webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

VBoy vs. DBoy

Ayradel's Side

Nailang ako sa pananahimik ni Lee-ntik hanggang sa makapunta kami sa Tirona High. Naging tahimik rin siya noong pang-umagang klase, pagkatapos noong nag-lunch break ay agad siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

I shook my head, what the hell? Bakit kailangan niyang magpaalam sa iyo Ayradel?!

"Well, well, well," Boses ni Jully ang narinig ko bago ko pa man mapuntahan si besty sa upuan nito. Mayroon kaming 1 hour break, at yayayain ko sana siyang magrecess nang harangin na naman nila ako.

Ano na naman bang issue nila?

"Nakita ka namin." maarteng sabi ni Zhien.

"At bakit? Gusto mo bang dukutin ko mata mo para hindi mo siya makita?" agad namang sumingit si besty.

Oh no.

Lumapit si besty sa amin at humarang sa harapan ko.

"Gaga. Nakita namin siya kanina, with Richard Lee. Sabay silang pumasok! At bumaba siya mismo mula sa sasakyan ni Richard! Sabi mo Ayra hindi mo siya nilalandi? Huh! Paano mo ieexplain 'to ha, Ms.Good-girl-with-no-late-and-absences?"

"H-hindi ko naman 'yon ginusto. Hinila niya na lang ako tapos-"

"Oh, bitch, please." napakurap ako sa gulat nang magsalita siya. "Anong gusto mong palabasin ngayon? Si Richard pa ang humahabol sayo?"

"Bitches of the bitches." ani ni besty na nakacross arms na ngayon. "Naiinggit lang kayo kasi si Ayra wala pang ginagawa, pinasakay na ni Richard sa sasakyan niya! Eh kayo? Handa pa nga yata kayong maghubad para sa MGA lalaki pero ano? May pumatol ba?"

Nakita ko ang pagpula ng mga mukha nila Jully, Zhien at Jecel.

"Oh, bitch Luisa. Ang dami mong sinasabi, bakit hindi mo na lang hayaang lumaban 'yang kaibigan mong..." tumingin siya sa direksyon ko sa likod ni besty. "DU-WAG?"

Napayuko ako Pinigilan kong damdamin yung tawanan at yung "weaklings" na paulit-ulit nilang sinambit. Hindi ko na rin pinansin ang panonood sa amin ng ibang mga classmates namin. Hanggang sa narinig ko ang tunog ng sampal na binigay ni besty kay Jully. Napaangat ako ng tingin. Hawak ni Jully ang pisngi niya habang nanlalaki ang mata.

"Oh ano? Gusto niyo ring makatikim?!" aniya kina Zhien at Jecel. Hinawakan ko na lang siya sa braso pagkatapos ay tipid na nginitian nang lingunin niya ako. Ayokong nasasangkot siya sa gulo dahil sa 'kin. Umalis na lang ako at naglakad na palabas ng room.

Naiiyak na ako sa inis. Tama naman si Jully, duwag ako sa lahat ng bagay. I'm weak, fragile. Naiinis ako sa fact na sa simpleng salitang 'yon ay nasasaktan ako. Ang babaw masyado.

"Ayra!" paghabol sa akin ni besty nang makababa na ako ng building ng room namin. Tinatahak ko ang daan papuntang oval field. "Besty!"

"Bakit?" namuo ang luha sa mga mata ko. I tried so hard para hindi bumagsak iyon. Ang weakshit mo, Ayra.

"Meryenda." ngumiti siya. "Sabay tayo."

Isa sa pinakamalaking pinasasalamatan ko kay besty ay ang pag-iiba niya ng topic kapag alam niyang hindi na ako okay. Naging mahinahon na ako at sinabayan ko na siya sa paglalakad.

"Wag sa canteen, please." Kasi sure akong d'on din pupunta sina Jully at ang iba pang mga mapanuring mata ng mga kaklase namin. "Tara sa field. May baon akong sandwiches."

"Sige. Una ka na sa field. Ako na lang bibili ng meryenda sa canteen. I crave for pizza eh. Sunod na lang ako."

"Sige."

Naglakad na ako sa field at umupo sa damuhan sa ilalim ng isang puno doon. Nilapag ko sa tabi ko yung bag ko. Habang wala pa si besty, pinanood ko yung mga estudyanteng naglalaro ng volleyball at badminton kahit tirik ang araw.

Napasimangot na naman ako nang maalala ko yung nangyari kanina. Binunton ko lahat ng inis ko sa damo at binunot-bunot yon.

"Hindi ganyan ang tamang pagbubunot ng damo." napatalon ako sa gulat nang may nagsalita. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong taong nakita. Tapos narinig kong tumawa sya.

Dahan-dahan akong napatingin sa taas. Doon, nakita ko ang isang gwapo at naka-glasses na lalaking nakaupo sa branch ng punong sinisilungan ko ngayon. Tumalon siya mula sa itaas at nag-landing sa tabi ko.

"Dapat hanggang ugat para hindi na tumubo ulit. Nakatulong ka pa sa mga halaman." dugtong pa niya. "If you want, I'll teach you how." aniya at tumawa ng malakas.

Pakiramdam ko dumami ang mga paru-paro sa tiyan ko at halos marinig ko na ang malakas na pagtibok ng puso ko. Tinitigan ko lang sya.

"Jayvee?" sabi ko. Sumimangot siya at nagcross arms saka sumandal sa trunk ng puno na parang batang nagtatampo. Jusko! Nag-pout siya! First time to! My Gosh, pigilan niyo 'ko baka kung anong magawa ko dito!

"Ilang araw ba akong wala? Isang buwan? Nakalimutan mo na agad ako?" nilingon niya ako at sa sobrang lapit ay uminit ang pisngi ko.

"H-huh? Hindi. Ano ka ba." umiwas ako ng tingin para itago ang mukha ko.

Shems, hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano. Si Jayvee nga, Oh my gosh. I breathe deep then bite my lower lip, para itago ang tiling gustong kumawala.

Gusto kong pakalmahin ang sarili ko dahil gustong-gusto ko nang magwala ngayon sa sobrang saya. Gosh! Ilang araw kong hindi nakita ang lalaking ito! Sobrang na-miss na siya ng mata, tenga at balat ko! I want to hug him right now, kaya lang hindi naman kami sobrang close talaga. Baka isipan niya pa ako ng kung ano, o baka mailang siya't iwasan ako, and worst baka this moment e, bigla na lang akong bumulagta dito dahil sa mga babaeng nagkakagusto rin sa kanya katulad ko.

"K-kamusta naman sa Section J?" tanong ko at sobrang init na talaga ng pisngi ko sa hiya.

"Mas maingay, mahirap makapagbasa, at hirap nilang turuan."

Tumawa siya. Napaka-soothing talaga ng tawa niya kasi once in a blue moon lang 'yon. Mas madalas siyang tahimik at seryoso. Napapangiti tuloy ako dito na parang baliw.

"Eh kelan ka pala babalik sa room?"

"Ngayon." ngumiti sya. "Sabay na tayo mamaya. Nagmeryenda ka na ba?"

"Hindi pa eh." sagot ko at pinakita yung lunchbox ko na homemade sandwiches ang laman. Kumuha ako ng isa at kumain. Inalok ko siya at kumuha naman siya.

Tinignan ko kung paano niya kagatin ang sandwich at kung paano gumalaw ang Adams Apple niya. Napaiwas lang ako ng tingin nang lingunin niya rin ako.

Shocks.

Gusto kong hawakan ang dibdib ko para alamin kung gaano na ba kabilis ang tibok ng puso ko n'on. Hanggang sa maalala ko si besty.

Nasaan na nga pala y'on?

Tinignan ko yung cp ko. Bago pa ako makapagtext, nakita kong may message na pala galing kay besty.

Lui<3: I saw you with Jayvee. Sa room na ako kakain. Goodluck <3

Napangiti ako sa kilig. Adik talaga 'tong babaeng 'to. Rereplyan ko sana siya kaso narealize kong wala nga pala akong load. Lagi naman eh. Bakit ko nga ba naisip kaninang itext si besty? Eh wala naman akong load? I smirk inside.

"Bakit pala parang malungkot ka kanina?" tanong nya kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko. Sumimangot nanaman tuloy ako nang maalala ko ang bagay na yon.

"Wala naman." sagot ko pagkatapos ay kumagat sa sandwich.

"Oh," aniya na parang 'di naniniwala, kaya napalingon ako sa kanya. "Tell me. May nang-away ba sa seatmate ko?"

Ngumiti siya kaya halos buong sistema ko, nilindol.

"W-wala. Baliw." Natawa rin tuloy ako at hindi maitago ang kilig.

Seatmate. Simpleng pakinggan, pero para sa'kin dinaig pa n'on ang salitang girlfriend. Shiz. Sana nga. Sana nga seatmate pa rin kami, tutal nandyan naman na siya eh. Pwede namang kina Jully na lang itabi 'yong Lee-ntik na 'yon. Para magsama-sama na sila.

"Ayan, ganyan, ngumiti ka lang."

Umiwas muli ako ng tingin dahil uminit na naman ang pisngi ko sa titig nya. Sumandal ako sa puno at ganun din ang ginawa niya. Nilagay ko yung lunchbox ko sa lap ko at tinignan ang mga estudyanteng parang papatay na kung makatingin sa amin.

I can't blame them. Sa gwapo rin naman kasi ni Jayvee, grabe rin siya kung maka-attract ng babae. Gaya ni Lee-ntik. Ang pinagkaiba nga lang, though madalas kong kasama si Jayvee, hindi ko naranasan ang hinanakit ng mga may gusto sa kanya- because he never entertained them. Si Jayvee kasi, snob. Si Richard, playboy. Si Jayvee, serious. Si Richard, mischievous. Mas secured kasama si Jayvee, si Richard- teka, ba't ko ba sila pinagko-compare?

Umiling-iling ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan don ni Jayvee kaya naman sobrang saya ko. Hanggang sa napatingin ako sa hindi kalayuan at napansin ko ang isang lalaking nakapamulsa, na parang pinapanood kami.

Hindi ako sure sa hitsura niya, hindi ko mabasa dahil medyo hindi ko natanaw. Nang mapansin niya sigurong nakita ko siya ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

Si Richard Lee.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Naalala ko na naman noong nakita niya ang wallpaper ko.

"Tayo na?" mula d'on sa malayo, napatingin ako sa nagsalitang si Jayvee. Ilang segundo ako bago magreact kasi nabingi yata ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"H-ha?"

"Sabi ko, tayo na." Ngumisi sya at tumayo tapos nagpagpag ng pantalon. "Balik na tayo sa room."

"Ahh." uminit ang pisngi ko sa kahihiyan sa sarili ko at sa pagkadisappoint. Akala ko tuloy, niyaya nya akong maging kami.

I sigh.

Ganun yata talaga kapag gusto mo ang isang tao. Kahit na di ka naman talaga assumera, sa simpleng galaw lang ng taong gusto mo, bibigyan mo na ng meaning kahit wala naman talaga. Kahit para sa kanya, natural lang talaga yon. Samantalang ikaw na nag-assume, boom wasak.

Pagkadating namin sa room, dumapo agad ang paningin ko sa katabi ng upuan ko. Wala don si Richard, gan'on na rin ang bag niya.

Umupo ako, umupo si Jayvee sa tabi ko. Everything just felt like yesterday. Yung simple lang, yung sumasaya na ako araw-araw basta makatabi ko lang siya.

"Namiss ko dito ah," aniya kaya napalingon ako. "Namiss kitang katabi."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Psh. Magtigil ka, Heart. Hinay hinay sa pagtibok.

Narinig ko pa kinalaunan ang mahihinang bulungan nila Julhiencel na halata namang ako ang topic. Hindi ko na lang sila inintindi, hanggang sa dumating na yung next subject teacher namin, yung iba pang nakasama ni Jayvee sa task ay bumalik na rin ng room,

At. Kasunod sa pagpasok nila si Lee-ntik.

I gulped. Kasabay n'on ang pagbilis ng tibok ng puso kong masaya lang kanina.

Nilingon ko ang katabi ko na medyo nagulat habang nakatingin sa harapan. Pero agad 'yong napalitan ng seryosong aura.

"Newbie." bulong ni Jayvee sa tabi ko.

"S-siya 'yong a-anak ni Alfred Lee," pabulong rin na sagot ko.

Napatingin naman ako sa unahan at hindi ko ulit mainterpret kung anong ibig sabihin ng titig niya. Tumingin si Lee-ntik sa akin, nang kay Jayvee na siya tumingin ay ngumisi agad siya ng nakakaloko. Sumandal pa siya sa dingding na kahanay ng board at nakipagtitigan sa katabi ko.

I gulped again, iniisip kung ano bang meron sa ngisi niya? Hindi kaya... nang-aasar lang siya dahil nakilala niya na si Jayvee ang nasa wallpaper ko?

"Mr. Lee, why don't you take your seat?" sabi ni mam at napatingin sa side namin. "Oh, Mr. Gamboa, oo nga pala pinabalik na kayo? Well, may bago nang seatplan. Si Mr. Lee na ang nakaupo ngayon dyan sa pwesto mo."

Narinig ko ang pagtikhim ni Jayvee, at ang pag-ngisi niya.

"Bakit hindi na lang po yung transferee ang palipatin niyo?" napalingon ako kay Jayvee. Galit at seryoso yung aura niya.

"But Mr. Gamboa-"

"Tss," hindi pa tapos magsalita si mam ay sumingit na si Richard. Sa pagkakataong ito, sa kanya na ako nakatingin. Halata ring iba na ang tono niya pero tinatago niya yon ng ngisi. "Are you deaf, man? O tanga ka lang talaga?"

Natahimik kaming lahat at silang dalawa na lang ang nagpapalitan ng salita.

"Bakit ka ba nandito? Ako ang nakaupo dito dati pa." sagot ni Jayvee.

"Ako na ngayon dyan."

"You can't do whatever you want, this is not your school anymore."

"If you were me, you can." sagot ni Richard. Napansin ko ang pagkuyom ng panga ng katabi ko. Nalaglag ang panga ko nang mapagtanto na kilala nila ang isa't isa.

"Backoff and go back to Korea, DBoy." Jayvee said through gritted teeth.

"Backoff and go home, VBoy."

Umingay ang bulung-bulungan sa buong room.

"That girl! Ugh!"

"Pinagaagawan ba nila si Ayra?"

Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa mga naririnig ko. Shiz. Why are they thinking like that?

"Uhh... tama na 'yan, Mr. Lee at Mr. Gamboa," sa wakas ay pagsingit ni mam sa dalawa. "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinaglalaban niyo, pero, I'm so sorry Mr. Gamboa, but I think you should leave that seat now. Nakaassign ka na ngayon sa ibang upuan, sa tabi ni Ms. Galvez." utos ni mam at tinuro yung upuan sa 3rd row.

Naramdaman ko ang sakit sa tibok ng puso ko. Bakit sa dinami-rami ng tatabihan ni Jayvee, sa tabi pa ni Jae Anne?

Tumayo na si Jayvee pero bago pa siya tuluyang makalampas sa 'kin ay naglean-in siya para may ibulong.

Nag-echo iyon sa utak ko.

"Don't trust him." aniya at naglakad na palayo.

Don't trust who? Si Richard Lee?

Bakit?

Nilampasan ako ni Jayvee upang dumiretso sa third row, habang diretso naman ang tingin ko sa lalaking kunot ang noong naglalakad ngayon palapit sa akin. Seryoso ang awra niya at para bang nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

Bakit hindi kita dapat pagkatiwalaan?