Chapter 37: Just Stay
Ayradel's Side
Agad na dinala si Jayvee sa Infirmary ng Lee University. Hindi naman sobrang lala ng pagkakasuntok sa kanya ni Richard pero nakatamo pa rin siya ng mga pasa sa pisngi at cut sa ibabang labi.
"Ano bang nangyari, bakit kayo nagbugbugan doon ni Richard, ha Jayvee?" sabi ni besty habang nakatayo siya't nakacross arms sa harap ni Jayvee na nakahiga ngayon sa clinic's bed. Nilingon ko si Jayvee, habang nakaupo naman ako sa tabi ng kama niya.
"Di ko alam." Simple niyang sagot na nakapagpakunot sa noo naming dalawa ni besty.
"Paanong hindi mo alam? Ano yon, bigla ka na lang niyang sinuntok?! Trip niya lang?!" ayan na naman ang tono ng pagmamaldita ni besty.
Kaming dalawa lang ang nanatili dito sa Infirmary kasama si Jayvee, dahil si Ella ay kanina pang may klase. Busy rin ang iba pa naming kaklase at kami lang ni besty ang free sa ngayon.
"Sa amin na lang 'yon," sambit ni Jayvee kaya bahagyang kumirot ang dibdib ko. Namayani ang katahimikan kaya mas yumuko ako lalo sa gilid ni Jayvee upang manahimik din. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Masiyadong mabilis ang mga nangyari. Earlier, masaya ako dahil nakapasok ako sa difficult level ng quiz bee. Nagulat na lang ako nang makarinig kami ng sigawan. Si Ella ang nagturo kung saan banda ang ingay, at nakita na lang naming nagsusuntukan sina Richard at Jayvee.
Hindi ko alam pero ang laman lang ng utak ko ngayon ay kung saan pumunta si Richard. Nagi-guilty ako sa ginawa kong pagsigaw. Alam kong hindi dapat kami nakialam sa kanila.
I sighed, saka muling inalala ang ginawang pag-alis kanina ni Richard.
"Okay na ako."
Napadpad ang tingin ko kay Jayvee nang basagin niya ang katahimikan.
Umawang ang bibig ni besty nang makita namin ang paggalaw niya. Sandaling nahagip ng tingin niya ang mata ko pero parang napapasong umiwas agad siya ng tingin. Yumuko muli ako at kinagat ang ibabang labi, habang pinagmamasdan kung paano niya isinusuot ang kanyang sapatos. Wala nang nasabi pa si besty. Nanatili lang siyang nakatayo doon. Pero bago pa makatayo si Jayvee ay bumukas ang pintuan ng Infirmary Room at iniluwa ang magandang mukha ni Jae Anne, kasama ang tatlo pa naming kaklase na sina Jamaica, Herrence, at Gayle. She's always with different faces of our classmates, dahil marami siyang kaibigan at kasundo niya ang lahat. Bahagyang lumaki ang mata niya nang mapadpad sa amin ang tingin niya.
Maging kami ni besty ay natigilan rin.
Tumikhim si Jae Anne at tuluyan na silang pumasok ng Infirmary's room. Yumuko siya ng kaonti, at magalang na hinarap kami. Pansin kong suot niya pa ang short at sando na suot niya noong nagpapagaent siya. Hawak niya sa isang kamay ang isang plastic bag, habang nakayuko pa rin.
"Uh, nabalitaan ko lang yung nangyari kina Jayvee at Richard."
"So naga-alala ka?" biglang napatingin kaming lahat nang sumingit si besty.
Kumalabog ang puso ko kasabay ang pag-awang ang bibig ni Jae Anne na hindi agad nakasagot. "S-syempre naman, kahit naman siguro ikaw ang na-clinic, pupuntahan rin kita dito."
Agad kumunot ang noo ni besty at alam kong na-misinterpret niya ang ibig sabihin ni Jae Anne.
"Oo nga besty," pagsingit ko agad, sabay napatayo. "N-nung may lagnat rin ako, binigyan ako ng gamot ni Jae Anne."
Lumapit ako kay besty at hinawakan siya sa braso. "Tara na, besty. Jae Anne, pasensya na ah. Dito lang ba kayo? Una na kami!"
Pagkatapos ay hinila ko na palabas si besty kahit na parang nagrereklamo pa siya. Hinawi niya ang kamay ko sa braso niya.
"Bakit mo hinayaan si Jayvee kasama ang Jae Anne na 'yon doon?!"
"Ano ka ba, besty!" binitawan ko ng tuluyan ang braso ni besty nang makalayo kami. "Hindi mo dapat sinabi yon! Ano nang iisipin ngayon ni Jayvee?"
"Eh, bakit? Diba sinabi niya na sa'yong gusto ka niya? Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para hindi mo payagan ang Jae Anne na 'yon na—"
"Kahit na." sambit ko gamit ang mahinang tono.
Hindi ko rin maintindiha ang sarili ko. Nalulungkot ako pero wala akong nararamdamang selos... pero nalulungkot ako.
Umuwi na kami pagkatapos ng closing ceremony ng 1st day ng Science Camp. Buong araw ko sa Lee University e, hindi ko na nakita pa si Richard. Bukas ay sa Tirona High na gaganapin ang 2nd day, kaya naman pagpasok ko kinabukasan ay mas marami na ang estudyanteng mula sa iba't ibang school.
10 AM pa lang, at mamayang 1 PM pa ang simula ng Quiz Bee Oral Phase kaya naman dumeretso muna ako sa room upang pakinggan ang iaannounce daw ng adviser namin ngayon.
"Besty, kung gusto mo sa tabi ko muna umupo, doon ka muna. Hindi kayo okay ni Richard diba? Doon ka muna, hindi ka mamaminus-an dahil hindi naman 'to regular class." Sabi ni besty habang nakaupo siya sa tabi ko dahil hindi pa dumarating si Richard.
Pinagisipan ko ang sinabi niya. Pero ako 'yong tipo ng taong hindi napapanatag na may kagalit, kaya sa tingin ko ay dapat harapin ko si Richard Lee.
"Hindi, besty, dito lang ako." Sambit ko kasabay ang isang buntong hininga.
I'm tapping my fingers on my desk habang walang sawang tumitingin sa wall clock ng room. It's already 10:30am. Kanina pa nasa unahan ang adviser namin, pero wala pa rin si Richard.
"Oh. You're late."
Agad napadpad sa pintuan ang paningin ko at nakitang nakatayo doon si...
Si Moja. Kaklase lang namin.
"Sorry Ma'am. Hihi."
Bumuga ako bago napahilamos at sandaling ipinanatili ang mga palad sa mukha.
Shiz, hindi ako mapakali. Anong gagawin ko kapag dumating si Richard? Anong sasabihin ko? Kakausapin ko ba siya? Magso-sorry? Or hayaan ko lang muna?
Inalis ko ang aking kamay sa mata, at muntik na yata akong atakihin sa puso nang tumambad sa harap ko si Richard Lee na naglalakad na ngayon papunta sa direksyon ko. Agad kong hinabol ang aking hininga. Para akong mahihimatay na ewan dahil sa panginginig ng kalamnan ko.
He's... staring at me.
Blanko ang mukha niya pero ramdam ko ang bigat ng bawat titig niya.
Pero hindi ko mabasa. Parang naging mabagal 'yung oras ng paglakad niya papunta sa akin. Parang isang oras kaming nagtitigan. Ngunit naputol iyon nang makalapit siya at tahimik na tumabi sa akin sa kaliwa.
Muling naghuramento ang puso ko habang nakaharap ako sa board at pinakikiramdaman ang galaw niya. Parang pinagsisisihan ko agad yung pagtanggi sa offer ni besty. Parang gusto ko tumakbo ngayon papunta doon. Pero kahit gustuhin ko e, para rin namang nababato ang mga binti ko. Shiz, nakakalito.
Ilang minuto ang lumipas, pakiramdam ko, nabubutas na ang balikat ko. Yon lang talaga ang inintindi ko at wala nang nagsisink in sa utak ko sa mga sinasabi ni Ma'am sa harap. Inayos ko ang pagupo, pagkatapos ay napadpad ang tingin ko kay besty na nakatingin rin pala sa akin ngayon.
Itinuro niya ang armchair sa tabi niya na walang nakaupo. She's mounting something pero napansin ko ang agad niyang pagtigil at pagiwas ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko at automatic na nilingon ang katabi ko— na agad ko rin namang pinagsisihan dahil deretsong nagtama ang mga mata namin.
Ibinalik ko ang paningin sa unahan kasabay ng pagbuga niya ng hangin.
"Are you... avoiding me?"
Parang nilindol ang buong sistema ko sa sinambit niya. Nilingon ko siya pero hindi ko rin kinaya kaya bumagsak ang tingin ko sa sahig.
"H-hindi..." Sagot ko. This is it, kinausap na ako. Pero hindi ko pala kaya.
"Then why are you..." Narinig ko ulit ang mabigat niyang paghinga. "Then why do you want to change seats?"
Kinagat ko ang ibabang labi habang tinititigan ang sahig at pinaglalaruan ang aking daliri. Nanlalamig ang mga daliri ko at nararamdaman ko ang panginginig ng labi ko. Nagreplay na naman sa utak ko ang pagsusuntukan nilang dalawa sa mismong harapan ko.
"Bakit sinuntok mo si Jayvee?" sa wakas ay nasabi ko.
He sarcastically laugh. Mahina, pero sapat na para marinig ko. "Sa tono mo, sinasabi mo agad na kasalanan ko."
"O. Bakit kayo nagsuntukan?"
"Do I have to tell you?" mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Napatingin ako sa guro na nasa unahan.
"Syempre—"
"Syempre dahil lalaking gusto mo ang sinapak ko?" Natigil ako sa sinabi niya. Puno ito ng pait at galit. "Bakit ba lagi na lang siya ang pinagtatanggol mo?!"
"And why not? Ano ba kasing dahilan ng pagsusuntukan niyo?!"
"Exactly. You don't know the story yet siya pa rin ang kinakampihan mo."
"Pwede ba!" hininaan ko ang tinig ko. Mabuti na lang at medyo maingay rin ang ilan sa mga kaklase namin. "Pwede ba... this is not about kung sino yung kinakampihan ko! I just want to know..."
Bumuntong hininga siya... "But for me it is one that mattered the most... Kung sino ang kakampihan mo."
Parang biniyak ang puso ko sa sinabi niya. Naintindihan ko naman. Maybe may story na hindi ko na dapat malaman, dahil between sa kanilang dalawa lang. Siguro masyado akong pumapanig kay Jayvee.
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin...
"What do you think about me?" Sambit niya na naman pero hindi na ako nag-angat pa ng tingin. "Anong tingin mo sa akin ngayon?" He laughed sarcastically, at hindi ko sigurado kung bakit parang kinurot ang puso ko sa lungkot ng tawa niya. "Asshole, right? You think I'm asshole? Of course. Why are you even asking the obvious, Richard Lee? I will never be good to your eyes." He said.
Uminit ang gilid ng mata ko sa hindi malamang dahilan kaya kinagat ko ang aking labi. Sandali kong nilingon si besty na pinapalipat na naman ako sa tabi niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
Humanap ako ng pagkakataon na tumayo na sana... nang maramdaman ko ang pagpigil ng isang kamay sa pulso ko.
"Ayradel.."
Natigil ako at agad na napadpad ang titig sa kanyang mata. Kumirot ang puso ko nang makita ang lungkot dito... parang sinasabi na huwag akong tumayo.
Wag akong lumipat sa ibang upuan.
Umiwas ako ng tingin. Tinitimbang ko pa sa dibdib ko kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Lalo na noong gumalaw ang kamay niya para paglaruan ang daliri ng kaliwang kamay ko.
You've got magic inside your fingertips,
Leakin' out all over my skin,
Everytime that I am close to you,
You're making me weak with the way you look into those eyes
Para akong nawawalan ng hininga.
"I know I'm asshole..." Aniya, sapat na para marinig ng puso ko at ng tenga ko. His voice is husky, na parang nahihirapan sa pagsasalita. "I know I'm unlikable. I won't ask you to side on me. But, promise. Hindi kita guguluhin. Hindi kita kukulitin. I won't do anything that will pissed you off. Just... stay on your seat..."
...Stay here with me."
Naramdaman ko ang pagsiklop niya sa mga kamay namin. Para akong hinuhugutan ng hininga. Parang hinahalukay ang dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Hindi ko maimagine na magkahawak kami ng kamay ngayon. At hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako pumapayag?! Ano 'tong nararamdaman kong saya? Ano 'tong nararamdaman kong lungkot?
Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa sinabi niya.
Isa lang ang na-kumpirma ko sa lahat ng bakit ko...
I like him. Kahit gaano ko pa itanggi ay hindi ko na kaya pang itago. I like Lee-ntik. I like Richard Lee. I like my seatmate.
Sh1t! Kahit ako ay hindi alam kung bakit humantong ang lahat sa ganito!
{...}