webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Jaynard

Lumipas ang linggo nang hindi na ulit naulit iyon. Para lang tuloy akong nanaginip. Araw-araw akong naghihintay na dumalaw ulit siy dito, pero hindi na nangyari. Naintindihan ko naman dahil hindi pa kami hinahayaan ni Mama, at sa oras na mahuli kami ni Mama na magkasama, siguradong paghihiwalayin niya kaming dalawa.

"O, Ma, bihis na bihis ka po?" sabi ko kay Mama nang mapansin kong naka-panlakad siya, isang Linggo noong wala kaming trabaho doon sa Korean Restau. Nilingon niya ako.

"Magbihis ka na rin. Pupunta tayo kina Jayvee."

Agad akong kinabahan. Okay na kami ni Jayvee pero ayaw ko talaga ang idea, na si Mama ang nagsasabi ng pangalan na iyon. Parang anytime ay ipagpipilitan niya kaming dalawa katulad ng mga nangyayari sa palabas.

"Bakit po?"

"Birthday ng Papa niya," sagot ni Mama. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Pero wait, Papa ni Jayvee? If ever ay ngayon ko pa lang makikilala ang papa niya. Hindi ko pa nami-meet 'yon kahit dati pa, palaging si Tita Vivian lang ang nakakasalamuha ko.

"S-Sige, Ma."

Nagbihis na nga ako at umalis na kami papunta kina Jayvee, kasama rin namin si Papa. Pagdating namin doon ay sakto lang ang katahimikan ng bahay. Hindi mukhang may birthday party, siguro ay kakaonti lang ang bisita?

"Myr!" agad na ngumiti si Tita Vivian sa amin. Ganoon rin si Mama. Sobrang close lang talaga nilang tignan kapag magkasama.

"Hi, Ayra!" bati sa akin ni Tita Vivian.

"Hi po."

Tinignan ni Tita Vivian si Papa. "Oh, Hi Robert! Buti nakasama ka?"

"Hehehe, syempre naman, sabi kasi ni Myra mga kababata niya raw kayo e." sagot ni Papa.

Napaisip ako. Kakabata 'kayo'? Ibig sabihin pati 'yung asawa ni Tita Vivian ay kababata ni Mama?

"Tara pasok kayo sa loob!"

Natigil ang pagiisip ko nang pasukin namin ang bahay nila Jayvee. Sakto lang ang laki nito, at sakto lang rin ang itsura. Hindi mahirap at hindi mayaman, saktong apartment lang rin kagaya ng sa amin. Kaya lang ay sobrang lungkot dahil wala masiyadong bisita, parang kami nga lang e.

May mga handa sa lamesa, na tingin ko ay sobra-sobra para sa anim na tao.

"Pasensya na ha, hindi talaga kami madalas naghahanda. Ngayon lang," sabi ni Tita Vivian nang mapansin sigurong masyado kaming tahimik.

"Wala ba kayong mga kapitbahay na maiimbitahan?" tanong ni Papa.

"W-wala e...." awkward na tumawa si Tita Vivian. "S-sige upo kayo, saglit lang ha?"

"Hi po tita!" napaangat kami ng tingin kay Jayvee na galing kusina. "Hi tito, hi Ayra!"

Nag-hello ako sa kanya, pagkatapos ay nagbless naman siya kina Mama at Papa. Kung may feelings pa ako sa kanya, panigurado ay nangingisay na ako sa kilig ngayon. Pero hindi... mas nangingibabaw ang awa ko kay Jayvee, kaya siguro lumaki siyang tahimik, reserved? Dahil ang tahimik rin ng bahay nila. Parang walang buhay.

Kaonti rin naman kami sa bahay namin pero masaya naman ako madalas. Siguro dahil nandyan sina besty at Ella para mag-ingay? Tapos nandito pa si Papa na isa ring makulit na nilalang haha.

"Nasaan ang Papa Jaynard mo?" tanong ni Mama kay Jayvee.

Agad akong napalingon sa sinabi ni Mama.

Jaynard....

Pamilyar ang pangalan... Saan ko nga ba nabasa 'yon?

"Nasa taas lang po, nagbibihis." sagot ni Jayvee.

"Ah, okay, si Jaynard 'yung kasama niyo dun sa photo album mo na isa, Ma?" hyper na sabi ni Papa kay Mama.

Doon ko lang rin naalala ang lahat. Oo nga, 'yung isang picture kung saan magkakasama ang apat na bata...

Dianne... Vivian... Myra... at Jaynard...

Maya-maya pa ay narinig ko na ang yapak na may bumababa sa hagdanan, at doon nga ay natanaw ko na ang isang matipunong lalaki na kasing edaran nga nila Mama. Kahawig niya sa ibang anggulo si Jayvee, pero kung titignan talaga si Jayvee ay more on Tita Vivian. Naka-pulang T-shirt ito at agad na ngumiti nang makita kami.

"Mayroon pala akong bisita!" sabi nito saka agad na lumapit sa amin upang makipang-kamay.

"Happy birthday, Pare!" sabi ni Papa.

"Salamat!" sabi nito kay Papa, saka tumingin kay Mama. "Myra!" masayang sambit nito saka inilahad ang arms para yakapin si Mama.

"Jaynard!" sabi rin ni Mama, saya sila saglit na nagyakap.

"Kamusta? Tagal na rin ng panahon ha? May mga anak na rin tayo!"

"Oo nga e!" sabi ni Mama. "Masaya ako at si Vivian ang nakatuluyan mo."

Hindi ko alam kung bakit bahagyang natigilan si Tito Jaynard. Lumungkot ang mata niya, pero pinilit niyang huwag iyon ipahalata kaya ngumiti pa siya lalo.

"Kain na tayo!" anito. "Jayvee, anak, magpatugtog ka naman! Hahaha."

Napangiti na lang rin ako habang nagsasaya ang lahat... syempre gusto ko rin kahit papano ang maging masaya naman ang pamilya ni Jayvee. Pakiramdam ko kasi simula noon ay parang malungkot na ang pamilya nila. I wonder kung bakit wala silang masyadong kaibigan na kapitbahay.

Nagkaroon ng palaro kahit anim lang kami. Haha!

"Mama naman! Bakit po may palaro pa? Anim lang tayo e!" reklamo ni Jayvee kay Tita Vivian.

"Ano ka ba! Para sa Papa mo 'to! Dali, dali! News paper dance! Hehehehe!" sabi ni Tita Vivian. Napangiti na lang rin ako dahil parang bata lang sila. "Robert at Myra, sali rin kayo. Ayra at Jayvee kayo ang partner!"

"Seriously?" sabi ni Jayvee na frustrated na sa idea na dalawa lang kaming magkalaban.

"Hahahahaha! Dali na!" sabi ni Tita Vivian. "Watcher lang kami ng Papa mo."

"Sige na Jayvee. Birthday naman ng Papa mo." sabi ko naman.

At nagsimula na nga ang laro. Syempre noong una walang natalo dahil malaki pa ang spaces ng dyaryo, pero noong lumiit ito ng lumiit ay nagreklamo na sina Mama.

"Ang daya, mga bata pa ang kalaban namin. Hahaha!" ani ni Mama.

"Bakit mahal? Minamaliit mo ba ang kalakasan ko? Kaya pa rin kitang buhatin hanggang ngayon!" Natawa kaming lahat sa sagot ni Papa.

"Talaga lang ha, Robert?" sagot ni Mama.

"O sige naaa, itupi niyo na ang dyaryo." sabi ni Tito Jaynard.

Halos dalawang paa na lang ang kasya doon sa tupi ng dyaryo. Nang tumigil ang kanta ay sinampa namin ni Jayvee ang isang paa namin doon sa dyaryo, at para mabalance ay napahawak ako sa balikat niya, samantalang hinawakan niya naman ako sa aking baywang.

Ilang sentimetro na lang ang layo ng nga mukha namin kaya naman medyo nailang ako.

"Oops, sorry." aniya nang medyo naa-out of balance kami. Mas humigpit ang kapit niya sa baywang ko, at mas lalo niya akong tinignan sa mata.

Bibitaw na sana ako pero natigilan ako sa malakas na pagkatok ng kung sino mula sa pinto.

"Teka... Walang mandaraya... Buksan ko lang saglit itong pinto." sabi ni Tita Vivian na tatawa-tawa pa. "Baka 'yung Landlord lang 'yan, naniningil na naman, hehe."

Pagkabukas nito'y hindi ang Landlord ang tumambad sa amin, kundi si Richard... Na agad ring tumama ang tingin sa amin ni Jayvee. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Jayvee...

Fudge...

Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin sa aming dalawa. Pumikit pa siya't umigting ang panga. Ngunit pagkadilat ay diretso ang mata kay Tita Vivian.

"R-Richard...? A-anong... A-anong ginagawa mo di---?"

"Papa Ricardo is in critical stage." sabi ni Richard sa mababang tono.

Kumalabog ang dibdib ko. Si Papa Ricardo?! Bakit? Anong nangyari? Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa. Sumisikip lang ang lalamunan ko habang nakatingin sa kanya.

Napatingin rin ako kay Tita Vivian na maluha-luha na ang mata habang nakatakip ang isang kamay sa bibig.

"Anong ibig sabihin nito, Ma? Sinong Ricardo?" singit ni Jayvee na naguguluhan, pero hindi siya sinagot ni Tita Vivian. Tulala lamang ito kay Richard habang napapatakip na ang kamay sa kanyang bibig. Tumingin kami kay Richard at straight pa rin ang mukha niya.

"He said he needs you. He needs to see  his daughter... and his grand son too." ani ni Richard sabay tingin kay Jayvee.