webnovel

chapter 5

.

Hindi naman inabot ng trenta minutos ay nakaabot na rin ako. Agad kong natanaw si Manong Carte na abala sa paggupit ng mga hardin na nakapalibot sa bahay. At nang makita niya ako ay agad akong kumaway dito. Hindi pa nga ako nakakababa ay agad na niya akong sinalubong.

"Eming! Salamat sa diyos at ligtas kang nakarating!" Abot-tenga na ngiti nitong bulalas at agad akong tinulungan sa dala ko.

Si Manong Carte ang caretaker ng bahay namin. Bata palang ako ay nandito na siya sa amin tumutulong, parang naging lolo ko na rin siya. Mula nang umalis ako para pumunta ng Manila ay siya na rin tumira dito. Sayang lang ang engrandeng bahay ni Lola kung walang titira, no.

"Wow, Ba't parang mas lalong gumanda ang bahay, Manong!" Komento ko na siya naman ikinangiti ni Manong Carte. Pala ngiti talaga si Manong Carte.

Nandito pa rin ang mga antique na vases ni Lola, pati na rin yung mga paintings na nakuha niya sa iba't ibang auction. Antique Collector kasi si Lola. Parang bagong pinta pa ang pader at napakakintab ng sahig. Parang hindi masasabing halos isang dekada na ang chandelier na nakasabit sa kisame kasi hindi parin kumukupas ang kinang nito.

"Maigi ko talagang inaalagan itong bahay niyo, Eming." Sagot niya

At siyempre nandito pa rin sa mismong bungad ng sala namin ang iba't ibang oils, mga orasyon na ginagamit ni Lola panlaban sa mga engkanto. Fun fact, manggagaway si Lola. Siya ang numerong unong takbuhan ng mga tao dito kapag napagdidiskitahan sila ng mga lamang-lupa.

Hindi naman ako ganoon close-minded at may parte sa akin na naniniwala naman sa mga engkanto. Probably, one of the reason why I chose fantasy as my main genre in my novels.