"Nasaan na ba 'yon dito", she's searching for JamTv kung saan napanood niya yung nagustuhan niyang MV kanina.
Hinahanap niya ito sa Youtube, kanina pa siya scroll ng scroll ngunit walang paring tumutugma sa napanood niya kanina.
"Wag mo nang i-search 'yan, gusto mo bang matulad sa best friend mong si Ley?"
"Sino ka?", sabi ni Say.
"Ako ang mabuting mong konsensya"
Tumingin si Say sa kaliwa "Eh... bakit pamilyar boses mo?", good conscience said.
"Ah ganun ba, gusto mo bang ibahin ko boses ko? Osige, s-sandali lang, wag mo ngang iniiba yung usapan."
"Eh gusto ko ngang panoorin yung MV na 'yon huhuhu. Ngayon lang ako na-crave ng ganito bakit hindi pa ako ma-satisfied."
"Tignan mo ang mga nangyayari? Hindi ba, hindi umaayon sa iyo yung YouTube, ayaw niyang ipakita sa iyo yung MV. Tignan mo, sila na yung gumagawa ng paraa para hindi ka masyadong mahumaling diyaan..."
"Alam ko namang naging masama ako sa mga kaibigan ko eh, dahil lagi akong kill joy at lagi ko silang inaaway pero pwede bang sa iba niyo na lang ako parusahan huhu."
"Hindi ka magiging masaya kung hindi mo mapapanood yan, sigi lang hanapin mo naman sa Google... "
(Ley! sinabi ko)
(Hayaan mo na ako, hinayaan naman kita kanina eh. Hahaha gawin natin siyang baliw whahaha)
(tumahimik na lang ako)
"Sino ka naman? Bad conscience? Ikaw ba yan?"
"Uh... Oo tama ka! ako nga, sige na i-search mo na agad "
Sinunod ni Say si Good Conscience at hinanap na niya nga sa Google "Hayun!! app ka pala", nahanap na niya nga sa Google at ininstall niya na agad. Tuwang tuwa si Say at mukang satisfied talaga siya sa nakita niya.
"Sige magsaya ka at ubusin mo ang oras mo sa kapapanood", sabi ni bad conscience.
"Maraming salamat Bad Conscience", masayang sinabi ni Say.
(Tumingin ako sa cellphone ko, nagulat ako at sinabing ko kay Ley "Huy Ley! Tara na! 10:32 na!)
("Shh!" tinakpan ni Ley yung bibig ko at dali dali na kaming umalis)
Say's POV
"Huh? Tara na? Aalis ka na? Nasaan ka ba? Ley ba pangalan mo?Kapangalan mo yung best friend ko, what a coincidence!", sabi ni ko at may nakita akong dalawang babae, nagmamadaling umalis. "Huh? Sino 'yon? Mukang galing siya sa likod ah" *tumingin siya sa likod* "Ah, baka nagskip lang ng school. Hm, never mind basta manonood na lang ako", kilig ako hihi.
Ley's POV
Nakabalik na kami sa room ni Ghie, at sakto nagg'good morning pa lang sila kay Sir. Sinabi namin dalawa "Good morning Sir!" yumuko at pumasok na agad kami.
"Ghie! muntik na tayo kanina! Hindi ka kasi nagiingat eh, haha"
"Eh, ano palang gusto mo? malagay yung pangalan natin sa nagskip class? Atsaka akala mo ba talaga naniniwla si Say sa pinagsasabi nating bad conscience at good conscience?
"Oo ah, haha kita mo naman siya kanina diba? hahaha. Eh sinimulan mo kasi eh, pinatulan ko lang kalokoham mo hahaha"
"Pero anggaling mo hah, hahaha"
"Oo ah, ganon kasi yung mga napapanood ko haha"
(pabulong naming pinaguusapan)
"Anong pinaguusapan nyo diyaan?!! Baka pwedeng i-share nyo naman para hindi lang kayo yung tumatawa", sabi ni Sir.
"Wala po Sir."
(After class)
Magkasama uli kami ni Ghie na naglalakad pauwi.
Pinaguusapan namin si Say pero ang sabi ko naman "Ghie, gawa nalang tayo ng GC, tapos duon tayo mag-usap", umagree naman si Ghie kasi papauwi na siya at hindi nga naman kami makakapagusap kapag malayo kami sa isa't isa.
Ghie's POV
'Ley, invite you to the group'
"Panigurado bukas niyan malelate siya tapos haggard na haggard hahaha!", chat ni Ley sa'kin.
"Eh bakit naman?", reply ni ko.
"Hellooo?!? Syempre! pagkatapos niya panoorin yung MV, may magpapop-up na interested na vid tapos papanoorin niya yon.
Tapos may nagpop-up nanaman tapos pipindotin niya nanaman ulit tapos may nakita nanaman siyang vid na interesting hanggang sa may nakita siyang trailer tapos pinanood niya tapos...
Edi naengganyo nanaman siya tapos sinearch niya, series pala 'yon tapos pinanood niya hanggang sa nandoon na siya sa climax part tapos hindi na niya namalayan na gabing gabi na pala.
Pero tinapos niya parin yon kahit antok na antok na siya, kaya ayon!
"Tapos?", tinanong ko.
"Tapos na hehe", sagot naman Ley.
Masyado ka ng maraming napanood na series! haha!
Dapat ako yung magsabi niyan kasi ako yung writer dito. Ako dapat yung imaginative hahaha.
Hahaha, pero Ley, Oo nga naman, possible naman yang mga sinasabi mo...