webnovel

CHAPTER 11

NAGISING ako na nasa kwarto na. Hindi ko rin masyadong maalala yung mga nangyari kagabi. Kahit na anong pilit ko, sumasakit lang ang ulo ko.

Tumingin ako sa orasan, nanlaki ang mga mata ko pagkakita kong 9 a.m. na. Shit! Kailangan ko pa palang magkapagluto ng breakfast nila.

"Gising kana pala"

Tumingin ako sa pumasok sa kwarto ko.

"Kuya Lance..." dahan-dahan akong naupo sa kama at napahawak pa ako sa ulo ko at napadaing, pero inalis ko rin agad ang kamay ko doon saka ulit tumingin kay kuya. "Pasensya na po, kuya kung nalate ako ng gising. Pupunta na po ako sa ibaba" nagmamadaling sabi ko.

Aalis na sana ako sa kama ko pero hinarang naman ni, kuya ang kamay niya. "Stop" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nilalagnat ka, kumain kana muna at uminom ng gamot pagkatapos." talaga bang si kuya 'to?

"Hi-Hindi na po kuya, kaya ko naman na po" nakangiting sabi ko at bababa na sana ako sa kama pero pinigilan ulit niya ako.

"Kakain ka o susubuan pa kita?" seryoso talaga ang pagmumukha niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at kinuha ko yung dinala niyang pagkain.

"S-Salamat po, kuya"

Pinagpahinga lang ako ni kuya, dahil sabi niya wala raw dito sila mama, papa at Ella.

May pinuntahan daw at siya lang ang hindi

na muna sumama.

Bumalik ulit si kuya dito sa kwarto ko at nilagyan ng bimpo ang noo ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Thank you, kuya" hindi na niya ako pinansin at umalis na siya agad sa kwarto ko.

Fourteen days nalang pala ang meron ako. Gusto ko pa sanang makabalik sa beach, makapunta sa museum, manood ng cine, bumalik sa park, makapag arcade, marami pa akong gustong gawin.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko habang iniisip ang mga bagay na gusto ko pang magawa habang buhay pa ako.

"S-Sana magawa k-ko pa lahat" bulong ko.

Napagawak ako sa braso ko nang kumirot "yon. Kinuha ko ang unan ko at yinakap ko

'yon. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pilit na nilalabanan ang kirot ng braso ko.

Dalawang oras palang ang nakalipas, nakatanggap ako ng message kay kuya.

[Kuya Lance: Check up yourself, Clara dahil nasa pharmacy ako ngayon.]

[replied to Kuya Lance: Thank you po kuya, pero okay na po ako]

Bakit ba parang concern siya bigla sa akin ngayon? Hindi naman siya ganito sa akin noon. Wala nga siyang pakealam noon kahit na may sakit ako.

Pero ang saya ko. Ang saya ko kasi inaalagaan ako ngayon ng kuya ko. Sana bumagal ang oras, gustong-gusto ko pa itong nangyayaring pagiging concern sa akin ni kuya.

Tinignan ko sandali ang I.G ko. Bumungad sa akin ang post ni Ella. Kaya pala wala silang tatlo dito ngayon sa bahay, nandoon pala sila kay tita (mother side), mukhang may celebration na nagaganap doon.

Hapon ay umalis ako sa bahay. Hindi ako personal na nagpaalam kay kuya, sa halip ay nag text lang ako sa kaniya.

Nandito ako sa beach ngayon at kasama ko ang kaibigan ko.

"Aliyah, dito mo naman ako picturan" nakangiting sabi ko at nag wacky ako.

"Sige, d'yan ka lang tumayo....okay na, wait lang, umupo ka naman" sinunod ko siya sa mga sinasabi niya. "Taas mo dalawang kamay mo, yung nag-enjoy ka...perfect, ang ganda mo talaga,

Clara'

"Patingin naman ako" Lumapit ako sa kaniya at tumabi sa pesto niya. Tinignan ko yung mga kuha niya. Kinuha ko rin yung camera niya at tinutok ko 'yon sa aming dalawa. "Smile, Ali" pinindot ko kaagad.

"Huy ano ba, Clara, ulitin mo 'yon, look hindi ako maganda d'yan, tapos nakasimangot pa ako. Ulitin natin" pagrereklamo nito na ikinatawa ko.

Natigil kami ni Aliyah, sa kulitan dahil sa biglang chat sa cellphone ko. Binasa ko muna yon, at nadismaya nalang ako sa mga nabasa ko sa chat.

"May problema?" tanong ni Aliyah, kaya umiling ako at tinago ko na ang cellphone ko.

"Wala naman, wala lang 'yon" tangong sahot ko.

7 p.m. ako nakabalik sa bahay.

Malakas na sampal din ang ginawad sa akin ni papa, dahil nakita na niya ang grades ko.

Hindi pa naman 'yon final, pero ramdam kong galit siya ngayon.

"'Napakababa mo, Clara" galit niyang sabi. "Nagging pabaya kana talaga kahit sa pag-aaral mo. Alam mo 'yan ang napapala mo kakasama d'yan sa, Aliyah na 'yan. Sinasabi ko sayo, Clara lumayo ka sa babaeng 'yan. Hindi mo gayahin ang mga kapatid mo, mga pinsan mo, ang tataas ng mga grades nila, kahit sinong magulang matutuwa sakanila kasi matataas sila. Ikaw ano na? Tignan mo nga ang grades mo, grabe ang binaba mo, Clara." napayuko nalang ako sa mga sinabi ni papa.

"S-Sorry po, babawe nalang po ako sa susunod, papa." matapos kong sabihin 'yon ay lumakad na ako para umakyat papunta sa kwarto ko.

"Gayahin mo kasi ang mga pinsan mo, pati ang dalawa mong kapatid, tignan mo sila mga mayos sa pag-aaral at hindi nagging pabaya. Subukan mo kayang tumulad sakanila, Clara." saglitan akong napahinto sa sinabi ni papa.

Mabilis na paglakad ang ginawa ko paakyat

sa second floor.

Pagkapasok ko sa kwarto ko nag lock agad

ako at pabagsak akong napaupo sa sahig

habang nakasandal sa pintuan.

Sunod-sunod na pagtulo ng luha ang lumabas

sa mata ko. Kahit na anong takip ko sa bibig

ko, napahagulgol pa rin ako. Hindi ko

kinakaya ang mga salita niya sa akin. Sobrang

sakit nung mga sinabi niya.

[Kuya Lance: Clara, mag dinner kana,

bumaba kana dito. Tapos na kaming mag

dinner at wala na sila dito kaya bumaba

kana.]

Binaba ko lang sa kama ang cellphone ko at

kinuha ko yung unan na nasa gilid ko saka ko

yinakap. Ayaw kong bumaba para kumain.

Nawalan ako bigla ng gana dahil sa nangyari

kanina.

Thirteen days nalang at matatapos na ang paghihirap ko. Mamamahinga na ako. Hindi na ulit ako iiyak at hindi na ulit ako masasaktan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si

Aliyah.

[Free ka ba ngayon, Ali?]

[Aliyah replied: Free palagi ang oras ko sayo, Clara]

[Sa beach tayo, gusto ko ulit doon]

[Aliyah replied: Yeah sure, pero mauna kana, Clara. Susunod ako sayo doon]

Nauna ako dito sa beach. Marami-rami ang tao ngayon dito. Pero mas masaya kahit na maraming tao.

Sana nga normal din akong nakakatakbo kagaya nila ngayon. Ang saya nilang pagmasdan habang naghahabulan. Ang saya nilang nakakapag langoy sa dagat at nakakapaglaro ng volleyball.

"Clara!!"

Nilingon ko ang sumigaw na 'yon. Kinawayan ko si Aliyah, dahil kumaway rin siya sa akin.

"Saan ka ba nagpunta pa?" nagtatakang tanong ko. Medyo matagal kasi siya.

"May tao lang akong kinausap-hindi naman na importante 'yon. Tara doon tayo sa dulo, may nakita akong mga nagpapalipad ng saranggola, gusto ko rin magpalipad." masayang sabi nito

"Sige, gusto ko rin" nakangiting pagsang-ayon ko.

Pagkarating namin sa dulo ay may mga bata kaming nakita na nagpapalipad nga ng saranggola. Tapos ang iba sakanila ay gumagawa palang.

Siguro yung mga magulang ng batang 'to ay nasa dagat. Busy kasi itong mga bata sa paglalaro at walang kasamang matanda dito.

"Hi" nakangiting lumapit sakanila si Aliyah.

"Hello po'

"Pwede ba kaming makihiram? Gusto rin sana i-try nitong kaibigan ko magpalipad n'yan." nakangiting tanong ni Aliyah at lumapit pa siya sa batang babae at may kung ano na binulong.

Tumingin sa akin yung batang babe sabay tingin kay Aliyah, at tango. "Sige po, ito po sainyo nalang. Gagawa nalang po ulit ako ng isa pa" nakangiting inabot sa akin ng bata yung saranggola niya.

"Ha? Si-Sigurado ka ba?" paninigurado ko.

"Opo, ate ganda" nakangiting sagot niya na ikinangiti ko.

"Sige na Clara, paliparin mo na 'yan. Pero marunong ka ba?"

Tinignan ko si Aliyah, at pinakita ko kung paano ako magpalipad ng saranggola.

"Woooohh" nakangangang reaksyon ni Ali, sabay palakpak. "Wow ha! Hindi ko manlang alam na marunong ka n'yan."

"Ang galing mo, ate"

"Galing niya"

Tumingin ako sa mga bata na nagsisipalakpakan din at para bang manghang-mangha. Madali lang naman magpalipad nito pero grabe ang reaksyon nila.

"Ate, pataasan tayo" pashahamon sa akin ng isang cute na batang lalaki at tumabi siya sa akin.

"Ang galing mo rin ha" nakangiting sabi ko. "Pero hindi ako magpapatalo sayo kahit na sobrang cute mo." tumatawang dagdag ko pa.

Inihatid na ako ni Aliyah, pagkatapos namin magsaya kasama ang mga bata sa beach.

"Salamat Aliyah, salamat dahil pinasaya mo ulit ako. Sobra akong nag-enjoy kasama ang mga bata kanina." nakangiting sabi ko.

"Para sayo, lahat gagawin ko" tugon niya at saglit na hinawakan ang braso ko. "Sige na, pumasok kana sa loob."

"Sige, salamat ulit, Aliyah" nag wave muna ako sakanya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Bago ko pa isarado ang pinto namin, tinignan ko muna kung nakaalis na si Aliyah, at pagkasiguro kong naka-alis na siya ay sinirado ko na ang pinto.

"Clara!"

Tumingin ako kay kuya na pababa ngayon sa hagdan. Mabilis siyang naglakad papunta sa akin kaya medyo natakot ako. Baka saktan niya ako o ano man.

"Clara" natigilan ako bigla nang yakapin niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang niya akong yinakap. "B-Bakit hindi mo sinabi? Bakit tinago mo sa aming lahat ha? /*sniffs* humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin kaya kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Kuya, bakit ka ba umiiyak?" nagtatakang tanong ko dahil naguguluhan talaga ako.

"Stop that act, Clara" nawala ang kaonting ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"H-Hindi po ako umaarte, kuya. Hindi ko po talaga maintindihan kung anong pinagsasabi mo"

"Akala mo ba talaga hindi ko malalaman ha? Clara, alam ko na." alam niya ang alin? "C-Clara /*sniffs* bakit hindi mo sinabi sa aming lahat dito sa bahay na may sakit kana pala?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ku-Kuya" nagluluha ang mga mata kong nakatingin sakanya.

Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang kamay ko. "Tara sa ospital, Clara sasamahan kita doon, ipapagamot Kita"

"Hindi...a-ayaw ko, kuya" параиро nalang ako sa sahig at napa-iyak.

"Ano ba, Clara! Hindi, hindi, no please, Clara, hindi ako naniniwala sa sinabi ni. sa sinabi ni Aliyah na may taning na ang buhay mo. Kaya sige na tara na sa ospital, Clara." naupo si, kuya para mapantayan ako.

Umiling ako habang hagulgol pa rin sa pag-iyak. Yinakap niya ako na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"T-Thirteen days na-nalang ang meron ako, ku-kuya / *sniffs*"

"No, no, no, no, please stop saying that.

Gagaling ka o-okay? Gagaling ka pa, Clara. Pangako gagaling ka" humigpit ang yakap sa akin ni kuya at ring na ring ko ang paghikbi nito.

Sinamahan ako ni, kuya sa kwarto at nakaupo lang siya ngayon sa kama habang ako ay nakahiga.

"Kuya, pwede bang huwag mong sasabihin kila mama, papa at Ella, ang mga nalaman mo. Ayaw ko lang na kaawaan nila ako." pinaglalaruan ko ang sarili kong daliri habang sinasabi 'yon.

"Bakit mo nilihim?" Nag-angat ako ng tingin kay, kuya.

"Kasi...k-kasi wala naman po kayong pakealam sa mga nangyayari sa buhay ko." napaiwas ako ng tingin sakanya.

"papagamot kita, Clara...babawi ang, kuya sa mga pagkukulang ko, namin sayo."

"I want to rest, kuya...I'm tired, I'm really tired." sumandal ako sa braso niya.

"May gusto ka bang gawin?" Tumingin ako sa kaniya.

"Marami po, " nakangiting sagot ko.

"Gusto ko po sanang magpunta sa museum."

"Tara, pumunta tayong dalawa doon."

"Pero, kuya-"

"Babawi sayo ang kuya"

Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita mong may pake na sayo ang isa sa mga mahal mo sa buhay. Ang sarap pala sa pakiramdam na ganito ka ituring. Ang sarap sa tenga nung salitang 'babawi' siya sa akin.

Dinala ako ni Kuya Lance, sa museum.

Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kaya sobra ang pagkamangha ko.

"Kuya, ang ganda nito," Tinuro ko yung isang nakadikit na painting kay, kuya. "Ano po'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko rin.

"Gusto ko lang kuhaan ka ng picture.

Sige lang magtingin-tingin ka lang d'yan. First bonding natin ito kaya gusto ko may picture ka sa cellphone ko." nakangiting sagot niya na ikinatango ako.

Napangiti nalang din ako. Napakasaya ko ngayong araw.