webnovel

I pretend to be the mother of my own child (tagalog)

Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. Nakabanggaan niya lamang ang limang taong gulang na anak ng isang negosyante, ang ipinagtataka niya'y bakit sa unang tingin pa lamang nito sa mukha ng bata ay nakikita na niya ang kanyang sarili rito? Malaki ang pagtataka niya nang mapagtantong hindi malayo ang hitsura nilang dalawa. Bakit nga ba? Nang makaharap niya ang ama ng bata, nagkaroon siya ng malakas na kutob. Naisip niyang pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi niya alam kung saan niya ito unang nakita. Hindi malinaw sa kaniya ang mga imahe sa isipan. Hindi balewala sa kanya ang makilala ang ama ng bata, dahil tumatak na sa kaniyang isipan ang isang tanong nito nang una pa lamang silang magkita. Ni hindi niya man lang alam kung bakit iyon ang naging katanungan nito. "Will you be my baby's mother?"

lunatics205_story · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
3 Chs

Chapter 2

NOONG nakalabalik ako rito sa bahay kahapon, hindi ako makapag-isip ng maayos. Parati akong binabagabag ng aking isipan. Pumapasok sa aking isipan ang sinasabi nung mayamang lalaki sa akin. Hindi ko iyon maalis sa aking isipan kahit na ano pa man ang gagawin ko.

Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang malakas na busena ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Iilang sandali pa'y nahinto rin ang pagbubusena nito pero hindi rin nagtagal ay bumalik nanaman ang ingay.

Hindi ko na mapigilan ang sarili at mabilis akong lumabas ng bahay, sa harapan ng aking bahay ay naroon nakaparada ang isang sasakyan. Nakakasakit ng ulo ang malakas na ingay.

"Bwesit! Kung sino ka mang driver ka, lumabas ka nga! Nag-iistorbo ka ng mga tao, eh!" Naiinis kong bulyaw na siyang dahilan ng paglabasan ng mga kapitbahay sa kanilang mga tahanan. "Hoy! Lumabas ka riyan at magusap tayo!" Sigaw ko rito mula sa labas ng sasakyan saka ko rin hinampas ang sasakyan nito.

Napansin kong bumukas 'yung kabilang pintuan at may lumabas mula roon na ikinagulat ko ngayon.

"I-ikaw nanaman?" Nauutal kong tanong sabay turo sa kaniya. Nanlaki pa rin ang aking mga mata habang nakatingin sa magandang mukha nito.

Naglakad ito papalapit sa akin at sumandal sa kanyang kotse habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito. Bakit ba ang guwapo?

"Didn't I tell you that I will only give you one day to think?"

Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa.

"Pwede ba? Nasa Pilipinas tayo ngayon kaya matuto kang gumamit ng lengguwahe natin," kunwari ay pagmamaldita ko rito.

Napansin kong may mga matang nakatitig sa amin. Nakarinig rin ako ng mga bulong-bulungan kaya dahan-dahan kong nilingon ang mga ito at masamang tinignan pero patuloy pa rin talaga ito sa kanilang mga pinagagawang chismis.

"Sino ang lalaking 'yan?"

"Boyfriend niya ata. Ang guwapo naman."

"Saan n'ya naman kaya nakuha ang lalaking iyan? Ang guwapo-guwapo pa naman."

"Kung ako ang lalaking 'yan, maghahanap talaga ako ng magandang babae na sigurado akong kapantay ko lamang. Wala naman tayong magagawa sa mga taong hamak na insekto lamang sa ating paningin. Wala tayong makikitang kinabukasan niyan."

"Sigurado akong piniperahan n'ya ang lalaking 'yan. Sino ba naman kadi ang papatol sa babaeng 'yan?"

"Tama ka nga. Sayang lang 'yang guwapong lalaki kung hindi naman pala marunong pumili."

"Jowa niya 'yan? Ang yaman naman."

Hindi mapigilan ang pagkuyom ng aking kamao, nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking ulo sa aking mga naririnig. Hindi ako makapaniwala na kaya pala nila iyong sabihin sa akin, gayong naging mabuti akong kapitbahay sa kanila.

Umiling-iling ako at bumuga ng hangin, mas mabuti pang hahayaan ko na lamang sila.

"Hindi pa ako nakapagdesisyon. Bigyan mo muna ako ng isa pang ara---- teka nga... paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Kumunot ang aking noo rito.

"It's easy to find ways if you use your brain."

Pinagkrus ko ang aking mga braso sabay taas ng kilay rito. "Pinapamukha mo ba sa akin na bobo ako?" Nakibit-balikat ito at tumayo ng matuwid sabay lagay ng isang kamay sa bulsa.

"It's up to you. We're leaving now, pack your things." Bumalik sa normal ang aking expresyon ngayon.

"Magtagalog ka nga, naririndihan ako sa boses mo, eh!" Pakiramdam ko'y tumataas lahat ng aking dugo patungo sa aking ulo.

"Tsk! My son is waiting for you at home. You promised him that you'll be back, he keeps on finding you."

Kinamot ko ang aking ulo. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Gusto mong ako ang magiging ina ng anak mo?"

"Yes, I just want you to be Clyden's mother. That's all."

"Talaga bang 'yon lang ang gusto mo? Hindi kaya katalik ang gusto mo?" Hindi ko alam kung paano iyon pumasok sa aking isipan pero nararamdaman ko lang talaga na hindi ina ng anak nito ang kaniyang kailangan. Kung hindi naman katalik, pwede ring kasambahay.

Hindi siya umimik, hindi ko alam kung oo ba o hindi ang sagot nito.

"Bigyan mo muna ako ng isa pang araw. Baka bukas, sasabihin ko na sa iyo ang aking desisyon. Pero sa oras na magdesisyon ako, wala ka nang magagawa para baguhin iyon." Mahinahon kong saad ngunit seryoso ang tono niyon.

"Deal, but I want you to think of it carefully. You can live with us freely. All you have to do is to spend time with my son and make him feel happy."

"Ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga, masyado kang sagabal eh." Mabilis akong tumalikod upang maglakad, ngunit narinig ko pa ang huling sinabi nito sa akin.

"Think wisely! My driver will fetch you tomorrow morning, try to make sure to wake up early, so I don't have to make noises in the morning!" Pasigaw nitong saad kaya bumuntong-hininga ako habang patuloy lang sa aking paglalakad papasok sa loob ng aking bahay.

Ginawa ko muna ang aking mga gawain bago pa man naghanda upang pumasok sa trabaho. Lumabas ko ng bahay at nilakad lamang ang bahay nina Geraldine, pinsan ko.

Mabilis lamang akong nakarating sa tindahan, salamat naman at wala pa 'yung pinsan ko rito. Alam kong mangungutya nanaman iyon kapag nahuli niya akong matagal dumating.

"You're here na pala." Agad akong napasulyap sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Ayan nanaman siya, sumasapi nanaman iyang pa-english-english niya.

"Geraldine, magandang umaga," nakangiti kong bati.

"Mabuti naman at nagtino ka na't maaga ka dumating?" Tanong nito sabay hikab. Halatang bagong gising pa lamang ito dahil sabog na sabog ang kanyang buhok at mapupungay pa ang kaniyang mga mata.

Hindi naman siya ganyan kung matulog. Parang naninibago lang ako. "Kinakausap kita, gaga!" Sigaw nito at masamang tumingin sa akin kaya binalingan ko ito ng tingin.

"H-ha?"

"Tsk, tanga naman talaga. Diyan ka na nga! Sinisira mo ang araw ko eh, duh!" Patay nitong saad at agad na tumalikod upang maglakwatsa. Mahina na lamang akong natawa sa ekspresyon nito. Inis na inis talaga siya sa akin. Hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan.

Magsisimula na akong magbukas ng tindahan. Binilisan ko ang pagbukas ng tindahan at agad kong tinanggal ang mga nakatabon rito. Pagbukas ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang mga taong nakapila.

Napabuga ako ng hanging saka rin humarap sa mga taong nakapila. Halos lalaki lahat maliban na lang sa babaeng nasa unahan na ngayo'y kaharap ko.

"Pabili ng dalawang milo saka isang kilo ng bigas," saad ng babae kaya agad akong kumuha ng isang kilo ng bigas saka dalawang milo at inabot ko ito sa kanya.

"61 lahat," mahina kong saad at nag-abot naman ito sa akin ng isang daan kaya sinuklian ko ito.

Sumunod naman ay isang lalaki na ayaw kong makita. Sa lahat ng mga lalaki sa mundong ito'y siya lang ang ayaw kung makita. Nasisira na ang araw ko sa mukha nitong dinaganan ng plantsa.

"Hi, ganda," bati nito at ngumiti pa sa akin kaya napairap na lamang ako.

"May kailangan ka ba? Ano ang bibilhin mo at nang hindi na maiinip kakahintay 'yang kasunod sa 'yo," pataray kong tanong at nagkukunwaring abala sa ginagawa kahit wala naman talaga. Naghahanap ako ng pwedeng gawin upang hindi ko matuon ang aking paningin sa lalaking ito.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo? Ang aga-aga pa naman." Tumalim ang aking paningin rito.

"Wala ka nang pake do'n. Kung wala kang bibilhin, maaari ka nang umalis. Marami pa akong gagawin rito sa tindahan at ayaw ko ng istorbo," awtomatiko kong saad at hindi ko na ito binalingan pa ng tingin. Talagang sirang-sira na ang araw ko.

Halos araw-araw ko na lang nakikita ang pagmumukha ng lalaking ito.

"Ganyan ka pa ba talaga sa 'kin mapahanggang ngayon? Matagal na akong nanliligaw sa 'yo, ah? Kailan mo pa ba ako sasagutin?" Agad akong napabaling rito. Tumaas ang aking kilay saka rin ako mahinang natawa.

"Tch, kailan ba ako pumayag na manligaw ka sa 'kin? Ni minsan ay hindi ako nagpapaligaw. Pwede ka na umalis, Race, kung iyan lang naman pala ang ipinunta mo rito." May awtoridad kong saad.

"Anong hindi ka pumayag? Eh, pumayag ka naman sa 'kin. Sabi mo nga pag-iisipan mo muna."

"O, saan naman ang pumayag roon? Ang sabi ko ay pag-iisipan at hindi ko sinabi na pumayag ako. Kung may plano kang manligaw sa akin ay huwag mo na ituloy," dere-deretso kong saad at itinabi ang calculator na kanina pa nilalaro ng aking mga daliri. talagang nag-aabala na siya sa akin.

"Hindi ko na itutuloy dahil tanggap na ako? Jowa mo na ako?" Napahalakhak ako habang nakatingin sa aking mga daliri.

"Asa ka! Huwag mo na ituloy dahil sa simula pa lamang ay basted ka na. Tsupe! Umalis ka na at nasasalisihan ako sa 'yo." Tinaboy ko ito kaya wala itong ibang nagawa kundi umupo sa gilid habang nakasimangot.

Mabait naman si Race pero ayaw ko lang talaga sa mga lalaking walang hinaharap. Tambay lang siya sa kanto pero hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito na halos ng mga dalagang babae sa barrio namin ay may gusto sa kaniya. Pati na rin 'yung pinsan ko'y may gusto sa lalaking ito. Hindi ko alam kung ano'ng anting-anting ang meron sa lalaking ito.

Sunod-sunod kong inaasikaso ang mga mamimili hanggang sa umabot na lamang ng gabi at marami-rami pa rin ang bumibili. Dapat ngayon nga'y nakauwi na ako sa amin pero hindi ko maaaring iwanan ang trabaho ko rito ngayon. May nag-iinuman pa sa labas ng tindahan kaya nahihirapan akong magsara. Marami-rami rin sila at kasama na roon si Race pati na rin 'yung pinsan ko.

Maingay at masaya ang mga itong nag-iinuman, may halo pang kuwentuhan at tawanan. Inaantok na lamang akong nakatunghay mula rito sa loob ng tindahan habang nakamasid sa kanila na nag-iinuman.

"Uminom ka rin, Graine, tiyak na magugustohan mo talaga ang beer na ito," usisa sa akin ng isa sa mga lalaking nag-iinuman at inabot pa nito sa akin ang isang baso na may lamang alak. Tinanggihan ko na ito, hindi ako mahilig sa alak at hindi rin ako interesado na uminom.

"Gabing-gabi na't gusto ko na umuwi. Wala ba kayong planong magtapos?" inaantok kong tanong sa kanila..

"Huwag ka munang umalis hanggat hindi pa makaalis 'tong mga bisita ko," saad ng aking pinsan na ngayo'y nakakandong sa kandungan ng lasenggong si Race.

Kailan n'ya pa naging bisita ang mga lalaking ito?

"Sige na, matulog ka na Geraldine, malalim na ang gabi at malapit na mag-alas-onse." mahinahon kong usal at agad na lumabas ng tindahan upang iligpit ang mga kalat sa mesa.

"Ano ba ang pake mo sa akin? Wala sina mommy rito, okay? At huwag na huwag mong subukan na isumbong ako sa kaniya kong ayaw mong gigising ka ng may malaking bakat ng kamay sa mukha," pagtataray nito at inirapan ako kaya humalakhak si Race.

"Huwag ka ngang magalit sa pinsan mo, Geraldine, sayang naman..." Nangunot ang aking noo sa isinabat ni Race.

Binalingan ko si Geraldine. "I'm sorry, honey, eh siya naman kasi eh. Nakakainis," malambing nitong usal sabay kapit sa leeg at braso ng lasenggong si Race kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapangiwi sa posisyon nila ngayon.

Hay, saan ba nagmana ang pinsan kong ito? Wala naman sa lahi namin ang pagiging malandi. Hindi ko alam kung anak ba talaga ito ni Tiya Tanya o anak ng kapitbahay nila.

Napailing na lamang ako. Agad akong bumalik sa loob ng tindahan habang sila nama'y patuloy lamang sa kanilang ginagawang pag-uusap. Naiingayan man ako ngunit tinitiis ko na lamang iyon dahil hindi ko pa rin sila mapipigilan.

Ihinilig ko ang aking ulo sa ibabaw ng mesa at piniupigilan ang sariling pumikit. Hindi na nakayanan ng aking mga mata at nakaramdam na ako ng antok kaya tuluyan na itong sumara.

Nagising ako nang marinig ko ang mga bulong-bulungan at ingay mula sa labas. Doon ko na lamang napagtantong nakatulog pala ako rito sa loob ng tindahan. Rinig ko ang ingay galing sa labas. Nakakapagtataka lang na ganito ka lakas ang ingay ngayon. May tilian, bulungan at kung ano-ano pa.

Napabuga ako ng hangin saka ko rin inayos ang aking suot na damit. Tumingin muna ako salamin dito sa loob ng tindahan at inayos ang sariling buhok.

"Narito ho ba si Ms. Bedegraine?" Pakiramdam ko'y nanlaki ang aking tainga nanng marinig ko ang aking pangalan.

Sino naman kaya 'yang naghahanap sa akin? Ang aga-aga pa naman. Ano ba ang nagawa kong atraso at hinahanap ako ng mga tao ngayon?

"Yes, nandito siya ngayon." Nangunot naman ang aking noo nang marinig ko ang boses ng aking pinsan.

Inayos ko na lamang ang aking buhok saka ko rin ito tinalian ng pantali ngunit napatigil ako nang may marinig akong boses mula sa labas.

"May I talk to her?"

Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng aking puso at nanayo lahat ng aking mga balahibo. Malamig ang boses at halata rin ang pagkaseryoso sa boses na iyon. Siya kaya ang pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon?

Nananakbo akong lumabas ng tindahan at sumalubong sa akin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Gaano ba karami ang mga tao ngayon? Sa sobrang dami ay hindi ko na ata mabilang. Halos buong baranggay ay narito ngayon upang makichismis. Parang unang beses pa lamang nila nakakita ng mayamang lalaki, iyong iba nama'y halatang kumukha ng litrato. Hindi ko alam kung ang sasakyan ba ang kinuhanan nila ng litrato o ang lalaking 'to.

"May kailangan ka sa 'kin?" Seryoso kong tanong. Napatakip naman ako sa aking bibig kasabay ng panlaki ng aking mga mata. Naku, hindi pa naman ako nakapgsipilyo ngayon!

"I just wanted to ask you if you already have an answer?" Napalingon naman ako sa aking paligid. Sobrang lagkit ng kanilang tingin sa amin, pakiramdam ko'y unti-unti na nila akong pinapatay.

"Wal---"

"Sino ba sila, Mahal?"

Nanalaki na lamang ang aking mga mata nang maramdaman ko ang braso na nakaakbay sa aking balikat.

"Race?! Bitawan mo nga ako!" Agad kong kinabig ang braso nitong nakaakbay sa akin at mabilis kong binalingan ng tingin 'yung mayaman na lalaki. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan, hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin.

"I want your answer now, Ms. Bedegraine," saad pa nito. Hindi ako umimik, pakiramdam ko'y nahihirapan akong huminga.

"I'll take that as a yes. Let's go and my son is waiting for you."

Nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at may lumabas mula roon, yumakap pa sa aking binti. Nagulat man ako pero nanatili lang akong tahimik.

"Mommy! I missed you, mommy!" Masaya nitong sigaw habang nakayaka sa aking binti.

"Mommy?!"

"May anak na pala si Graine?"

"Anak niya 'yan? Bakit niya naman iniwan? Ang yaman-yaman naman pala ng lalaking mapapangsawa sana ni Graine."

"Naku, may anak na pala siya."

"Ang yaman-yaman. Ang ganda ng sasakyan, walang laban na ata tayo rito, pre."

Napasimangot na lamang ako sa aking mga naririnig. Tangina, mga chismosa at chismosa.

"Yawa!" Mura ko pero hindi ko namalayang lumakas pala ang aking pagkakasabi niyon.

Yuyuko na sana ako nang biglaan akong hinila ng aking kaharap at dumampi ang labi nito sa akin. Mabilis ko itong tinulak papalayo sa sobrang gulat ko. Aba, gago ang lalaking 'to ah? Sino ba ang nagsabi sa kanya na halikan ako?

"Bakit mo ba ako hinalikan?" Gulat kong tanong rito nang maitulak ko ito papalayo sa akin.

"If there's a way to silence you, I'd rather kiss you. I don't want my son to hear you curse, and I certainly don't want him to pick up on your bad habits. You should be capable of being a mother." Natahimik naman ako. Medyo masakit rin para sa akin 'yung sinabi niya.

"You! You! You!... Mr. Sino ka man..." Nahagip ng aking paningin ang anak nitong nakatingin sa amin ngayon at parang nagtataka pa ito kung ano ang ginagawa namin ng ama nito. "Ah! Ewan ko sa 'yo." Napasimangot na lamang ako at agad na pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib.

"Mommy, let's go home. I want you to see our house." Malawak ang ngiti sa labi ni Clyden at halatang sabik na sabik pa siya na umuwi sa kanila kasama ako.

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko maaaring tanggihan ang batang ito, ayaw kong magtanim ng sama ng loob ang batang ito sa akin. Ano na lang kaya ang kaniyang magiging reaksyon kung malalaman niyang hindi ako ang kanyang ina. Jusmiyo, ayaw ko ng gano'n. Tatanggapin ko na lamang ito. Nangako na ako sa batang ito na hindi ko siya iiwanan.

"Mommy, do you want to go home? Let's go, mommy!" Masayang-masaya ito kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"What? Are you coming with us or not?" Sabat naman ng ama nito kaya napabaling ang aking paningin rito.

Nakasandal ito sa kotse habang naka-ekis ang mga paa at nasa bulsa ang mga kamay. Mukha siyang badboy sa paaralan. Ang guawpo! Lalo na rin sa suot nitong damit ngayon. Papunta pa ata sa trabaho ang lalaking ito.

Teka nga, paano niya nalaman narito ako ngayon? Nagdududa na talaga ako sa lalaking ito eh. May mahika kaya siya o espiya?

"Sasama ka raw ho ba?" Napabaling ako sa driver na karga-karga si Clyden.

"H-ha?"

"Mommy, let's go. I want to go home and spend time with you and daddy!" Napasimangot naman ito kaya napabaling ako ng tingin roon sa ama nito.

Naka-angat ang gilid ng labi ng ama nito habang nakatingin sa akin. "I'm sorry, baby but I can't spend time with you and mommy today. I have a lot of works to do in the office." Lumapit ito sa anak saka kinurot ang pisngi at deretsong tumingin sa aking mga mata.

"Let's go, I've already told the maids to wait you there. I can't go home with you." Mahilig ako sa wikang ingles pero ayaw kong kinakausap ako ng ingles.

"Oh my gosh, Graine, sumama ka na. Ang guwapo-guwapo pa naman ng lalaking 'yan." Doon ko na lamang napansin na maraming tao pala sa paligid nang marinig ko ang bulong ng pinsan kong dimonyo sa akin.

"Sinong sasama?! Walang sasama!" May awtoridad na sigaw ni Race bilang pagtutol nito kaya napaangat ang aking kilay. Naiinis na ako sa lalaking 'to ah? Parang ang sarap-sarap niyang hampasin ng pinaggan sa mukha.

"Ano ka ba, Race? Nandito naman ako, eh. Pwede naman tayo, just let go of my cousin. May anak na siya oh. Can't you see?"

Kung alam n'ya lang sana. Single na single pa ako. Wala pang taong nakabuntis o nakagalaw sa akin. Sigurado akong lahat sila'y nag-iisip na ako ang ina ng bata.

"Anak niya ba talaga 'yan?" Seryosong tanong ni Race.

"Tss, let's go. I can't bare staying here for so long," saad pa ng ama ni Clyden sabay hila ng aking braso papasok sa loob ng magara at mamahalin nitong kotse na nakaparada sa aming harapan.

"T-teka nga lang," saad ko pa at agad na huminto upang pigilan ito sa kanyang paghila sa akin.

Sinulyapan niya ako gamit ang matalim na mga mata nito. Manang-mana talaga sa kanya ang mga mata ni Clyden.

"What? Is there anything you wanted to say?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot. "Julius, start the car," utos nito sa drive. Julius ang pangalan ni manong driver?

Hindi siya masyadong matanda, mukhang may-edad lang.

"Okay po, boss," magalang nitong sagot at pumasok sa loob ng kotse kasama si Clyden.

"Hindi pa ako nakapagbihis. Wala rin akong mga dam---"

"Ma'am, hindi niyo na ho kailangan mag-empake. Bibilhan na lang daw ho kayo ni Sir mamaya!" Pasigaw na saad ng driver dahil sa ingay ng sasakyan na kasalukuyang umaandar.

"P-po?" Nauutal kong tanong rito.

"Pupunta ho muna tayo sa isang mall bago pa po tayo pupunta sa mansyon."

Mansyon?!

"Mansyon?!"

"Hala ka, mansyon?"

"Ang yaman-yaman, bakit mansyon?"

"Mansyon pala?"

"Ang swerte naman ni Graine."

"M-mansyon?" Nauutal kong tanong at pakurap-kurap na tumingin rito.

"Tara na ho."

"Wait." Napatingin ako sa ama ni Clyden nang maglalakad ito papalayo habang nasa tainga ang cellphone.

Mga ilang minuto pa itong nagsasalita bago bumalik sa aming gawi. "You can leave now. I have to go directly to the office. Just call my driver Premer, Julius." Ian ba ang driver ng lalaking ito?

"Ano po bang sasakyan ang gagamitin niyo, sir?"

"Tell him to use my sports car. I don't want to be late. Tell him to come here as soon as possible," ma awtoridad nitong utos at linagay ang mga kamay sa bulsa.

"Yes, sir." May kung anong tinawagan 'yung lalaking si Julius at hindi rin nagtagal ay dumating ang isang mamahaling sasakyan.

Jusmiyo, mamá!

Lahat ng mga narito ay namangha nang makita ang isang sasakyan. Sports car raw ito, sigurado akong mas mahal ang sasakyang iyon kumpara sa sasakyang nasa giliran ko ngayon.

"Ang yaman-yaman!"

"Naiinggit ako kay Graine!"

"Shit! Bakit ba ang yaman n'ya?"

Halo-halo pa rin ang mga bulong-bulongan na aking narinig ngayon.

"Ang yaman naman..." Mahinahon kong bulong habang nakatingin sa sasakyan. Hindi ito nagsasalita at deretso na lamang na sumakay sa kanyang kotse nang buksan ito ng driver niyang si Premer.

"I'll be meeting you tonight, don't leave my our son," saad nito bago pinaharurut ng driver ang kaniyang kotse.

Ano raw? Our son? Our son?! Iba ata ang rating mga salitang iyon sa akin.

"Tara na ho, Ms. Bedegraine, aalis na tayo nang makabili ka na ng mga damit mo," magalang na saad ng driver kaya tumango naman ako sabay tingin sa aking pinsan na ngayo'y mukhang naiinggit na nakatingin sa akin.

Baka sabihin ng mga tao na nagmumukha lang akong pera.

"Aalis na ako, Dine," mahina kong paalam kay Geraldine pero umirap ito kaya sumakay na lamang ako sa sasakyan. Nakita kong hinagod pa ng tingin ng mga tao ang sinasakyan kong kotse.

Ngayon lang ata ako nakasakay ng mamahaling kotse. Mukhang bagong bili pa lamang ito, ang bango-bango ng amoy.

"Mommy!" Kumapit sa aking braso si Clyden. "Mommy is coming home!" Masaya nitong sigaw kaya napangiti na lamang ako sabay haplos sa malambot nitong buhok. Hindi ko maiwasang mangamba at kabahan. inisiip ko lang kung tama ba itong desisyon ko sa sumamasa kanila.