webnovel

CHAPTER 7

Chapter 7: Secret place

Nakatulala lang akong nakatingin sa labas habang bumubunganga ang teacher namin sa harapan.

'Okay na kaya siya?'

Potaaa! Ba't ko ba siya palaging naiisip? urg! Erase erase! wala lang 'to. Nacu-curious lang ako kung kailan siya magigising para maisagawa ang plano ko. 'Yon lang! No malice.

"Mr. zy?" Napaupo ako nang maayos nu'ng marinig ko ang apelyido ko na timatawag ng teacher namin.

"Tsk, dre Pang-pitong tawag na niyan sa'yo. Tsk, kung sino-sino kasi iniisip mo!" Pabulong na sigaw ni anthon sa'kin sa gilid.

Pang-pito? what the hell! at reka nga! Sino agad? di pwedeng ano muna?

"Mr. zy!!!" Kingina! galit na siya.

"Yes maam?" I said with full of respect.

Tumayo na rin ako para ipahiwatig ang pag-galang ko. Kahit kasi anak ako ng may-ari ng school na'to ay walang special treatment sa loob ng room- sa cafeteria lang tsaka sa chix rin. hihi

"I said how how many planets we have?" kalmadong saad niya ngunit alam kong puputok na ang butchi- este bulkang mayon sa loob-loob niya.

"9 maam?" hindi sigurado kong saad kaya pinandilatan niya ako ng mata.

"Name it!" Biglaang sigaw niya kaya nabigla ako. tsk! sigawan ba daw ako? Baka patalsikin kitang gurang ka eh! buti nga't may repesto pa ako sa'yo.

"My Very Eldest Mother Just Save Us Nice Porridge. Means-- Mercury, Venus, Earth, Mars,upiter, Saturn, Uranus, Neptune and ploto." I said and everyone clap their hands.

wait? May sinabi ba akong kamangha-mangha? tsk.

"Nice, but wrong answer." She said at umupo na ako sa upuan ko.

"Bakit ka umupo, aberrrr?" Taas-kilay niyang saad kaya tinaasan ko rin siya ng kilay Papatalo ba ako?

"Kasi tapos na'kong sumagot?" Patanong kong saad sa kaniya.

"Sinabi ko Bang umupo ka, (bata) baterrr? " Kinginang Baboy language 'yan. Itim na nga ang kilikili pati ba naman bunganga at pananalita? tsk kabanas tong gurang na'to.

Tumayo na lang ako para hindi na hahaba 'tong usapan na'to. Tumingin ako sa kaniya. Tingin na parang walang gana. tsk makiramdam ka sanang baboy ka Mrs. Tambochi. Yes, that's her name. Bagay na bagay sa kaniya no?

"Your answer is nice but it is wrong.." Ulit uit tambolchichi?

Natapos siyang magdiscuss na NAKATAYO lang ako magdaman. Potangina! Sasabihin ko talaga kay dad na ipatanggal na ang tambolchichi na 'yon. Kaimbyerna. Sira ata turnilyo sa utak no'n at ako ang pinapaayos. potcha.

"H'wag na badtrip Mr. last man standing, makikita mo naman mamaya si Ms. Unknown, HAHAHAHA" Rinig kong turan ni Anthon na nakakaasar. Pota! Pinaalala na naman yong babaeng 'yon.

Kanina pala, Pagkatapos hinatid ni jacob si unknown girl ay agad din siyang pumasok ng classroom at sandamakmak na tanong naman ang binabsto sa kaniya ng dalawa. Buti nga't nakabalik pa siya eh, Hindi na'tin alam? baka ano pang gawin nila sa isa't-isa lalo pa't feeling ko ang suplada ng unknown girl na 'yon. Ba't ba? feeler ako eh.

"Tara gala!" Anunsyo ni dero.

Eh? akala ko ba at recess lang ba't gala ang nasa isipan ng isang 'to. Amp

"Hoy! Si unknown girl oh!" Rinig kong turan ni jacob habang nakatingin sa isang direksiyon. Tiningnan ko ito at si unknown girl nga, mag jsa lang siyang naglalakad papunta sa kung saan man.

"Oy pre! Tara na nga! Nagugutom na ako," Nakuha ko naman ang kanilang atensiyon ng sabihin ko iyan.

I have a plan.

Habang naglalakad ako ay hinawakan ko bigla abg tiyan ko na agad namang ikinataranta nf tatlo.

"Dude! Okay ka lang?" Anthon ask.

"Hey kalma! Punta lang muna ako ng C.R at mukhang tinatawag muna ako ni inang kaiikasan," I said at agad naman silang nagsitanguan.

"Sure kang okay ka lang ah!" Tinanguan ko na lang sila at agad ring naglakad palayo.

Nang makita kong naglalakad na sila papuntang cafeteria ay agad akong tumakbo at hinanap si unknown girl.

Pumunta na ako sa kung saan-saan hanggang sa may narinig ako at naagaw ng atensiyon ko 'yon.

"Hoy! Alam mo 'ba! Nakita ko 'yong bagong transferee. Nasa lumang garden at kumakain. Yaks! Ang baho na kaya ro'n!" Rinig kong usisa ng isang babae na naglalakad.

Nakita nila akong nakatingin sa kanila kaya imbes na tumakbo palayo ay nagsitilian pa muna sila mismo sa harap ko. Tsk! Mga babae talaga.

Napahinto naman ako ng maalala ko ang sinabi ng babaeng 'yon.

Lumang garden?

Fuck! that's my secret place!

Agad akong tumakbo papunta ro'n At nang makita ko na ang likuran niya ay sisinghalan ko na sana siya ngunit napahinto ako nang may maamoy ako.

Tiningnan ko kung saan nanggaling 'yon at gano'n na lang ang gulat ko ng papunta ito sa direksiyon ni unknown girl. Lumapit ako ng lumapit sa kaniya hanggang sa nakompirma ko...

Bagoong ang ulam niya!

for fuck's sake--

Huli na ng maramdaman ko ang pangangati ng katawan ko hanggang sa unti-unti na akong nauubusan ng hininga at nawalan ng malay...

All went black.

TO BE CONTINUED...