webnovel

chapter 3

Sumandal ako sa sofa, " It's been 2 years since nang namayapa si Lola, I think, kaya ko na. Hindi lang naman masasakit na memories ang nandoon. Nandoon rin yung happy memories namin."

"Well, about the umm... accident"

"Oh, that car accident that nearly killed me. meh! Wala na 'yun!"

Bumakas ang pagtutol sa mukha nito dahil sa biro ko, "Emillico, that was no car accident. That was you driving yourself to d*ath!" Napabuga ito ng hangin, "Dahil sa pagkawala ng lola mo... Are you really sure na kaya mo na?"

Mapakla akong ngumiti, "I'm not kid anymore."

"Sh*t, I'm sorry Emi! We should be celebrating, but I keep saying all of these!" Bulalas nito at lumipat sa tabi ko.

Pinalo ko ito ng unan, "Gaga! But, it is settled na, I'm going home."

Ngumiti si Jamie. Inabot niya ang dalawa kong kamay at humarap sa'kin habang ang dalawa niyang tuhod ay nakatupi, "You're strong and brave, Emi. You really are. Gusto ko sanang samahan ka pero may family vacation rin kami eh."

Umiling ako"It's okay, enjoy your vacay with your fam!" Ngumiti ito sa'kin at agad akong niyakap pero mabilis din itong kumalas at tumayo.

"OKAYYYYYY! TAMA NA ANG KADRAMAHAN ERASE, ERASE ANG NEGATIVITY, AND LET'S PARTY PARTY!!!" Muli nitong hiyaw na siya naman sinabayan ko.

"PARA KAY JAMIE MARTINEZ, MY GREATEST EDITOR!"

"PARA KAY EMILLICO GABIN, OUR BEST AMONG THE BEST AUTHOR!"

"CHEERS!"