webnovel

Chapter: 32

Mahigit isang oras din ang naging biyahe ko mula Ortigas papuntang pasay dahil na rin siguro sa rush hour na akong naka-alis ng bahay.

Ganap na alas kuwatro imedya ng makarating ako sa office ni eloisa.

Hindi muna ako lumabas ng aking sasakyan a-antayin ko nalang ito sa parking lot.

Ayoko maka-istorbo sa mga balak pa nitong gawin sa kanyang opisina.

Mga ilang sandali pa akong nag-hintay at may nakita na akong babaeng naka pink na bestida.

Mukhang may hinahanap ito sa paligid. Hindi ko masyado ma-aninag ang kanyang mukha dahil tented ang salamin ng aking sasakyan.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumaba ako. Agad kong nakilala ang babaeng nakatayo at palinga-linga sa paligid.

" eloisa.." salitang naiusal ko habang nakatingin ako sa babaeng maganda na halos kaharap ko na.

" hi sir Jordan.." agad na saad nito sa akin ng mapansin niya ako.

" loisa.. Ah-- eh.. Nakababa ka na pala.." tugon ko dito na nauutal utal pa.

First time kong makaramdam ng ganito sa isang babae. Halos mapipi ako dito at ang tanging gusto ko lang ay ang matitigan ito sa kanyang mga mata. Ang mga mata niyang nang-aakit tingnan na naka ngiti na kahit hindi pa ito naka ngiti.

" hey sir Jordan.. Okay lang po kayo?" muling saad nito na may pagtataka sa kanyang mukha.

" ah-- oo! Oo! Okay lang ako.. Pasensya na.. Hindi ko lang akalain na nasa harap na pala kita!.." tanging na sabi ko dito at na pakamot ako sa aking ulo.

Napa buga ako ng hangin mula sa aking bibig. Feeling ko tuloy ay na pahiya ako dito. Bawas pogi points.

" Sir naman! Ano yun parang multo lang na biglang sumulpot sa harapan ninyo!?.. " muling saad nito.

At tsaka tumawa ito ng tumawa.

Ang tawa niyang parang isang magandang musika sa aking pandinig.

Lalo itong gumaganda sa aking paningin at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang bestida.

Iniling iling ko ang aking ulo upang bumalik ako sa sa sistema. Nakita ko itong tumatawa parin.

Mas lumapit pa ako dito at ng kaunti nalang ang distansiya namin ay kaagad ko itong hinila sa kamay.

" tara na nga! Pinag-tatawanan mo na ako!.."

At iginiya ko na ito patungo sa aking sasakyan.

" dito ka na sumakay ipapahatid ko nalang kay mang Arthur ang kotse mo sa apartment mo mamaya.."

" okay sige.. Sabi mo yan sir ha.."

Saad nito sa akin.

" gusto mo kapag nakalimutan ko ako mismo maghahatid sayo dito bukas.."

Tugon ko dito. Hindi ito umimik sa sinabi ko. Nang bumaling ako ng tingin sa mukha nito ay bahagya pa itong namumula.

Ngingiti ngiti naman ako dito habang inalalayan siya na makasakay ng kotse ko.

Eloisa's POV:

Naka upo ako sa harap ng sasakyan ni sir Jordan. At Ilang pulgada lamang ang layo ko dito kung kaya't Amoy na amoy ko na naman ang ma bangong  pabango nito.

Tahimik lang itong nagmamaneho at panaka-nakang sumusulyap sulyap sa kina uupuan ko.

Naisip ko na ito na ang pagkakataon ko para usisain ito tungkol sa ama nila ni sir david na si don Ramon del Castillo.

Tumikhim muna ako bago nag-salita.

" ahmm.. Sir.. mabait po ang daddy ninyo noh.. Mabait din po siguro ang mommy ninyo?.."

Panimula ko dito. Ngumiti ako dito ng lumingon ito sa gawi ko.

"bakit mo naman nasabi?"

Tanong niya sa akin at muling ibinalik ang paningin niya sa kalsada.

" eh kasi po nung nag punta po ako sa bahay ninyo mukhang friendly po siya dahil nakipag kwentohan pa ito akin."

Tanging na sabi ko dito. Wala na kasi ako ibang maisip kung paano mag si-simula dito ng tungkol sa kanilang ama.

" ahmm yes.. Mabait si dad.. Noong mga bata pa kami ay madalas na wala din siya noon dahil lagi siyang nasa business trip. Pero kapag nasa bahay naman siya ay bumabawi siya sa amin ni david.. Ang madalas naming bonding noon ay ang  panonood ng movie.. Mahilig kasi manood ng Movie si dad.. Kahit hindi pa nga namin masyado gusto ni david yung movie ay nagpa panggap na lang kaming nanonood din! "

Pagku kwento nito at tumawa tawa pa ito habang umiiling iling.

Hindi ko na rin mapigilan ang tumawa. Napuno ng tawa namin ang kanyang sasakyan.

" eh nasaan po ang mommy ninyo nun sir? Bakit kayo lang ang nanonood ng Movie kasama ang daddy ninyo..? "

" ah si mommy.."

Suminghap muna ito bago itinuloy ang kanyang pag sasalita.

" si mommy noon ay madalas na wala sa bahay.. Lalo na kapag si Daddy ay nasa business trip. Asahan mong si mommy ay nasa galaan din.."

Sumulyap siya sa gawi ko at tsaka ipinag patuloy ang kanyang pagku-kuwento.

" mga kasambahay lang at si yaya ang madalas namin kasama noon.. Pero kahit ganun si mommy ay hindi namin siya isinusumbong kay Daddy.. Ayaw kasi namin ni david na mas lalo silang mag-away ni Dad.."

Narinig kung  bumuntong hininga ito ng malalim bago muling nag salita.

" madalas kasi nun na nakikita namin ni David sina mommy at Daddy na nag aaway. Kahit pa nga nasa loob na kami ng kuwarto namin ni David ay naririnig pa rin namin sina mommy at Daddy na nag aaway.."

Nang huminto ito sa pag sasalita ay muli akong nag tanong dito.

" baka naman po babaero kasi ang daddy ninyo sir?.."

Pagka-sabi ko nito ay bumaling ako ng tingin kay sir Jordan. Lumingon siya sa akin at nag tama pa ang aming paningin.

Ngumiti ito sa akin at nang hindi ko matagalan ay nag baba ako ng aking paningin.

Muli itong nag salita.

" bakit mukha bang babaero si Daddy? Ha eloisa?.. Ano sa tingin mo?"

Tanong nito sa akin at bahagya pang tumawa ito.

" sa tingin ko po sir ay mukhang babaero si don ramon.. Guwapo ito at mukhang ma-appeal noong kabataan niya.."  tugon ko dito.

Muli itong nag salita habang nakatutok parin ang kanyang paningin sa kalsada.

" hindi naman lahat ng Guwapo ay babaero.. Yan ang tatandaan mo eloisa.. "

Pagkasabi niyon ay tumawa ito. Sinipat ko lang ito ng tingin pero binawi ko rin kaagad. Baka mag tama nanaman ang aming pangingin.

" well tama ka.. siguro nga babaero si dad.. Kasi madalas nun may binabanggit si Mommy na pangalan ng isang babae noon.. Hindi ko lang matandaan yung pangalan. Ang pangalan ng babaeng yun ang palaging binabanggit ni Mommy kay Daddy sa tuwing nag aaway sila.. "

Muli nanaman itong umiling iling.

" sa isip ko naman nun ay may dahilan din naman si Daddy kung bakit nam bababae ito.. Halos wala naman kasi ginagawa si mommy nun sa bahay.. Hindi niya nga magawang lutuan kahit si Daddy nun.. Palagi sa mga kasambahay lang iniuutos ni Mommy ang mga dapat gawin. At gusto niya pa sa tuwing wala sa business trip si dad ay lagi siyang naka buntot dito. Siguro nag sasawa na siya sa ugali ni mommy dahil sa selosa na ay ma bunga-nga pa ito." saad niya pa.

" ah ganun! Kapag nag sawa na pala kayo sa mga asawa ninyo ay mag hahanap pala kayo ng iba! Ganun pala yun.. Naku! Hindi nalang ako mag aasawa noh.. "

Saad ko dito habang naka tingin sa labas.

Narinig kong natawa ito sa sinabi ko.

" hindi naman sa ganun baby.. Case to case basis naman yun.. Wala naman perpekto diba.. "

Pagka sabi nun ay tumingin ito sa akin.

" pero kapag ikaw ang na pangasawa ko ay sa palagay ko'y hinding hindi ako mam bababae.."

Matapos niyang sabihin iyon ay tsaka lang siya nag bawi ng tingin sa akin at ibinalik muli ang kanyang paningin sa labas.

Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Pakiramdam ko sobrang init ng buo kong mukha.

Nang maramdaman ko iyon ay pinihit ko ang aking mukha sa kanang bahagi ko at tsaka ibinaling ang paningin sa labas.

Natatakot ako na makita niya ang mukha ko. Dahil malamang sobrang pula nanaman ito na parang kamatis.

Ilang minutong binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Dahil matapos  na sabihin ni sir Jordan iyon sa akin ay hindi na ako nag balak pang mag salita muli at ganun din ito.

Seryoso na itong nakatutok ang paningin sa kalsada.

Hanggang sa Narinig kong tumikhim ito.

" ahmm... baby.. My boyfriend ka na ba?"

Tanong nito sa malambing na tinig.

" ah.. Boyfriend.. Wala po... At wala pa po akong balak may pangarap pa po kasi ako..." tugon ko dito.

Narinig kong tumawa ito.

" grabe ka naman baby! Porket may boyfriend na ay mag-aasawa na?.. " Saad nito at tumawa nanaman siya.

Ngunit sa daan parin naka baling ang kanyang paningin. Tumingin ako dito at bahagyang inirapan.

" ahmm.. Baby kapag nanligaw ba ako ay may pag-asa ako sayo?.. Tanong nitong muli sa akin.

Sandaling lumingon ito sa gawi ko at ibinalik din naman kaagad ang kanyang paningin sa harap.

" ay grabe si sir oh.. May balak pala talaga!.. Sorry sir ha.. To tell you honestly po.. Hindi ako pumapatol sa may karelasyon na.. Sabi din po iyon ng nanay ko dati.. Na huwag daw ako papayag na may kahati.. Niloloko niyo yata ako sir eh!.." tugon ko dito.

Napakamot ako sa aking ulo. At bahagya kong sinuklay ang nakalugay kong buhok.

Hindi naman na ito umimik sa sinabi ko.

Hanggang sa inihinto niya na ang kanyang sasakyan sa harap ng isang mamahaling five star hotel.

" baby.. Baba ka na muna.. Doon mo nalang ako hintayin sa entrance. Ipa-Park ko lang muna itong sasakyan ha.."

Saad nito sa akin. Tumango lang ako dito. At inalalayan niya pa akong maka-baba ng kanyang sasakyan.

Nang makababa na ako ay nag-tungo na ako sa main entrance ng hotel.

Nang lingunin ko ito ay kaagad na itong bumalik sa sasakyan at pinaandar patungo sa basement ng hotel. Marahil doon ang parking lot ng hotel na ito.