webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
40 Chs

Chapter 1.7

Literal na napanganga ang lahat ng saksi sa buong durasyon ng pangyayaring ito nang ang masaklap na sasapitin ng binata na naglalakad dahil kabaliktaran ito sa naganap rito sa kasalukuyan.

Poofff! Poofff! Poofff!

Bigla na lamang kasing nawala na parang bula ang atake ng dambuhalang Four-Winged Electric Lizard nang tumama ito sa katawan ng binatang naglalakad.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na mapaismid lalo pa't parang iniinis siya ng sakay ng Four-Winged Electric Lizard na ito lalo pa't kung akala nito ay uubra ang ginagawa nito sa kaniya ay malamang ay hindi.

Maya-maya pa ay naningkit ang mga mata niya nang mapansin na tila papunta sa kaniya ang dambuhalang halimaw at mukhang alam na alam  na niya kung ano ang gagawin nito sa kaniya.

BANG!

Kitang-kita ng lahat kung paanong dinaganan ng dambuhalang halimaw ang nasabing binata sa pwesto nito.

Literal na umusbong malakas na hiyawan at halakhakan ng lahat ng mapansing nawala ang pigura ng binatang kaytigas ng ulo na paharang-harang sa daanan ng Four-Winged Electric Lizard.

Kitang-kita ng lahat ang nasabing isang nilalang na nakasakay sa Four-Winged Electric Lizard. Nakasuot ito ng kulay asul na asul na roba habang may  disenyo ng isang uri ng dragon ang kasuotan nito. Sa pananamit pa lamang at malinis na kaanyuan ng naturang nilalang ito ay nagmula ito sa malaki at marangyang pamilya.

Kahit nakadagan ang dambuhalang halimaw kay Wong Ming ay rinig na rinig niya pa rin ang lakas ng mga ratatatat ng  bibig ng mga pabida-bidang mga nilalang sa lugar na ito.

"Hindi ko aakalaing nakakuha na pala ng sariling mount ang apo ng aristokratong pamilya ng Laì Family!"

"Siya na ba ang panganay na anak ng Laì Family?!"

"Isa kang timang, ano'ng panganay? Kung di ako nagkakamali ay ito ang pinakabunso sa limang apo ni Family Chief Laì Yaoting na si Laì Qing!"

"Tama ka, si Laì Qing nga iyan. Isa sa palatandaan nito ay ang kulay asul na may disenyo ng dragon sa kasuotan nito!"

Halos masuka naman si Wong Ming sa mga sunod-sunod pang mga exaggerated na mga salitang binibitawan ng mga nilalang na naririto sa Stone Crest Auction House dahil puro mga papuri at magagandang mga salita ang hinabi ng mga para sa kaniya ay mga talampasanang bibig mg mga pabida-bidang mga nilalang na gustong magpalakas lamang sa anak ng aristokratong pamilya ng Laì Family.

Parang pinamukha pa sa kaniya na hindi rin siya nabibilang sa aristokratong pamilya?! Ito ang pinakaayaw niya ang mga nagmamagaling lalo na ang mayabang na nilalang na nagmamay-ari ng nasabing dambuhalang halimaw na Four-Winged Electric Lizard.

Hindi rin nagtagal ang halakhakan at tila kasiyahan ng lahat ng bigla na lamang tumalsik sa malayo ang dambuhalang katawan ng halimaw habang sakay-sakay nito si Laì Qing.

Samantalang kitang-kita ng lahat na para bang walang nangyari sa binata habang nakatayo pa rin ito nang tumalsik ang nasabing halimaw.

Hindi siya natatakot sa ganitong uri lamang ng magical beast. Maituturing lamang na ordinaryong alaga lamang ang nasabing mount na ito at literal na mahina ang fighting capabilities ng ganitong klaseng magical beast lalo na sa Golden Crane City.

Sa liit ng bayang ito ay wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang kontrabida sa lahat ng naririto lalo na at namamangha sila sa presensya ng isa sa apo  daw ng kasalukuyang pinuno ng Laì Family.

Walang sinayang na oras si Wong Ming at mabilis itong naglakad patungo sa direksyon ng Auction hall.

Gulat na gulat ang lahat sa nasaksihan at tila ba naiwan silang nakanganga nang mapansin na parang walang pake ang nasabing binata sa kanila maging sa estado ng tumalsik na binata na sakay ng Four-Winged Electric Lizard.

Kaniya-kaniyang hula naman ang lahat sa totoong pagkakakilanlan ng binatang naglalakad patungo sa mismong auction hall. Sino ba naman kasi sila na mga ordinaryong nilalang para magtanong rito ng personal at mas lalong hindi nila gugustuhing mapahiya dahil sa mga sinasabi nila sa kanila.

Isa pa ay ayaw nilang madamay sa kung ano mang kabalbalan ang maaaring gawin nito kung sakaling pigilan o awatin man nila ito sa direksyong tinatahak nito.

Hindi naman nagtagal ay narating ni Wong Ming ang mismong tapat ng Auction hall. Hindi niya Aakalaing sobrang laki at lawak ng mismong bulwagang ito kahit nasa labas pa lamang. Tiyak siyang pambihirang mga bagay lamang ang binebenta ng mga ito. Kung suswertehin siya ngayon ay maaaring matuklasan niya ang ibang mga bagay na maaaring mapakinabangan niya sa kasalukuyan.

Hahakbang na sana siya papasok nang biglang humarang ang dalawang nagtutulisang mga sibat  sa magkabilaan niya at ramdam ni Wong Ming ang lamig ng atmosperang bumabalot rito na animo'y hindi siya pahihintulutan.

"Mayroon ka bang dalang imbitasyon ginoo?" Marahan ngunit seryosong wika ng isa sa mga may hawak ng sibat.

Literal na mga malalaki at malahiganteng mga uri ng tao ang mga ito habang seryosong nagkatinginan ang mga ito saka tumingin sa kaniya ng paulit-ulit.

"Anong klaseng imbitasyon ba ang iyong tinutukoy? Wala akong alam sa ganyang patakaran." Walang kamuwang-muwang na saad ni Wong Ming habang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa dalawang bantay.

Ting!

Tuluyang hinarangan ng dalawang bantay ang kanilang daan papasok sa mismong auction hall.

"Mahigpit ang bilin sa amin na bawal pumasok ang mga nilalang na hindi imbitado upang maisaalang-alang ang pagdating ng mga mahahalagang mga bisita maya-maya lamang." Seryosong sambit naman ng isa pang bantay habang makikitang pinagbabataan nito ang binata habang pinanlisikan niya ito ng mata.

Mabilis namang naalala ni Wong Ming ang isang maliit na bagay na binigay sa kaniya ng magandang babaeng nagngangalang Yì Hua kanina.

Naalala niya pang sinabi nito na ipakita lang ito ay hindi magdadalawang isip ang mga bantay na ito na papasukin siya sa Auction Hall.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang maliit na bagay na hawak niya. Isang maliit na hugis parisukat na kahoy ito habang makikitang napakaordinaryo nito.

Kinuha naman ng isa sa mga bantay ang inilabas ng binata at walang ano-ano pa ay humagalpak sa kakatawa ang mga ito.

"Whahahahaha ano'ng klaseng bagay ito binata. Gawa lamang sa ordinaryong kahoy ang ipinakita mo sa aming ito. Masyado mo naman kaming pinapatawa." Sambit ng isang bantay habang sinisipat-sipat pa nito ang iniabot sa kaniya ni Wong Ming.

"Maaaring mo itong ikapahamak binata kung nagsisinungaling ka! Isang kawalan ng respeto ang ginawa mong ito!" Sambit ng isa pang bantay habang matikas itong tumindig habang nakatingin sa binata gamit ang mapanuring mga mata nito.

Agad na tinago ng dalawang bantay ang maliit na piraso ng kahoy na iyon habang palihim ang mga itong napangisi.

Akmang aalis na si Wong Ming nang biglang nagbago ang takbo ng isipan ng dalawang bantay at mabilis na nagsalita ang isa sa mga ito.

"Parang hindi ka naman mabiro binata. Dahil mabait kami ay maaari ka ng pumasok sa loob ng Auction hall hehe." Sambit ng isang bantay habang napatango naman ang isa pang bantay na salungat lamang rito.