Ayradel's Side
Gumala lang kami nila Mama at Papa sa mall kasama sina besty at Ella. This is my happiest day ever! I may not have the biggest family nor biggest circle of friends, ay mayroon naman akong apat na taong totoong nagmamahal sa akin. Iyong tipo ng mga taong hindi ako iiwanan.
"Kamusta ang pag-aaral ng prinsesa ko?" my sweet father say to me, habang kumakain kami sa foodcourt.
"Hay nako tito, ano pa nga bang aasahan namin? Edi Rank 1 palagi! Highest palagi, nilalaban palagi, favorite ng mga teachers palagi, always palagi!" sabat ni besty. Tinawanan lang namin siya ni Ella.
"Oo nga tito, hays, damot nga niyan ni Ayra. Ayaw akong limusan ng talino!"
"Magbasa-basa ka kasi!" sabi ko kay Ella.
"Huh? Lagi naman akong nagbabasa ah? Ng wattpad nga lang hehe!" nagpiece sign siya. "At pocket book haha!"
"Tignan mo! Puro ka love stories!"
"Huy! Hindi ah, may history din d'on. Mga story about time travel ganern hahaha!" ani ni Ella.
"O, o. Baka naman may mga boypren na kayo ah?"
Halos maubo ako sa pagsingit ni Papa. "Ano ka ba pa! Wala pa sa isip namin 'yan no!"
"Asus!" sabi ni Lui. "Huwag kang maniwala diyan tito!"
"Bakit? May boyfriend ka na, Ayra?" singit bigla ni Mama na kanina'y nananahimik lang. Bigla tuloy natigilan si besty dahil biglang sumiryoso si Mama. Napatingin siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"A-ah, joke lang tita, hehehe. Walang boyfriend si besty, syempre." aniya. "Ano lang, ang daming nagkaka-crush sa kanya sa sschool."
"Ah, okay. Akala ko may boyfriend na e. bawal pa ah! Tapusin muna ang pagaaral!"
"O-opo, tita hehehe." sabi ni besty.
"Syempre naman, Mama. Hehe." saka ko ulit sinamaan ng tingin si besty. Hay nako, alam naman niyang naneneryoso si Mama kapag ganito ang usapan.
Sabay kaming pumasok ni besty kinabukasan, agad ko siyang pinagsabihan tungkol sa nangyari kahapon.
"Sorry besty, nawala sa isip ko, akala ko si Tito lang kasama natin hehehe!"
"Baliw ka talaga, alam mo namang sensitive si Mama! Maraming bawal."
"Oo na. Nest time hindi na, hehe."
Tinanguan ko na lang siya, pagkatapos at tinanaw ang dulo ng hallway kung saan parang model na nakatayo si Richard Lee. Kaya naman pala ang daming babae sa paligid ng room namin.
"Gosh, ang gwapooo talaga!" tili pa n'ong nasa gilid namin.
Napatingin ako sa harapan, kung saan diretso nang nakatingin sa akin si Lee-ntik.
"Are you waiting for my bestfriend?" halos mabilaukan ako nang itanong iyon ni besty kay Lee-ntik pagkalapit namin. Inayos ni Lee-ntik ang strap ng bag niya bago kami tinaasan ng kilay.
"Aniyo." saka siya umiwas ng tingin. Ano raw? Anyo?
"Huweeeh? Pakunwaring tinusok ni besty ang tagiliran niya. Sinong hinihintay mo?"
"Tss." umirap siya. "Makaalis na nga. Tagal ni Fern e." saka sana siya tatalikod kaso nagsalita na naman ang madada kong bestfriend.
"Hinihintay mo si Suho? E doon sa kabilang hallway ang daan n'on hindi dito!" natigilan siya at tinignan ulit ako.
"Dumadaan rin siya dito kapag hinahanap ka!" inis na sagot niya saka na totoong naglakad palayo. Napatingin naman ako sa bagong dating sa likuran namin.
Si Jae Anne, na naglalakad ngayon sa hallway. Parang ginawa niyang catwalk 'yong hallway dahil sa ganda niya. Ang mga estudyante sa paligid, lalo na ang mga lalaki ay napapalingon. Nginingitian niya lamang ang mga iyon. Maging ako ay halos magliwanag ang mata sa sobrang ganda niya.
"Asus, kunwari pa ang isang 'yon." narinig kong sabi ni besty, habang tinatanaw pa rin pala si Richard.
Kinalabit ko si besty. "Ano ba pinagsasabi mo! Si Jae Anne ang hinihintay niya." sabi ko. Napalingon naman si besty kay Jae Anne sa hindi kalayuan. "Tara na sa room!"
Pagdating sa room ay naabutan ko na namang naglalaro ng mobile games si Lee-ntik. Nang bahagya kong masilip ay mukhang 'yong Zombie Apocalypse na naman na pinagmamalaki niya. Kadalasan naman ay nage-enjoy siya kapag naglalaro niyan pero ngayon ay nakabusangot ang mukha niya.
"Problema mo?" komento ko bago ko inilapag ang bag ko sa tabi niya. Pero ni hindi niya ako kinikibo. "Wow, saranghae sa pagsagot ha? Nice talking!"
Napatalon ako sa gulat nang parang gulat at nanlalaki ang matang tinignan niya ako.
"Ano?" gumuhit ang aliw sa mukha niya.
"HA? Wala!" inis na umiwas ako ng tingin. Problema ba niya? Nakakatakot na ah? Kanina lang ay nakabusangot ang mukha niya, ngayon naman nakangisi lang siya ng parang ewan.
OMG. Hindi kaya bipolar siya?
Naging normal naman ang buong araw. Nakinig ng lessons, tinutor si Lee-ntik, nag-iba nga lang ang ihip ng hangin noong nag-uwian na.
I saw my first love, Jayvee standing outside the gate, na para bang mayroon siyang hinihintay. Bigla namang kumirot ang dibdib ko, dahil pakiramdam ko ay si Jae Anne ang hinihintay niya. Tumigil muna ako saglit sa paglalakad para titigan lang mula sa malayo kung paano tumindig si Jayvee.
It's been a while. Medyo matagal ko na siyang hindi nakakausap simula noong naging katabi ko si Lee-ntik. Siguro sa ngayon ay napapalapit na siya kay Jae Anne.
Who would not fall in love with Jae Anne Galvez, anyway?
"Tss!" napalingon ako sa biglang nag-tss sa likuran ko. Nadoon si Richard Lee na inirapan lang ako at nilampasan.
"Aba. H-hoy!" I tried to call him pero hindi ako inintindi. Ang bipolar talaga ng isang 'yon.
Kunot ang noong pinagmasadan ko kung paanong dumaan sa harapan ni Jayvee si Lee-ntik. Naglabanan lang sila ng tingin pero hindi naman sila nagsalita. Nagtuloy-tuloy lang si Lee-ntik sa paglabas ng gate.
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang mapansing sa akin na pala ngayon nakatingin si Jayvee. Napaayos ng tayo si Jayvee at gan'on rin ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Nagsimula akong maglakad palabas ng gate. Lalampasan ko na sana si Jayvee nang sabihin niya ang pangalan ko.
"Ayra."
Nagkunwari akong nagulat. "U-uy!"
"Uwi ka na?" aniya. Nag-aalangang tumango ako. "Sabay na tayo. Pareho lang tayo ng jeep na sasakyan diba?"
Biglang nagdiwang ang sistema ko. Ako ba ang hinihintay niya?!
"H-ha? S-sige... ikaw ang bahala."
Nagsimula na kaming maglakad. Syempre awkward kasi wala naman kaming pwedeng pagkwentuhan. Naglalakad lang kami habang paminsan-minsan ay tinitignan ko siya, habang siya naman ay diretso lang na nakatingin sa daan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa tabi ko.
"Mukhang close na kayo ni Richard Lee." aniya na ikinabigla ko.
"H-ha?"
"Nagseselos ako."
"H-HA?" laglag ang pangang napatigil ako sa paglalakad. Tumigil rin siya at hinarap ako.
"Ayra, I've warned you about him," sabi niya. "Ang gusto ko lang naman mag-ingat ka. Huwag kang sumasama sa kahit na sino, lalo na sa mga bagong kakilala mo lang katulad ni Richard Lee."
"Bakit? M-Magingat para saan?" tanong ko.
"Hindi mo kilala si Richard Lee, Ayra. Hindi natin alam kung bakit ka ba niya nilalapitan."
Kumunot ng husto ang noo ko sa sinabi niya. May dahilan ba kung bakit ako nilalapitan ni Richard Lee? Ano namang makukuha niya sa akin?
"Jayvee, mag-seatmate kami. Syempre naman malalapitan niya ako kahit hindi niya man sadyain at-" umawang saglit ang bibig ko. Pinagmasdan ko siya. "A-ano bang... ibig sabihin mo noong sinabi mong huwag ko siyang pagkatiwalaan?"
Huminga muna siya ng mas malalim at hinawakan ang dalawang balikat ko para mas lalong magkaharap kami.
"Sa tingin mo accident lang na naging magkatabi kayo? Na ilang linggo akong wala noong dumating siya sa room? Na sa lahat ng upuan, 'yong upuan ko pa talaga ang pinili niyang upuan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"He's getting on me. I'm pretty sure this is his childish plan. Galit siya sa akin elementary pa lang kami, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil palagi kaming pinagkocompare ng mga teachers. Magkamukha daw kami, halos magkapangalan, pareho ng hilig at palagi kaming magkalaban sa lahat ng bagay. Grades, o competitions! Sa lahat ng 'yon, natatalo ko siya at galit siya sa akin dahil d'on! Pero isa lang ang nilamang niya."
Halos kilabutan ako sa sinasabi niya. Ni hindi ko naiisip 'yan. "Yaman. Mayaman siya, at ako hindi. Noong nag-highschool hindi na kami nagkita dahil balita ko pinadala siya sa Korea. Pero nagulat ako noong nakita ko na lang na katabi mo na siya pagbalik ko sa room, pagkatapos kong mawala ng ilang linggo. Natakot ako. Tingin ko may balak na naman siya. Lalo na ngayong nasa posisyon ang daddy niya. Lahat kaya niyang gawin basta't gusto niya, Ayra, kaya mag-ingat ka sa kanya. Pakiramdam ko kasi, nagiging close na kayo. Nakukuha na niya ang loob mo." kumunot ang noo ko habang pinag-aaralan ko yung nasa utak nya. Matagal na nai-stock sa pagiging half-open ang bibig ko bago ako nagsalita.
Nakukuha niya na ang loob ko? Kinabahan ako pagkarinig n'on. Lahat lang ba ng pinapakita ni Richard Lee ay peke lang? Lahat lang ba 'yon ay parte ng plano niyang sinasabi ni Jayvee?
Bakit? Bakit ako?
"Sandali... Sa'yo siya galit. Bakit ako ang kailangang mag-ingat?"
Yumuko siya at hinawakan ang dalawang braso ko. Halos daluyan ng kuryente ang mga iyon. "Sinabi niya sa akin noon na... aagawin niya sa akin lahat ng gusto ko."
Bumilis ang tibok ng puso ko at nabingi na yata ako.
"Please. 'Wag kang magtiwala sa kanya kasi... gusto kita, Ayra."
Ilang beses akong napakurap-kurap sa narinig ko.
"Gusto kita, Ayra."
"Gusto kita, Ayra."
"Gusto kita, Ayra."
"Ayra,"
Hindi ko alam kung paano sasabihin lahat ng nasa isip ko. Kung dati ay agad-agad kong kayang ipagsigawan ng gusto ko rin si Jayvee, pero ngayong nangyari na ay mahirap pala. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagot ba ako o hindi.
Pero gusto ko pa rin siya diba? Gusto ko pa rin si Jayvee! Syempre naman! What the hell is that question, Ayradel! Dapat ay automatic na iyan!
I like him since my eyes laid on him. Wala akong ibang nagustuhan bukod sa kanya, kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito na siya na rin mismo ang nagtapat sa akin. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kaba. Feeling ko, malulusaw na yung tuhod ko ngayon. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago magsalita.
"Gusto kong sabihin na gu-"
"Shh." naramdaman ko yung index finger niya sa labi ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. Tinignan nya ako sa mata bago ngumiti. "You don't need to answer back. Hindi kita pinepressure. Sinabi ko lang 'yon para... ingatan mo ang sarili mo kay Richard Lee. I just really hope na iwasan mo siya... Para sa akin. Para hindi na ako mag-alala."
Gusto kong tumutol sa sinabi niya sa hindi malamang dahilan. Iiwasan ko si Richard? Paano ko siya iiwasan? At kailangan ko ba talaga siyang iwasan?
Pero natatakot akong tumutol. Natatakot akong baka magalit sa akin si Jayvee.
"S-sige..." sabi ko. Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ko. Napangiti na lang rin ako.
"Naggagabi na pala..." tumingin siya sa langit. "Tara na sa sakayan ng jeep."
Bahagya ulit akong ngumiti "S-sige."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang hinawakan niya yung kamay ko na ikinabigla ko, bago kami naglakad ulit. Uminit ang pisngi ko sa tingin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin. Sinubukan kong bawiin yung kamay ko mula kay Jayvee, pero hinihigit niya lang ulit iyon pabalik. Mabuti na lang at wala kaming kaklase sa paligid.
"Hayaan mo silang tumingin. Wala naman silang magagawa kasi hindi sila 'yong gusto ko." sabi niya habang concentrated pa rin 'yong tingin sa daanan. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pag-init ng pisngi ko at ang pag-ngiti ko sa sobrang kilig.
Alam kong katulad kay Richard Lee, pwede rin akong makahakot ng atensyon. Pero iba si Jayvee, iba rin ang nararamdaman ko sa kanya...
I think this is a kind of risk that is worth taking.