webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
40 Chs

Chapter 2.6

Ang mga skill ni Wong Ming ay tila ba hindi umubra sa itim na anino. Ni hindi man lang ito natinag o di kaya ay napinsala.

Ganon na lamang ang labis na pagtataka ni Wong Ming at mayroon siyang napagtanto.

Gamit ang kaniyang sariling abilidad ay mabilis niyang ikinalma ang sarili niya at mabilis na nagbago ang kaanyuan nito bilang isang Ice Demon.

Kitang-kita niya ang malaking pagbabago sa sarili maging sa matatalas na senses niya sa katawan. Doon niya lamang napagtanto na ang buong lugar na ito ay nababalot ng napakalakas na ilusyon.

Ang itim na aninong iyon ay gawa lamang ng pormasyon at kakaibang harang sa buong kapaligiran nito. Those things na makikita niyang mga mababagsik na mga lobo ay hindi tunay at ang mga bagay-bagay sa paligid ay hindi totoo. Kahit na ang kalaban niya mismo noon ay hindi rin totoo.

Isa lamang ang napagtanto ni Wong Ming at ito ay dahil sa malakas na pormasyon na nakapaligid sa buong lugar na ito at ang pag-activate ng masamang pangitain at phobia ng lahat ng mga nilalang at iyon ay ang takot sa takbo ng panahon.

Napagtanto ni Wong Ming na isa ito sa kinatatakutan niya, ang takbo ng oras o pagbabago sa kapaligiran niya. Dahil sa labis na pangungulila niya sa ama niya at ang bilis ng pangyayaring naganap noon ay tila nagbunga iyon ng pagbabago sa buong paligid niya.

Masasabing parang totoo lahat ng mga nangyari. Ang pagpaslang niya sa Mint City Lord na si Ginoong Bao at iba pa ay isa lamang iyong ilusyon dahil matagal ng nawasak ang nasabing lungsod. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang sinuman ay hindi nakakalabas sa nawasak na lungsod na ito dahil sa pambihirang ilusyong kayang gawin ng teritoryo ng Mint City.

Ito ang hiwagang bumabalot sa nawasak na lungsod. Ang tunay na lakas nila ay nakabase sa abilidad ng mga itong gumawa ng ilusyon at gawing baliw o i-trap ang lahat ng mga pumapasok rito sa kanilang siyudad.

Muntik ng mabitag si Wong Ming sa lahat ng pakulong ito ng yumaong sibilisasyon ng Mint City at baka matagal pa bago siya rito makalabas o hindi na?!

Nakikita pa rin ni Wong Ming ang itim na anino maging ng Devil's Clock maging ang mga kabahayan sa paligid ngunit alam niyang gawa lamang ng malikot na ilusyon iyon.

Naglakad na siya papasok sa isang saradong tarangkahan at mabilis niyang itinulak ito ng may pwersa. May nakita pa siyang mga bungo sa kapaligiran bago siya pumasok ngunit tunay ngang mapait ang sinapit ng sinuman sa loob ng Mint City at ang lakas ng ilusyon nila ay nagawa siyang mapasailalim nito.

Kung di dahil sa Ice Demon Transformation Skill niya ay siguradong wala siyang ligtas sa kamatayang sinapit ng lahat ng mga pumasok rito.

Naglakad pa si Wong Ming patungo sa nasabing siyudad pasulong at nakita niya ang kakaibang mga disenyo sa mga siyudad. Naglalakihan ang mga gusali ngunit halatang may kalumaan na talaga at ang iba'y nilulumot na at may mga naglalakihang mha halamang tumutubo sa iba't-ibang parte ng mga gusali. Tunay ngang nakakamangha itong pagmasdan ngunit senyales din ito ng sinaunang pag-exist ng nawasak na siyudad ng Mint City.

Maya-maya pa ay tinungo ni Wong Ming ang pinakadulong parte ng Mint City, walang iba kundi ang tinaguriang sagradong lugar ng Mint City na walang iba kundi ang City Lord's Cultivation Yard.

Mayroong pabilog na parte sa lugar na ito na mayroong mga pabilog na linya mula sa maliit hanggang sa palaki ito ng palaki. Napakapambihira ng lugar na ito at makikitang walang ilusyon ang nasabing lugar na ito at sigurado si Wong Ming na ito ang huling lugar na maaaring patunguhan ng sinuman.

Naglakad ng naglakad si Wong Ming patungo sa maliit na bilog sa gitna ngunit pagkatapak na pagkatapak niya sa unang linya ay lumiwanag ang bawat pabilog na linya.

Naging alerto naman si Wong Ming. Kitang-kita niya kasi kung paanong nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang gitnang bahagi ng pabilog na bagay hanngang sa namangha na lamang siya rito.

Walang ano-ano pa ay naglakad si Wong Ming patungo rito at ganon na lamang ang pagkagulat niya ng bigla siyang makaramdam ng pagkahilo.

Ang kaanyuan niya ay bumalik sa dati bilang tao. Para bang napawalang-bisa ang demon transformation skill niya sa hindi malamang dahilan.

Napansin ni Wong Ming na tila hinigop siya ng liwanag paitaas. Dahil sa labis na pagkabigla niya at unang karanasan niyang ito ay tila pakiramdam niya ay masusuka siya.

Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa kung saan man siya dalhin ng kakaibang liwanag na humigop sa kaniya kanina.

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa gitna ng kakaibang bahay. Napansin niyang hindi siya pamilyar sa bahay na ito maging sa estraktura ng pagkakagawa nito. Napakapulido at walang anumang kalat na makikita sa paligid o alikabok man lang.

Nang ilibot ni Wong Ming ang sarili niya ay napansin niyang may kalakihan pala ito at mataas ang ceiling ng bahay. Ngunit napatigil lamang siya ng may isang matandang lalaking nakatayo sa dulo nito.

Nakatalikod ito habang nakatanaw sa malaking bintanang parang may tinitingnan ito.

Maya-maya pa ay humarap ito kay Wong Ming at ganon na lamang ang pagkagulat ni Wong Ming kung sino ang nilalang na ito.

"C-city L-lord Bao?! Ano'ng ginagawa niyo rito?!" Gulat na gulat na wika ni Wong Ming habang kitang-kita na utal-utal ang pagkakasabi niya sa pangalan ng kaharap nito.

Sino'ng mag-aakalang ang kalaban niya noon ay tila kaharap na niya ngayon at buhay na buhay. Walang bakas ng sugat o kung anuman.

Ibang-iba ang aura nito habang makikitang nakangiti ito.

"Kung gayon ay ikaw pala ang nakahanap ng daan patungo sa serketong lugar ko?! Mabuti naman at mayroon ng hahalili sa mga iniwan kong mga bagay." Makahulugang wika ni City Lord Bao habang nakangiti itong nakatingin kay Wong Ming.

Napasimangot naman si Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na tila hindi nito alam ang kaniyang ikikilos o sasabihin pabalik.

Ano'ng aasahan mo sa nilalang na nakalaban mo at aasahan mong napaslang mo kanina na buhay na buhay ngayon at tila todo ngiti pa ng makita ka sa kasalukuyan?! Wari ni Wong Ming ay may kakaiba rito na hindi niya maintindihan.

Pakiramdam ni Wong Ming ay pinaglalaruan ang paningin niya sa nakikita niya ngayon. Hindi niya tuloy mapigilang mag-isip ng kung ano-ano lalo na ng mga negatibong kaisipan patungkol kay City Lord Bao.