webnovel

Chapter: 52

" mabuti naman at tumawag ka major del gado.. Kanina pa nga ako nag hihintay sa tawag ninyo.. Sige puntahan niyo na yung lumang bahay para ma-rescue niyo na siya.. Basta siguraduhin ninyong hindi masasaktan si sonya.." Kaagad na utos ni don ramon kay major del gado sa kabilang linya.

" sige ho Don ramon kami na ho ang bahala dito.. Tatawag nalang ho kami ulit kapag na sa amin na ang biktima.." huling saad ni major delgado bago tuluyang nawala sa linya.

Nang mawala sa linya si major del gado ay kuyom ang kanyang kamao na ibinalik sa bulsa ng kanyang suot na polo ang kanyang cellphone.

Naglakad ito papunta sa beranda ng kanyang kuwarto at malayo ang tanaw na tila may iniisip itong malalim. Humugot pa ito ng malalim na hangin mula sa kanyang lalamunan. Maya maya pa ay naglakad ito palabas ng kanilang kuwarto at bumaba upang kumain ng tanghalian.

Mga tatlong oras pa ang nakalipas ay dumating na si donya Vicky. dali dali itong pumasok ng banyo at naligo. Matapos ni donya vicky maligo ay siya namang pasok ni don Ramon sa kanilang kuwarto at naabutan niya si donya vicky na nag bibihis.

" saan ka nanaman galing vicky?"

Kaagad na tanong dito ni don Ramon pagka pasok palang nito ng kuwarto.

Nabigla naman ang donya sa tanong ni don Ramon sa kanya. Hindi muna ito sumagot. Mabilis itong nagbihis ng hanggang siko ang maggas na Blouse upang maitago ang mga kalmot niya sa braso. At kaagad na nagpahid ng makapal na cream sa mukha upang hindi masyado mahalata ng don ang kanyang mga sugat sa mukha.

" ano ba! Uulitin ko ulit ang tanong ko vicky. Saan ka nanggaling?! Bakit ngayon ka lang dumating?! Maaga palang kanina ay umalis ka na at sinabi mong may bibilhin ka lang sa mall? Bakit inabot ka ng ganitong oras sa pag-punta mo sa mall?!"

Pag uulit ng don sa kanyang tanong ng hindi parin sumasagot si donya vicky dito.

" ano ka ba naman ramon.. Hindi ba pwedeng nag relax lang ako sa mall.. Nagpa massage ako ng buo kung katawan at nanood ako ng sine.. "

Paliwanag ng donya kay don ramon habang dahan dahang naglakad palapit sa gawi ng don.

" talaga? Ginawa mo yun ng mag isa? " muling saad ng don dito at mariing tinitigan sa mga mata si donya Vicky.

" oo naman bakit hindi.. Gusto kong mag relax matapos ang birthday party ko.. Napagod kaya ako nung birthday ko sa dami ng mga inasikaso kong bisita.. " palusot ng donya kay don ramon at sinalubong nito ng titig ang mga mata ng don na mariin paring nakatitig sa kanya.

Nag buntong hininga muna ang don bago muling nag salita.

" sinungaling!!! "

saad ng don dito sa mataas na boses at matapos sabihin iyon ay sinampal niya sa kaliwang pisngi si donya vicky.

Nabigla naman ang donya sa ginawang pag sampal sa kanya ng don. Hinimas nito ang pisngi na sinampal ng don gamit ang kaliwa niyang kamay. Nag salubong ang dalawang kilay nito na muling ibinaling ang mga tingin kay don ramon.

Si don ramon naman ay kagat ng mariin nito ang kanyang mga ngipin at muling nag salita.

" anong ginawa mo kay sonya?! Bakit mo pinalabas na patay na siya?!!! " muling tanong ni don ramon sa mas mataas na boses.

" bakit ramon! Masaya ka na ngayon dahil nalaman mong buhay pa pala siya?!" tugon ni donya vicky sa may kataasang boses na rin.

Muli siyang sinampal ni don ramon sa kanang pisngi naman at mas malakas.

"Pak!"

" ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan vicky! Pinakasalan kita at pinag tiisang pakisamahan ng maraming taon. Alang alang sa mga anak natin! Huwag mo lang saktan si sonya! Pero anong ginawa mo!? Pinalabas mo pa siyang patay na! Ikinahihiya kita vicky! Hindi ko akalain na ganyan ka pala kasamang babae! Sarili mong kapatid na ka-dugo mo pa mismo ay pinahirapan moo!!Anong klase kang tao huh vicky?!!! "

Bulyaw ni don ramon kay donya Vicky na nagtatagis parin ang mga bagang at kuyom ang mga palad na nakatitig kay donya Vicky.

Si donya Vicky naman ay umiiyak na ng mga sandaling iyon. At halos hindi makatingin ng tuwid kay don ramon.

" alam mo kung bakit ko iyon nagawa ramon?! Dahil— alam ko! Na mula noon at hanggang ngayon ramon! Si sonya parin ang mahal mo! Kung hindi lang dahil sa nabuntis mo ako kaya napilitan kang pakasalan ako! At akala mo— Hindi ko alam na kahit kasal na tayo nun at buntis ako ay tuloy parin ang pakikipag kita mo kay sonya! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun huh! Ramon?!!! "

Tugon ni donya sa don sa mas mataas na boses na rin. Nag punas ito ng mga luha sa pisngi at muling nag salita. Habang ang don naman ay tahimik paring matiim ang pag kakatitig kay donya Vicky.

" ako ang nauna sayo ramon.. Ako ang una mong minahal.. Pero bakit hanggang sa huli ang kapatid ko parin ang pinipili mo?.. Ginawa ko naman ang makakaya ko para mahalin mo ako..? " muli nitong saad.

" alam mo kung bakit Vicky? Dahil unti-unti kong nakita ang masama mong ugali kaya ikaw na rin ang nag bigay sa akin ng dahilan para mabaling ang pagtingin ko sa kapatid mo. Malayong malayo ang ugali ninyo ng kapatid mo.. Kaya hindi mo ako masisisi kong bakit ko minahal si sonya. "

Tugon ni don ramon kay donya vicky na bahagya pang umiling iling ito.

Patuloy parin sa pag iyak si donya Vicky at nang mga sandaling iyon ay mas lalo pa itong umiyak hanggang sa tuluyan na itong humagulhol.

" oo! Lahat naman kayo! Palaging si sonya ang pinipili ninyo! Kahit ang mga magulang namin ay si sonya ang palaging kinakampihan! Kayo rin naman ang gumawa ng dahilan para maging ganito ako!"

Muling tugon ng donya sa mas mahinang tinig na.

" kasi nga vicky— hindi mo binabago ang masama mong pag uugali! Masyado kang makasarili. Puro nalang kalamangan sa kapatid mo ang nasa isip mo! Hanggang sa huli kahit matatanda na tayo ay hindi ka parin nag bago.. Nagagawa mo paring pasakitan ang kapatid mo.. Kailan ka ba makakapag isip ng tama victoria?! "

Tugon ni don ramon sa mas mahinang tinig na rin. Ipinikit pa nito ng mariin ang dalawang mata at iniling iling ang kanyang ulo habang nakatikom ang bibig.

Hindi naman na nagsalita pa muli si donya vicky ngunit patuloy parin ito sa pag-iyak.

" kapag nalaman ko na sinaktan mo si sonya, vicky hindi ko na alam kung ano pa ang maaari kung gawin sayo.. Baka ako na mismo ang magpa kulong sayo.." saad pa ni don ramon kay donya Vicky bago ito naglakad palabas ng kanilang kuwarto.

Si donya vicky naman ay naiwan paring umiiyak ng mag isa sa loob ng kanilang kuwarto.

" tinitiyak ko sa inyo ramon na nasa akin parin ng huling halakhak. " bulong ni Vicky sa kanyang sarili at tumawa itong ng nakakaloko.

Habang naglalakad si don Ramon pababa ng hagdan ay siya namang pagtunog ng cellphone nito. Agad niyang kinuha mula sa bulsa ng kanyang suot na Polo ang kanyang cellphone at dali daling sinagot nito ang tumatawag sa kanya.

" don ramon.. Nakuha na ho namin ang biktima at dinala ho namin siya sandali dito sa presinto upang makuhanan ng Statement.. Ano hong balak ninyo sa kanya? Saan ho namin siya dadalhin matapos namin siyang makausap dito?" Agad na Tanong ng taong nasa kabilang linya kay don ramon.

" salamat major.. Hindi ako nagkamali ng pagkuha sayo.. Ite-text ko nalang sayo ang adress kung saan niyo siya dadalhin..

Paki-antay nalang din mamaya ang perang pinag usapan natin.. Ipapa deposit ko agad sa aking secretary." tugon ni don ramon kay major del gado na nasa kabilang linya.

" marami hong salamat don ramon.. Babalitaan ko nalang ho kayo kung nadala na namin si ma'am sonya sa sinasabi ninyong adress.. " tugon ni major del gado sa don.

Nang mawala na sa linya si major del gado ay kaagad ding tinawagan ng don ang kanyang secretary at inutusan ito na mag deposit ng limang milyon sa Account ni major del gado. Kasunod naman niyon ay tinawagan niya ang kanilang katiwala sa kanilang rest house sa Batangas upang abisuhan ito na linisin ang buong rest house at doon niya patutuloyin si sonya. Doon nalang niya muna patitirahin si sonya habang inaayos niya pa ang lahat. Balak niya kasing bilhan ito ng maayos na tirahan upang maranasan naman nito ang magkaroon ng magandang pamumuhay. Pambawi manlang sa mga ginawang kasamaan dito ni Vicky. Tsaka niya nalang pag iisipan kung ano ang gagawin niya kay vicky kung hihiwalayan niya ba ito na ngayong nalaman niyang buhay pa pala si sonya. o patuloy niya paring pagtitiisan na pakisamahan si Vicky alang-alang sa kanilang dalawang anak. Mag tatalaga din siya ng mga taong mag babantay kay sonya upang masiguro na hindi na ito muli pang magagalaw ni Vicky.

Nang sumapit ang gabi ay hindi natulog si don ramon sa kuwarto nilang mag asawa. Pinili niyang matulog sa guest room nila dahil sumasakit ang dib-dib niya sa naiisip na ginawang kalokohan ni Vicky sa mismong kakambal pa nito. Hindi niya akalain na may ganung kasamang pag uugali pala ang babaeng pinakasalan niya at ina pa mismo ng dalawa niyang anak.