Yun lang. Napatulala ako sa kisame. Bakit gan'on? Ang sakit. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha ko dahil tingin ko e napakababaw kong tao... isinubsob ko na lang muli ang mukha ko sa unan.
Hanggang sa namalayan ko na lang na heto na pala kami ni Mama, papunta kay Richard Lee. Nakapamulsa siya habang nakaharap sa puntod ng kanyang Mama. Habang mas napapalapit kami sa pwesto niya ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.
Natatakot ako... na baka maulit 'yong nangyari dati noong nakipaghiwalay siya sa akin. Natatakot ako na baka ngayon ay totoo na...
"Richard..." marahang tawag ni Mama. Lumingon si Richard sa amin sabay ngiti ng tipid. Naglakad pa kami lalo palapit sa puntod ng tunay na Vivian... inilapag ni Mama ang dala niyang mga bulaklak.
Binasa ko naman 'yong pangalan na nakaukit doon sa lapida... Dianne Marcaida.
"Kahit kailan talaga ay napakabait niya..." panimula ni Mama. "Wala siyang pakialam kahit kunin pa sa kanya ang pangalan o buhay niya, basta sumaya ang mga tao sa paligid niya ay gagawin niya ang makakaya niya. Basta't sumaya ang kapatid niya ay ibibigay niya ang lahat..."
Nanatili lang kaming tahimik habang nakikinig. Tinitigan ko ang mukha ni Richard pero nakatitig lang siya sa puntod ni Tita Vivian... Halatang naging mahirap para sa kanya ang lahat.
"Noong bata pa kami ay ipinangako namin sa isa't isa na bestfriends kami hanggang dulo. Na ang anak naming dalawa, kapag naging lalaki at babae ay ipagkakasundo." dugtong pa ni Mama. "Malaki ang utang na loob ko kay Vivian kung kaya't labis akong tumutol noong nalaman kong anak ka ni Dianne. Pero nagkamali ako... ang tanga ko. Nasaktan ko ang anak ng taong walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti. Patawad, Richard."
Hinaplos ko ang likuran ni Mama nang mukhang iiyak na naman siya.
"Sana ay hindi pa huli ang lahat, wala pang isang taon hijo. Sana ay mahal mo pa rin ang anak ko."
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko habang hinihintay ang reaksyon ni Richard. Ngunit ngumiti lang siya ng tipid kay Mama. Ngumiti lang rin si Mama saka lumingon sa akin upang ngitian rin ako.
Bigla akong nagpanic noong tinapik ni Mama ang balikat ko bilang hudyat na aalis na siya, at iiwan niya ako dito kasama si Richard.
Aangal sana ako pero wala na akong magawa lalo na noong nakaalis na ng tuluyan si Mama. Pinanood ko lang ang papalayong pigura nito... Sa ako unti-unting humarap kay Richard.
Sobrang tahimik... awkward. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"K-Kamusta s-si Lolo Ricardo?" iyon na lang ang naisip kong tanungin. Tinignan niya ako kaya naman umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko e nasusunog ang pisngi ko.
"He's okay now. Mas nagiimprove na rin ang memory niya." aniya.
"Ahhh. That's good to hear..." sabi ko, pero pagkatapos n'on ay katahimikan na ulit.
"Akala ko ba Mama mo lang ang kakausap sa akin?" aniya na parang pumana sa dibdib ko.
"H-Ha?" sambit ko habang nararamdaman ko na naman yung pagiyak ko. Nakakainis! Kinagat ko ang labi ko saka tumawa ng sarcastic. "Sorry ha? Ayaw mo na ba akong makita? Dapat ba hindi na lang ako sumama dito?" sabi ko kaya hindi ko na naiwasan yung isang butil ng luha kong tumulo. "Bahala ka na nga sa buhay mo, kung ayaw mo na naman sa akin, aalis na lang ako!"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmartsa na ako paalis. Pero bigla niyang pinigilan ang braso ko.
"Akala mo papalagpasin ko 'yon?" aniya. Natigilan ako dahil doon. Hinarap niya ako sa kanya at saka niya ako tinitigan sa mata. "Yung nakita kita sa bahay ni Jayvee? Yung nakahawak siya sa bewang mo at nakahawak ka sa balikat niya?"
Sasagot na sana ako pero mas hinapot niya pa ako palapit para bigyan ako ng halik. "You should be punished." aniya sabay ngiti.
Dahil doon ay hindi ko na mapigilang umiyak ng parang bata. Tinakpan ko pa ang mukha ko para hindi niya iyon makita.
"Hey..." aniya na parang natatawa pa. Sinapak ko na yung braso niya. "Aw!"
"Akala ko... Akala ko..." 'yon lang nasabi ko habang sumisinghot-singhot pa. Kainis! Sinisipon na yata ako.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Kung anong akala mo, never mangyayari iyon." aniya. "Pero hindi ko pa rin papalagpasin yung kasalanan mo. Tss. Hindi kita papatawarin agad."
"S-Sorry." sabi ko na lang habang niyayakap rin siya. Nagiisip pa lang ako ng sasabihin para suyuin siya pero nagsalita siya agad.
"Sige na nga." aniya sabay tawa.
"Akala ko ba hindi mo ako papatawarin agad?"
"Hindi ko pala kaya." aniya sabay halik na naman sa akin. "Yuck! May sipon ka nga pala!"
Sinapak ko na naman siya. "Edi huwag mo akong---" kiniss niya na naman ako. Hmp.
"Joke lang. I miss you, and I love you to the point that I can even marry your germs."
Aniya, bago tuluyang natunaw ang puso ko.