webnovel

Flashback Ending

Aliyah Neslein Mercado's Point of View

I'VE BEEN hurt, lied to and broken hearted but that doesn't mean that my life stops there. I believe that even the prettiest flowers would die one day. It's nature's way of teaching us that nothing lasts forever, even heartaches.

Jam is really a great help. He told me that everything is temporary.What I've been through is just a phase. Just a lesson that will make me strong.  Oo, masakit pa rin kapag naaalala ko. But pain is bearable now. Hindi na ako umiiyak na katulad nung dati.

Siguro nakatulong din yung pagkakaroon ng "kami" ni Jam. Kahit na alam naman namin pareho na we won't end up together, ginawa namin ang best para mag- work out ito.

Alam naman ng pamilya namin kung ano ang totoo sa relasyon namin ni Jam. Ours is like a relationship with convenience. He is just helping me to move on or kahit hindi man, makalimutan ko man lang yung sakit na idinulot sa akin nung break up with Onemig. Sa part ko naman, natutulungan ko si Jam na makaiwas sa mga aggressive girls. Simula nga nung sumabog yung balita sa school na kami na, wala ng nagtangka na mag-flirt sa kanya. Sakit kasi ng ulo, hindi lang sa kanya kundi pati na rin kila tita Maybelle. Hanggang sa house nila kasi, may mga girls na nagpupunta. Sobrang aggressive kasi ng ilang girls dito, may pagka-liberated pa. Ayaw nila syempre na mapariwara si Jam.

Ako pa lang talaga ang naging girlfriend ni Jam. Although may hangganan itong relasyon namin, inaalagaan at pino-protektahan pa rin namin ang isat-isa. Masasabi kong kung hindi lang talaga ako in-love kay Onemig, okay na sa akin si Jam. Pero kahit na halimbawang walang Onemig eh hindi naman talaga kami pwede ni Jam. Ginagawa lang namin ito para sa kapakanan ng isat-isa. Hindi kami pwede sa huli. Hindi. Hindi talaga.

Dahil si Jam ay nakalaan na sa iba.

About Onemig naman, wala na akong balita ulit sa kanya or mas tamang sabihin na iniwasan ko na talaga. Nagpaliwanag sya nung araw na mag-comment sya dun sa post ni Jam. After kasi nun, nag pm sya sa messenger ko, pinaliwanag nya yung totoong nangyari pero hindi ko na sinagot. Para sa akin, bakit ngayon lang? Sana kinausap na nya ako nun na may ganoong banta na pala mula kay Greta. Nung nagpaliwanag ako sa kanya, sana sinabi na nya kaagad na may mga pictures na pinadala si Greta sa kanya. Sana kinumpirma nya sa akin kung totoo ba yun. Pero hindi eh, may nagpapalipas pa sya ng sama ng loob na nalalaman. Masyado syang pabebe kaya hayun naunahan na sya ni Greta, nasira na kami. Nasaktan na ako ng sobra. Nadurog ako. Durog na durog.

Kaya ano pa ang silbi ng paliwanag nya? Maibabalik pa ba nun yung nasira naming relasyon? Mabubuo ba agad nun yung sarili ko na nagka-durog-durog?  May Greta na sya ngayon. At ako, paano ko aalisin na lang basta si Jam sa buhay ko? Hindi pa panahon para palayain namin ni Jam ang isat-isa. 

Si Jam din ang nag-udyok sa akin na unawain ko at patawarin na si Onemig. Nauunawaan ko naman sya at napatawad ko na rin. Actually hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanya pero hindi ko alam kung handa na ba akong makita sya muli. Natatakot ako na baka bumalik yung sakit at pait na naramdaman ko noon kapag nakita ko sya. Hindi ko kasi halos nakayanan non, feeling ko noon bibigay ako. Mabuti na lang napanatili ko yung lakas ng pananampalataya ko kay God kaya nakabangon ako. At si Jam. Ginamit ni God si Jam para makaahon ako sa kinasadlakan ko.

ANIM na buwan pa ang matuling lumipas. Natapos na namin ni Jam ang ikalawang year namin sa Zurich University.  Uuwi na ako sa Pilipinas gaya ng pinangako ko sa mga magulang ko.

" Sweetie naman. Hindi ba pwedeng mag-extend ka pa ng isang taon dito? " maktol ni Jam habang tinutulungan ako na mag-impake ng things ko. Sa isang araw na ang flight ko at ihahatid nila ako ni papa Anton sa airport. Isa pa nga rin yun si papa at si mama Lianna, ayaw nila akong pauwiin ng Pilipinas. Dito na lang daw ako.

" Babe nag-usap na tayo tungkol dito hindi ba? " sabi ko.

" Hayun tinatawag mo lang ako sa endearment na yan kapag alam mong nagmamaktol na ako. " nakalabi nyang turan. Natawa naman ako sa kanya. Parang bata talaga.

" Jam seryoso na. Alam na kasi nila dad na uuwi na ako. Hindi ko na pwedeng bawiin yun. Nangako ako sa kanila. Marami namang means para makapag-communicate tayo. " paliwanag ko.

" Iba pa rin syempre yung magkasama tayo. Gusto mo lang makita si Onemig kaya uuwi ka na. " litanya pa nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

" Hoy hindi ah! Hindi ako uuwi ng Sto. Cristo, dun ako sa bahay namin sa Quezon ave. titira. At ikaw kailan ka pa naging seloso ha? Tanggap ko na yang pagiging tarsier mo sa sobrang pagka-clingy mo pero yang pagiging seloso, wow man, ang labo. "

" Hindi ako nagseselos uy. Assuming nito. " gusto kong matawa sa reaksyon nya. Sarap kurutin sa sobrang cute nya.

" Eh ano pala kung ganon? Bakit mo nasabing gusto ko ng makita si Onemig eh alam mo naman na yun ang kinatatakutan ko na mangyari? " tanong ko. Lumapit sya sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Ibinaon ang mukha nya sa batok ko.

" Nalulungkot lang ako. Mami-miss kasi kita. Mag-isa na lang ako pag umalis ka. Magpi-fiesta na naman ang mga girls kapag wala na sa tabi ko ang girlfriend ko. Isipin mo rin naman ako sweetie. " malungkot na turan nya. Hinarap ko sya at masuyong hinaplos ang gwapo nyang mukha.

" Sige babe ganito na lang. Uuwi ako ng sem break, Christmas break at summer vacation dito para magkasama tayo. Kahit mahal ang pamasahe, gagawin ko para hindi ka na malungkot. Okay na? " sumilay ang ngiti sa kanyang labi na kanina lang ay nakasimangot. Hinalikan nya ako sa noo gaya ng nakagawian na nyang gawin. Ganun lang kami kung maglambingan. Yakap lang. Halik lang sa noo o sa pisngi. Hindi kami lumalampas dun sa linya na ginuhit namin.

" Yes! Ayos na yon sweetie. Basta makasama lang kita kahit ako na ang magbayad sa pamasahe mo. "

" Sus! hayan ka na naman Jose Antonio. Hindi pwede! Palagi ka na lang ganyan. Alam kong rich kid ka pero hindi ko hahayaang gumastos ka ng malaki para sa akin. Kapag ipinilit mo, hindi na ako uuwi dito. " banta ko.

" Okay , sige na. Hindi na kung hindi. " pagsuko nya. Taas pa ang dalawang kamay.

ARAW na ng pag-alis ko ng Zurich. Malungkot na isinasakay ni papa Anton ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Si mama Lianna naman ay panay ang bilin sa akin na akala mo yun na yung huli kong araw sa earth. Yung dalawang bata naman, si Andrei at Athena ay panay ang ngawa, ayaw talaga akong paalisin.

Napabuntung-hininga ako. Nalulungkot rin naman ako na iwanan sila. Ang hirap din sa kalooban ko na makita silang ganito. Nalulungkot. Sa loob ng isang taon na nakasama ko sila, hindi ko naramdaman na ibang tao ako sa kanila, na hindi ko sila kadugo. Isang tunay na kapamilya ang treatment nila sa akin kung paanong ganun din sila para sa akin.

Hindi kasama si Jam sa paghatid sa akin. Paano ba naman nag-inarte na naman kagabi. Ayaw nya daw akong makita na umalis. Well, mas maganda na nga siguro yun, baka mag-iyakan pa kami dito sa airport.

Nung tinawag na ang flight ko, dun na nagsimulang tumulo ang pinipigilan kong luha. Umiiyak akong yumakap kay mama Lianna pati na sa dalawang bata. Sa huli ay kay papa Anton na panay pa ang bilin na ingatan ko na daw ang puso ko para huwag na masaktan kundi ay baka makasakal na sya ng tuluyan. Natatawa na lang ako habang umiiyak.

Nung sumakay na ako ay nagmamadali ko ng tinungo ang uupuan ko, upang pagkatapos ay mamangha lang sa daratnan ko.

" What are you doing here? " hindi makapaniwalang tanong ko. There I saw the very handsome Jose Antonio Montreal grinning at me.

" Pinayagan ako nila mommy na magbakasyon ng Pinas. Doon ako kila lolo Juni tutuloy. Hindi ka ba masaya na kasama mo ako, ha sweetie? "

" Syempre masaya noh! Hindi ko lang akalain na makakasama kita ngayon at katabi pa ng seat. Paano mo nagawa ng mabilis yon? Ah never mind, alam ko naman na ang sagot. " turan ko ng nakangiti.

" Hahaha. Yeah right. Connections babe. Connections. Na ngayon ko lang ginawa. " totoo naman yon. Kahit isa sila sa maimpluwensyang pamilya dito sa Zurich dahil kay tita Maybelle na matagal ng nagta-trabaho at may mataas na position sa government dito, never nilang ginamit ang privilege na yon, ngayon nga lang siguro.

" Kung maka-emote ka pa kagabi akala mo totoo. " natawa na lang sya sa sinabi ko. Masaya ako na makasama ko sya. Masayang-masaya.

Hindi naman ako naiinip sa mahabang byahe namin. Hindi kasi kami nauubusan ni Jam ng pag-uusapan. Kaya siguro magkasundo kami ni Jam at nag-click kami kasi we can talk anything under the sun. Walang pretentions, lahat lantad.

Pagkababa namin ng eroplano ay nandoon na sila mommy at daddy sa arrival area na naghihintay. Binilinan ko sila na huwag sasabihin kahit kanino sa Sto. Cristo na umuwi na ako. Kahit kay Richelle at Anne pa. Alam ko naman na ayos na ulit si Onemig sa kanila pero iginagalang pa rin naman nila ang kagustuhan ko na huwag ng magkaroon ng kaugnayan kay Onemig. Respeto na rin kay Jam. At sa kakaibang relasyon namin.

Nagmano kami ni Jam sa kanila at mahigpit akong yumakap kay mommy at daddy dahil na-miss ko sila ng bongga. Hindi na nga sila nagulat na kasama ko si Jam. Siguro naibalita na ni papa Anton sa kanila.

Hinatid muna namin si Jam kila lolo Juni bago kami umuwi sa bahay namin sa Quezon ave. Magkikita naman kami kinabukasan.

Sa buong panahon nung bakasyon na yon ay palagi kaming magkasama ni Jam. Dinala ko sya sa mga places na hindi pa nya napupuntahan dahil nga hindi naman sya madalas umuwi ng Pilipinas. Pwera lang sa Sto. Cristo at naiintindihan nya yon kahit gusto talaga nyang makita ulit ang pamilya ko at makilala ang mga kaibigan ko doon.  Pinakilala ko na sya sa buong barkada, pati kay Harry at kay kuya Theo. Kasama nga namin sila nung bumisita kami ni Jam sa pamilya ni mama Lianna sa Davao at pati na rin sa pag-explore namin sa Batanes. Sila lang ang nakakaalam na nandito na ako sa bansa. Iniiwasan rin naming pag-usapan ang ano mang bagay tungkol kay Onemig.

Bumalik si Jam sa Zurich two weeks before ng school opening doon. Nalulungkot ako pero uuwi naman ako doon kapag sem break. Yun na lang ang tanging konsolasyon ko.

Ngunit ang plano na yon ay hindi ko natupad dahil nag-umpisa ng mangulit ang mga kapamilya ko at kaibigan na umuwi na raw ako ng Sto. Cristo. Matagal na daw yung nangyari kaya dapat umuwi na ako dun. Kaya napilitan akong mag part time job para may rason ako na hindi umuwi. Si Jam na rin ang umuuwi dito sa Pinas tuwing sem break para magkasama lang kami. Kasama rin namin sya nitong nakaraang Christmas at New Year dahil dito sila ng parents nya nag-celebrate ng season sa request naman ni lolo Juni.Magkakasama kaming lahat dun sa bahay ni lolo Franz sa Makati. Sila na ang lumuwas ng Manila para lang makasama ako dahil ayoko talagang umuwi ng Sto. Cristo.

Madalas ngang sabihin ni lola Paz at lola Bining na --

" Hanggang kailan ka iiwas apo? Hindi habang buhay makakaiwas ka. Magkikita at magkikita pa rin kayo kung nakatakda talagang mangyari kahit anong gawin mong pag-iwas. "

Mahal lang talaga nila ako kaya pinagbibigyan nila ako.

Ayoko pa kasi. Hindi pa ako handa.

Hindi pa.

Kaya lahat gagawin ko para hindi mag-krus ang landas namin ni Onemig. At sa mga araw, buwan at taon na lumipas tila nagtagumpay naman ako sa ginagawa kong pag-iwas dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita.

Yun ang akala ko. . .