Ayradel's Side
10 pm nang mapagpasyahan na niyang ihatid ako. Nasa kanto kami nang patigilin ko siya doon...
''Malayo pa 'yung bahay niyoㅡ''
''D-dito na lang,'' sabi ko at inalis 'yung seatbelt. ''K-kasi...''
''I know.'' Sagot niya. ''Akala ko pa naman noon crush ako ng Mama mo.''
Humalakhak siya, pero halata ang lungkot.
''Ihatid na lang kita kahit hanggang d'on sa kapitbahay niyo.''
Bumaba kami pareho sa sasakyan at nagsimulang maglakad papuntang bahay namin. Iniwan niya na muna yung kotse niya d'on sa kanto.
Tahimik lang kaming naglakad. Mabagal, at talagang damang-dama ko talaga yung hangin.
Nakapikit ako nang maramdaman ko 'yung kamay niya sa kamay ko.
Hindi ako kumibo. Kahit pinagsiklop niya iyon.
''H-hindi ko alam kung ano ba tayo... pero masaya na rin ako sa ganito.''
Biglang kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot, hindi ko alam kung bakit naduduwag akong ipaalam sa kanya yung nararamdaman ko.
''Bahay niyo na 'yung kasunod. Dito na lang ako.''
''Sige.'' Sabi ko.
''Sige.'' Sabi niya rin.
''Mauna ka na, saka ako papasok.''
''Baichi ka talaga, ikaw muna'ng pumasok.''
''Ikaw na!''
''Isa... Baichi.'' Aniya kaya sumimangot ako. ''Makikita tayo ng Mama mo?''
Doon ako natigilan kaya natawa siya ng bahagya.
Bakit ba parang pakiramdam ko tinatago kita?
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lang. Sumilip pa ako'ng gate sa kanya hanggang sa maglakad na siya palayo.
Pagtalikod ko ay halos lumabas ang puso ko sa kaba.
''M-mamaㅡ'' nasabi ko na lang.
''Ginabi ka ah,'' sabi niya na sinilip rin kung may tao pa ba sa labas ng gate. Habang chinecheck niya ang paligid ay halos maghuramento na ang dibdib ko kakadasal na sana ay nakalayo na si Richard, please!
''A-ang dami po kasi naming pinagusapan ni J-jayvee.''
Ilang segundo pa akong tinignan ni Mama at talagang sobra na ang kaba ko. Parang hindi na ako makahinga sa kaba.
''Mabuti naman kung gan'on,'' lumuwag lang ang paghinga ko nang medyo umaliwalas na ang mukha ni Mama. ''Oo nga pala, nabanggit sa akin ng Tita Viv mo na may gusto raw sa iyo si Jayvee,''
Napaangat ang tingin ko sa sinabi ni Mama. Halos malaglag na ang panga ko, pero ang mukha niya ay casual lang at para bang wala lang sa kanya 'yong sinabi niya!
''Mas maganda kung sa kanya ka maglalalapit. Naiintindihan mo ba?'' Dugtong niya pa.
Nagbukas sara ang bibig ko ngunit wala akong mabigkas.
''P-po?''
Ngumiti si Mama. Isang ngiti na may ipinapahiwatig.
''Ayaw kong malalaman na dumidikit ka ulit d'on kay Richard Lee. Ayaw kong nakikitang hinahatid ka niya dito. Tapos.''
Di ako nakasagot agad, at nanatili lang na laglag ang panga dahil sa diretsahang pakikipagusap ngayon sa akin ni Mama. Umamba na siyang papasok na ng bahay nang doon ako makabawi mula sa pagkagulat.
''P-pero peroㅡ b-bakit po, Ma? Okay naman po kayo sa kanya dati diba?''
Hinarap niya ulit ako at may bahid na ng galit ang mukha niya.
''At kailan mo pa ako kinwestiyon Ayra?'' Medyo tumaas ang boses niya. ''Basta! Makinig ka na lang! Wala nang tanong tanong!''
Saka siya pumasok at padabog na isinara yung pinto.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang nagkaroon ng galit si Mama kay Richard. Dati naman ay okay pa.
Ano ba talagang dahilan? Dahil kay Tita Vivian?
Umiling iling ako at pinagpasyahan nang pumasok ng bahay, at umakyat ng kwarto.
Kinabukasan ay muli na naman akong umisip ng paraan para matakasan si Mama. May lakad kami ngayon ni Richard, at base sa sinabi ni Mama kagabi ay hindi niya ako papayagan kapag nalaman niyang si Richard ang kasama ko.
Hindi ko rin naman pwedeng idahilang kasama ko si Jayvee. Baka tumawag siya kay tita Vivian at magtanong. Mas matinding magalit si Mama kapag nalalaman niyang nagsisinungaling ako.
''Oh, huwag mong sabihing papasok ka na naman?'' Tanong ni Mama nang makita ulit akong nakabihis.
''Request po kasi talaga nila Ma'am Reyes e. S-sa friday na po kasi talaga yung Leisure, kaya kailangan daw po talaga ng Man power.''
''Ah, okay. Huwag magpapagabi.''
Nakahinga na lang ako ng maluwag nang makasakay na ako ng tricycle papuntang school. Pakiramdam ko ay nasa kulungan ako at ngayon lang ulit nakalaya.
Tinext ko kaagad si Richard, dahil baka puntahan niya pa ako sa amin.
'Deretso ka nang TH mamaya. Pupunta na ako d'on ngayon.'
Pumunta na ako'ng Tirona High at dumeretso kay Mrs. Reyes.
''Iha?''
''Good Morning, Mam!''
''Alam mo malapit na talaga kitang gawing teacher sa sobrang sipag mong pumunta dito!'' Tumawa kaming dalawa.
''Di naman, Ma'am! Gusto ko lang po talagang tumulong if ever kailangan po ng tulong.''
''Ang student council ang nag-aayos sa stage ngayon, at kumpleto na rin ang telescopes na kailangan, so...'' nagtingin-tingin si Mam sa table niya. ''Hm, eto na lang? Itong script ng program, itype written mo lang, ipaprint doon sa Computer Lab? 10 copies and tapos na anak!''
''Eto lang po?''
''Yes anak,''
''Okay po, Ma'am!'' Sabi ko at kinuha yung draft ng program. ''Ahm, Ma'am pwede po palang humingi ng favor?''
''Sige, ano yon?''
''K-kapag po tumawag yung Mama ko po, pakisabi po na nandito akoㅡ''
''Oo nga, tumawag rin siya n'ong last time para itanong kung nandito ka.''
''T-tumawag po si Mama?''
''Yes anak. Nandito ka naman talaga, kaya sinabi kong nandito ka.''
Nakahinga muli ako ng maluwag.
''O-okay po, salamat.'' Sabi ko. ''Mabilis po kasi siyang magalala e. H-hahaha. Basta po kapag nagtanong, pakisabi lang pong nandito ako.''
Pagkatapos kong makipagusap kay Mam Reyes ay pumunta na nga akong ComLab upang magtype at magpaprint.
11:30am
Nang magtext si Richard na nasa labas na siya ng Tirona High. Hindi na ako nagpaalam pa kay Mrs. Reyes, at nagtuloy tuloy lang sa paglabas. Nang matanaw ko ang isang itim na kotse ay walang lingun-lingon akong sumakay dito.
Daig ko pa ang tumatakas sa batas.
''Bakit pati dito ay parang may tinataguan ka?''
Nilingon ko si Richard, pati na rin si Kuya Max na nasa driver's seat.
''A-ah, k-kasi hindi ako nagpaalam kay Mam Reyes. H-hehe!''
Tumango lang siya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
Ayokong malaman niya pinapalayo ako ni Mama sa kanya. Okay na yung isipin niyang bestfriend ni Mama si Tita Vivian, at kaaway niya ang anak nito kaya parang hindi na siya okay sa paningin ni Mama.
Pinaandar na ni Kuya Maximo ang sasakyan, at kumalabog ang dibdib ko nang hawakan ni Richard ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Idinala niya iyon sa isa niya pang kamay.
Nilingon ko siyaㅡ nakangiti lang siya habang nakadungaw sa bintana kaya napangiti na lang din ako.
Tahimik pero parang mababaliw na yata ako sa ingay ng tibok ng puso ko.
''You've got magic inside your fingertips,
It's leakin' out all over my skin.''
Mas lalo pang nataranta yung mga paru-paro dahil sinamahan pa ng background music ni Kuya Maximo. Nahalata kong sinadya niya dahil nang magtama ang paningin namin sa rearview mirror, ay talagang malawak ang pagkakangiti niya.
Napangiti na lang rin ako habang pinapakinggan at ninanamnam ang kanta.
(NP: Magic by Colbie Calliat)
''Everytime that I am close to you,
You're making me weak
With the way you look through those eyes.''
Hindi ko alam kung bakit tamang-tama sa nararamdaman ko yung lyrics. Kasabay pa ng kung pano laruin ni Richard yung kamay ko, hindi ko na alam kung pa'nong huminga!
''All I see is your face,
All I need is your touch,
Wake me up with your lips,
Come in me from up above.
Oh, I need you...''
12:30 nang marating namin ang bahay ng Lolo at Lola niya. Katulad ng dati ay may nagsiyukuang mga Maids nang dumaan kami.
Nahiya tuloy ako dahil naka-simpleng pants at Tshirt lang ako, parang mas maganda pa nga yung suot nilang uniform, para silang mga nagcocosplay.
Sumalubong rin sa amin sa isang gilid ang isang matandang lalaki na medyo pamilyar ang itsura.
May hawak siyang mop, at nakalong sleeve na white. Hindi ko maalala ang pangalan niya, pero naaalala kong nakita ko na rin siya somewhere.
Sa Lee Orphanage? Oo tama. Doon nga. Noong dinala ako ni Richard kina Sister Lily.
Ngumiti ako doon kay Manong habang papaakyat kami ni Richard ng hagdanan. Pero hindi siya tumugon at nanatili lang na nakatingin sa akin hanggang sa makaakyat na kami at mawala na siya sa paningin ko.
Tinahak na nga namin ang daan papunta sa kwarto ni Lolo Ricardo.
''Ma,'' sambit ni Richard.
Agad naman akong napayuko nang magyakapan sila, at magtama sa akin ang paningin nito.
''HIJAAAAA!!!'' Halos tumili ito nang makita ako. Agad niya rin akong niyakap. ''Kamustaaa? Mabuti at bumalik ka?''
''Ah, o-opo, n-nabanggit po kasi ni Richard 'yong kay L-loloㅡ''
''Papa, okay?'' Aniya, ngiting ngiti. ''Nakakatanda kasi ang lolo at lola e. Call him your Papa Ricardo, and I'm your Mama Helena. Arasseo?''
Ngumiti ako kahit hindi ko naintindihan yung 'Araso'.
Lumapit kaming lahat sa king size bed ni LoㅡPapa Ricardo. Katulad ng dati ay hinang-hina pa rin siya at hindi pa rin nakakakilala. Sa pagkakataong ito ay nakahiga pa rin siya, at nakatulala lang sa ceiling. Faded blue na pajama at manipis na damit lang ang suot niya.
Mula sa pagkakatulala sa ceiling ay lumipat ang paningin niya nang lumapit ako. Nagbukas sara ang bibig niya na parang may gustong sabihin.
''Mmmmㅡ'' aniya, na ungol lang ang lumabas.
''Oo, Ric, siya 'yung gerlfrend ng iyong apo.'' Ngiting-ngiting sambit ni Mama Helena.
Napalingon ako kay Richard na kanina pa'ng tahimik pero nakangiti lang ng tipid.
Katulad ng dati ay doon rin kami sa kwarto nagtanghalian. Hindi ko mapigilang mapangiti, dahil sa gitna ng pagiging mayaman ay mas pinili pa rin talaga ni Mama Helena'ng siya mismo ang magalaga kay Papa Ricardo.
Kung sa iba kasi ay kukuha sila ng tao para alagaan ito. I wonder kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa noong kabataan pa nila.
Matapos ng pagkain at pagkukwento ni Mama Helena ng kung anu ano ay nakaramdam ako ng pagkaihi.
''CR lang po ako,'' sabi ko habang nakaupo pa rin si Ma sa tabi ng kama ni Paㅡgeez, hindi pa rin ako sanay.
''Samahan na kita.''
muntik nang lumabas ang puso ko nang sa wakas ay nagsalita si Richard.
''Hindi na. Ako na lang.''
''Alam mo ba kung saan?''
Napaisip naman ako dahil sa laki ng bahay na 'to.
''Baichi ka talaga! Hahaha!''
''Tch.'' Sabi ko pero nakangiti rin.
Lumabas kami ng kwarto at naglakad sa mahabang pasilyo, papuntang hagdan.
''May banyo rito sa taas pero para kina Mama at Papa 'yon, kaya dito tayo sa baba.''
''Hmm,'' tumango ako at nilingon siya. ''Ngayon ka na lang nagsalita ulit ah. May problema ka ba?''
Tumawa siya ng mahina.
''Wala naman. Naisip ko lang...'' tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang magkabilang balikat ko. ''Dito ka na rin kaya tumira?''
Agad namang lumaki ang mata ko.
''HA?''
''Hahahahahaha!''
Sinapak ko naman agad yung balikat niya nang parang baliw siyang tumawa ng tumawa.
Lee-ntik talaga 'to, bipolar. Hmp.
''Tch. Hilig kasing magbiro e!''
''Nakakatawa itsura mo promise! Hahahahahahaha!''
Ah, so inaasar niya na ulit ako ngayon? Abaaaa
''Joke lang hahahaha!'' Aniya nang sinamaan ko siya ng tingin. Nanatili ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko kahit naglalakad na kami. ''Naisip ko kasi, ang saya ni Mama at pati ni Papa na nandito ka. Na may ibang tao naman. Siguro sawa na sila sa gwapo kong mukha?''
Sinimangutan ko siya kaya naman tumawa nanaman.
''Okay na sana, ayan na naman 'yung bagyo e.''
''Ikaw...?'' Biglang tanong niya. ''Magsasawa ka ba sa mukha ko?''
Bumagal ang paglalakad ko, sabay titig sa mukha niya habang hinihintay niya yung sagot ko.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Mrs. Reyes.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot, na simula next grading ay wala na siya sa Tirona High.
''Hindi mo na pala kailangang sumagot,'' aniya na ngiting-ngiti na naman. ''Buong third grading seatmate mo ako. Tinitigan ko na rin ako buong gabi kagabi, hindi ka pa rin nagsasawa.''
Hindi ako nagsalita at nanatili pa ring nakatingin sa kanya.
''Aalis ka na ba talaga?''
Nawala ang malaking ngisi niya at napalitan ng isang malungkot na ngiti.
''Hindi naman ako aalis sa tabi mo. Sa Tirona High lang. But that doesn't mean na hindi na tayo magkikita.'' Aniya.
Agad na nalaglag ang panga ko nang marealize na nasabi ko pala ng malakas yung dapat ay nasa isip ko lang. OMAYGASH!
''I am his son, pero siya pa rin ang DepEd Secretary. I can get what I want, but I can't do anything pagdating sa pagaaral ko. Nagawa niya pa nga dating ipatapon ako sa Korea. And I don't it to happen again.''
Nakagat ko ang aking labi. Tumigil ulit kami sa paglalakad at muli niya akong hinarap.
''You told me once, that public school doesn't suit me. Pero napatunayan kong sa Tirona High ako bagayㅡ kasi ang mga bagay sa atin, hindi naman 'yon dahil sa kung sino ka o kung kanino kang anak, kundi bagay tayo doon kasi doon tayo sumaya. Kung saan ka masaya, doon ka babagay. Kaya bagay ako sa lahat ng lugar kung nasaan ka, kasi doon ako sasaya.''
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako. Ako 'yong tipo ng tao na kung ano ang sa tingin kong 'dapat' e iyon ang tama.
I judged him na hindi siya kumikilos ang ayon sa pagkatao niya. Anak siya ng DepEd Secretary, mayaman, sikat, gwapo, pero kung anu-ano ang ginagawa.
I'm thankful that I met him. Kasi sa kakasunod ko sa mga 'dapat' na idinidikta sa akin, ang dami ko na palang nalalagpasan. At dahil sa kanya ay namulat ako doon.
''Sige na, mag-CR ka na,'' aniya nang nasa tapat na kami ng CR.
Malaki ang CR. Para lang akong nasa SM. Ang kaibahan lang, walang cubicles at ang garbo ng design and details ng mga kagamitan.
Nang matapos ay naghugas ng kamay at humarap ako sa malaking round mirror. Ngumiti ako doon nang muling maalala ang mga sinabi ni Richard.
Kaya bagay ako sa lahat ng lugar kung nasaan ka, kasi doon ako sasaya.
Paglabas ko ay wala na si Richard Lee at sumalubong sa akin 'yong matandang lalaking may hawak na mop, na nakita ko rin pagkapasok namin kanina.
Ngumiti naman agad ako upang bumati.
''H-hello po...'' pero nanatili lang siyang nakatingin.
Lalagpasan ko pa sana siya, dahil ang creepy, nang may sabihin siyang pamilyar na pangalan.
''Dianne.'' Aniya. ''Kilala mo ba si Dianne?''
Napalingon ako sa kanya, saka ko tinignan ang paligid. Wala na talaga si Richard, siguro ay umakyat na. Wala ring mga maid sa paligid at talagang kaming dalawa na lang.
''P-po? Ako po?'' Tanong ko pa.
''Kilala mo si Dianne, hindi ba?''
''S-sa pangalan ko lang po siya kilala. S-siya po y-yung Mommy po ni Richard Lee, diba?''
Tumango siya bilang pagsangayon.
''Naaalala mo ba ako, ineng? Kasama ako nila Sister Lily, isang araw nang pumunta kayo ni Richard sa kanilang orphanage.''
''O-opo.'' Naalala ko siya, maging doon sa orphanage ay nagma-mop din siya.
''At binanggit nila sa iyo si Dianne. Kung gaano kaganda at kabait ang ina ni Richard na si Dianne...''
Medyo kumakalabog na ang dibdib ko dahil sa tono niya. Parang nagiging sarkastiko na ito na ewan. Hindi ko mapaliwanag. Para siyang galit na hindi ko maintindihan.
''Bakit po?''
''Hindi yon totoo. Huwag kang maniwala doon.'' Aniya, kumunot ang noo ko.
''Saglit lamang nakilala nila Sister Lily si Dianne, at ang mag-asawang Ricardo at Helena. Ngunit ako'y kilala ko na sila mula pagkabata. Ang mag-asawang iyan ay dating hindi nagkakasundo... At sinasabi ko sa iyong... hindi totoong mabuting tao si Dianne katulad ng mga naririnig mo.''
Hindi makapaniwalang tinignan ko pa rin siya.
''Bakit niyo po sinasabi sa akin ito?''
Lumalim ang kanyang paningin sa akin, dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
''Dahil hindi ko kayang sikmuraing matawag na mabuti si Dianne. Hindi iyon karapat dapat sa katulad niya.''
Tumalikod na siya, binitbit ang balde at mop, at iniwan ako doong maraming tanong sa pag-iisip, habang laglag ang panga.