webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
31 Chs

Stray

"You know, you make me feel guilty." Gusto nang aminin ni Bea ang totoo kay Dawn.

"Ha? Bakit naman?" Pagtataka ni Dawn.

"My mom... hindi talaga sya patay eh."

"What?!"

Napayuko lang si Bea at nagkwento.

"Pero totoo yung part na wala na talaga akong tatay noon pa, parehas lang tayo."

"Bakit mo namang nasabi na patay na yung mama mo kung buhay pa sya? Alam mo bang may mga ibang tao na ninanais magkaron ng nanay, yung iba nga wala ng nanay at gagawin talaga ang lahat para makita sila ulit. Hindi ka ba thankful buhay pa ang nanay mo?" Medyo nagalit si Dawn sa nasabi ni Bea.

Napabuntong hininga si Bea. "It's just that... hindi lang kami magkasundo ng mama ko. I never really like her. And i think she feels the same. Alam mo ba ever since nung bata pa ako, i always see her drink and smoke. Tapos ako gutom na ko pero di nya ako iniintindi."

Natahimik si Dawn at nagpatuloy sa pagkukwento si Bea.

"Kinuha na lang ako ng tita ko mula kay mama, pero ginawa naman akong katulong. Nong maging second year high school ako, nagpart time job ako at ng maka-ipon ako, bumukod na ko. Napagsabihan pa nga ako ng walang utang na loob nong tita ko eh." Parang mapait ang pagkatawa ni Bea, pinipigilan nya din ma-iyak.

"I worked and studied hard ever since, and i was really desparate for scholarships para bumaba ang mga tuition fee na binabayaran ko. And i kinda feel proud of myself na kinaya kong buhayin ang sarili ko. I told myself, i didn't need parents. I didn't need a mother." Di nya din napigilan ang mga luha nya't nagsibagsakan ito.

"Kaya nasabi ko n-na walang akong nanay. Na patay na ang mama ko. She never did her role as my mother. She was never a mother to me." Napa-iwas na lang sya ng tingin kay Dawn at tahimik na na-iyak.

Naramdaman nya na lang ang pagyakap sa kanya ni Dawn. "I'm sorry... i'm sorry i asked..."

"N-Nah, it's okay. Patas lang tayo." Humihikbi pa si Bea ng sabihin nya 'yon kay Dawn.

"So... we're both strays huh?" Sabi ni Dawn, "Dami ding similarities buhay natin." Dagdag nya.

"But atleast naranasan mo kahit papano mahalin ng nanay mo. I envy you Dawn."

"Well don't be, darating ang araw na makakaranas ka din ng pagmamahal..." napangiti si Dawn, "...well, hindi man pagmamahal ng magulang pero pagmamahal ng isang taong makakasama mo habang buhay." Medyo kumirot puso ni Dawn dahil alam nyang malabong sya ang lalaking makakasama ni Bea habang buhay.

Nang magkatinginan ang dalawa, pinunasan ni Dawn ang mga luha ni Bea. "Kaya wag ka na malungkot ah?"

Ito na 'yung pangyayaring ayaw na ayaw ni Bea mangyari, ang mahulog kay Dawn. Alam nya sa sarili nya na kaya ganito si Dawn sa kanya ay mabait lang ito at naaawa sa kanya. Mapakla syang natawa. "Antagal naman dumating nung tao na yun." Umasa naman si Bea na babanat si Dawn sa kanya pero iba ang nasabi nito.

"Balang araw, wait ka lang daw, hahaha."

Nawala ang ngiti nya at napasandal na lang sa balikat ni Dawn. "Hays, pasandal lang ah? Gusto ko matulog."

"Sige, gisingin na lang kita pag nagstop over tayo."

Napatango na lang si Bea at sinubukang umidlip.