webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Oo

Luisa's Side

Parang pinipiga ang dibdib ko habang pinagpapatuloy ang paglalakad.

Tsk.

Inis na sinampal ko ang sarili ko. Napaka-walang preno talaga ng bibig mo e, no? Tsk. Kaya ka napapahamak e!

Sinipa-sipa ko lahat ng batong nakikita ko sa daan.

Leche.

"E ano bang pakialam ko sa kaarte-han ng mais na 'yon? Teleserye ba 'to para mag-inarte siya ng gan'on? Dinaig niya pa babae sa mga paandar niya e." sabi ko habang inis na naglalakad.

Malapit na ako sa El Pueblo nang mapatingin ako sa terrace ng Building A, ang side kung saan pwedeng manigarilyo.

Nakita ko si Richard Lee. Oo, siya nga! Pero hindi siya naninigarilyo ha. Naka-tambay lang siya doon na parang may malalim na iniisip.

Ang pinagtataka ko lang e, bakit nandito ang lalaking 'yan?!

Nag-init ang dugo ko kaya naman agad akong nag-martsa palapit sa kanya.

"Hoy, lalake."

Nakaharap na ako sa kanya. Ipinatong ko pa ang braso ko sa railings, habang siya e hindi man lang ako nilingon. Nakatingin pa rin siya sa harapan niya na parang walang narinig.

Aba't?!

"HOY! RICHARD LEE!"

Sumigaw na ako ha? Pero hindi siya natinag. Ilang segundo bago niya ako nilingon, tapos tumingin ulit siya sa unahan, parang ako pa ang nagulat.

"Ha! Ganyan lang ang reaksyon mo?! Hindi ka man lang magugulat?!"

Umayos siya ng pagkakatayo at tinignan ako.

"Alam kong nandito kayo." aniya, na mas ikinagulat ko. "At alam ko ring papunta ka dito dahil nakikita na kita kahit nung naglalakad ka pa lang."

"O, e tinanong ko ba?!"

"Sabi mo ba't ganito ang reaksyon ko?"

"Teka nga... bakit ka nga ba nandito ha? Sinusundan mo ba ang besty ko?!"

Tinitigan ko ng mabuti ang mata niya habang kunot ang noo ko. Straight lang ang mata niya, at ilang segundo niyang inisip ang tanong ko.

"Hoy! Ano ha?! Matapos mong saktan ang besty ko susulpot ka na lang sa mata namin ng ganito? Sinusundan mo ba si Ayra?!"

"Oo."

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sagot niya. Hindi ko alam kung bakit may part sa akin na natuwa, na gustong tumakbo agad kay besty para pag-untugin sila. Pero nanatili lang akong nakatitig sa emotionless niyang mukha.

"H-Ha!"

"Malapit sa room niyo ang room ko."

"B-bakit mo siya sinusundan?!"

"Mahal ko siya, e."

Nanahimik na naman ako.... PUSANGGALAAAAA?! Ginagago ba ako nito?!

"HA!" inis akong tumawa. "Matapos ng lahat-lahat?! Matapos mo sabihin sa kanyang hindi mo na siya mahal noon? Matapos mong umalis?! Niloloko mo ba ako?!"

"Hindi." aniya na seryoso pa ring nakatingin sa akin. "I just can't have her right now. But I promised you... I'll get her back, kahit ayaw mo pa, kahit may Jayvee pa, kahit may Charles pang umextra, kahit ayaw niya pa... No. I'll get her back. No..."

Nakitaan ko na siya ng emotion noong muli siyang humarap sa harapan... Nakita ko ang takot sa mata niya.

"Not right now... just..."

"Ano ba kasi talagang nangyari? Ba't bigla kang lumayo noon?"

"I can't tell you..." umayos siya ng tayo at akmang lalayasan ako nang pigilan ko siya.

"Sandali." sabi ko. "Kung anumang dahilan mo... basta mangako kang hindi mo na ulit sasaktan ang bestfriend ko ay makakaasa ka sa akin. Sa suporta ko."

"Mahal ko ang kaibigan mo. Sobra. Huwag kang magalala."

"Pero... bilisan mo lang... baka magulat ka, may gusto na siyang iba."

Nakita kong muli ang takot sa kanyang mata. Doon ko mas nakumpirma na totoo ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Umiwas man siya ng tingin ay huli na, dahil nakita ko na.

Ngumiti siya. Tipid na ngiti. Saka umalis na at iniwan ako doon.

Ngiting-ngiti na ako naman ang pumatong sa railings at natutuwa para kay besty. Sana lang ay maging okay na sila. Ayaw ko namang pangunahan si Richard sa mga plano niya.

Walanghiya ka besty ang ganda mong bruha kaaaa!