil madalas na syang natatagpuan doon ng mga hunter ng kaharian at kadalasan sa mga hunter na iyon ay kinakalaban si Cedric.

Hindi na naisipan ni Cedric na lumipat nalang ng lugar dahil alam nyang ganoon din naman ang mangyayari.

Kaya nagpalaboy laboy nalang si Cedric hanggang sa hindi nanga nya namalayan na nakarating na pala siya sa karagatan at doon nanga siya naligaw at napagawi nanga sa bangin.

Sa mga pagsubok na pinapagawa ni Cedric sa mga nakikila ay hindi talaga kasama sa basihan ni Cedric kong tuturuan niya ng Chakra ang mga ito dahil ilan sa mga nakilala noon ni Cedric ay may kaalaman na sa chakra.

Tanging si Casey lang talaga ang pinag basihan nyang turuan ba o hindi dahil iyon ang kaylangan ni Casey para nga makabalik sa kaharian nito.

Dahil kong matututong lumaban si Casey na gamit ang Chakra ay matatalo nya ang kahit anong halimaw na haharang sakanya habang hinahanap ang tamang daan pabalik.

Ang chakra mismo ang sinasabi ni Cedric kay Casey na paraan na maitutulong niya kay Casey para ito makabalik dahil nga sa nakikita ni Cedric na wala ngang alam itong si Casey sa Chakra.

Kaya naman sinama ni Cedric sa kanyang basihan kong nararapat bang turuan si Casey ng chakra dahil ayaw din naman mag aksaya ng oras at panahon ni Cedric na magturo sa isang mahinang tao at lalo pa sa taong wala syang mapapala.

Samantala maghapon lang na pinapanood ni Cedric si Casey at kitang kita sa kinikilos ni Casey na tila ba normal nalang uli kay Casey ang lahat at baliwala ang mga ginawa ni Cedric para subukin siya.

Normal lang ang ipinapakitang ikinikilos ni Casey tulad ng pagkuha nya ng prutas, pagkatapos nito ay binalatan at kinain nya ang mga ito at pagtapos ay naglakad lakad sa paligid na para bang hinahanap nga nito si Cedric.

Minsan naman ay naglilibang nalang si Casey tulad nang kumukuha ito ng bato at mag babato ng bato sa bangin okaya naman ay sa kagubatan mangbabato.

Minsan naman ay nakakaisip ito ng maayos na bagay tulad ng pagkolekta ng mga dahon para gawing sapin at kumot niya sa pagtulog sa gabi.

Talagang takang taka narin si Cedric sa kinikilos ni Casey na kong tutuusin sa iba nyang sinubok ay sumuko na at nakumbinsi na, na hindi totoo si Cedric okaya ay kinalimutan na ang patungkol kay Cedric.

Pero naisip din ni Cedric na baka kulang lang talaga ang nagawa nyang pagsubok sa pagiisip ni Casey kaya parang baliwala ito kay Casey o baka naman talaga mahina lang talagang umintindi si Casey at kong ganoon man kahina ang pagiisip ni Casey ay sapat nang dahilan iyon para lumbayan ni Cedric ito at hindi na magpakita dito kahit kaylan at hayaan ito kong magpapakamay o mamatay sa lugar na iyon.

Mag papakita pa kayang muli si Cedric kay Casey at kong Oo ay anong klaseng pagsubok kaya muli ang gagawin ni Cedric para dito?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

nammecreators' thoughts