Hindi na natutuwa si Wong Ming sa ginagawang ito ng nasabing nilalang na nasa ikawalong sikretong silid.
Walang nagawa si Wong Ming kundi magpalit anyo bilang isang Ice Demon at pakinggang mabuti ang nangyayari sa loob ng ikawalong secret room. Pakiramdam niya kasi ay may mali at tiwala siyang walang nagmamasid sa silid niya.
Itinago niya ang enerhiyang nagmumula sa katawan niya lalo pa't hindi naman niya gustong ihain ang sarili niya sa publiko. Sadyang magiging agaw-atensyon ang kaayuan niya dahil sa Demon Transformation Skill na ito.
Hindi siya komportableng ganito na lamang ang nangyayari at tila nananadya ang kumg sinumang nilalang na nasa ikawalong silid.
Mabilis na lumakas ang pandinig ni Wong Ming at tila naging sensitibo ang pandinig niya at enerhiya sa paligid niya.
"Siguradong malaki-laki ang makukuha natin kay Madam Yanyu kung sakaling lumaki ang salaping sinasambit ng mga hangal na nilalang na naririto hehehe!"
"Oo nga eh ngunit di ka ba natatakot kapag nalaman ng lahat ang ginagawa nating ito?!"
"Natatakot? Kapag kumalam ang sikmura natin at wala tayong salaping igagastos sa pang-araw-araw natin ay tingin mo maiisip mo pa iyon?!"
"Salaping sa'yo lamang napupunta dahil sa kapalaluan mo maging sa utang mo kay Madam Yanyu!"
"Kapatid mo pa rin ako kaya hindi ka maaaring umangal diyan!"
Napatahimik na lamang at hindi na sumagot ang isang nilalang na kasama ng salarin sa kalokohang ginagawa nito.
Natakot siguro ito o di kaya ay inisip rin nito ang sinabi ng huli dahilan hindi na humaba pa ang pagtatalo nilang ito.
Mabilis namang inilihis ni Wong Ming ang atensyon niya sa mismong bagay na pinapasubasta.
Upang malaman ang totoong halaga ng nasabing bagay na pinagkainteresan niya ay mabilis niyang sinuri ito gamit ang Demon Eyes na meron siya.
Sa pamamagitan ng matang mapanuri ng isang Ice Demon ay tila tumagos ang mata niya patungo sa mismong laman ng bagay na pinapasubasta na siyang pinagkainteresan niya.
Mabilis namang napaismid si Wong Ming nang malaman kung ano ito. Isa lamang itong ancient tablet at mayroon lamang tatlong letra.
Kumbaga ay tanging maliit na parte lamang ito ng sana'y pambihirang skill. Labis na nadismaya si Wong Ming lalo pa't wala man lang silbi ang ganitong klaseng bagay kaninuman.
Ang isang piraso ng incomplete skill nga ay mahirap hanapin ano pa kaya ang ganitong klaseng bagay na kapiranggot lamang kung tutuusin ay mas mahihirapan silang hanapin ang totoong halaga ng nasabing Ancient skill.
Sigurado siyang mayroong pandarayang ginagawa ang Stone Crest Auction House na ito at wala na siyang balak na magtagal pa rito lalo pa't wala naman siyang maaari pang makuhang bagay na pagkakainteresan lalo na ng sinuri niya ang mga pinapasubasta rito at ipapasubasta pa lamang.
Walang alinlangan na nilisan ni Wong Ming ang nasabing auction house dahil sa kaniyang labis na pagkadismaya at nagbayad ng kaukulang bagay na pinagkainteresan niyang kunin kani-kanina lamang.
Talagang swertehan lamang at madalang lamang ang mga bagay na maaari niyang makuha sa mga Auction House rito lalo na sa mataas niyang cultivation level idagdag pang nasa Purple Blood Realm lamang ang pinakamataas na cultivation level na nakikita niya pababa.
Sa ngayon ay maaari niya lamang gawin ay ang gumalugad sa delikadong mga lugar dito sa Red City lalo pa't maraming mga ancient ruins na nakakalat lamang sa mga ipinagbabawal na mga lugar dito na matagal nang nilisan o inabandona ng sibilisasyon.
Gamit ang mga kaalaman niya ay naglakad-lakad siya sa mga pampublikong lugar at nangalap ng lugar na maaaring subukan niya ang kaniyang sariling kapalaran o swerte dahil na rin sa gusto niyang magkaroon ng malaking pag-unlad sa kaniyang sariling kakayahan lalong-lalo na pagdating sa sarili niyang cultivation.
...
Maagang nagising si Wong Ming sa umagang ito lalo pa't hindi pa sumisikat ang haring araw ay nakahanda na ang sarili niya at ang kaniyang babauning mga gamit sa gagawin niyang mahaba at delikadong paglalakbay.
Napagdesisyunan niya kasing bisitahin ang isa sa mga kilalang lugar na kinatatakutan ng lahat lalo na ng mga manlalakbay na taga-labas na tinatawag na Ghostly Valley. Isang abandonadong lugar na pinaniniwalaang biglaan lamang na nawala ang mga taong naninirahan rito ng wala man lang anumang kahina-hinalang bagay na nangyari rito.
Sa loob lamang ng isang araw noon ay misteryosong nangawala ang buong pamayanan ng nasabing komunidad at wala man lang buhay na nilalang na saksi sa misteryosong pagkawala ng buong pamayanan.
Hinango ang kasalukuyang pangalan sa Misteryosong pagkawala ng buong pamayanan habang walang konkretong ebidensya na buhay pa ang mga ito kahit na matagal ng nangyari ang insidenteng iyon.
Napangiti na lamang si Wong Ming habang nakatingin sa mapang hawak-hawak niya. Marami man ang may alam sa mapa ngunit pili lamang ang gustong puntahan at galugarin ang Ghostly Valley dahil sa patuloy na bali-balitang misteryoso ding nawawala ang sinumang gumagalugad rito habang walang bakas na iniiwan rito.
Agad na itinago ni Wong Ming ang munting mapang hawak-hawak niya at mabilis na naglakad papalayo sa tinutuluyan niyang inn lalo pa't para sa kaniya ay walang dapat na oras na sasayangin.
...
Hindi namalayan ni Wong Ming na nakarating na siya sa tatlong naglalakihang mga daan na tanaw na tanaw niya sa harapan niya.
Pinili ni Wong Ming ag daan sa kanang ruta lalo pa't sigurado siyang dito ang punta niya.
Nakakamangha man ang lugar na ito ay isinantabi ito ni Wong Ming at tinuon ang oras niya sa paglalakad ng paabante.
Ang daang tinatahak niya ay masyadong tahimik habang makikitang walang katao-tao rito. Ang lugar na pupuntahan niya ay isang sinaunang lungsod ng Red City na nabura sa mapa dahil sa matindi at madugong kaganapang nangyari sa lugar na pupuntahan niya. Kilala ang lugar na ito sa tawag na Mint Ancient Ruin.
Ang Mint Ancient Ruin ay isang malaking lungsod kung tutuusin na hiwalay mismo sa border ng Red City ngunit sinapit nito ang malagim na trahedya dulot ng mga iba't-ibang tinitingnang aspeto ng mga nilalang sa iba't-ibang parte ng Red City.
Ang pagkabura ng Mint City ay isang maunlad na lungsod noon at tinaguriang mas malakas pa sa kasalukuyang lakas ng Red City ngunit sinapit nito ang malagim na trahedya ngunit hindi maipagkakailang may tinatagong hiwaga ang lungsod na ito na gustong malaman ni Wong Ming.
Biniyayaan ang lungsod na ito ng galing sa paggamit ng mga malalakas na Ice Skill na pinaniniwalaan ng lahat. Ayon pa sa mga matatandang nagbebenta sa mga bangketa na napuntahan niya ay kakaiba ang estilo ng pag-atake ng mga ito na isang core skill daw ng Mint City.
Ang mga dugong bughaw ng nasabing nawasak na lungsod ay pinaniniwalaang nakaligtas sa trahedya ngunit iyon ay sabi-sabi lamang.
Sa pagkakasabi pa lamang ng pambihirang ice skill ay sigurado si Wong Ming na angkop ito sa kaniyang sariling elementong taglay niya. Maaaring mas umunlad pa ang kabuuang lakas niya kung sakaling matutunan niya ang nasabing malalakas na skills ng naburang lungsod.
Nagbabakasali lamang siya sa pagpunta niya sa Mint City ay may matuklasan siyang kakaiba rito at kung suswertehin siya ay may makuha pa siyang makakatulong sa kaniyang sariling cultivation o di kaya ay sa kaniyang sariling abilidad.
Isa pa ay masyadong misteryoso ang nasabing nawasak na lungsod dahil kabaliktaran ito ng Red City na karaniwang taglay na lakas at kapangyarihan ay sa pamamagitan ng Blood Skill o di kaya ay ang malalakas na Fire Skill nila. Maaaring sa paglalakbay niyang ito ay matuklasan niya ang katotohanan sa likod ng tagumpay at pamamayagpag ng Red City kumpara sa Mint City na matagal ng nabura sa kasaysayan.