Chapter 44: Represent Again
Tumitig na lang ako sa mga mata niya habang nagtatanong. Gan'on lang din ang ginawa niya ng ilang sandali. Hinahanap ko ang bakas ng ngisi niyang magpapatunay na nagbibiro lang siya, pero hindi. Seryosong seryoso ang mukha niya.
''I know I'm being too fast, but this is the truth.'' Aniya. ''I love being on your side. I love to tease you, but I also want to protect you. Hindi ko maexplain pero nalulungkot ako kapag sinasaktan ka. Anong tawag mo dito sa nararamdaman ko?"
"Ayra," pareho kaming natigilan sa tumawag sa akin. "Magka-klase na raw sa Tirona." Aniya ni Suho.
Nasa tabi niya si besty na nagcross arms at umiwas ng tingin. Parang biglang may nag-stab sa puso ko dahil doon. kailangan ko na siyang makausap.
''Kay Santi na kami magpapahatid.'' Dugtong pa ni Suho at umalis na nga kasama si Besty. Muli na namang kumabog ang dibdib ko dahil naiwan na naman kaming dalawa dito. I bit my lower lip at hindi na umimik habang sa lupa nakatingin.
''Nandyan si Maximo sa parking lot," aniya. "T-tara na.''
At nauna pa siyang maglakad kaysa sa akin. Napasimangot tuloy ako saka sumunod sa paglalakad niya. Hindi niya man lang ako hinintay? Napaisip tuloy ako kung totoo ba lahat ng inamin niya kanina. Hindi kaya, trip trip niya lang 'yon?
Nasa may catwalk na kami at pinagmamasdan ko pa ang likod niya habang naglalakad. Hindi ko pa rin maalis sa utak ko lahat ng sinabi niya kanina. Ang kisig ng tayo niya, ang gwapo ng buhok, kahit nakapang-public school na uniform ay nadadala niya pa rin iyon ng maganda.
Siguro nga biro niya lang 'yong kanina.
Natawa ako sa sarili ko, saka itinagilid ang aking ulo para lalong mapagmasdan ang likod ng Lee-ntik na 'to nang bigla siyang huminto sa paglalakad. Napatigil rin tuloy ako at biglang gnapangan ng kaba nang bigla niya akong lingunin. Kunot na kunot pa ang noo niya. He heaved a heavy sigh.
''Bagal mo naman,'' aniya saka bumalik para mapantayan ako. ''O ayaw mo lang akong tabihan maglakad.''
''Ha?''
''You don't like me that much?'' Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya naman hindi agad ako nakapagsalita. Bumuntong hininga muli siya.
''Nevermind.''
Hindi na kaming umimik ulit hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. Sa malayo pa lang ay nakita ko na ang pag-dungaw sa bintana ni Kuya Maximo at ang pagngiti niya sa aming dalawa. I am about to open the door nang unahan ako ni Richard sa paghawak dito. Muli na naman akong napasimangot. Pati sa pagsakay nakikipag-unahan pa siya sa akin? Hindi talaga uso sa taong 'to ang ladies first, at siguro nga pinagti-tripan lang ako nito kanina.
Hinintay ko ang pagsakay niya pero nagulat ako nang nanatili lang siyang nakatayo doon habang maluwang na nakaawang ang pinto ng sasakyan. Marahan siyang ngumuso na parang batang nahihiya, samantalang pulang-pula naman ang buo niyang mukha.
''I don't mind if you don't like me back, I-I just w-want to do t-this.'' Saka pa siya umiwas ng tingin.
Bumuhos ang mga paruparo sa tiyan ko. Umandar na ang sasakyan at wala na ni isa sa amin ang kumibo. Sobrang awkward sa loob. Nasa magkabilaang bintana lang ang tingin namin at hanggang ngayon, di pa rin naaabsorb ng utak ko ang lahat.
Hindi ko rin mapigilang ngumiti.
''Ayradel,'' Halos kumawala ang dibdib ko sa kaba nang tawagin ako ni Richard. Nilingon ko siya. ''C-check your phone.''
Umiwas siya ng tingin habang namumula. Kunot noo ko namang kinuha ang phone ko. Pinalitan ko na ng random cute picture ang wallpaper ko, at bungad naman sa notif ko ang text message. I opened it.
Fr: Richard<3
Wala ka man lang bang sasabihin? :(
Marahan ko siyang nilingon. Pinipigilan ko pang ngumiti kasi baka magmukha akong baliw, ngunit bigla niyang iniwas ang tingin papuntang bintana. Pero unti-unti niya rin akong nilingon, at kitang-kita ko na ang kapulahan ng tenga niya.
Kanina pa pulang-pula ang isang 'to.
''A-ano?'' Aniya.
''Wala akong load e.'' sagot ko.
"Aish, hindi ko naman sinabing sumagot ka through text din!" aniya na parang inis na inis, pero agad din siyang natigilan. Umayos siya ng upo upang harapin ako. "I-I mean... wala ka bang sasabihin?"
"Saan?"
"K-kanina, y-yung..."
"Alin?" Parang mababaliw na ako kakapigil ng ngiti dahil sa itsura niya. Pulang pula, na parang anytime sasabog na.
"Nevermind, you don't have to answer me back. I can... wait. I mean. No.'' kinagat niya ang ibabang labi niya. "I will wait."
Natahimik muli ang bibig ko, pero nagwawala naman ang puso ko. Nakarating kami sa classroom nang sakto lang sa oras, dahil pagkaupo namin ay siya rin namang dating ng teacher namin sa Science.
''Are you already okay, Ms. Bicol?'' Nakangiting bungad sa akin ni Mrs. Reyes nang tawagin niya ako at palapitin sa kanyang table upang makausap.
Tumango ako at ngumiti rin.
''Opo,''
''Kakayanin mo na bang mag-compete? Hindi ba nawala ang mga minemorize mo for Science Quiz Bee?''
''H-hindi naman po,'' sagot ko. ''Bakit po?''
''Bukas muli officially'ng ipagpapatuloy ang naudlot na Science Quiz Bee.''
''P-po?'' Halos mabingi ako sa napakagandang balitang iyon.
''Yes, you will represent the Science Quiz Bee again tomorrow. Isang malaking tulong for a running for valedictorian like you.''
...
Author's Note:
I THINK THIS UPDATE IS BERI LEYM HUHUHU. KBYE. EDIT KO NA LANG SOME TIME.