webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
94 Chs

Chapter 29

"Tama si Black Xiang, delikado pa naman ang paglalakbay natin patungo roon lalo na at mukhang nakasunod sa atin ang pesting nilalang na iyon. Halos magkapantay lamang ang lakas namin kung kaya't hindi ko siya mapuruhan. Manahimik ka kung ayaw mong ako mismo ang magpatahimik sa'yo!" Puno ng pagbabantang sambit ng nasabing lider nila. Ang tinutukoy nitong Black Xiang ay ang black robe man na siyang malaki din ang papel ng pag-exist ng grupo nila.

"Tsk! Pesting nilalang na nakalaban natin, may pagkademonyo din pala ang hayop na iyon. Hindi ko man lang naputol ang leeg nito kanina hmmp!" Puno ng panggigigil na sambit ng payat na kriminal hababg mabilis din itong lumilipad patungo sa direksyong tinatahak nila. Unang beses na may nakatakas sa kaniyang latigo at hindi niya matanggap ito.

"Save it Red Whip (codename ng payat na kriminal), kailangan pa nating hanapin ang thunder type dragon vein na iyon bago natin pagtuunan ng pansin ang pesteng nilalang na iyon. Palagay ko naman ay hindi ka kontra sa plano natin hindi ba?!" Sambit ng black robe man habang seryoso itong nakatingin sa gawi ng payat na kriminal na kasama nilang si Red Whip. Lihim naman niyang tiningnan ang gawi ng lider nila at mapapansin na nakangisi ito ng palihim habang nagkatinginan ang mga ito.

"Ako pa ba?! Marunong akong sumunod sa orihinal nating plano. Mabuti pa nga at nang mahanap na natin yang pambihirang dragon vein na iyan ng mapaslang ko na ang mismong kalaban nating sumusunod sa atin!" Puno ng siglang sambit ng payat na kriminal na si Red Whip. he will really prove them his worth na pumaslang ng mga mahihinang nilalang.

"Mabuti naman at bumalik ka na sa senses mo. Kailangan nga nating mag-stick sa original plan natin kung ayaw nating matengga buong buwan ng wala tayong napapala." Paalala ng lider ng mga kriminal na ito. They are aware of how difficult their life in Swamp Dungeon. Kailangan nilang mapasakanila ang thunder type dragon vein na siyang magbibigay sa kanila ng benepisyo kapag nakuha nila ito at maibenta sa mataas na halaga ng salapi.

Napatango naman ang tatlong kasanahan nito. They are aware of how bad their life here sa Swamp Dungeon. All of them needs to aid their cultivation or they will become a loser at maungusan ng ibang mga kriminal na pagala-gala sa Swamp Dungeon. Without some cultivation resources, they will become a death body along with others. Laganap ang patayan at kaguluhan dito lalo na sa mga kapwa nila kriminal. Kung paiiralin mo ang karuwagan at kahinaan mo ay siguradong magiging malamig ka na bangkay sa susunod na mga araw. Imagine how tough their environment here at mas lalong hindi libre ang mabuhay dito upang magpalakas pa lalo.

Mas binilisan pa nila ang paglalakbay nila at sa tulong ng sugatan nilang kasamahan ay mabilis nilang tinahak ng ligtas ang daan patungo sa pakay nila. Iniisip nila ang laki ng salaping makukuha nila kung sakaling nasa pangangalaga na nila ang nasabing Thunder Type Dragon Vein.

...

Slash! Slash! Slash!

Halos maglupasay na sa lupa ang sobrang payat na lalaking nakakadena ang dalawang paa nito nang mabilis siyang nilatigo ng isang matabang bantay na halos doble na ang laki ng tiyan nito.

"Bwiset ka, ang kupad-kupad mong gumalaw. Pinakain na kayo ngunit wala pa ring kapwersa-pwersa ang kilos mo!" Sambit ng lumatigong lalaking nagbabantay sa mga nagtatrabaho sa minahang ito.

Ang nilatigo nito ay isa sa mga binili nilang mga alipin upang magtrabaho at pagtrabahuin sa minahang ito. They are really in huge number para magmina ng mga mamahaling mga ores dito at iba pang mga pambihirang bato na isa ring cultivation resources kung maituturing.

[ Azure Crystal Ores. Isang pambihirang ores na kagaya ng Blood Gem Crystal Ores ay kayang magsuplay ng napakaraming enerhiya sa loob ng bagay na ito. It could really help anyone to ascend their level of cultivation from a very low cultivation level up to Xiantian Realm Expert. Sikat ang ore na ito at hindi kagaya ng Blood Gem Crystal Ores na mahirap hanapin. Marami talaga ang mga pambihirang batong ito sa lugar kung saan namumuo ang maraming kidlat which transforms an ordinary land into a thunder ores land for mining purposes. Kaya nga napakaraming mga martial artists ang naririto upang magmina at kapag pinapalad ay maraming mga pambihirang bagay pa ang mamimina nila. This is really a blessing in disguise. This azure crystal ores ay nakadepende din ang mga ito sa kalidad ng namimina nila not the quantity itself.]

Dinaluhan siya ng katabi nitong kapwa alipin nito na siyang mabilis na ikinanlisik ng mata ng nagbabantay sa kanila.

Slash! Slash! Slash!

Walang awa niya ring nilatigo ang walang kalaban-laban na alipin na tumulong sa kasamahan nito until he satisfies himself.

"Arrgggh, tama na po!" Pagmamakaawa ng lalaking alipin habang makikitang namimilipit ito sa sakit dulot ng pagkakalatigo sa parteng balikat patungo sa likod nito.

"Bwiset kayo, pinapakain kayo ngunit ang kukupad ninyo. Umayos kayo!" Sambit ng bundat na nagbabantay habang may pahabol pa itong malakas na latigo sa aliping nagtatrabaho.

Nanahimik na lamang ang iba pang mga alipin at mas pinag-igihan na nilang magtrabaho pa ng maigi. Kasalukuyan kasi silang gumagawa ng malaking tunnel na siyang panibago to mine deep underground. Masyado pang mababaw ang namimina nila.

Naglalakihang mga mining equipment ang libo-libong mga alipin na nagbubuhat at pinpaikot nila by applying their workforce dahil hindi makakaya ng isang tao lamang ang pagpapagana nang nasabing equipment. Karaniwan na rin kasing bagay ang ganitong gawain sa pagmimina. Kailangan nilang gumawa ng bagay na ikagagaan ng trabaho ng bawat isa.

Slash! Slash! Slash!

Maririnig ang malulutong na paglatigo sa mga aliping nagtatrabaho sa loob ng minahang ito. Talagang napakalupit din ng mga nagbabantay rito lalo na sa mga aliping hihina-hina at kukupad sa paggalaw kagaya ng iba.

Maririnig naman ang nakakahabag na pagdaing ng iba na ang ilan ay hindi na makadaing ng sakit na naramdaman nila sa paghagupit sa manipis nilang balat dahil kung dadaing sila ay mas gaganahan pa ang mga nagbabantay sa kanila na hagupitin sila. Kaya mas pinili na lamang ng iba na tiisin ang sakit kung hindi ay sila rin ang mapapasama.